CHAPTER 1

1417 Words
"Bernadette!" Naririnig kong tawag ni mommy mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. habang ako nasa loob ng kwarto, agad ko'ng pinagbuksan si mama ng pintuan, "Mommy?bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko sa kanya," nakita ko kasing basa pa ng mga luha ang mga mata ni mommy, "Bernadette," niyakap nya ako at muli ito'ng umiyak sa balikat ko, "Mommy. Ano po ba'ng problema?" tanong ko kay mama habang hinimas ko ang likod nya. Hindi ko alam ang problema nya. pero ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya. Ini-angat ni mama ang mukha nya at tumingin sa'kin, "Bernadette, ang daddy mo. Iniwan na tayo. Pinagpalit nya tayo sa iba, Nangilid na din ang luha ko. "Mama.." yakap ko sa kanya, habang pareho na kaming umiiyak, Si papa, iniwan kami. At pinagpalit sa ibang babae, nakaramdam ako ng galit sa kanya, akala ko kami na yung halimbawa ng perpektong pamilya, dahil masaya naman kami. Bakit ngayon biglang Nagbago ang lahat? "Bernadette, babalik na tayo sa pilipinas, doon na tayo maninirahan. Doon tayo mag-uumpisang muli," Tumango ako kay mama, "okay lang po sa'kin," sagot ko. Kahit ang totoo labag sa kalooban ko ang umuwi ng pilipinas. Masaya na kasi ako dito sa amerika, narito ang mga kaibigan ko na lagi ko'ng kasama palagi, Makalipas ng dalawang linggo, bumalik na kami sa pilipinas, doon kami magsisimula ng panibagong buhya ni mama, Nang kami'ng dalawa lang, simula kasi ng pinili ni papa ang kabet nya. Nagsimula na akong magalit sa kanya.. hindi lang sa kanya sa lahat ng kabaro ni papa galit ako. . Nag enrol ako sa school for girls, mas gusto ko don, wala ako'ng mga lalaking classmate na makikita. mas panatag ang buhay ko, "Bernadette," tawag sa'kin ni mama. Habang nakaupo ako sa beranda ng mansyon namin, sabi ni mama ito daw ang bahay namin dito sa pilipinas, ngunit hindi na daw ako nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng memories sa bahay na'to. Dahil two years old pa lang ako ng tumira kami sa amerika, dahil do'n naging bago sa'kin ang bahay na ito, Nilingon ko si mama, napangiti ako ng may dala itong meryenda, "Dinalhan kita ng meryenda," ani ni mama. umupo ito sa tabi ko, "Thank you po ma," tapos kinuha ko ang isang plato na may lamang spagetti, at orange juice, "kayo po ba ang nagluto nito ma?" Tumango si mama, "Oo, paborito mo yan diba?tanong ni mama, Sumubo muna ako,"Opo mama, ang sarap mo talaga! Mag luto nito!" Sagot ko, Tinitigan ako ni mama at huminga ito ng malalim, "Anak, wag ka'ng magalit sa papa mo!" Huminto ako sa pagkain at uminom ng juice, bigla ako'ng nawalan ng ganang kumain, kapag nababanggit si papa. Nasisira talaga ang buong araw ko, "Mama.. Wag na nating pag-usapan si papa." "Pero anak—?" "Ma, please!! Wag nyo munang ipilit sa'kin ang gusto nyo. Mahirap tanggapin na iniwan tayo ni papa at ipag-palit sa kabet nya, kaya kahit ano pang sabihin mo mama. Hinding-hindi ko sya mapapatawad!!"mariin ko'ng sabi kay mama, mabilis ko'ng pinunasan ang luhang nag babanyag tumulo sa mukha ko, "kailangan ko'ng maging matapang para kay mama,"sabi ng isip ko, "Anak..." Ngumiti ako kay mama. "Hindi ko sya kayang tanggapin ngayon. Kaya pakiusap ma. Kung gusto nating mag move on, kakalimutan natin si papa, okay ba yun ma?" Napilitang tumango si mama sa'kin, pero ramdam na ramdam ko ang di pag sa'ng ayon sakin ni mama, "Anak, Diba magaling kang kumanta? kantahan mo nga ako," ani ng mama nya, Ngumiti ako. "sige ma," tapos nagsimula na ako'ng kantahin ang THANKS TO YOU.. habang kinakanta ko 'yon. Napapaiyak ako. Kaya nang matapos ko ang kanta 'yon, niyakap ako ni mama. "Mana ka nga sa'kin anak. Iyakin ka din eh, Napangiti ako. "Like mother like daughter," *** Corpuz mansyon; "Yaya olive!" Tawag ko yaya ko. Agad namang dumating si yaya olive mula sa kusina. matagal ng naninilbihan samin Si yaya olive. halos sya na ang tumayong pangalawang ina sa'kin, lagi ko sa kanyang sinasabi na tawagin nya ako sa pangalan ko lang ngunit, ayaw nya hindi daw sya sanay, "Bakit po sir patrick?" Tumayo ako. At tinanaw ko ang kapitbahay namin. Kanina kasi may naririnig ako'ng kumakanta. Akala ko yung narinig ko. Boses ng isang anghel ang lamig at sobrang ganda ng boses. "May bago na po ba tayong kapitbahay yaya?" tumango ito sa'kin, "Opo sir patrick, bumalik na po 'yung totoong may-ari ng mansyon na katabi natin," "Ganon ba yaya? Ahm.. may anak ba 'yung may-ari ng bahay?" Tanong ko habang nanatili ako'ng nakatanaw sa kabilang mansyon, narinig ko ang boses ng isang babae. Ang ganda-ganda kasi nakaka-in love pilit ko'ng tinatanaw ang nag mamay-ari ng boses. Ngunit hindi ko iyon matanaw mula sa kinaroroonan ko, "sayang hindi ko nakita ang may ari ng angelic voice!"bulong ko, Tinitigan ako ng ni yaya olive, "Yaya! Nagtatanong lang po ako." Dipensa ko, para kasing may ibang ibig sabihin ang mga tingin ni yaya, "Wala naman ako'ng ibig sabihin, oo may anak yung may ari ng mansyon, dalaga at maganda. Kaya lang—? Tinitigan ulit ako ni yaya. Pabitin pa, napatingin tuloy ako kay yaya. Naging interesado tuloy ako sa huling sasabihin nito, "Kaya lang ano yaya?" "Kaya lang mukhang galit sa lalaki. Manhater daw ayon sa mga katulong nila," Nagsalubong ang kilay ko,"MANHATER??"ngumiti ako kay yaya,"walang manhater sa gwapong katulad ko yaya. Tingnan mo mahuhulog din yan sa s*x APPEAL ko." Umiling-iling si yaya. "Tsk!tsk! Sir patrick goodluck na lang sayo," "Ahm.. yaya close na ba kayo ng mga katulong ng kapitbahay natin," tanong ko habang nakatanaw ang mga mata ko sa kabilang bahay, "Hindi po masyado. Nai-kwento lang sa'kin ng isang katulong nila. Nung minsang nagtapon kami ng basura, bakit po sir patrick?" Lumapit ako kay yaya at minasahe ko ang balikat ni yaya. Ganon palagi ang ginagawa ko kapag humihingi ako ng favor sa kanya, "Ahihi!hihi! Sir, patrick nakikiliti po ako," "Yaya, please tulungan mo ako'ng makakuha ng information doon sa kapitbahay nating dalaga," "Sir patrick, hindi mo pa nga nakikita ang itsura ng anak ng may-ari eh, malay nyo hindi pala maganda 'yon, may balak kana agad ligawan," Kamot-kamot ako sa ulo. Si yaya talaga, kilalang kilala na talaga ako, "Yaya, nararamdaman ko'ng maganda 'yon, kasi ang ganda ng boses nya, at siguro naman walang manhater na chaka diba yaya?" "Aish! Ewan ko nga sayo sir, patrick!" "Yayaaa pleasee!!" Nag puppy eyes pa ako kay yaya!" "Sige!sige!" Sa sobrang saya ko, nayakap ko si yaya olive, "thank you yaya!" "Aysus! Ikaw talaga! Kapag basted ka. Wag mo ako'ng sisihin ha!" "Opo yaya!" Magiging girlfriend ko ya'ng si angelic voice,"sabi ko sa isip, "Kanino galing 'to?"tanong ko sa katulong namin, may dala kasi itong cake, kasalukuyan ako'ng nasa music room at nag-aaral ng bagong kanta. Hilig ko kasing kumanta. Pero ayaw ko'ng sumali sa mga contents. Ayoko ng popularity. "Galing po senyorita sa kabilang bahay."sagot ng katulong namin, Tumaas ang kilay ko, "Pakibalik po yan, kung sino man ang nag bigay nyan," "Pero senyorita. Hindi po ba nakakahiya 'yon?" Inirapan ko ang katulong namin, wala ako'ng planong magalit kaya lang, ang kulit kasi ng katulong namin, "Ibabalik mo yan! O sasabihin ko kay mama na tanggalin kana!" Mariin ko'ng sabi, Yumuko ang katulong namin, "Sorry po senyorita. Ibabalik ko na," tapos kamot-kamot na umalis ang katulong namin, "Nakakainis!anong palagay ng kapitbahay namin? Nagugutom kami? Tss!nakakasira ng araw!"bulong ko, Tapos muli ko'ng pinag patuloy ang pag aaral ng bagong kanta. Ilang saglit lang dumating na si mama, "Anak, pinababalik mo daw yung binigay na cake ng kapitbahay natin?"tanong ni mama. Umupo ito sa tabi ko, may maliit na bangko kasi sa tabi ko, "Nagsumbong ba ang katulong natin sayo mama?" "Hindi sya nagsumbong nakasalubong ko sya, at pinilit ko syang pa aminin kung kanino galing 'yon," "Hindi pa tayo nagugutom. Kaya hindi ako tumatanggap ng pagkain galing sa iba!" Sabi ko, Inakbayan ako ni mama, "Anak, wag mo'ng lahatin ang lahat ng tao dahil galit ka sa papa mo. Hindi maganda 'yan!" "Ma, ayoko ng pag-usapan pa si papa please!" Inis ko'ng sabi, "Pero anak, hindi na maganda ang naging epekto sayo ng pag hihiwalay namin ng papa mo!" "Ma!!!please!! Ayoko muna'ng pag-usapan yan!" Halos pasigaw ko, "Sorry, napalakas ang boses ko, "Bernadette.." tawag ni mama sa'kin, Hindi ako tumingin sa kanya. Dahil magkaka-iyakan na naman kaming dalawa ni mama, pinag-patuloy ko na lang ang ginagawa ko, at hinayaan ko si mama na pinanonood ako sa ginagawa ko, hanggang sa namalayan ko na lang na umalis na pala ito,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD