"Ano ba ang kailangan mo sakin? Ang aga mo naman yatang mabwiset!" Inis kong tanong kay Patrick. Nakangiti siya sakin. Habang hawak-hawak niya ang pumpon na rosas.
"I just want to give it to you." Iniabot pa niya sakin ang bulaklak. Tiningnan ko lang ito at hindi ko kinuha sa kanya.
"Magkano ba ang mga ngiti mo Idol?"
Tumaas ang kilay ko. "What are you taking about?"
"Mula ng makilala kita. Bilang sa mga daliri ng kamay at paa ko ang mga ngiti mo. Hindi ka ba napapagod na palaging nakasimangot?"
"Tch! It's not of your business."
"Sayang ang ganda mo pa naman kaya lang madamot kang ngumiti."
"Kaya ba Gusto mo si Dianne Rutcher kasi masayahin siya?"
"Nagseselos ka ba?"
I rolled my eyes. "Conceited! Masyado kang bilib sa sarili mo."
"Kung gano'n bakit ka nagkakaganyan? Nakita mo lang na hinalikan ako ni Dianne. Nagalit kana sakin. Hindi ko yon ginusto."
"I don't need your Explanation. I'm not interested." Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hinila.
"Ano ba ang kulit mo!"
Seryoso siyang tumingin sakin. "Listen! Fifteen days na lang ako dito sa Pilipinas."
"Ano?"
"You heard me Right? Fifteen days na lang ako dito sa pilipinas at gusto ko sa loob ng mga araw na 'yon ikaw ang palaging kasama ko kahit ayaw mo sakin."
Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi niya. "Bakit ka aalis?"
"Kailangan kong mag-aral sa Amerika. Doctor ang gusto nilang maging trabaho ko dahil may Hospital kami sa Amerika. Pag-umalis ako dito. Hindi na ako babalik ulit."
Natahimik ako sa mga sinabi niya hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko."
Muli niyang iniabot ang hawak niyang mga bulaklak sa pagkakataong ito tinangap ko iyon. "Gusto kong ligawan ka ulit para may dahilan ako para bumalik dito. Pero kapag talagang ayaw mo sakin. Kahit makasama lang kita sa loob ng Fifteen days masaya na ako." Tipid pa siyang ngumiti sakin.
"Okay! Pagbibigyan kita." Tumalikod ako sa kanya. "Pumasok ka magbibihis lang ako."
"Thank you Idol."
Pag-akyat ko sa silid ko tumulo ang luha ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahil. Ayoko ng ganitong pakiramdam pero hindi ko mapigilang masaktan.
"Enjoyin na mo na lang na kasama siya Bernadette." Sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos pinahid ko ang luha ko sa mga mata bago ako muling humarap kay Patrick.
"Shall we go!" Sabi niya sakin.
"Saan tayo pupunta?"
"Date! Magdadate tayo. Susulitin ko ang araw na kasama ka Idol." Kumindat pa siya sakin.
Inirapan ko siya tapos sumunod ako sa kanya.
"Kailangan pala sabihin sayo na aalis na ako para pagbigyan ako."
"Naawa kasi ako sayo kaya pumayag ako."
Tumawa siya. "Awa lang pala ang dahilan mo. Sana bago ako umalis mahal mo na ako. Kasi ako mahal na mahal kita."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Baka kasi makita niyang kinikilig ako. Hindi na kami nag-usap. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng music sa Cellphone ko.
"Idol! Ayaw mo ba ng mga pagkaing inorder ko?" Tanong sakin ni Patrick habang kumakain kami sa isang Fastfood chain sa loob ng isang Mall. Dito kasi niya naisipang magdate hindi siya kalayuan sa Subdivision namin.
Tumingin ako sa kanya. "Wala akong ganang kumain."
Bumuntong-hininga siya sakin. "Napilitan ka lang ba na sumama sakin?"
"Hindi naman Patrick wala lang talaga akong gana ngayon."
"Kung ayaw mo na talagang kainin ang lahat ng inorder ko. Ipapabalot ko na lang ang lahat ng ito." Tinawag niya ang waiter. "Pakibalot po ang lahat ng pagkaing ito."
"Bakit mo pa pinabalot yan? Mahihirapan kang magbibit."
Tipid siyang ngumiti sakin. "May mas nangangailangan ng pagkaing ito."
Nagkibit balikat ako sa kanya. At hinintay siyang ipabalot ang pagkain.
"Kuya Thank you po!" Masayang sabi ng batang babae na nasa apat na taong gulang. Ngiting-ngiti ito kasama ng tatlong batang lansangan na sobrang dudumi. Pinagmamasdan ko lang sila habang isa-isang iniaabot ni Patrick ang pagkain. Kaya pala umorder pa ulit si Patrick sa Jollibee ibibigay pala niya sa mga ito.
"Welcome umuwi na kayo sa inyo."
Tumango-tango ang mga bata. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko si Patrick na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga batang nag-uunahang ubusin ang mga pagkain.
"Let's go Idol. May date pa tayo."
"Ha? Si-sige!"
"Patrick..." Tawag ko sa pangalan niya habang nasa biyahe kami.
"Hmm.. Bakit?"
"Palagi mo bang ginagawa 'yon? I mean yung pagbibigay ng mga pagkain sa mga batang lansangan? Hindi ka ba natatakot sa kanila?"
"Everytime na kakain ako sa labas sinasama ko sila sa binibili kong pagkain. Ang mga batang nakita mo magkakapatid ang mga yon."
"Really? Bakit parang magkakaedad lang yata sila?"
"Sunod-sunod silang ipinanganak. Nakita ko pa ang mga magulang ng mga yon. Ang tatay nila namumulot ng basura sa kalsada gayon din ang Nanay nila."
"Nasaan na mga magulang nila?"
"Ang Tatay nila nasagasaan ng Truck noong isang buwan. Sabi nila ang Nanay nila iniwan na lang sila. Hindi na sila binalikan pa."
Nakaramdam ako ng awa sa mga batang 'yon. Mga bata pa lang sila Naramdaman na nila ang saklap ng tadhana. Bigla ko tuloy naalala si Daddy. Naramdaman ko na lang may dumampi sa mukha ko. Si Patrick nakatitig sakin habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi.
"Bakit ka umiiyak Idol? Dahil ba pupunta ako ng Amerika?" Biro pa niya.
Mabilis kong iniwas ang mukha ko at pinunasan ko ang mga luha ko sa pinsgi. "M-may naalala lang akong nakakalungkot."
"Minsan kailangan nating ipakita sa iba na umiiyak tayo. Nasasaktan at pinapakitang nagiging mahina tayo. Kasi hindi naman masamang ipakita sa ibang tao na may bagay na hindi natin kayang gawin at solusyunan na mag-isa. Tao din naman tayo na kinakailangan na may pagsasabihan ng problema. Kaya umiyak ka lang hanggang mailabas mo ang bigat dyan sa dibdib mo."
Hindi ko siya pinansin pero yung mga sinabi niya sakin talagang tinamaan ako.
"Hello Anak ko!"
"Wag kang lumapit sakin!!" Tinulak ko siya ng yayakapin niya ako.
"Idol!" Sabad ni Patrick. Muntik na kasing matumba si Daddy dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya.
Matalim kong tinapunan ng tingin si Patrick. "Akala ko ba manonood tayo ng sine?! Bakit nandito ang matandang yan!!" Pag-akyat naming ng second floor nakaabang na samin si Daddy.
"Idol wag kang magsalita ng ganyan sa Daddy mo."
"Hayaan mo siya Iho. Intindihin mo na lang siya." Ibinaling ni Daddy ang tingin sakin. "Bernadette anak. Gusto lang sana kitang makasama ngayon. Sana mapagbigyan mo ako."
"AYOKO!!" Tatalikuran ko na sana sila ng bigla akong hinawakan sa braso ni Patrick. Matalim ang pagkakatitig niya sakin. Halata sa mukha niya ang galit. "Hindi ka aalis Bernadette!" Mariin niyang sabi sakin.
Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Naramdaman ko din ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
"Wala kang karapatang sabihin sakin kung ano ang dapat kong gawin!"
"Don't you dare me Idol. Kapag hindi mo ako sinunod ihuhulog kita pababa ng groundfloor."
Napatingin tuloy ako sa ibaba. Bigla akong kinilabutan nang maisip kong magkakalasog-lasog ang mga buto-buto ko kapag hinulog ako ni Patrick.
"G-gagawin mo yon?"
"Dare me!" Para malaman mo ang sagot.
Siraulo ba siya? Bakit ko namang susubukan kung seryoso siyang gawin yon sakin. Iisipin ko lang na ang pangit ng itsura ko kapag namatay ako. Natatakot na akong suwayin sya. Nagpapadyak pa ako ng sumunod sa kanya.
"I hate you!!" Sinadya ko pang sabihin yon sa kanya habang nakasunod ako sa dalawa. Nagmukha tuloy akong chaperon sa kanila. Sila kasi ang nag-uusap palagi. Sabagay tinatarayan ko naman sila kapag kinakusap nila ako.
"Panyo Idol oh!"
"Thank you!" Tapos pinunas ko sa pisngi ko yon. Basang-basa na kasi ang panyo kong ginamit. Dahil sa hindi ko mapigilang umiyak sa movie na pinapanood namin. Akala ko action movie yon. Hindi pala.. Kwento pala yon sa isang pamilya kung saan ang mga anak nila ay nagrebelde at nagalit sa magulang nila dahil mas priorty ng magulang ang trabaho. Namatay ang Mommy nila sa isang Car Accident at Daddy naman nila ay nasa stage of comatose.. Umiyak ako ng umiyak dahil parang tumagos sakin ang mga masasamang salitang binitawan ng mga anak sa movie. Hindi na kasi nila nagawang humingi ng tawad sa magulang nila.
"Tito, anong nangyayari sa inyo?" Narinig kong sabi ni Patrick. Nilingon ko si Daddy. Hawak-hawak niya ang dibdib niya.
"N-nahihirapan akong huminga.."
"Daddy!!" Tumayo ako at lumapit kay Daddy. "Namumutla ka? Patrick dalhin natin sa Hospital si Daddy!" Tarantang sabi ko.
Inilalayan namin si Daddy palabas ng sinehan. Tinulungan naman kami ng security sa loob ng Mall upang mabilis na makalabas. Dinala namin si Daddy sa malapit na hospital.
"Anong nangyari sa kanya Patrick? Bakit daw siya nahirapang huminga?" Tanong ko. Hindi na kasi ako pumasok lalo ng dumating ang pangalawang pamilya ni Daddy. Nang makita ko kasi sila. Bumalik sakin ang galit ko kay Daddy.
"Okay na siya. Nahirapan lang daw na huminga dahil sa pagod."
"Gano'n ba? Tara umuwi na tayo!"
"Hindi ka ba magpapaalam sa Daddy mo bago tayo umuwi?"
Umiling ako. "Nandyan naman ang pamilya niya. Wala na akong pakialam!" Tapos tumalikod ako at naunang lumabas ng hospital upang makasakay ng kotse. Habang nasa biyahe kami napapansin kong patawa-tawa si Patrick habang nagda-drive.
"Anong nakakatawa?"
"Dahil sa nangyari ngayon mas lalo akong nainlove sayo Idol."
"Huh? Anong ginawa ko?"
"Hindi naman pala talagang bato yang si Miss Heart. Kailangan lang pukpukin ng magkaroon ng emosyon."
Inirapan ko siya. "Ang dami mong alam. Magdrive ka na nga lang dyan!"
Nagulat na lang ako ng bigla niyang inihinto ang kotse at mabilis niya akong niyakap. Hindi ko tuloy maintindihan kung puso ko ba ang naririnig kong malakas ang t***k.
"Kanina ko pa gustong gawin ito sayo. Ang yakapin ka."
Mabuti na lang hindi niya nakikita ang mga ngiti ko. Inangat niya ang mukha ko nagkatitigan kaming dalawa. Tapos para akong statue ng dahan-dahan siyang yumuko. "Sampalin mo ako kapag ayaw mo." Kasunod noon naamoy ko na ang mabango niyang hininga na lalong nagpakakiliti sa puso ko.
"I love you Patrick.."
"Say it again Idol?"
Tumaas ang kilay ko. "What?"
"You said you love me." Ngumiti pa siya sakin.
Namula ang pisngi ko. "Gaga ka talaga Bernadette! Hindi mo na ba alam ang pagkakaiba ng bulong ha? Buking ka tuloy."
"Wala naman akong sinasabing ganyan!" Alibay ko.
Pinisil niya ang ilong ko at ngumiti siys sakin. "I think hindi mo maitatago yan sa gagawin ko."
"Anong gagawin——
Napapikit na lang ako. Bigla niyang akong hinalikan. Kainis nakaw na halik. Pero bakit gustong-gusto ko kahit walang pahintulot sakin. Bahala na si Miss heart..