"Bakit ba tayo nandito Ash?" Tanong ko kay Ash. Nasa harap kami ng malaking arko ng SPIA. Sport festival ngayong Araw dito sa SPIA. Dahil hindi kami pwedeng pumasok dahil hindi kami estudyante doon. Kailangan meron kaming kakilala na maaring magpasok doon.
"Manood tayo ng Basketball Championship na ngayon." Ani Ash. Habang nakatayo kami sa gilid ng entrance ng School.
"Bakit nyo naman ako sinama? Hindi naman tayo Close?" Inis na sagot ni Julfa.
Pinagmasdan ko ang dalawa. May kasama pala akong Hypher at Cold. Balance lang. Tiningnan ko si Julfa habang tinataas niya ang makapal niyang salamin sa mata. Bakas sa mukha niya ang pagkainip. Samantalang ng dumako ang mata ko kay Ash, Parang uod na nilalagyan ng asin. Hindi mapakali sa kinatatayuan nya. Ilang beses ng tumuwag ng tumuwag at nagtetext pagkatapos nagkada haba-haba na ang leeg kakatanaw sa loob ng SPIA.
"Ang pangit na yon! Ang tagal namang lumabas niya. Baka nag-uumpisa na ang laban sa Basketball." Iritableng sabi ni Ash.
"Sino ba ang Kakilala mo dito?"
"Yung kapitbahay namin. Nakausap ko siya kagabi sabi niya pwede daw tayong manood."
"Yun naman pala hintayin na lang natin." Sabi ko.
"Teka! Diba? Bernadette dito nag-aaral ang Manliligaw mong si Patrick? Tawagan mo siya para makapasok tayo agad. Famous yon diba dito?"
Ilang beses akong umiling sa kanya."Ayoko nga Ash, baka busy na yon sa pambabae."
"Aysus! Ang drama mo! Pambabae agad? Ikaw nga nililigawan."
"Basta ayokong humingi ng tulong sa kanya."
"Haist ikaw nga ang bahala."
"Maghintay na lang kasi tayo dito." Sabi ko.
"Umuwi na lang kaya ako. Wala namang maganda sa panoorin natin." Sabat ni Julfa.
"Tingnan mo yang Nerd na yan Bernadette. Masyadong KJ! Bubunuin yata ang buhay sa pag-aaral! Pusta ko papalit yan kay Sister Anne." Ani Ash.
Siniko ko si Ash. "Tumigil ka nga dyan! Ikaw na nga itong sinamahan namin mareklamo ka pa. Ikaw lang naman ang may gustong manood dinamay mo pa kami ni Julfa." Sagot.
"Girl bilisan nyo dali!! Nandoon ang limang casanova! Dali!" Tiling sabi ng babaeng may kasamang tatlong kaibigan. Papasok sila ng SPIA.
"Sundan natin sila para makapasok tayo!" Ani Ash.
"Ayoko nga! Nakakahiya."
"Estudyante yan dito para makapasok na tayo." Lumapit si Ash sa babae at sumabay sa paglalakad. Nakipag-kwentuhan siya dito. Tapos kami ni Julfa sumunod na din. Akala ng Security Guard kasamahan kami ng apat na estudyante ng SPIA. Si Ash kasi talagang kinarir ang pagiging Feeling Close dun sa mga babae. Para lang kami makapasok sa loob. Kami tuloy ni Julfa ang nahihiya may paghampas at may pag akbay pa siya sa mga babae na akala mo matagal na silang magkakilala. Kasabay na rin namin silang apat ng pumasok ko sa Gym stadium. Pagpasok namin dun. Umaalingawngaw na sigawan ang maririnig mo. Kahit tuloy kami nasabik na malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Sa panglima kaming upuan nakapwesto Medyo malayo siya. Kahit hindi ako mahilig sa larong basketball. Napapasigaw ako kapag nakakapuntos ang SPIA. Bukod kasi sa magaling sila. Trending sa loob ng stadium ang captain ng basketball na si Frits Santiago. Sobrang galing nya at sobrang gwapo. Hindi nakakapagtatakang siya ang tinilian ng mga tao.
"Ash, Bernadette, punta lang ako ng comfort Room." Ani Julfa.
"Sige," sagot ni Ash.
Tumayo din ako para samahan si Julfa. "Sasama na rin ako sa kanya papungtang comfort room Ash." Sabi ko.
"Sige! Bumalik kayo ha! Wag nyo akong iwan mag-isa dito."
Magkasabay kaming pumunta ni Julfa patungong Comfort Room ngunit hindi pa kami nakakalayo napansin ko ang babaing nakita ko noong nag date kami ni Patrick. Kung hindi ako nagkakamali si Dianne yon. Lalapitan ko sana siya upang batiin kaya lang bigla siyang umalis sa kinatatayuan niya. Hinabol ko siya ng tingin.
"Patrick Corpuz!" Sigaw ni Dianne.
Nagtago ako sa Mga nagkukumpulang mga Estudyante na nakatambay sa labas. Upang Malaman mo ang pinag-uusapan nila. Pero dahil sa ingay ng mga estudyante hindi ko sila naririnig kaya napag disisyunan kong lapitan na lang sila.
"Halikan mo ako Patrick!" Narinig kong sabi ni Dianne na hindi nya siguro ako napapansin kahit nakaharap siya sakin. Gusto kong sabihin kay patrick na huwag niyang gawin yon. kaya lang baka hindi niya ako marinig dahil nakatalikod siya sakin.
"Kiss me!" Ulit pa niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang kitang-kita ko ang dahan-dahang paghakbang ni Patrick palapit kay Dianne. Napatakip ako ng bibig ng biglang kabigin ni Patrick si Dianne at siilin ng halik. Hindi ko na nagawang pigilan ang mga luhang nag-uunahang pumatak. Bakit ang sakit ng nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko niloko ako?
"BERNADETTE!" Sigaw ni Julfa sakin. Sa lakas ng boses ni Julfa napako samin ang atensyon ng dalawang naghahalikan. Hinila ko ang kamay ni Julfa palabas ng Stadium. "Tara na umalis na tayo!" Sabi ko.
"Pero paano si Ash?"
"Hihintayin na lang natin siya sa labas." Sabi ko habang malalaki ang mga hakbang ko palabas.
"Bernadette! Saglit lang!!" Habol na sigaw ni Patrick. Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Nagmadali kaming lumabas ni Julfa Habang habol-habol kami ni Patrick. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya kasi hindi ko naman siya Boyfriend. Pero talagang ang sakit na eh.
Hinila ni Patrick ang braso ko ng maabutan niya kami. Humarap siya sakin at tinitigan niya ako. "Please Bernadette! Makinig ka sakin. Wala lang yong nakita mo.'
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Wala kang dapat ipaliwanag sakin. Wala tayong Relasyon."
"Pero Idol ikaw ang gusto kong..."
"Sssshhh! Shut up! Wala tayo. At hindi magiging tayo. Mabuti na lang pala at nalaman ko agad. Dahil kung hindi baka doble pa ang sakit ang maranasan ko."
"Pero Bernadette.."
Pilit kong pinigilan wag pumataka ng luha ko. "Wag na wag kang magpapakita sakin kahit kailan Patrick Corpuz!" Sabay talikod sa kanya. Muli kong hinila si Julfa palabas ng Academy na yon.
Nakasubsob ang mukha ko sa unan habang nakahiga ako sa kama ko. Mula pa kanina ng umuwi ako galing sa SPIA nagkulong na ako sa loob ng Kwarto ko. At doon ko binuhos ang iyak ko. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang naging Reaksyon ko sa nakita ko. Siguro masyado lang talaga akong umasa na magbabago ang isang casanova na katulad ni Patrick. Nagkamali pala ako. Dahil katulad lang siya ni Daddy na mangloloko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Alam kong si Mama yon. Marahil ginamit na niya ang duplicate ng Kwarto ko dahil kanina ko pa siya hindi pinagbubuksan. Naramdaman kong umupo si Mama sa kama ko dahil sa paglubog ng kutson ng kama.
"Anak..." Panimula ni Mama. Hindi ako sumagot. "Bernadette Anak.. Kausapin mo si Mama."
"Mama, ayoko pong makipag-usap." Sagot ko.
"Pero anak.. Si Patrick nasa Labas ng bahay."
"Mama! Wag na wag nyong papasukin si Patrick dito kung ayaw nyong umalis ako."
"Pero hindi daw siya aalis hanggat hindi ka niya nakakausap."
Bumangon ako at humarap kay Mama. "Ayokong makipag-usap sa kanya kahit kailan. Hayaan nyo siya sa labas mabulok!" Pagkatapos muli akong nahiga. Upang matulog na.
Bumungtong hininga si Mama. "Sweetdreams Anak." Sabi ni Mama. Pagkatapos tumayo na siya at lumabas na ng kwarto.
Ako naman ay nagsimula ng matulog. "Bahala siyang lamigin sa labas!" Pabulong kong sabi.Pagkatapos tuluyan na akong nakatulog.
KINABUKASAN:
Mugto ang mata ko ng humarap ako sa salamin. Ito ang kinalabasan ng pag-iyak ko kagabi. Mabigat ang katawan ko ng pilitin kong bumangon upang ihanda ang sarili ko sa pagpasok sa School. Pagpunta ko sa kusina nakahanda ang almusal namin ni Mama. Siya kasi ang nagluluto ng pagkain naming dalawa.
"Goodmorning Mama." Sabi ko sa kanya ng tumabi ako kinauupuan niya at nag-umpisa na akong kumain ng almusal.
"Bernadette, si Patrick hindi pa umuwi sa kanila."
Huminto ako sa pagsubo ng pagkain. At huminga ng malalim. "Hindi ko na kasalanan kung magkasakit siya." Sabi ko. Pagkatapos muli akong nagpatuloy sa pagkain.
"Ano bang gagawin ko sayo Bernadette. Ang tigas ng puso mo."
"Mama! Hayaan nyo na lang po ako sa gusto ko. Ayoko lang maulit sakin ang nangyari sa inyo."
"Pero maling-mali ang iniisip mo anak! Hindi ganon yon Anak."
"Enough Mama, ayoko na pong makarinig ng kahit anong tungkol kay Daddy at kay Patrick. Kumain na po tayo." Sabi ko pagkatapos pinagpatuloy ko nag pagkain. Hindi na ako pumasok sa School dahil hindi parin umaalis si Patrick sa tapat ng bahay namin. Doon na siya nakatulog ngunit nag matigas parin ako sa kanya. Nagkulong ako sa loob ng kwarto ko. Hanggang sa si Mama na ang sumuko. Kinausap niya si Patrick ng masinsinan.
"KAHIT ILANG BESES MO AKONG BASTEDIN! LILIGAWAN PARIN KITA NG PAULIT-ULIT!" narinig kong sigaw ni Patrick. Bago siya tuluyang umalis.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos. Bumuntong hininga ako upang mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Gustong-gusto siyang takbuhin sa labas upang humingi ng tawad sa kanya. Pero hindi ko ginawa dahil natatakot akong sumubok mag mahal at paniwalin ang sarili kong hindi ako nasasaktan sa nakita ko.
"Wala talagang Forever! Walang matinong lalaki ngayon sa mundo. Kaya mula ngayon. Kami na lang ni Mommy ang magkasama hanggang sa tumanda siya."