Daren
INAAMIN ko namang hindi bad start ang relationship namin ni Amanda. I fell in lust with her and it felt right at that time na ayain ko siya ng kasal. I was really into her vivacity. Until I lived with her.
Nag-iiba nga talaga siguro ang relasyon kung magkasama na sa iisang bubong. Masyado pala kaming opposite sa isa't-isa. I knew that even though she was introvert, she was a talker but I never expected that she really loved to talk even with nonsense issues. There were times na gusto ko ng konting solitude pero hindi ko magawa kasi andon si Amanda.
Alam kong mababaw na rason ang pagiging matabil ni Amanda. Ang totoo, nagsisisi ako sa padalos-dalos na desisyon na pakasalan siya. Hindi pa pala ako handa sa buhay mag-asawa at gusto kong umalis sa pinasukan ko.
I was a coward to tell her sooner. I should have done that.
I was stressed at work and got stressed at home. Kaya noong una, sa city library muna ako dumidiretso pagkatapos ng trabaho. Dikalauna'y nag explore ako ng mga coffee shops hanggang sa napadpad ako sa Romanof Café.
And then everything changed because I met Sheila.
I was fascinated by her demeanor. I still remember the first time I glanced at her. Nakapusod ang blonde niyang buhok, nakasuot siya ng green turtle neck that emphasized her edgy facial features at nakasalamin siya habang nagbabasa ng libro.
She awoke something in me.
I knew it was wrong because I was a married man pero did it stop me from pursuing Sheila? Hell no.
I was never a player and I never cheated before. Until I met Sheila.
Was I proud of it? Definitely no.
Pero hindi ko alam kung bakit hinabol-habol ko pa rin siya hanggang sa bumigay siya. And when I claimed her, I definitely knew that she was for keeps.
But Amanda found out and I knew I was in a real deep s**t.
May feeling ako na ipaglalaban talaga ni Amanda ang relasyon namin. Siguro dahil sa guilt feelings ko kaya hinayaan ko lang siya. I knew that she was harmless naman. Or so I thought.
Nag-text si Sheila sa 'kin na sinugod siya ni Amanda sa bahay niya. Takot daw siya lalo na't buntis siya.
I was going to be a father! Now, there was a valid reason why I should end my marriage with Amanda. Nakikita ko ang future in a distance. Then out from a haze, nakita kong ginulpi ni Amanda si Sheila.
My God! Amanda was hitting a pregnant woman.
Nasaktan ko siya sa tindi ng galit ko hanggang sa sumigaw siya na buntis siya. Mas nanaig ang poot na nadama ko kaya sinabihan ko siyang sinungaling.
From being a shrew, she changed her tactics into a clingy monster. At first naawa ako sa kaniya pero nang maalala ko na mas kailangan ako ni Sheila kaya iniwan ko si Amanda.
Nahabag nang nakita ko ang namamagang mukha ni Sheila. Amanda really did some damage. May black eye ito at putok masyado and mga labi. May galos din sa pisngi at noo.
"Dar, she's really vicious," she cried.
I applied cold compress on her face. "Dadalhin na kita sa hospital." I was really worried about her status.
Umiling siya. "I shielded my stomach. My face doesn't really hurt so bad."
Napatagis-bagang ako nang makita ang sugat sa ilalim ng mata nito. "I ended everything tonight."
Namilog ang mga mata niya. "Don't be too harsh on her."
Mas lalong lumambot ang puso ko para sa kaniya. She received blows from a vicious woman pero nakuha pa niyang maging concern sa kalagayan nito.
I helped her applied some first aid on her wounds before I slowly carried her towards her bed.
"Aalis ka?" tanong niya.
Umiling ako at tumabi sa kaniya. "Sasamahan kita."
Hinintay kong makatulog siya bago ako bumangon para magtimpla ng gatas. Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang ganda ng kabilugan ng buwan.
'Nakauwi na kaya si Amanda?' biglang naisip ko.
Tatawagan ko sana si Mrs. R pero tumingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas dos na ng umaga. Nakauwi na sigro 'yon kaya ipinagwalang-bahala ko na lang.
Umuwi rin ako bandang alas otso ng maaga after assuring na okay si Sheila. I was emotionally and mentally tired kaya dumiretso ako ng kuwarto pagdating sa bahay at natulog ng ilang oras.
Nakagising ako sa gutom kaya bumaba ako sa komedor. Nakita kong inihanda ni Mrs. R ang mga pagkain sa mesa.
"Nasa bahay pa ba si Amanda?" tanong ko.
Napahinto ang katulong. "Akala ko magkasama kayo buong magdamag."
Muntik akong mabilaukan sa sagot niya. Amanda was childish sometimes but I never expected na sa ganitong level niya gagawin ang pagrerebelde. She was acting like a teenager.
I was irritated when I dialed her phone number pero cannot be reached siya. And then I realized na itinapon ko pala ang phone niya kagabi.
"f**k!" bulong ko at pinagalitan ang sarili.
I went straight to my office to call her friends and ask if andon sa kanila ang asawa ko nang tumunog ang aking phone.
"Where are you now?" tanong ng kaibigan kong si Martin Tygo.
"Home, why?"
"Daren, ihanda mo ang sarili mo sa ibabalita ko."
Biglang kumabog ang puso ko. "W-hat?"
"Ibibigay ko muna kay Drake ang phone."
Nagtaka ako kung bakit kailangang si Drake pa ang dapat magsabi. "Drake?"
"Pare," sabi niya. "Andito si Amanda sa Sunrise City Hospital."
"What is she doing there?" bigla kong tanong. Sunrise City ay kalapit siyudad ng Paradise.
Drake sighed on the other end. "She got into something. The local police are investigating what happened pero unconscious pa ang asawa mo kaya wala kaming nakuhang information."
Para akong nadaganan ng mundo sa binalita niya. Parang nahagip ng malaking truck ang puso ko sa sakit.
What have I done?
"Come here as soon as possible at ibibigay ko sa 'yo ang iba pang detalye."
Biglang kinuha ni Martin Tygo ang phone. "Don't worry about the reporters. Limited lang ang ibinigay na information sa kanila and as of the moment, wala pa silang idea na asawa mo si Amanda. But be prepared just in case."
Dali-dali kong tinawag si Mrs. R at Joe at ibinalita ang nangyari kay Amanda. Sinabihan ko rin sila na baka may dumating ditong mga reporters or police sa susunod na mga araw.
Hindi ko kayang mag lalo na't ang isipan ko ay nasa kalagayan ng asawa ko kaya nagpahatid ako kay Joe sa Sunrise.
Nag replay ang nangyari kagabi at napasuntok ako sa upuan sa galit sa sarili.
'Bakit hindi mo siya hinatid pauwi, gago?' sigaw ng utak ko. 'Bakit hindi ka tumawag kay Mrs. R kaninang madaling-araw? Bakit hindi ka nakinig sa instincts mo?'
Napag-isipan kong tawagan si Sheila pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko sa panahong 'yon na kailangang tumindig ako sa sarili kong mga paa at harapin ang kahit anumang ibabalita sa 'kin.
Mabilis akong lumabas ng kotse kahit hindi pa nakaayos ng park si Joe. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa nakita kong nasa hallway ang dalawa kong kaibigan.
"Be brave, Daren." Niyakap ako ni Martin Tygo nang napakahigpit.
Tila lalabas na talaga ang puso ko mula sa aking katawan. Parang sasabog ang utak ko sa mga katanungan.
"Ako na ang nag volunteer na ibalita sa 'yo," pahayag ni Drake nang nakaupo na kami sa isang bench. Isang undercover agent si Drake sa Namerna. "Natagpuan nila ang asawa mo malapit sa Sunrise City kaninang alas nuebe y media ng umaga."
I calculated the time and realized I was still dozing at that moment. Tiningnan ko ang aking kaibigan. "How come na napunta siya rito? She didn't bring her car last night."
Napatingin sa akin ang dalawa kaya sinalaysay ko sa kanila ang mga pangyayari.
Umiling si Martin Tygo at napabuntong-hininga naman si Drake.
"Alam kong gago ako. Sana hinatid ko siya pauwi." Nanginginig ang dalawa kong kamay na napasuklay sa aking buhok.
"She was almost bleeding to death from stab wounds, Daren." Napayuko si Martin.
Tiningnan ako ni Drake sa mga mata. "Natagpuan siyang palutang-lutang sa isang sapa. It was a secluded place kaya wala masyadong pumupunta doon. It's definitely due to luck kasi may magkatipan na nag desisyon na mag boating doon banda. Mabuti na lang at may complete name ang wedding ring niya that's why she was identified. "
Napasapo ako sa aking ulo at napasabunot sa aking buhok. 'Gago ka, Daren!' ang tanging pabalik-balik na sinabi ko sa sarili.
"Ihatid mo lang ako pauwi please. I did not bring my car today at nag taxi lang ako papunta rito." Umiiyak si Amanda sa aking harapan.
Pero hindi ko siya pinakinggan.
And this was the result of my decision last night.
"Mr. Gavalas?"
Napatayo kaming tatlo nang makita ang doktor. Tumango ako sa kaniyang direksyon.
"Do you want us to talk in private?" malumanay niyang tanong.
Umiling ako. "They're my best friends kaya okay lang."
"Well, your wife is definitely a fighter Mr. Gavalas." Hinubad ng doktor ang kaniyang gloves. "I think she did everything to protect the babe."
"B-babe?" I stammered.
The doctor nodded. "Mga three months."
Kung umulan ng guilt feelings siguro binaha na ako sa tindi ng pagkakasala ko sa asawa ko. She told me last night she was pregnant but I did not believe her!
"The police got blood samples she drew from her attackers and we'll know if ilan sila exactly." The doctor gave me a sympathetic look.
"A-attackers?" I stumbled a little bit. "D-d-did they r-r...a-abuse her?" Hindi ko kayang banggitin ang katagang r**e kasi baka kumpirmahin ng doctor at hindi ko alam kung ano pa ang magiging reaksyon ko.
"There was no vaginal or anal penetration so I believe r**e was not their primary focus. Pero base sa mga sugat niya, she was bound, choked and badly beaten." Umiling ang doctor. "May mga bite wounds din siya sa collar bones, breasts, thighs and some other parts."
"Oh my God!"
"In my opinion, I am rather confused about the six stab wounds on her pelvic region."
"Our baby?" I hoarsely asked.
Napatikhim siya. "It's as if they knew she was pregnant all along. The methods were fast though poorly executed. Mrs. Gavalas fought her best but all her efforts were in vain. I am sorry, the baby did not survive."
I could hear bells ringing in my ears. The beating of my heart was at its highest intensity. The hammering neurons in my brain seemed to burst from shock. The only words which flashed repeatedly were 'What have I done?'
"Sorry..." Hindi ko napigilang humagolgol sa harapan ng tatlo. At alam kong hindi magbabago ang lahat sa katagang sorry.
"You have to get your s**t together, Daren. Your wife needs you now." Umupo si Drake at tinapik ang balikat ko.
"Sir, your wife needs you in this critical period. When she wakes up, she will not only be devastated from the baby's loss. She - "
"She what?" Mabilis na tumingala ako sa doktor. Pinilit kong i-focus ang nanlalabong paningin sa kaniya pero hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin.
"She what?" tanong ko ulit.
Nakita ko ang struggle sa emotions sa mukha ng doktor. Tila ba nahihirapan siya kung paano ibabalita sa 'kin ang sumusunod.
"She what?" sigaw ko.
Napatingin ang doctor sa mga kasamahan ko at ibinaling ulit sa akin. Bumuntong hininga siya at medyo nanginig ang boses na sinabing, "P-pinutol nila ang dila ni Mrs. Gavalas."
After a few moments of internalizing what he said, I passed out.
***************************************
Isa lang din ang masasabi ko....
GAGO KA DAREN! GUSTO KITANG IBITAY PATIWARIK!
Pero hoooo haaaa hoooo haaaa... relax relax *breathe in - breathe out*
So, ano na ang mangyayari kay Amanda kapag gumising siya?