Chapter 4 - That Night (1)

1663 Words
Amanda MUNTIK kong mabitawan ang cellphone nang marinig ko ang balitang nadisgrasya si Daren. Wala sa tamang pag-iisip ng umalis ako ng trabaho bandang alas siete y media ng gabi. Dali-dali akong pumara ng taxi at ibinigay ang address sa driver. Alam kong ka estupidahan ang ginawa ko dahil hindi ako nag double check sa detalye pero tulirong-tuliro na ako. I was never good in emergency cases since I was a kid. At ilang beses na akong sinabihan ni Auntie Nita noon na dapat kalma lang ako palagi. Bumaba ako sa taxi at binasa ulit ang text ng address. Tumingin ako sa paligid at nakita ang nag-iisang bahay sa malapit sa mga kakahuyan. Nagtataka ako kung bakit bahay ang nasa harapan ko. Kung nadisgrasya si Daren, bakit hindi diniretso ito sa hospital? Unless... "s**t, naloko ako." May galit na sumibol sa puso ko habang nagmartsa at kumatok ng malakas sa pinto. "You're here!" Isang nakangiting Sheila ang bumungad sa entrada ng pintuan. Sinasabi ko na nga ba! Bakit ba napakatanga ko? Bakit hindi ako nakinig sa aking instinct kanina? "Nasan si Daren?" Nanlilisik ang mga mata kong hinarap siya. She had the gall to smirk at me. "Kung hindi ka lang tanga - " Isang kambal na sampal ang pumutol sa mga sinabi niya. "What the hell is wrong with you?" Nanlaki ang mga mata niya at walang sabing hinila ang buhok ko. Napa-aray ako sa gulat at natagpuan ang sarili na nakapasok na pala ako sa bahay niya. "Mang-aagaw!" sigaw ko habang pinilit na kumawala sa mga sabunot niya at humanap ng tiempo para masuntok siya. "Ikaw ang sumugod dito!" Hinablot niya ang buhok ko na halos matanggal na ang mga ito. "Animal kang babae ka!" bulyaw ko at kinalmot ang mukha niya. "Ang kapal mong mang-agaw ng asawa. Buntis ako animal ka!" Napatigil kaming dalawa sa gulat. f*****g s**t! Nagulat din ako kasi sa kabit pa ng asawa ko nasabi ang dapat sanang si Daren ang unang makakaalam. Nabitawan ako ni Sheila kaya umatras ako at inistema ang susunod na gagawin niya. Umiling siya. "Hindi totoo 'yan." Minasahe ko ang aking sumasakit na anit. "The doctor confirmed it this morning. Kaya pwede bang lubayan mo na kami." Tila umuusok ang ilong ni Sheila sa galit at akmang susugod sa 'kin. Ngunit napaghandaan ko ang gagawin niya kaya inunahan ko ng suntok ang mukha niya. Two f*****g times. Nakita ko siyang gumulong sa sahig at hindi ko pinakawalan ang tsansang masaktan siya ulit. Sinakyan ko siya at pinagsasampal ang kaniyang mukha. "Take that b***h!" sigaw ko. Introvert ako by nature at hindi basagulera. Pero nakaranas na rin ako ng ganitong klaseng away noong high school years kapag nasagad na talaga ang pasensya ko. Inaamin ko namang medyo sumobra ang ginawa ko pero nandilim na talaga ang aking paningin kaya hindi ko nakontrol ang sarili. May marahas na humila sa 'kin palayo kay Sheila. Tumingala ako at nakita ang galit na galit na mukha ni Daren. Fucking s**t! Lumingon ako sa babae at nakitang umiiyak siya ng todo habang hawak-hawak ang kaniyang mukha. It was then that I realized that I was framed up by the b***h. "Anong ginagawa mo, Amanda?" Tila lumindol ang paligid sa lakas ng sigaw ni Daren. For a moment I was tongue-tied and my mind wandered why I was framed up. I shrugged and tried to organize my thoughts when he grabbed my upper arm and dragged me outside. "Daren, nasasaktan ako," tanging nasambat ko. Tahimik lang si Daren at naramdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan. He was definitel angry. Very very angry. "Daren, let me explain. You see, may tumawag sa 'kin na you got into an accident. Pumunta ako ri-rito and I s-saw h-her." Hindi ko alam kung sa ginaw ng paligid o sa takot kaya ako nauutal. "What the hell are you doing, Amanda? How could you hurt a person like that?" He shook my shoulders so hard that I could almost hear my teeth chattered. Tinulak ko siya. "B-bakit a-ayaw mong maniwala sa akin?" "You hurt her!" He ran his fingers through his hair and released an angry sigh. "We are through. Wala na rin ang ninety days." Napaatras ako sa mga sinabi niya. Parang umikot ang mundo at dumidilim ang aking paningin. "You can't mean that," I managed to say. "This is final." His jaw clenched. Dito lang ba magtatapos ang lahat? 'Yong parang nagbabasa lang ng libro na isinara o itinapon agad kung hindi nagustuhan ang takbo ng plot? Nadama ko sa mga sandaling 'yon na kritikal ang bawat galaw ko. Pero tao lang akong umibig sa kaniya at gagawin ko pa rin ang lahat para subukang huwag siyang lumayo. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga braso. "Sorry na. I was just worried about your safety. Hihingi ako ng tawad kay Sheila if 'yan ang gusto mo. Just don't leave me please..." "Bakit pa tayo magsasama, Amanda? Hindi natin mahal ang isa't-isa." Pilit niyang kumalas sa pagkakahawak ko. "Sheila texted me a while ago that she's carrying my baby. Sana naman maintindihan mo na kailangan niya ako." "Pero ako ang buntis Daren. I am three months on the way!" I blurted out without thinking. Gusto kong ipaintindi sa kaniya na kailangan ko siya. Tiningnan niya ako at hindi ko inasahan na galit ang makikita ko sa mga mata niya. He grabbed me suddenly and squeezed my upper arms as if he could get all of the information out from me. "You. Are. A. Liar." He clenched his teeth. Namuo ang luha sa aking mga mata at hindi ko mapigilang umiyak. "Daren, buntis ako. Si Sheila ang nagsisinungaling. Asawa mo ako, bakit ayaw mong maniwala sa 'kin? I won't let you go." "I don't love you – not before, not now, and seeing you hurt someone else, I will never love you." Napahagulgol ako sa kaniyang pahayag. Hindi ba dapat sumuko na ako? Pero kung gagawin ko 'yon, paano ang anak namin? "What did I do wrong?" I quivered. Pero iba ang sagot niya, "Pag-usapan natin 'to bukas, Amanda. Go home now at huwag mo na akong hintayin." Tumalikod siya at lumakad sa bahay ng kaniyang kabit. "I j-just want to know," iyak ko. "Do you think I deserve it?" Huminto ang lalaki pero hindi siya lumingon. "We fell in lust Amanda and it's not a good basis for marriage. People change in years. I changed but you did not." "Anong ibig mong sabihin?" Napakunot-noo ako sa turan niya. "I was pretty immature three years ago. Inaamin kong you intruiged me until we got married." Lumingon siya at nakita kong walang bahid na emosyon ang kaniyang mukha. "You just never learned to shut up." Napaawang ang bibig ko. "You are insensitive to others' feelings. Gusto mo lang ikaw laging nasa limelight. You're egocentric at its worst," he spat. "Ohh." Tiningnan ko siya for the first time in many months – 'yong tiningan ko talaga kung sino at ano siya.  He was not the same man with whom I fell in love with. Sinubukan ko ulit. "I'll do whatever you want. I will contain my talkativeness. Itatago ko ang emosyon ko. Gagawin ko lahat huwag mo lang ako iwan – huwag mo lang kaming iwan ng baby." "Amanda, hindi mo naiintindihan," sabi niya. "I am in love with her." "But I love you!" sigaw ko. There I finally found the courage to say it. Naghihintay na baka ang mga salitang 'to ang magsisilbing tulay sa relasyon naming dalawa. Napaismid ang lalaki. "Hindi mo ako mahal, Amanda. Mahal mo lang ang sarili mo at ang pantasyang ginawa mo. Kasi palalayain mo ako kung mahal mo talaga ako." Malalaking butil ng mga luha ang dumaloy sa mga mata ko. Patakbong lumapit ako sa kaniya. "I've been in love with you for a long time now." Hindi umimik ang lalaki. "Sige pag-usapan natin ito bukas kung gusto mo." Nag expect ako na kaawaan niya ako. Kahit awa nalang ang maramdaman niya ay okay lang sa akin. "Ihatid mo lang ako pauwi please. I did not bring my car today at nag taxi lang ako papunta rito." He looked at me and replied without emotions. "You came here alone, now you go home alone." Gusto kong ipaintindi ang sitwasyon sa kaniya kaya kinuha ko ang phone mula sa aking bag at ipinakita sa kaniya. "You read my messages and you'll know why I'm here." Natakot ako nang lumayo na naman siya kaya nilunok ko ang natitirang pride sa katawan ko. Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap ang kaniyang mga hita. "Please basahin mo ang messages sa phone ko." "Stop it, Amanda. Just stop it." Kinuha niya ang phone mula sa kamay ko at parang batong itinapon ito sa malayo.. Hinigpitan ko pa rin ang pagkayakap ko sa mga hita niya at umiyak. "This place gives me creeps. Takot akong umuwing mag-isa. Please naman oh ihatid mo ako pauwi." He shook his legs to set me free but when I did not budge, he bent and pulled me up. "Wala akong pakialam kung anong mangyayari sa'yo, Amanda. Pumunta ka rito para saktan si Sheila. You barged here alone so you get out from here alone." "Ang gusto ko lang naman ay ihatid mo ako pauwi," hikbi ko. "'Yan lang muna Dar, please drive me home." "No!" Itinulak ako palayo sabay sabing, "At simula ngayong gabi wala na akong asawa." Umalis siya papunta sa mga yakap ni Sheila. Naninikip ang aking dibdib habang tiningnan ko siyang lumayo. Nakaluhod pa rin ako at humihikbki sa realidad na wala na talagang pag-asa ang relasyon namin. "Mommy tried her best, anak." Napakagat-labi akong tumayo at lumingon sa paligid. Wala sa sariling lumakad ako palayo sa bahay ni Sheila. Inihanda ko ang sarili noon pa man na baka nga iwan ako ni Daren at sumama siya sa kabit niya. Pero masakit pa rin ang kumpirmasyon. Hindi ko lang napaghandaan ang mga konsekwensya ng mga desisyon namin sa gabing 'yon. ***************************** A/N: This chapter is dedicated to a friend who told me once na gagawin niya lahat para sa pag-ibig. Kahit na luluhod siya sa harapan ng lalaki at kahit na sabihan siya ng martyr ng ibang tao. Kasi para sa kaniya, kung ayaw na ng lalaki kahig ginawa niya na lahat, ibig sabihin hindi na siya nagkulang pa. When I heard that, I was like... "Patayuan ng rebulto!" If it's you... gagawin mo ba lahat lahat para sa pag-ibig? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD