Amanda
"AALIS ka?" manghang tanong ni Jane. "Magsisimula na ang contest in twenty minutes."
"Nagugutom talaga ako Jane," sagot ko sa kaibigan. "I'll be back in ten minutes."
Umirap siya bago itinuon ang atensyon sa mga alahas sa mesa. "Hmpf! Knowing you baka naman excuse mo lang 'yan para tumakas ha."
Tumawa ako ng mapakla. "Ano ka ba. I need to calm my nerves lalo na't third week na at hindi ko pa nakikita ang aking Hades."
Sasagot sana ang kaibigan nang may lumapit dito para magpaturo kung paano isuot ang dinisenyong kwintas. Absorbed masyado si Jane kaya umalis na ako ng dressing room. Alam kong busy masyado si Fernie ngayon kaya hindi ko na rin siya hinanap.
Pumunta ako sa pinakamalapit na convenience store at kumain ng instant noodles. At least ang mainit na sabaw ang nagpakalma sa'king anxiety ngayong gabi.
Sa totoo lang, ayokong tingnan ang contest kasi alam ko na hindi ko makikita ang hinahanap kong model para sa painting. At nagsimula ng tumaas ang stress levels ko lalo na't papalit nang papalit ang deadline.
Saan ko hahanapin si Hades?
"Excuse me, pwedeng umupo rito?" tanong ng isang babeng teenager.
Lumingon ako sa paligid at nakitang puno ang mga kiosks kaya tumango ako.
Umupo siya sa aking harapan at sinumulang papakin ang donuts na binili. Hindi ko napigilang humanga sa kagandahan ng babae nang tingnan ko siya ng husto. "Model ka?"
Namilog ang mga mata ng babae na nakatago sa malaking eyeglasses. "Hindi po. I'm currently studying Chemistry at Sunrise City University."
"Really? Alumna ako sa SCU," nakangiting sagot ko. "I really thought na model ka kasi ang tangkad mo, slim at pang billboard ang beauty mo."
"Th-thank you po," namumulang pahayag niya. "Model po ba kayo?"
Tumawa ako sa turan niya. "I'm just five two kaya kinulang sa height."
"Are you doing cosplay po?" tanong niya.
Tumawa na naman ako. Kasi alam ko kung bakit niya naitanong 'to. Dahil desperate na talaga akong makita si Hades ay nagpasya akong gampanan ang role ni Persephone. Nagsuot ako ng puting Grecian style gown at sandals with matching jewels pa. Pinalugay ko ang aking napakahabang buhok at nilagyan ko ng mga bulaklak ito.
"Style ko lang 'to," natatawang sagot ko.
"Are you one of those Greek nymphs?" curious na tanong niya.
Umiling ako. "I decided to be Persephone this time."
Ngumiti ang babae. She was about to reply when a large man came and hugged her from her back. Tumili siya ng konti bago lumingon sa likuran niya. Madali niyang inubos ang pagkain bago tumayo.
"Nice meeting you po," sabi niya bago umalis kasama ang lalaki.
Minsan talaga hindi may mga taong makakasalamuha natin only once in this lifetime. Kinuha ko ang lapis at maliit na sketchbook sa'king bag at napangiting tiningnan ang dalawang lumabas galing convenience store.
Ah young love birds!
Kusang gumalaw ang aking mga kamay at iginuhit silang dalawa habang magkahawak kamay. Halatang masayang-masaya sila at tila ba wala nang bukas.
Iginuhit ko sila habang inaalala na katulad ko siya noong nag-aaral din ako sa SCU. Palagi kong kasama ang aking first love at akala ko siya na ang makakatuluyan ko pero nagbabago pala talaga ang tao.
Naputol ang aking pagmuni-muni nang may tumapik sa 'king braso. "Miss, pasensya na talaga pero bawal po mag standby dito if hindi kakain," sabi ng isang sales associate. "Okay lang po sana kung hindi rush hour."
"Don't worry," nakangiting sagot ko. Ibinalik ko ang materials sa bag at tumayo ako at lumabas ng tindahan.
Hades, magpakita ka naman oh!
Napakislot ako nang maramdaman kong maluwag ang aking sandals straps. Yumuko ako para itali ang mga ito nang mahagip ng isang bagay ang aking puwet kaya nasubsob ako sa daan.
"s**t!" napamura ako sa gulat.
"Sorry, hindi ko inexpect na hihinto ka bigla..."
Napaungol ako, "A little help would be..."
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang maramdaman kong binuhat ako. Hindi ko masyadong kita ang hitsura ng tao kasi nagkabuhol-buhol ang buhok ko sa mukha ko at pinilit kong ayusin muna ito. Kahit na ganoon ay dama ko pa rin ang init ng katawan ng lalaki.
"Where are you taking me?" 'di ko mapigilang tanong. "Are you k********g me? Baka human trafficker ka."
"Sa isang bench sa park," buo ang boses na sagot niya. "Wala akong balak na mangidnap ng kahit na sino. Wala kasing ibang mauupuan. I just want to check if your legs are alright."
Uminit ang aking pisngi sa sagot niya. Nakakahiya naman talaga ang pagiging assuming ko minsan. Napakislot pa rin ako kahit na dahan-dahan niya akong ipaupo sa bench.
"Mahapdi pa rin ba?" Nakaluhod siya at nakatungo at tiningnan ang aking mga tuhod.
"Okay lang 'to basta huwag lang ang aking mga kamay," malumanay na sabi ko habang tiningnan ang aking mga kamay kung may sugat ba.
Tumingala siya. "I think makakalakad ka naman ng maayos. Sorry if naging impulsive akong kargahin ka."
Napasinghap ako sa nakita. "Hades..."
Although gabi na pero maraming ilaw ang parke kaya kitang-kita ko ang buong hitsura ng taong tumulong sa'kin.
"Hades?" nagtatakang tanong niya.
I placed my hands on his shoulders as I gazed into his smoldering eyes. I wanted to tell him many things but I did not know why there were only two words which came out from my mouth. "One night."
Parang nahulog ako mula sa langit sa mga mata niyang grey na may greenish flecks. Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang aquiline nose niya hanggang ipinatong ko ang aking mga daliri sa kaniyang mga labi.
Perfect!
Hindi ko ininda kahit na shock siya nang bigla kong suklayin ang kulot niyang mga buhok na tila kasing dilim ng gabi.
"Miss?"
Parang hindi ko siya narinig kasi pinisil ng isang kamay ko ang dibdib niya at ang kabila naman ay hinahaplos ang kaniyang matitipunong braso. "So hard." Napakagat-labi ako dahil ito na talaga ang inspirasyong hinanap ko ng ilang buwan. "Ngayong gabi please..."
Hinawakan niya nang mahigpit ang aking mga kamay at prankang sinabi, "Miss, hindi ako mahilig sa one night stands. I do not f**k women who think they are from Greek mythology, no matter how hot they are."
Something snapped inside me when I heard what he said. Tumayo siya at akmang aalis pero hinawakan ko ang coat niya. "I just want to paint you."
The man turned and folded his arms as he regarded me with sudden interest.
"I am Amanda Mamiska and I desperately need someone to be a model for my painting." Medyo may panic na sa boses ko.
"Why me?" taas kilay na tanong niya.
"Why not you?"
Kumunot ang noo niya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Artist's instincts," sagot ko. "You have a Greek god's aura and confident ako na I can give justice on your wonderful physique lalo na kung paglalaruin natin ang light and shadows."
"Anong makukuha ko kung papayag ako, Miss?"
"I will pay you pero huwag mo lang taasan ang presyo mo." I mentally counted my bank account at sana nga naman makaabot pa 'yon sa fee ng lalaking 'to. Nangangati na talaga ang mga kamay ko at gustong-gusto ko na siyang ipinta. Ayokong mawala ang oportunidad at medyo obsessive ako kapag nakita ko ang subject na gustong i-capture sa'king canvass.
His eyes raked through me once again before he naughtily smiled. "I don't do one night stands but I can make you mine for a week."
Napahinto ako sa sinabi niya at medyo nag-hesitate.
"Ayaw mo?" nakakalokong tanong niya.
I really didn't know if he was joking or not. Binabalanse ko ang mga nagawang kamalian noon at sa mga pwede ko pang gawin sa future. The urge to paint him could never be denied or I'd go crazy. I held up my hand, signaling for him to wait for a moment, as I called a friend.
"Where the hell are you, Mandie? Tumakas ka na naman ano?" natatawang tanong ni Jane.
"Jane, please tell Fernie na I won't be coming back tonight sa bahay niya. I met Hades and he'll be spending on my studio..."
"Baka excuse mo lang 'yan kasi may titirahin ka na naman ha, Mandie?" pilyong sabi ni Jane.
Umiling ako. "Don't worry..."
"Anong don't worry ka diyan? Sasama ka sa isang estranghero? Alam mo namang delikado 'yan, Mandie."
"Ibibigay ko sa'yo ang details ni -" s**t! I didn't know his name. Tumingin ako sa kaniya at sumenyas kung ano ang pangalan niya. I was relieved when he mouthed it to me. "I'll send to you the details of Daren Gavalas."
"Daren who?"
"Daren Gavalas," sagot ko.
"Don't joke with me, Amanda Mamiska." Parang hysterical na ang boses ni Jane.
Kinuha bigla ng lalaki ang phone at kinausap si Jane. "I'm Daren Gavalas and I'll take care of your friend for a couple of days."
Napatalon ako at kinuha ang phone mula sa kamay niya. "See? Alam mo rin naman ang address ng pad ko so you can visit us tonight or tomorrow. Wabyu!"
I ended the call and looked at him. s**t, kahit na nakatayo na ako ay sumasakit ang batok ko sa katitingala sa lalaking 'to.
"Are you coming with me?" I smiled and offered my hand to him.
He pondered on my question once again before taking my hand gently. "Yes."
At sa gabing 'yon nagsimula ang masalimoot na relasyon ko kay Daren Gavalas.