Amanda
"FERNIE, wala pa rin akong mahanap na inspirasyon para sa painting." pagmamaktol ko sa aking kaibigan.
Tumawa siya sa kabilang linya ng telepono. "Ano ba kasi ang theme ng customer mo?"
I twirled my fingers around my red hair. "Nude portrait ng Greek god na si Hades. Gusto niyang i-display sa kuwarto niya."
"Eh kung kukuha na lang siya ng p**n pictures para pantasyahan niya?" naaaliw na tanong ni Fernie.
"Eccentric kasi si Ms. Tonja at saka matandang dalaga na," biro niya, "at baka hanggang pantasya na lang talaga ang kaya niya. I don't want to disappoint her that's why I want to make the best Hades portrait for her."
"Kaya mo 'yan, Mandie."
"I can't find any inspiration at all, Ferns," I groaned in despair. "Siguro nawala na ang magic touch ko."
"Pweh!" Pinakawalan niya ang kaniyang favorite expression. "Why won't you come to my humble abode para tululngan akong i-sort ang mga designs ko? May competition akong sasalihan in three weeks."
Parang umilaw ang bombilya sa ulo ko sa sinabi niya. "Talaga?"
Nag-aral ng fashion design si Fernie at may dalawa siyang botiques sa Sunrise City. Plano rin niyang mag branch out sa ibang parte ng bansa kaya diligent talaga ang aking kaibigan sa trabaho. Tinutulungan ko siya noon sa mga tema kung sasali siya sa mga patimpalak kaya hindi na rin bago ang imbetasyon niya.
"May mga male models dito Mandie at baka mahanap mo ang Greek god mo," halos pabulong na sabi niya.
Lumingon ako sa kalendaryo at napabuntong-hininga. May tatlong buwan na lang na natitira bago kunin ni Miss Tonja ang inorder na painting. She was my first customer na kababayan naming sa probinsyang Ortesh kaya ayokong madismaya siya sa resulta ng painting.
"Ferns, pupunta ako diyan sa makalawa if okay lang," ani ko.
"Pupunta rin dito si Jane para sa designs ng jewelries sa contest."
Namilog ang mga mata ko sa sorpresa. "As in? Matagal ko nang hindi nakikita ang babaeng 'yon pagkatapos umalis ng bansa."
"Dumiretso ka na sa bahay," pahayag niya, "at same code pa rin ang lock."
Napangiti ako kasi if I remember correctly, birthday ng ex-fiance ni Fernie ang code. So, hindi pa pala naka move on ang aking kaibigan after three years na iniwan siya ng lalaki. Itatanong ko sana sa kaniya ang tungkol sa code pero ayokong mawala siya sa mood kaya kinimkim ko na lang.
"See you in Friday, Ferns," paalam ko sa kaniya. "Wabs."
"Wabyu too," pahayag niya bago pinutol ang linya.
Tumayo ako mula sa kama at nag-inat ng katawan. Baka nga naman makikita ko si Hades sa parteng 'yon ng Sunrise City.
Napatingin ako sa photo frames na nakasabit sa dingding ng aking kuwarto. Tatlong taong nakangiti mula sa black and white na litrato. Dalawang taong hindi ko na nakita mula pagkabata at isang taong itinakwil ako. Sila lang naman ang aking pamilya.
"Magtatagumpay ako sa larangan na 'to, Mama, Papa at Auntie," pahayag ko sa photo frames.
Hindi naman talaga ako masyadong ambisyosa. Sa katunayan nga isa lang naman ang desire ko at ito ay mabaptismuhan ng mga gods of arts dito sa bansang Namerna. Sabi ng mga kapitbahay ko sa Ortesh ay 'eccentric' daw ako masyado pero tinanggap na lang nila ito bilang pagiging 'artist' ko.
Alam din ng mga kakilala namin sa probinsya na ang talento ay galing sa gene pool mula sa aking ina na 'artistic' dancer sa isang stripper club at sa aking ama na isang frustrated author. Wala rin akong tsansang itanong sa kanila kung paano sila nagka-ibigan kasi namatay sila sa drug over dose noong ako'y pitong taong gulang pa lamang.
Kaya si Auntie Nita, ang nakakatandang kapatid na dalaga ng aking ama, ang nagpalaki sa'kin. Hindi niya ma kontak ang pamilya ng aking ina dahil naglayas ito mula sa kanila at hindi rin alam ng mga katrabho sa club kung saan talaga galing ang babae. Sa tingin nga nila ay dayuhan si mama sa Namerna at illegal na nakarating dito. Kaya kahit nahihirapan ay si Auntie Nita na talaga ang nagtaguyod upang mabigyan ako ng magandang buhay.
Okay naman si Auntie pero napaka strikta at relihiyosa. Ayaw niya rin sa aking pagiging artistic. Pinagalitan niya ako minsan nang malaman niyang gusto kong maging isang artist. Para sa kaniya ang passion for the art was a hideous crime. At isang napakalakas na sampa ang inabot ko nang minsang napasagot ako ng, "Pero Auntie, artist din naman ang Diyos."
Halos araw-araw ang pag-aaway namin kaya nang makakuha ako ng scholarship sa Sunrise City University - School of the Arts ay nag-alsa balutan na ako. We did not part ways in good terms. Pero kailangan kong lumipad sa sarili kong mga pakpak. Kaya nang tumapak ako sa siyudad ay nangako ako sa sarili na aalisin ko lahat ng katahimikan at hiya sa aking katawan.
Tumingala ako sa portrait ng aking pamilya at ngumiti. "Auntie, you can't bind nor control me anymore. I've been living in a hedonistic life for a couple of years now since I came here."
"Maharot!" Parang narinig ko si Auntie na sinigawan ako.
I just smirked at the picture and then went to prepare my materials.