Chapter 1

3259 Words
“Then Moses and the Isralites sang this song to the LORD: “I will sing to the LORD, for he is highly exalted. Both horse and driver he has hurled into the sea.” – Exodus 15:1 -- Chapter 1 Angel Loise Inaamin kong, tinubuan ako ng kaba pagkatapos iyong sabihin ni Atty. Divino. Kahit ang dagdag niya ay sa akin muna, pansamantala, ang pamamahala sa farm. Hindi kaya alam ng bagong may ari na… lugi na ito? May iilang baka at tupang natitira sa koral pero mapapayat na dahil napabayaan ko. Wala akong alam malibang bigyan sila ng pagkain. Pero ang sabi ni Manang Lucinda ay hayaan ko na ang bagong may ari ang mag alaga at baka pabayaran pa sa akin kung mamatay sa puder ko ang mga ito. Iyong pagbabayad ang iniiwasan ko. Kailangan kong magtipid ngayon. Mahihirapan akong magsimula ulit kung walang wala ako. Sinabi ko kina Manang Lucinda at Roselia na pinaiiwan ako ni Mr. Draco de Narvaez. Naguluhan din sila noong una. Ang sabi agad ni Roselia ay ipagpapaliban niya ang pag alis para samahan ako rito. Tiningnan siya ni Manang. Marahang tumango tapos ay sinulyapan ang pantry. Bumuntong hininga ako. “Maggo-grocery po ako bukas.” Yumuko si Roselia, pinagpatuloy ang pagpupunas ng antique na mesa, kahit tapos na niya iyong gawin kanina pa. Si Manang ay tumungong cabinet at kumuha ng tatlong tasa pang kape. “Sasamahan kita. Kilala ko ang mga tindera sa palengke. Pwede tayong makadiskwento kahit maliit.” binuksan ni Manang ang garapon ng kape at nilagyan ang mga tasa. “Thank you po, Manang.” “Ah! Kailangan din sigurong i-maintain itong villa, ma’am Angel. Kaya siguro ayaw muna kayong paalisin ni Mr. De Narvaez.” Biglang komento ni Roselia. “Wala akong ideya. Roselia.” “Kung pinapaiwan ka rin lang bagong may ari, hindi na rin muna ako uuwi sa amin. Sasamahan ka namin ni Roselia hanggang sa magdesisyon kang umalis.” “S-Salamat po talaga, Manang. Naabala ko po kayo ni Roselia.” Nahihiya ako dahil mae-extend ang pag stay gayong wala na akong pampasweldo. Pero ang malasakit nila sa akin ang nagpainit sa dulo ng mga mata ko. Noong nabubuhay pa si Don Francisco, hindi kami ganito mag usap ni Manang Lucinda. Medyo naging malapit lang kami nang magkasakit ang asawa ko at siguro ay wala siyang pagpipilian kundi ang kausapin ako. Napakabata kong tingnan para sa Don ng bahay na ito at iyong ilang niya sa akin ay naiintindihan ko. Hindi sila sanay na may babaeng amo at ilang dekada ang agwat sa lalaking amo. At idagdag pa na hindi rin ako palakausap magmula nang tumuntong ako sa Calavera farm. Habang nagkakape kami ay dumating si Heaven. Dinalhan niya kami ng lutong ulam. Nagsaing si Manang at pinagsaluhan namin ang dala ng kaibigan ko. It was so refreshing to see her here in the villa. Most of the time, magkasama sila ni Dreau kapag bumibisita pero dahil ilang taon pa lang ako rito, ay hindi iyon madalas. At may pakiramdam din akong ayaw ni Dreau na pumunta rito. Katulad ng kanyang kaibigan, hindi niya rin gusto ang napangasawa ko. Don Francisco tried to make friends with a Frago but it didn’t work. Hindi niya rin pinilipit. Negosyo ang nakikita kong dahilan kung bakit niya iyon ginawa. “Ang sabi ni daddy, pwede ka naman daw hindi sumunod sa hiling ng nakabili dahil nabili na sa inyo itong farm. Ipasabi mo na lang sa abogado mo ang naging desisyon mo.” she takes a look at the old-fashioned interior design of the villa’s living room. May mataas at malaking banga sa tabi ng pinto at bintana. “Naisip ko rin naman ‘yan. Kaya lang… wala ring mawawala sa akin kung hintayin kong dumating dito si Mr. De Narvaez. Sinigurado naman sa akin ni Atty. Divino na wala nang naniningil kay Don Francisco. Hindi sa gusto kong takbuhan ang inutangan niya. Kinabahan ako. Kasi… baka mayroon pang hindi nababayaran.” Tinawanan ko ang huling sinabi. Kahit na pilit. Dahil pinagmamasdan akong maigi ni Heaven. I looked down at my fingers. “I’m here, Angel. You know you can count on me. Katulad noon kung paano mo ako tinulungan. Gusto mo pa ngang mag invest noon sa cacao farm ni daddy.” “Alam ko. Pero kung pwede ko namang gawan ng paraan ay gagawan ko. Ayokong pasanin ninyo ang problema ko. Gumagawa rin ako ng sariling desisyon.” “Pero kung hindi mo na kaya at kung ikapapahamak mo pa, ‘wag ka nang magdalawang isip na lapitan ako.” Bumuntong hininga ako. “Salamat, Heaven. Sa kabila ng… mga gulong nangyari no-noon ay nand’yan ka pa rin.” “Nasa likod mo lang kami ni Dreau. Hindi ka namin pababayaan.” I looked at her. I smiled but she knew that gesture wasn’t shown my real feelings. Alam nilang mag asawa ang mga ganap sa buhay ko bago ako nagpakasal kay Don Francisco. Dumating pa sa puntong kinausap ako nang masinsinan ni Dreau bago tuluyang umalis ng Batangas ang pinakamalapit at pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. But I didn’t choose him nor explain why I didn’t choose him. Marahil ay wala ako sa tamang katinuan noon. Pero magpahanggang ngayon naman ay ganoon pa rin ako. Nagmarka sa isipan ko ang huling beses niyang titig sa akin. Pati ang huling salitang sinambit niya. It always felt new to me. Na parang hinihiwa palagi ng kutsilyo sa dibdib ko. Umaagos ang dugo palabas nito pero hindi ako mamatay matay. Paulit ulit akong sinusubukang paslangin kaya lang… hindi ako tinatablan ng kamatayan. Pero… kung tutuusin, mula nang sinaktan ko siya… parang namatay na rin ako no’ng araw na iyon. Sinama niya ang puso’t kaluluwan ko sa pag alis niya. Wala akong ideya kung paanong hanggang ngayon ay humihinga pa ako. Araw araw, iniisip ko ang buhay na pinili ko. Kasi panghabangbuhay na ito. At wala na siya. Baliw ako kung aasa akong babalik pa siya. Sino ba ako para balikan niya? Hindi naman binabalikan ang taong nanakit sa ‘yo. Kung gagantihan, baka maniwala pa ako. Pero kung para mahalin ulit, katangahan ang paasahin ang sarili. Lalo’t ang pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magmahal pa. Humalukipkip si Heaven at bumuntong hininga. “Isa ako sa mga… o ako ang pinakanasaktan noon nang maghiwalay kayo ni Jandro-“ “Heaven.” “Alam kong ayaw mo nang marinig ang pangalan niya. Pero kung hanggang ngayon ay naapektuhan ka pa rin, ibig sabihin hindi mo pa siya nakakalimutan. Tama ba ako?” Pinirme ko ang ulo at hindi sumagot. She sighed. “Dreau’s right, then.” “What?” “That your feelings never change even if you married someone else.” “I didn’t tell you that.” “You don’t have to tell me. It’s written all over your face.” “Stop it, Heaven.” “Then, I’m sorry.” “Heaven…” “Jandro is gone. But you left your soul with him, Angel. You gave it away and now you’re… empty.” Para akong sinuntok sa dibdib ko. Kinagat ko ang nanginginig na labi. Pinigilan ko ang sariling pakawalan ang luhang bumalong sa mga mata ko. Iniwas kong makita ni Heaven ang tinatago kong emosyon sa mukha. I cleared my throat and gulped. “Nagbabago ang tao kung paanong nagbabago ang mundo.” “Totoo. Pero naniniwala akong, malaki ang impluwensya ng isang tao para mapabago niya ang isa pa. Ang iba ay nagbabago para maging mabuti at ang iba ay nagbago dahil… hindi nila nakuha ang gusto nila. May mga sakit na nakakabulag ng puso. ‘Yung akala mo, okay lang, pero hindi, e. Hindi ko naman sinasabing mali ang ginagawa mo. Nasaktan na kayong dalawa ni Jandro. At lumipas na ang mga taon. Hindi ka rin naging masaya sa lalaking pinili mo. Pero ngayong nakalaya ka na, subukan mong buhayin ang sarili mo, Angel. Hindi ka nag iisa. Nandito ako. Kami ng pamilya ko. Tutulungan ka namin magsimula ulit hanggang sa makatagpo mo ang pakiramdam na… maligaya.” “Ayoko pang subukan ulit. Nadala na ako.” “Hindi mo masasabi ang tadhana. Malay mo, isang araw, bigla kang magkainteres sa iba.” I faked a chuckle and shook my head as an answer to her impossible theory. “Malay mo lang naman.” She ended it with a giggle. Sinundo ni Dreau ang asawa sa villa pagsapit ng alas nuebe ng gabi. Hindi na siya pumasok pero bumati at pormal na nagpaalam sa akin. Medyo ilang si Manang Lucinda sa kanya lalo na kapag nakahantad ang tato nito sa braso. Pero balewala iyon kay Dreau. -- Maaga kaming gumayak ni Manang Lucinda para mamalengke. Bago kami umalis ng bahay, nakatanggap ako ng tawag galing kay atty. Divino. Pinapapunta niya ako sa kanyang opisina dahil mayroon daw itong iaabot sa akin. Sinabay ko rin iyon sa lakad namin ngayong araw. Sumakay kami ng tricycle. Wala na akong sasakyan. Wala na ring sasakyan si Don Francisco kaya nagko commute na ako palagi kapag may lakad. “Pumili ka ng gusto mong bilhin at ako ang bahalang makipagtawaran,” Tango ang sinagot ko roon. Maingay sa palengke. Umaarangkada ang malalakas na sigaw ng mga tindero’t tindera pati ang pagsalpok ng kutsilyo sa malapad na sangkalan. Ang amoy ay malansa at amoy karne. Hindi naman masangsang. At sa ganitong kaaga ay sariwang sariwang ang mga bilihin. Kumuha ako ng tig-isang kilo ng baboy at baka. Dalawang buong manok at dalawang piraso ng malaking bangus. Sa section ng mga gulay ay hinayaan ko nang si Manang Lucinda ang magdesisyon. Siya ang mas may alam sa ulam na iaatake sa mga karneng binili. Kumuha siya ng mga sangkap na pang isang linggo na. Ako ang nag udyok no’n sa kanya. Nag alangan siya dahil baka hindi kami magtagal sa villa pero ang sabi ko ay baunin na lang ang matitira kung sakaling paalisin din kami. Then, I bought apples and oranges. “Masyado yatang marami itong pinamili mo. Tatatlo lang tayo sa bahay. At ang pera mo natapyasan pa. Naku, Angel. Baka kulangin ka sa pag alis mo.” nag aalala niyang sabi habang palabas ng palengle. “Hindi naman po sayang ‘yan. Sa pagkain naman po.” hindi ko na idinugtong ang kalagayan ng pera ko. Mas gusto ko pang ‘wag na niya iyong alalahanin. “Bukas na ba ulit ang studio mo?” “Hindi pa po. Pero pabalik na si Debra rito sa Padre Garcia.” Tukoy ko sa nag iisang staff namin ni Heaven. “Umuwi nga pa lang Bohol ‘yon, ano? Sunud sunod na dagok ng problema ang dumating sa ‘yo. Nagkasakit si Don Francisco at kailangan mong alagaan. Nagpaalam ang assistant mo dahil may problema sa probinsya nila. At si Mrs. Frago naman ay nag-concentrate sa pamilya. Kung bukas siguro ang negosyo mo baka…” “Bubuksan ko rin naman po iyon ulit, Manang. Nami-miss na rin ng katawan ko ang kumuha ng litrato.” “Edi mainam. Maganda iyong may pagkakaabalahan ka kaagad pag alis mo sa Calavera farm.” Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Ramdam ko sa kanyang boses at salita ang sinsero nitong pag aalala sa akin. Bakit kaya ngayon lang kami nagkausap nang ganito ni Manang Lucinda? Siguro hindi ako lalong magiging malungkot kung nag uusap kami noong buhay pa si Don Francisco. Lumamlam ang mata ko. Winasiwas ko sa isipan ang buhay ko no’n. “O, heto na ang opisina ni atty. Divino, Angel.” Sabay turo niya sa karatula. Ang Divino Law Firm ay umuupa sa dalawang palapag na building. Nasa second floor ang kanyang opisina. Pagbukas ko sa sliding at frosted na pinto ay kita agad ang reception desk ng kanyang babaeng sekretarya. Kilala niya ako dahil nakapunta na rin ako rito. “Good morning, Mrs. Calavera. Pasok na lang daw po kayo sa opisina ni Attorney.” Tumango ako. “Thank you, Sylvia. Teka, kumain ka na ba? May dala kaming ensaymada ni Manang Lucinda,” “Eto, hija.” Binaba ni Manang ang bayong na may gulay sa sahig at pinatong sa reception desk ang plastic ng binili naming ensaymada sa bakery. “Kuha ka na,” “Ay thank you, Mrs. Calavera. Eksakto hindi pa ako nakakabili ng pang meryenda ko.” “Angel na lang.” She chuckled and took one bread from the plastic bag. Binalingan ako ni Manang at sinabing magpapaiwan na lang siya roon sa labas kasama ang sekretarya. Agad silang nag usap na dalawa at nagbigay ng kanya kanyang komento sa masarap na tinapay. Kumuha na rin ako ng isa para kay atty. Divino. I did three warning knocks before I opened the door. Ang opisinang inuupahan ni atty. Divino ay maliit lang. Hinati pa sa dalawang bahagi kaya mas lalong lumiit at isama pa ang mga patung patong na mga document at libro na halos iluwa na ng estante at iyong iba ay nasa upuan na. Kumunot ang noo ko. Wala si Attorney sa kanyang mesa pero mayroong mestisuhing lalaki ang natutulog sa kanyang swivel chair. Nakahalukipkip at nakataas ang mga paa sa ibabaw ng mesa na puno rin halos ng mga papel. Kumatok ako ulit para bigyan siya ng warning. Bumaling ako sa labas, tiningnan ko si Sylvia, pero balewala sa kanya ang nakita ko. Nasaan si attorney? Pagbaling ko ulit sa lalaking natutulog, saka ko napansin ang earphone sa magkabila nitong tainga at ang cellphone ay kandungan. Malakas ang sound. Naririnig ko pa ang music sa pwesto ko. Hindi ba ito nabibingi? Naka-earphone pero ang lakas lakas pa rin ng tugtog at nakatapat na iyon sa tainga niya. Balang araw mada damage ang pandinig nito. Pumasok ako sa loob at lumapit sa harap ng mesa. “Excuse me,” Tumikim ako at inulit sa mas malakas na boses. “Excuse me,” Hindi ito tuminag. Tumikhim ako ulit. “Excuse me!” Ni hindi gumalaw man lang ang noo niya o kahit na-bother sa sigaw ko. Mabigat akong bumuntong hininga at tinapik ang paa ng lalaki. “Excuse me!” I said in a loud and awkward voice. Dinilat ng lalaki ang kanyang isang mata para silipin ang nangyayari sa paligid niya. I looked at him. Gulat niyang dinilat ang isa pa pagkakita sa akin. “Yes, miss?” “Hinahanap ko si Atty. Divino.” His lips parted as he stared at me. Inalis niya ang earphone sa tainga pati ang dalawang paa sa mesa. Bumagsak sa sahig ang cellphone sa pagtayo niya pero pinabayaan niya lang. Kumunot ang noo ko. Pag angat ko ng tingin dito ay kumurap kurap ako. Sino ba ito? Nang hindi niya ako sinagot, inulit ko. “Nasaan si atty. Divino?” Titig na titig na ito sa akin. Umabot sa puntong naiilang na ako. “Are you an angel?” “Ha?” “An angel.” Naguluhan ako noong una. Baka mali lang ang pagkakatanong nito kaya… iba ang rumehistro sa akin. Napatango ako. He then slowly smiled that showed his white teeth. “I’m so happy to see one. My angel.” “Uhh, teka lang. Hindi tayo nagkakaintindihan. Angel ang pangalan ko. Angel Calavera at kliyente ako ni atty. Divino. Siya ang sadya ko rito, Mister…” “Richard.” “Richard. Ahm, wala ba si attorney ngayon? Pinapunta niya kasi ako rito,” “Kliyente ka ni Tito Samuel?” Tito? Tumango na lang ako. Lumapad ang ngiti niya at umikot sa mesa. Paglapit niya ay mas nadepina ang katangkaran nito at naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. “I’m Richard Divino, Miss… Calavera? Wait, ikaw ba si Mrs. Angel Calavera?” “Ako nga.” “You are married?” he even tried to look at my ring finger. Pero wala siyang nakita roon. “Yes.” Matigas kong sagot. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Parang nalusaw ang kasiyahan na pinakita niya kanina lang. “Ang malas ko naman!” Tumaas ang kilay ko. Bakit ba ako nakikipag usapan nang ganito sa isang estrenghero? Hindi man ako naapektuhan sa mga sinasabi nito, nahihiwagaan naman ako sa katauhan niya. Siguro ay kamag anak nga ni attorney pero… ang weirdo niya. “Si attorney Divino ang sadya ko-“ “Okay, wait. Ipinagbilin niya itong ibigay sa babaeng nagngangalang Mrs. Calavera,” hinugot niya ang isang nakatiklop na papel sa ilalim ng paperweight. Nakita ko ang pangalang ‘Mrs. Calavera’ na nakasulat. Sulat-kamay marahil ni attorney. Iniabot niya sa akin at saka bumuntong hininga. “Ikaw ba talaga si Mrs. Calavera, miss?” “You can ask the secretary.” Sabi ko habang nakatingin sa papel. Hindi siya sumagot. Hindi rin naman niya binawi ang papel na inabot. “Salamat.” I looked up at him and found him still staring at me. Ngayon ko lang siya nakita rito. Ngayon lang din naman ako nakakilala ng kamag anak ni atty. Divino. Bakit hindi sinabi ni Sylvia na iba pala ang taong nandito sa opisina? Niyuko ko ang tinapay na dala ko. Balak ko sanang ilagay na lang sa mesa pero dahil may ibang tao ay sa kanya ko na binigay. “May dala akong meryenda.” Medyo nag aalangan kong alok sa kanya. “Cake?” “Ensaymada.” Tiningnan niya nang malapitan ang tinapay. Mukhang nasa early thirties na ito at maganda ang pangangatawan. Hindi niya alam ang tinapay na ‘yan? “Mukhang masarap. Salamat, miss.” “Pakisabi na lang kay attorney ito.” Turo ko sa sulat na nakuha ko na. “Tutuloy na ako. Thank you.” Mukhang magsasalita pa si Richard pero tumalikod na ako at lumabas ng opisina. Naabutan kong nagtatawanan sina Manang Lucinda at Sylvia sa labas. Pagbaling nila sa akin ay namilog ang mga mata ng sekretarya. “Ay, sorry, Richard! Nakalimutan kong umiidlip ka nga pala r’yan sa loob.” Nagtatakang tiningnan ni Manang ang lalaki sa likuran ko. “No problem, Sylvia.” “Alis na kami. Salamat ulit.” Sinulyapan ko si Sylvia at si Richard. “Salamat sa meryenda, Mrs. Calavera.” Habol ng lalaki. I just smiled and then left the office. No’ng nasa hagdanan na kami ni Manang, nilingon niya ako. “Sino ang gwapong lalaking ‘yon?” “Pamangkin daw ni attorney.” “Mukhang ngayon ko lang nakita, ah. Taga ibang bayan siguro.” Nagkibit na lang ako ng mga balikat. Agad kaming nakasakay ng tricycle pagbaba namin sa building. Ngayong araw sana ay plano kong pumunta sa studio para maglinis at ihanda ang pagbubukas nito. Kapag nakabalik na rito si Debra, sigurado na akong magbubukas ulit. Binuksan ko sa bahay ang papel. Naka-print na sulat ang naroon. Maiksi lang. Pumunta ako sa sala at tahimik na binasa ang sulat na naka-address sa akin. To Mrs. Angel Loise Calavera, This is Draco de Narvaez. My flight is scheduled on the fourteenth of this month and I am expecting you in the villa when I come home. I ask Attorney Divino to provide you of all your needs until we see each other. Don’t try to leave the house without my knowledge. I’ll come and see you. Draco de Narvaez Ang kanyang buong pangalan sa hulihan ay parang nagpapakita ng utos mula sa pinakamakapangyarihang tao sa planeta. Binasa ko ulit. At ganoon pa rin ang nararamdaman ko. May kaba at takot. Pero bakit? At bakit ko kailangang magpaiwan sa villa para makita niya? Para pormal ang paglipat niya? Mayroon bang hindi sinasabi si attorney Divino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD