"Kaya pala familiar ka sa akin ehh, ikaw pala yung girlfriend ko."
Hindi ako kumibo. Ni kilos hindi ko magawa. Naistatwa ako dahil sa nakita ko.
Totoo ba itong nakikita ko? Guni-guni ko lang ba ito? Am I dreaming? Huwag mo na lang akong gisingin please kung sakaling panaginip lang.
Tumayo siya at iginaya ako upang umupo sa harap kung saan siya nakaupo kanina.
"Ikaw yung ni rent ko as my boyfriend?"
"Hindi pa ba klaro diyan?" sagot niya.
Nani?! Kaloka! Talaga ba?
Bumalik siya sa kanyang puwesto kanina. Naka indian set yung ulam.
"Ehemm..." Hinawakan ko yung lalamunan ko at nilunok yung laway.
Parang ang init, pinaypayan ko ang sarili ko. Mukha kasing pinagpawisan ako. Pero, feeling ko hindi naman mainit. Ewan ko, ano ba ang nangyari sa akin?
"Gwaenchana?" sabi niya.
"Ano?" Hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Alien ata to eh. Kung ano ano lang ang sinasabi.
Imbes na sagutin niya ang sagot ko. Ngumiti lang ito at parang temang kung makangiti. Isa pa tong singkit niyang mga mata. Makalaglag ng panty.
"What do you want to have?" Iniba niya ang usapan hanep tong kasama.
Wala na saakin ang kanyang atensyon, busy siya sa pamimili ng makain.
"Hindi ka pa naka order?" Tanong ko. Kinuha ko nalang din yung menu upang mamili. Kanina pa ako nagugutom. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil kay Yuri.
Nasaan na kaya ang babaeng iyon?
"Hindi pa ako naka order kakarating ko lang, nag sched tayo ng date at oras eh pareho naman tayong late haha."
Ang saya mong kausap pre kaloka.
O nga naman, nag usap pa kami kanina. Hanap pa ng hanap eh, nasa harapan lang naman ako kanina.
"You're so cute when you smile like that, too casual." Aniya.
Inis ko siyang tiningnan. Pero, hindi niya iyon pinansin. Ngumisi lang siya at tinawag yung babae kanina. Kung ano-ano ang inoorder niya maubos niya kaya yun?
"Maubos mo iyon lahat?" sabi ko nang makalabas na yung babae.
"Hindi ko alam, maybe? Haha, andito ka naman." Kinindatan niya ako pagkatapos niyang sabihin yun. Babaero ang loko.
Hindi ko alam parang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ako komportable sa sinuot ko. Sana disente nalang yung sinuot ko at hindi ako nag dress. Pero, disente naman to ahh.
"You look so beautiful."
"H-huh?" Utal kong tanong sa kanya.
"Wala, anyway Yamamoto Izumi right?"
"Yeah,"
"I pleasure to meet you-again." He said. While looking at me seriously.
Wait, again? Huh? Pinag sasabi nito?
Mag sasalita na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Bumukas iyon. Yung waitres lang pala. Dinala na niya ang mga pag kain sa hapag.
"A-ano to fiesta?" di makapaniwalang sabi ko.
"Hindi ah, gutom ako kaya kain na huwag kanang magulat haha, kawaii." Aniya. Pinisil niya yung pisngi ko na ikinamula ko.
Naabot pa niya ako, sa layo niya. Waaaaaaah! Patayin nyo na ako ngayon nah!
Kumabog yung dibdib ko sobra. Parang natuyo yung lalamunan ko kaya kinuha ko yung tubig at ininom iyon.
Ramen, Takoyaki, Miso soup, at iba pang side dishes. Pati sa pagkain pang culture. Galing...
Una kong kinain yung ramen... Ang saraaaap...
Mabingi ka nalang sa katahimikan. Hindi kami nag-uusap, basta lang kuha kami ng kuha sa pagkain at kinakain ang mga iyon.
Hindi naman kase ako pala salita at mas lalong ayukong magsalita kapag gutom na gutom na ako. Mas gusto ko munang kumain kaysa sa magsalita o mag kwento.
May pagkapareho nga lang kami. Hindi rin siya nagsasalita. Busy siya sa pagkain, halos nga lahat naubos niya.
Siguro kapag sumali kami sa contest kami yung mananalo, ang lakas naming kumain kaloka.
Natapos namin ang pagkain sa loob ng limang minuto.
Grabe gutom lang.
"Whoa, im full."
Hindi ako nagsalita, basta ko nalang kinuha yung wine at nag salin upang uminom.
"Oi, oi, oi, oi,"
"What?"
"Kakatapos lang natin mag kain ayan agad?"
"Bakit? Bawal ba?"
"Hindi pero, hindi ka pa ba busog?"
"Hindi pa pero ayuko ng kumain, gusto kong inumin ito." Turo ko sa red wine.
Kanina pa to dito, kawawa naman kung hindi ko siya papansinin.
"Baka malasing ka,"
Natawa ako sa reaksiyon niya. Parang boyfriend ahh, ay boyfriend ko pala ito.
"Hindi ako madaling malasing, easy haha."
Hindi nalang siya nagsalita at uminom din.
We talk about past at funny things, ang saya niya palang kausap. Hindi ko naramdaman na past eleven na ng gabi pala.
"Bakit naman hindi kayo magkasundo?" He asked.
Patungkol niya sa nii san ko.
"Eh, kase masyado siyang mahigpit nakakainis." Iritang sabi ko na ikinangisi niya.
Tumabi na siya sa akin para daw mag-usap kami ng masinsinan. Ang ingay daw namin kapag nagkalayo. Lasing ata to ehh.
"Concern, lang yung tao ayaw mo iyon?"
"Gusto pero sumusubra na kase kaya nakakainis." Nasabi ko nalang.
Tumayo ako upang mag rest room.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Dali-dali naman siyang tumayo upang alalayan ako.
Hinarap ko sita upang sagutin sana ang tanong niya pero biglang nalang akong na out of balance.
Pumikit ako, handa na akong masaktan at mahulog sa sahig pero laking pagtataka ko. Ilang minuto na ang nakalipas hindi ako nakaramdam ng sakit.
I open my eyes slowly. There were our eyes met.
Ang ganda ng kanyang mga mata tunay ngang nakakatunaw, lusaw lintik. Kay liit ng pisngi, kay singkit na mga mata, kulay berde na mga mata, maninipis na labi na masarap tikman. Yung adams apple na nagtaas baba.
He's so hot damn it.