Chapter 1
A/N: Ang storyang ito ay pawang kathang isip ko po lamang. Kung may makikita man kayong repeated words, misspelled, and grammatical errors pwede nyo naman po akong sabihan through comment o message me. Hindi po ito edited. It is my own works. Plagiarism is not allowed. Salamat sa pag-unawa.
UNANG KABANATA
It was summer. Nakipag kita si Izumi sa kanyang boyfriend na si Haruko. She was happy and excited to see him but she came home helplessness in pain.
Sa daan pa lang lutang siyang naglalakad. Para siyang nasisiraan ng ulo dahil sa pa biglang tatawa, ngingiti, habang pinupunasan ang luha na tumutulo nagmula sa mga mata niya.
Bigla ay bumuhos ang malakas na ulan na mas lalo niyang dinama ang kanyang damdamin kung paano pumintig iyon. Ngunit, laking gulat niya wala na siyang luhang mailabas pa at hindi na niya naramdaman ang kirot o hapdi sa dibdib. Kahit pa na isipin niya ang mga masasakit na salitang binibigkas ng kanyang ex-boyfriend kanina, bawat letra ay tumatatak iyon sa kanyang isipan. Ni sakit sa dibdib ay wala at tulo ng luha ay nawala na. Para sa kanya ay nakikiramdam sa kanya ang langit.
Kahit na ganoon, hindi niya alam kung saan siya pupunta at dadalhin sa kanyang mga paa.
Bahala na si batman.
She was about to cross the road dahil sa malalim ang iniisip niya. Hindi na niya tiningnan ang traffic light. Kaya nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad ng biglang umilaw ang kanyang paningin sa isang bagay.
Peeeeeeeeeeeeep! Malakas na busina ng kotse.
Mahal lang naman ako ng lahat kapag ako ay wala na.
"Watch out!" boses anang lalaki pero hindi niya iyon nagawang lingunin.
Bigla siyang niyakap at dahil sa pagmamadali na maiwasan ang madisgrasya sila ay natumba. Malakas ang kanilang pagtumba kaya ito ay nahalikan niya.
Izumi's POV
?Stay with me, mayonaka no doa o tatake ?
Kaeranaide to daita ?
Inis kong kinuha ang cellphone ko. Ang aga-aga nang-iisturbo ng tulog sa taong gusto pang matulog.
Hindi ko na tiningnan yung caller ID, basta ko nalang sinagot ang tawag.
"Moshi-moshi?" sagot ko sa tawag.
"Moshi mosh, Izumi-chan,"
"Sino to?" kahit naka pikit pa ay pilit ko paring idinilat ang aking mga mata.
"Still dreaming about your boyfriend honey?"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tono ng pananalita ng kausap ko. Kaya dali-dali kong tiningnan kung sino iyon.
Onii san? Halaaa! Lagot naaaah!
I clear my throat. "Ah-hihi, ikaw naman nii-san palabiro," sabi ko nalang para hindi ako mabulyawan. "I prepare my things nii-san for school... Study, study hihih," pabiro kong sabi.
"Don't fool me. I give you 15 minutes upang pumasok. You already 30 minutes late." Kalmado niyang sabi pero halatang galit na galit na ito. "Hindi na kita bibigyan ng allowance pag maulit pa ito."
"O-opo, naintindihan ko."
Pagkasabi ko nun, ay bigla na lamang niya ako binabaan.
Dali-dali akong kumilos at nagmamadaling sumakay ng taxi papunta sa Kyoto Academy.
First day of school tapos late. Reklamo ng isip ko.
I ran fast as I can. Ngunit huli parin.
"You're late miss."
"Im sorry, for being late." Yumuko ako sa kahihiyan at pumasok. Umupo ako sa tabi ni Yuri. Kaibigan ko.
Tiningnan niya ako ng masama ng makita ako. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin at nag peace sign nalang habang ngumingiti.
Unang klase palang marami na ang pinapagawa.
"Kainin mo yan para naman magkaroon ka nang sustansya sa katawan." Inabot niya sa akin ang itlog with rice then chicken.
Andito kami sa canteen, upang kumain. Hindi ako nagbaon ng pagkain dahil sa late akong gumising and take note hindi pa ako naka almusal. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko.
"Thank you," ngumiti ako sa kanya at kinain ang binigay niyang pagkain sa akin.
"It's your first time."
Ininom ko ang juice. "Why?" tanong niya pa.
Lagot na, seryoso siya.
Nilunok ko na ang lahat, lahat pero kinakabahan parin ako.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong o magdadahilan ako?
"Don't give me a stupid reason Izumi."
Lagot na.
"I was just... Playing a video games... All night."