"Okay kalang?" Tanong niya kapag kuwan.
"A-ah... Haha... Haha..."
Wala akong masabi, ano ba ang sasabihin ko?
"Kawai," kapagkuwa'y aniya habang nakatitig sa akin.
Ako ay nahihiya sa kanyang ginagawa. Sheyt! Ulam na sana to kaso hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ito na, sayo nalang." Napilitang aniya.
Gulat ko siyang tiningnan at kinuha rin naman yung lobo na may mukha ni Mikasa.
"Okay lang ba na akin na to?"
Kailangan naman na makasiguro ako baka prank lang to.
"Yeah, you can have it."
"What are you doing here?" I change the topic. Ni wala na nga akong masabi dahil sa gandang lalaki ang aking kausap tatahimik na lang ba ako? Eh, ulam na to.
"I'm here for my girlfriend," sabi niya habang nagtingintingin sa paligid.
Para akong nanlumo sa narinig. Kaloka may girlfriend na pala. Hindi nalang sana ako nagtanong.
"Umm, baka magalit girlfriend mo kunin mo nalang to." Binalik ko sa kanya yung lobo.
Ayaw ko nang gulo, hindi naman ako mang-aagaw na may kasintahan hindi ako ganun. Ayaw ko nang issue, baka ipatapon ako sa ibang bansa ng kuya ko.
He chuckled. Na mas lalo kong ipinagtaka.
"No, it's fine." Kinuha niya ang kamay ko at binalik doon yung lobo. "I think, you looks familiar." Aniya naniningkit ang mata sa kakatitig sa akin.
Teka? Ako lang ba ang nakapansin? O, masyado lang akong assuming?
Kami (God) sama, why I felt something with him? Senyales na po ba ito? Ayuko mag assume.
Teka, familiar daw ako sa kanya. Saan naman niya ako nakikita? Kaloka hindi naman ako artista.
"Btw, nice meeting you I already late for my date." Pagmamadaling aniya.
Tumango nalang ako at hindi nagsalita. I smiled sincerely at nagmamadali siyang naglakad paalis.
Pati rin sa paglalakad at likod ang gwapo...
I sighed.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Oh, kami sama! Im super late na!
Lakad, takbo ang ginawa ko. Para makahabol sa date ko.
Yeah, I'm here cause I have a date. Tapos late pa ako.
May restaurant din dito sa Shinjuku Gyoen park. Pagpasok ng pagpasok mo ay makikita mo ang fountain sa gitna nito. Ang ganda, napapaligiran din ito ng mga kalapati. Parang hindi na nga ito restaurant dahil sa ganda at lawak sa gitna.
Medyo nagdilim na kaya may ilaw na at nadagdagan niyon ang ganda ng resto na ito, kaya pala sikat ito.
Humanga ako sa ganda ng restaurant na ito walang kupas, ang galing ng gumawa at sa nag ka idea nito.
Marami rami ring tao ang dumadayo. Labas pasok ang mga ito.
May iba't ibang rooms ang meron dito. Good for two to families room. Kapag ganun, maximum of limang tao ang makakapasok doon. Mamahalin din ang mga nakalagay na bulaklak, figurines at iba pa.
Pang lumang kultura ng Japan.
Natigililan ako sa pagmunimuni ng may lumapit sa akin na isang babae.
Nag bow ito sa akin. Nag bow rin ako.
"Ms. Yamamoto?" she asked.
Hindi ako tumugon subalit ngumiti lang ito. "This way po," magiliw nitong sabi.
May itinuro itong daan, nauna naman siya at sumunod ako.
Maraming silid at ang laki. Pwede naman magkasya ang limang katao pero bakit kaya dalawa lang ang pwede?
Ngayon ko lang din napansin. Lahat ng naka serve o waitress dito ay naka kimono.
Napaka ignorante ko na ba? Parang ilang taon ako hindi nakalabas. Kaloka.
Huminto ang babae sa tapat ng pintuan ng silid. Pinagbuksan niya ako ng pinto at akoy pumasok.
Pagpasok ko ay may isang lalaki doon na nakaupo at nakatalikod sa akin.
Nagtuloy ako sa pagpasok.
Pumunta ako sa kanyang gilid at nag bow roon.
"Gomen... I'm sorry for being late," sabi ko.
Laking pagtaka ko ng hindi ito sumagot. Inangat ko ang ulo ko upang makita ito.
What the heck?! Bakit nandito ito rito? Pinaglaruan ako nang tadhana.
Hindi ako makakilos dahil sa gulat at pagtataka.
"Kaya pala familiar ka sa akin ehh, ikaw pala yung girlfriend ko."