PART 2

1077 Words
NAPABUNTONG hininga si Joan sa labis na pagka-inip. Ang tagal namang lumabas nina Tere, Mara at Rose samantalang kanina pa tapos ang klase nila sa Political Science. Nakasimangot siyang naupo na lang sa concrete bench na nasa gilid ng I.T Building. Ilang sandali narin siyang nakaupo doon at abala sa pagpa-paypay nang may mahagip ang kaniyang mga mata. Si Jim! Sa malalaking mga hakbang ay nagdaan ito sa harapan niya. Muli ay ibinalik niya ang atensyon sa paghihintay sa dalawa. Mayamaya, sa wakas ay lumabas narin ang mga ito. At noon din naman tamang pabalik ang binata at dumaan muli sa kanyang harapan palabas ng gate.Hindi niya napigilan ang sarili nang matawa sa nakitang reaksyon nina Mara at Rose na sinundan pa ng tingin ang nagdaang binata. Habang si Tere ay nahuhuling nasa likuran ng mga ito. “Ang gwapo niya!” iyon ang agad na naisatinig ni Mara nang makalapit ito sa kanya. “Siya ‘yung ipinakilala sa atin ni Ate Shaira sa library, remember?” aniyang sinikap ipaalala sa mga kaibigan ang sinabi. Kibit-balikat lang ang itinugon sa kanya ni Rose. Samantalang si Mara naman ay agad siyang siniko sa tagiliran nang matanawan si Jim na papasok nanaman ng gate.“At heto nanaman siya. Nagpapapansin yata siya sayo Joan eh” nakita niya ang nanunuksong ngiti mga labi ni Mara nang lingunin niya ito kaya mabilis siyang pinamulahan. Sa kabila ng katotohanang apektado siya ay minabuti niyang huwag nang magkomento sa sinabi nito. At gaya ng dalawa ay sinundan rin niya ng tingin ang binata. Pero nang makita niyang umikot ang mga mata ng kaibigan ay napilitan siyang magsalita. “Well, malay natin. Siguro nga nagpapapasin siya sa akin” at saka niya iyon sinundan ng isang malakas na tawa. “Ows? Sige nga, kung talagang nagpapapansin sayo, sundan mo nga mamaya pagdaan niya ulit?” si Rose na nakisali na sa usapan.  “At heto pa, kapag lumingon, ibig sabihin natandaan ka niya mula nang una kayong nagkita sa library” susog naman ni Tere. Ang sinabi ni Tere ang biglang parang naging big deal sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero feeling niya masisiyahan siya kapag nalaman niyang natandaan siya ni Jim mula nang una silang magkita sa library. At hindi rin niya maunawaan ang sarili kung sa anong kadahilan kaya niya nagawang sang-ayunan ang ideya ng kaibigan na katulad niya ay may kapilyahan rin ang isip. “Okay! Iyon lang pala eh” aniyang tinanggap ang hamon ni Tere. “Hayan na siya!” halos magkapanabay na turan pa ng tatlo na sinundan pa ng mahihinang hagikhik. Nakaramdam naman siya noon ng challenge kaya nang magdaan ang binata ay lakas-loob niyang sinundan ang direksyong tinatahak nito. Dinig na dinig niya ang impit na tawanan ng tatlo. At nang maramdaman marahil ni Jim ang presensiya niya sa likuran nito ay agad itong lumingon. Noon siya nahinto sa gagawin pa sanang muling paghakbang. Para siyang tinamaan ng kung ano kaya siya nagmistulang scare crow na nanatiling nakatayo lang doon.  At alam niyang iyon ay dahil sa pagkakakita niya ng malapitan sa binata. Hindi lang ito gwapo! Dahil si Jim ay ang tipo ng lalaking tall, dark and handsome. Maiitim ang bilugan nitong mga mata na nakakamagneto kung tumitig. Binagayan ng itiman at makakapal na mga kilay na ayon isa sa mga guro nila ay palatandaan raw ng pagiging romantiko ng isang lalaki. Gusto rin niya ang mga pilik ng binata. Mahahaba at makakapal. Ang ilong nito na perpekto ang tangos. At mga labing mapupula na kay ganda tuwing ngumingiti. Hindi si Jim ang tipo ng lalaking may mala-Adonis na pangangatawan, pero natitiyak niyang excercise lang ang kailangan nito. Ang buhok lamang ng binata ang hindi niya napagmasdan ng maayos gawa ng sumbrerong suot nito. Maliban sa nakita niyang mahaba ito sa gawing likuran na tila ba kulay itim na damong gumapang pababa sa batok nito. Ilang sandali narin ang nakalilipas at wala na sa kanyang harapan si Jim ay nanatili parin siyang nakatayo doon na tila ba natuka ng ahas sa pagkakatulala. “Hoy! Natulala ka na diyan!” untag sa kanya ni Mara. Nagulat man ay pinagsikapan niyang itago. Alam niyang pagtutulungan siyang alaskahin ng mga ito kapag nagkataon. “Anong nangyari at bakit natulala ka?” natatawa pang tanong ni Rose. Ikinibit lang niya ang kanyang balikat saka sinimulang humakbang palabas ng gate. Sa library ang kanilang susunod na destinasyon. Ganoon naman kasi sila palagi. Dahil bukod sa malamig nagkaroon narin naman talaga ng mahalagang bahagi sa buhay nila ang aklatan dahil doon nabuo ang pagkakaibigan nilang apat. “Hmnn, parang may kakaiba akong naaamoy!” si Tere na kaagapay niya noon sa paglalakad, habang si Mara naman ay nahuhuli ng bahagya. “I think I’m in love!” aniya sa hindi naman kalakasang tinig subalit umabot parin iyon sa pandinig ni Mara kaya sa malalaking mga hakbang ay agad itong umagapay sa kanila. “Tama ba ang narinig ko?” abot-tenga ang ngiti pa nitong tanong sa kanya pagkatapos. “Mahal ko na siya!” tila nangangarap pa siyang tumingala sa langit ng sabihin iyon. Narinig niyang magkakasabay na nagtawanan ang tatlo. “Ah! Kaya pala ganyan nalang ang kislap ng mga mata mo. Parang mga bituin sa madilim na kalangitan!” tukso pa ni Mara sa kanya, paakyat na sila noon ng hagdan patungo sa library Pabiro niyang inirapan ang kaibigan. “Matagal ng magaganda ang mga mata ko!” aniyang ikinatawa naman ng impit ng tatlo Gaya nga ng sinabi niya kanina, ang araw na nagkatabi-tabi sila ng upuan sa library ang naging way kaya napalapit silang dalawa ni Mara kina Tere at Rose. Ganoon rin kay Shaira na every Saturday lang nila nagiging kaklase sa subject nga na Earth Science. Noon niya napag-alamang nasa Dubai pala ang nanay ni Tere na isang OFW. Si Rose naman ay paaral ng ate nitong sa isang malaking parlor sa Maynila nagtatrabaho. Habang si Mara ay bunso sa dalawang magkakapatid at tindahan ang negosyo. Bukod pa roon ang ilang ektarya ng sakahan na pinagkukunan rin ng kabuhayan ng pamilya nito. Kaya masasabi niyang sa kanilang apat, hindi naman nahuhuli ang buhay niya dahil matagumpay na real estate agents ang mga magulang niya. Solong anak siya pero hindi siya kagaya ng iba. Hindi siya brat dahil kahit sabihin pang hindi sila hirap sa buhay alam ng mga magulang niya ang hangganan ng pagpapasunod sa lahat ng gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD