Irish POV. Nagising akong hindi makakilos at hindi ko maigalaw ang katawan ko ng sinubukan kong mag-inat. Napakunot noo ako dahil wala akong maisip na dahilan para maging ganito ang sitwasyon ko. Hindi kaya nagka-heart attack na ako dahil sa sobrang inis ko kay Collin kagabi kaya na paralyze na ang katawan ko? Sa na isip ay nakailang kurap ako para lang matigilan ng may gumalaw sa likod ko kasabay ng paghigpit ng kung ano na nasa bewang ko. Ramdam ko rin ang mainit na balat nito at ang marahang paghinga dahilan para mapagtanto ko na may katabi ko. Dahil sa gulat ay napabalikwas ako ng bangon pero dahil ang higpit ng pagkakapulupot ng braso nito sa bewang ko at mabigat na nakadagan ang hita nito sa binti ko ay hindi ako nakatayo at pabagsak na bumagsak ang ulo ko sa unan na ginamit ko.