Irish POV Dahil wala akong damit dito sa loob ng silid ni Collin ay naghilamos lang ako at nag-mumog. Sana lang talaga ay palabasin na ako ni Collin mamaya dahil kahit sabon sa mukha ay wala at hindi ko magawa. Ang dami naman na kung anu-anong abubot sa loob ng banyo nito pero ayon na rin sa mga nabasa ko ay mga panlalaki ang mga ito. Hindi naman sa maselan ang balat ko pero ayaw kong gamitin ang kahit isa sa mga ito dahil mga gamit at pag-aari ito ni Collin. Mahirap na kapag nagalit ito at pagbayarin ako dahil wala akong pera dito ni singkong duling sa bulsa ko. Matapos gawin ko ang kailangan kong gawin ay mabilis na lumabas ako. Tanghali na rin kasi at gutom na ako. Baka nga kailangan ko na namang akyatan ng pagkain ni Collin dahil sigurado ako na hindi pa ayos ang kondisyon ng pamama