Collin POV. Matapos ang tawag na natanggap ko ay tuluyan ng hindi ako dinalaw ng antok. Kung sabagay ay hindi naman na talaga ako inaantok lalo na at halos maghapon na rin akong natulog. Napakuyom ang kamao ko ng maalala ang tagpo bago ang insedente ng pagkakabaril sa akin. Alam ko na marami akong kalaban at bawat minuto ay nakabaon na sa hukay ang isang paa ko pero hindi ko inaasahan na ma-ambush ako dahil wala sa paligid ko ang attention ko. Ilang araw na kasi akong distracted at kahit nasaan ako ay malimit ginugulo ako ng mga bagay na laman ng isipan ko. Napangisi ako, marami talaga ang may gustong patayin ako pero kahit nasugatan nila ako ay hindi sila nagtagumpay dahil kahit kailan hindi nila ako basta mapa-pabagsak. Alam ko na may mga espiya at mga taong nakasunod sa bawat kilos