Irish POV Mainit na halik sa likod at balikat ko ang gumising sa akin habang panay ang madiin na masahe sa isang dibdib ko at panay naman ang pisil sa bewang ko ng isang palad ni Collin. "Alam ko na gising ka na," bulong nito. "Anong ginagawa mo Collin?" impit na tanong ko dahil nadadala ako sa pang-aakit nito. "Gagawa tayo ng mga anak," namamaos na bulong nito kasabay ng walang tigil na ginagawa nito sa katawan ko. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ng magsimula ito ng marahang galaw sa likuran ko. Sa mga oras na ito ay wala akong kakayahan na tumangi at pigilan siya dahil maging ako man sa sarili ko ay nadadarang na rin at nadadala sa bawat ginagawa n'ya sa akin. Paano ba ako tatanggi at makapag-isip ng tama kung sa bawat ginagawa nito ay may munting kiliti akong nararamdaman