Chapter 2

1641 Words
Irish POV Hirap na hirap akong naglalakad kasunod ng babaeng tumawag sa akin. Halos magkanda tapilok ako pero sumunod pa rin ako ng lakad sa kan’ya. Pumasok kami sa loob ng isang itim na pintuan. Nakakatakot ang paligid, lahat itim na itim. Malawak din ito at may connecting door na parang tunnel. "God, kung papatayin niya ako walang makakahanap ng bangkay ko," bulong ko sa sarili. Bukod sa tunnel na dinaanan namin ay pumasok kami sa makipot na hallway. Kanda ngiwi ako sa paglakad dahil parang nagkaka sugat ang mga paa ko sa sobrang kirot. Ika-ika akong nakarating sa loob ng isang lugar na akalain mong malaking basement. Nakarinig ako ng mga sipol at halos lumubog ako sa kinatatayuan ko ng makitang maraming mga kalalakihang nakatingin sa akin. Nag-iinit ang mukhang nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita sa mga mata ng mga ito ang pagnanasa sa halos nakabuyangyang ko ng katawan. Pilit kong hinihila ang maikling damit pababa ngunit mas lalong nahahantad ang dibdib ko. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga matang parang mga gutom na lion na nakahanda na lapain ako. "Kaninong delivery 'yan?" naka-ngising tanong ng matangkad at malaking lalaki. "Package ni master," natahimik ang mga ito na tila ba nakakita ng multo sa paligid. Kung sabagay ako man ay nanginginig sa takot, mas takot ako sa maaaring mangyari sa akin sa mga kamay ng mga ito kesa sa multo na halos araw-araw na laman ng kwentuhan namin sa bario. "Pumasok ka na raw!" pasigaw na sabi naman ng lalaking mahaba ang bigote. Napatingin ako sa babaeng kasama ko ng tumango ito. Kumapit ako sa braso nito at nagmamakaawang nakatingin sa mga mata nito. "Ate 'wag n'yo po akong iwan dito, please," nangangatal na nagmamakaawa ako sa kaniya. Umiling ito at saka tinanggal ang mga kamay ko sa braso niya. "Wala akong kakayahang gawin 'yan. Pumasok ka na at sundin ang anumang sasabihin niya sa'yo. Huwag na 'wag kang magrereklamo para narin sa ikabubuti mo," paalala nito sa akin bago tumalikod at tuluyang naglakad palayo. "Pasok!" Utos sa akin ng mabigoting lalaki. Dahan-dahan ko sanang bubuksan ang pinto ng dumukwang ito at mabilis na kinabig ang pintuan saka ako tinulak papasok. "Ayaw ni Master ng babagal-bagal. Dalian mo bago pa kami mawalan ng hininga dahil sa'yo," nakakatakot na sabi nito. Napalunok ako at sinununod ito saka marahang humakbang. Madilim ang pinasukan kong silid at walang kahit anong ilaw na nakabukas. Nangilabot ako kung ano kaya ang gagawin ko dito. Napa-igik ako ng may naramdaman akong humawak sa leeg ko at ang malamig na bagay na nakadikit sa sintido ko. "S-sino p-po k-kayo? P-please hindi po ako masamang tao. Huwag n'yo po akong papatayin. Naghihintay po ang pamilya ko sa akin," natataranta na pakiusap ko. "Bakit ngayon ka lang!?" bulyaw ng lalaki sa akin. "Pinakaayaw ko sa lahat ay pinaghihintay ako," saka ako nito itinulak sa sulok at binuksan ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ito ordinaryong kwarto o opisina ng kung sino. Para itong imbakan ng mga baril dahil puro iba't ibang klase ng baril ang nakahilera at nakasabit sa dingding. Hindi ko maiwasang manginig sa takot ng lumapit ito sa isang uri ng baril at kinuha saka pinaikot-ikot sa palad niya. "Sayaw!" Sigaw nito. "Huh?!" gulat kong sabi. "Sumayaw ka dahil naiinip ako. Gusto kong maaliw!" Bulyaw niya sa akin. Lintik na lalaki ito, parang dagling nawala sa sarili ko ang takot at inis na napa-irap ako sa kaniya. "Ang laki mo na, kailangan mo pang aliwin? Hindi ka na bata!" inis na tugon ko. Anong akala niya sa akin, clown? Tumitig ito sa akin at ngumisi. Hindi ko inaasahan ang sumunod nitong gagawin ng itutok nito sa akin ang baril at sunod-sunod na pinutukan ang kinatatayuan ko. Halos mabingi ako sa lakas ng tunog pero nagawa ko pa ring tumalon sa takot na tamaan ang mga paa ko. "Sasayaw ka rin pala ang dami mo pang arte," saka iniumang ulit niya sa akin ang baril. "Sa susunod na bumuka at may narinig akong kahit anu mula d'yan sa bibig mo, sa'yo ko ibabaon ang natitirang bala nito," sabay taas niya ng baril at iwinagayway ito. Napalunok ako. He's so dangerous. "God, please help me po," dasal ko habang nakayuko. Narinig ko ang pagtayo nito kaya nag angat ako ng tingin. Lumakad ito sa isang mini table na may mga baso at bote na marahil ay alak. Matapos magsalin bumalik ito sa harap ko at naupong nakataas ang paa. "Sayaw!" pasigaw na naman na utos nito habang inalog-alog ang hawak na baso. Heto na naman s'ya sa sayaw. Hindi nga ako marunong, hindi nga ako nakipag-sayawan sa barrio dahil may pagkamahiyain ako. "Sasayaw ka ba o gusto mong malintikan sa akin?" Hala galit na galit na s'ya. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay at paa ko. Naalala ko dance moves ng Macarena kaya 'yon na lang ang ginawa ko. Hindi pa ako umabot ng dalawang minuto ng magmura ito. "f**k! Saang bundok ka ba galing at gan'yan ang sayaw mo? Iyong kaakit-akit ang gawin mo! Umayos ka!" Anong kaakit-akit? Hindi nga ako marunong sumayaw. Kung mag cha-cha kaya ako, sexy ang step noon. "Tama uso 'yun sa probinsya," sang-ayon din ng kabilang bahagi ng isip ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ng tumayo ito at hinaklit ako sa braso. "Nananadya ka ba talaga? Akala mo ba ay maloloko mo ako? Mahilig ka sa clubbing paano naging kasing tigas ng kahoy 'yang katawan mo kung gumalaw?" sita niya sa akin. Napamaang ako por dios por santo ni hindi pa nga ako nakatapak sa kahit anong club. Sa amin kasi 'pag sinabing club ay yung kumukutikutitap na lugar. Hindi ko gustong dumaan sa lugar na 'yun sa takot ko sa mga magugulong lasing. Wala na sila sa sarili kapag nakainom. Saan naman kaya nadampot nito ang bintang sa akin? "Hindi pa ako nakakapasok pa sa club sa tanang buhay ko," mahinahong sabi ko sa takot na magalit ito dahil nagsalita ako. Tinitigan ako nito saka umiling. "At sinong niloko mo? kahit gaano ka pa kagaling na artista, hindi mo ako mabibilog gaya ng ginawa mo sa kapatid ko," nakatiim bagang na saad ng lalaki. "Now, let's see kung hanggang saan ka dadalhin ng pagpapanggap mo," matapang na sabi niya. Nanlalambot ako sa mga naririnig ko. Heto ako, wala pang kain at maayos na pahinga pero nagsimula na naman siya. Simula ng kaladkarin ako nito ay puro pasakit ang naranasan ko sa kamay niya. Wala pa nga akong bente kwatro oras kasama ito ay parang katumbas na ng ilang buwan ang physical at psychological stress ang inaabot at naranasan ko. "Hindi kaya baliw ito?" tanong ng isip ko. Hindi kasi gagawin ng matinong tao ang basta na lang mangidnap at ikinulong sa bahay nito ang isang inosente at saka pahihirapan araw-araw. Sa isiping iyon ay nangilabot ako. Baka pag nagsawa na ito ay papatayin ako at putol-putol na itapon ang katawan ko gaya ng sa horror movies na napanood ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako rito. Ano kayang binabalak na naman nito. "Come here," utos nito sa akin. Mabagal ang hakbang ko na lumapit ako sa kaniya. Yumuko ako sa harapan niya habang naka-kagat labi para hindi ako maiyak sa takot. "Hubad!" maikli pero matigas na turan nito. "No!" sigaw ng isip ko. Sa edad kong beinte singko wala pa nakakita ng katawan ko. Kabilin-bilinan kasi ng mama ko na huwag na huwag akong magpapadala sa tukso. Tama tukso siya kaya gagawin ko ang lahat makawala lang sa lalaking ito para hindi niya makuha ang gusto niya sa akin. Tumutulo ang mga luha ko. Mabilis itong nag-uunahan na para bang iyon ang nakakapag pagaan ng sitwasyon ko. "Ayaw mo?" tumayo ito at saka ako sinunggaban. Hinila nito ang damit ko at nahantad ang malulusog kong dibdib dahil hindi naman ako nito binigyan ng bra na pwedeng isuot kanina. Sa bilis ng mga kamay nito naiwan kong tulala, ngangatal sa takot at nagsisikip ang hininga. "Sana lord, matapos na ang lahat ng ito. Hindi ko kayang magtagal pa sa ganitong sitwasyon at lalong hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin." Nakapikit na panalangin ko habang nakatakip ang mga braso sa nakalantad kong mga dibdib. Ayaw kong magmulat ng mga mata dahil natatakot akong makita ang mata nitong parang punong-puno ng galit. Napakatigas ng awra ng lalaki na akala mo laging papatay ng tao. Ito ang taong ni hindi ko pinangarap na makatagpo ng landas. He's mad, crazy, baliw o kahit anong tawag pa dito. Sigurado akong hindi stable ang isip ng lalaking ito dahil sa mga ginagawa nito sa akin. Simple lang naman ang gusto ko ng pumunta ng Manila ng araw na iyon. Ang makahanap ng trabaho at makatulong sa pamilyang kumalinga sa akin ng itapon ako ng sariling pamilya ko ng sanggol pa lamang ako. Sanggol pa lang ako ng natagpuan umano ng mga kinilala kong mga magulang sa tabi ng basurahan. Kinuha at inalagaan ako ng mag asawa at itinuturing na panganay sa magkakapatid. Hindi sila nag-lihim sa akin kaya alam ko na simula pa lang ay hindi nila ako anak. Gayunpaman, hindi ko naramdaman ang pagkukulang nila dahil laging naka-suporta sila sa akin. Kaya kahit anong hirap ay sinikap kong makapag-aral. Nasa pag-aaral ang buong atensyon ko at iniwasan ko ang lahat ng mga distractions. Heto nga at nakatapos na ako pero ito naman kinahantungan ng naging plano ko. Dahan-dahang iminulat ko ang mga mata ng marinig ang pagbukas at sara ng pintuan. Dahil na rin sa sobrang takot at pagod ko mukhang naapektuhan na ang kalusugan ko. Unti-unting bumagsak ako sa malamig na sahig at hindi na nakatayo hanggang sa tuluyang nagdilim ang paningin ko. "Papa Jesus sana paggising ko ay panaginip lang ang lahat ng ito," dasal ko bago mawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD