Chapter 3

1649 Words
Collin POV. "Boss! Boss!" Nakararinding bungad sa akin ng right hand kong si Felix. "Update?" Tanong ko habang nakatutok ang mga mata ko rito. Kita ko ang paglunok nito bago magsalita. "Boss may update po tayo sa whereabouts ni Miss Caroline," deretsong saad ni Felix habang nagbaba ng tingin sa sahig. Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at nahulog sa sahig ang kanina lang ay nakakandong sa akin na si Janice. "Aray!" rinig kong daing nito. Sinulyapan ko ito ng matalim at agad naman itong tumayo habang hinihimas ang balakang. "Get out, out!" sigaw ko na ikinapatda ni Janice saka mabilis itong tumalilis. "Saan n'yo nakita? Nasaan siya ngayon? Sagot!" Halos manginig sa takot ang right hand ko na nakatayo sa harap ko. "Nasa bus po, balita ng informer ko sumakay ito sa bus na galing Bicol at baba ng istasyon sa Sampalok," saad nito na tila kinabahan. Dapat lang na matakot siya dahil ako si Collin Madrigal, ang kinatatakutang mafia leader sa bansa. Walang naglakas ng loob na bumangga sa akin na nanatiling buhay. Kaya dapat lang na matakot ang sinumang may atraso sa akin. "Finally!" kuyom ang palad na saad ko. "Sige, ihanda ang mga bata. Aalis tayo!" naka-ngising utos ko. Sa Ilang buwang paghahanap ko sa babaeng 'yon finally ay natagpuan ko na rin siya. Ang galing niyang magtago. Halos baliktarin ko na ang buong Pilipinas noon pero hindi ko siya natagpuan. Ngayong lumitaw ito, lalasapin niya ang kaparusahan na matagal ng naghihintay sa kaniya mula sa mga kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang lahat. Sampung buwan na ang nakalipas... Flashback "Kuya!" masayang bungad ng bunso kong kapatid na si Calla. Dalawa lang kaming magkapatid at malapit kami sa isa't isa. Kahit isa akong mafia lord hindi ko dinala sa mundo ko ang kapatid ko dahil gusto ko itong mabuhay ng normal. Normal na buhay na malayo sa gulong hatid ng mafia underworld. Nasa Canada na ang mga magulang namin at doon na ginustong manirahan matapos ipasa sa akin ng aking ama ang pamumuno ng mafiang minana ko mula sa kan'ya. "Masaya ka yata, bro," nakangiting puna ko rito. "Oo, kuya. Finally sinagot na ako ng babaeng matagal ko ng nililigawan," masayang kwento nito. "Well, congrats, bro," sabi ko sabay tapik sa balikat nito. "Sino naman ang malas na babaeng 'yan?" nakatawang pang-aasar ko pa rito. Malas dahil may pagka happy go lucky ang kapatid ko. Marami ring babaeng nagkakandarapa rito. Mabuti na lang at wala pang lumilitaw at nagreklamo na nabuntis nito. "Naku kuya, hindi siya malas sa akin dahil mahal na mahal ko siya. Isa pa, gwapo ang kapatid mo. Dapat proud ka doon, kaya maswerte siya sa akin," mayabang na sabi nito kasabay ng marahang pagsuntok sa balikat ko. Mula noon nagbago ang kapatid ko. Naging mas seryoso ito sa buhay at nagkaroon ng siya ng direksiyon. Naging masayahin ito at ipinangako sa akin na ito na ang babaeng ihaharap sa mga magulang namin. Maraming pagbabago, pero isa rito ang ikinabahala ko. Sa babaeng 'yon na kasi umiikot ang mundo ng kapatid ko. Oras na may makialam dito ay nauuwi sa malaking gulo. Nakilala at nakaharap ko na si Caroline ng minsan dumalaw si Calla kasama ito sa isa sa mga club na pagmamay-ari ko. Sosyal ang babae at hindi maikakaila na galing ito sa mayamang pamilya. Binigay ni Calla ang lahat sa babaeng 'yon ngunit sa huli ay iniwan lamang siya nito na nauwi sa malagim na aksidente na bumago sa buhay nito. Kaya hinanap ko ito para managot sa ginawa niya sa kapatid ko na ngayon ay nakaratay at wala ni isa sa mga doctor ang may idea kung kailan ito magigising. "Boss handa na po ang lahat," sabi ng kanang kamay kong si Felix. "Sige hintayin mo ako sa labas," utos ko pa rito. Pumasok ako sa aking opisina at kinuha ang paborito kong baril. Mabuti na ang sigurado. Wala akong tiwala sa paligid kaya kahit saan ako magpunta ay kasama ko ang baby ko. Isang magaang caliber forty five na malimit kong dala kahit saan ako magpunta ang kinuha ko. Special sa akin ang isang ito dahil ako mismo ang nag-design ayon na rin sa kung ano ang gusto ko. Lumabas ako ng garahe at naabutan ko ang mga tauhan ko na handa na at naghihintay sa akin. "All is set, boss," report ng isa sa pinakamagaling na tauhan ko. Tumango lang ako bilang tugon. "Nakita na po nila ang larawan ni Miss Caroline, boss." sabi naman ni Felix. "Sige, kahit anong mangyari dapat hindi na siya makatakas. Talasan n'yo ang mga mata at bantayan ang mga exit point ng terminal incase hindi ko agad ito makuha. Ako ang lalapit kaya standby lang kayo. Maliwanag ba?" seryosong pahayag ko lalo na at kating-kati ang mga kamay ko na maparusahan ito. Ala-sais ang estimated time na darating ang bus na sinasakyan nito kaya alas singko pa lang ay nasa terminal na kami at matamang nagmamasid. Nasa loob lang ako ng sasakyan naghihintay, oras na bumaba ito ng bus, ako mismo ang kakaladkad dito. Mahigit ala-sais na pero wala pa rin ang bus kaya tinawagan ko si Felix sa status nito. "Boss malapit na daw po, mga limang minuto pa at natraffic sa parting Edsa," paliwanag nito. Hindi ako sumagot at pinatay ko ang tawag. Maya-maya pa ay napansin ko ang bus description na sinasabi ni Felix. Mabilis akong bumaba at lumapit sa babaan ng mga pasahero at tumayo ilang dipa mula sa pintuan ng bus. Pansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. Bakit hindi? Sino ba mag aakalang ang isang taong kagaya ko ay narito sa mausok na terminal na ito. Ilang pasahero na ang nakababa ng makita ko ang target ng grupo. Sa pananamit nito ngayon, ibang-iba na ito. Mahaba na rin ang buhok nito ngayon na maitim na, wala na ang kulay blonde na lagi kong nakikita. Kaya siguro nahirapan ang mga tao ko na hanapin ito dahil nagbagong anyo ito. Kahit anong pagbabago nito ng style at pananamit iisang mukha pa rin ng babaeng hinahanap ko ang taglay nito kaya kahit anong mangyari hindi niya ako matatakasan. Nilapitan ko agad ito ng dumaan malapit sa kinatatayuan ko saka hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso. Mabilis na bumalatay ang pagkagulat sa mukha nito at napatingin sa akin. "Sino ka? Bitawan mo ako," nakakunot noong saad nito habang nakatingala sa akin. Napatitig ako sa mga mata nito na animo'y malakas na enerhiya na humahatak sa akin at nag-papintig ng malakas sa puso ko. "Bitawan mo ako sabi!" puno ng determination na sabi nito. Napangisi ako, ang galing din magkunwari ng dalaga. Akala siguro nito madadala ako sa drama niya. "Bakit? Sasabihin mo bang hindi mo ako kilala? Huwag mo ng balaking magpanggap dahil hindi mo ako maloloko. Lakad!" Utos ko dito habang mahigpit na nakahawak sa mga braso nito. "I'm sorry, pero hindi kita kilala at hindi rin kita maalala. So, please let me go," seryosong saad pa rin nito sa akin. Nag-init ang ulo ko sa narinig. Magaling magdrama ang babaeng ito kaya pala nabilog ang ulo ng kapatid ko. Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin dito saka hinila siya sa braso. "Hindi mo ako kilala at hindi maalala? P'wes maalaala at mas makikilala mo ako sa paraang alam ko." gigil na sabi ko saka ko ito kinaladkad sa nakaparadang sasakyan ko. Maraming mga mata ang nakatingin sa amin pero wala ni isa ang nangahas na lumapit. Subukan lang ng kung sino man ang magtangka. Mawawalan siya ng hininga bago pa siya makalapit ng tuluyan sa akin. Itinulak ko ito papasok sa sasakyan at kinuha ang panyong kanina pa nakahanda para sa kanya. Magsasalita pa sana ito ng takpan ko ang bibig at ilong nito at dahan-dahan itong hinila ng antok. "Good! Very good, Collin." puri ko sa sarili. Nasisiyahan ako habang tinitingnan ang walang malay na babae sa tabi ko. Naka-ngisi ko itong tinapunan ng tingin habang umaandar ang sasakyan. "Mahabang panahon ka ng nagtago at naging masaya habang nag-aagaw buhay ang kapatid ko na ni hindi mo man lang magawang kumustahin. Ngayon, harapin mo ang kaparusahan na naghihintay sa iyo. Welcome to your hell, b***h!" Mga salitang nabuo sa isip ko habang nakatitig sa himbing na himbing na babaeng katabi ko. Binuhat ni Felix si Caroline at inutusan ko itong dalhin sa isa sa mga inihanda kong silid. Pinuntahan ko ang silid ni Calla at nanlumo ako ng madatnan kong wala pa rin itong pagbabago. Ako ang naging saksi sa paghihirap nito ng iwanan ng babaeng 'yon. Nawalan ito ng ganang mabuhay at walang ibang gusto kundi ang makita ulit si Caroline. Akala ko hanggang doon na lang 'yon at magiging maayos din ang lahat pero isang araw lumabas ng kwarto si Calla at nagpunta sa bar kung nasaan si Caroline ng mga oras na iyon. Nagtalo ang mga ito at nag-pakalasing si Calla na nauwi sa isang malagim na aksidente. Gusto kong pumatay ng mga oras na iyon ng datnan ko sa hospital ang kapatid ko. Wala itong malay at puro sugat ang katawan at mukha. May mga bali din ito sa buto na naging dahilan ng pagka-paralyze ng katawan nito. Awang-awa ako sa sinapit nito at sinisi ko ang aking sarili . Sana mas naging kuya ako ng mga panahong 'yon. Sana sinamahan ko siya sa pagdurusa niya. Gustuhin ko man, hindi ko nagawa dahil may mga kumpanyang kailangan kong patakbuhin. May mafia rin akong pinamumunuan. Ngayon, ang mga kumpanyang iyon sana ay si Calla na ang nagpapatakbo kung hindi nangyari ang lahat ng ito. Napabuntong-hininga ako bago lumabas sa silid ng kapatid ko. "Magpagaling ka bro para paggising mo ay makita mo kung paano ko pinarusahan ang dahilan kung bakit ka naratay sa kamang hinihigaan mo ngayon." Isang sulyap pa at tuluyang akong lumabas sa silid na hindi ko pinangarap na naging saksi ng kahinaan ni Calla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD