Unknown POV
Nanginginig sa takot na nakasiksik si Irish sa sulok ng kwarto na pinagdalahan sa kan'ya ng estranghero na basta na lang kumaladkad sa kan'ya mula sa bus terminal na binabaan niya sa Sampaloc Manila.
"S-sino ka a-anong kailangan mo sa’kin?" nauutal sa takot na tanong niya rito. Hindi ito sumagot sa halip ay humakbang ito palapit sa kan’ya. Dahil sa takot na madikit dito, umatras si Irish ngunit nasa pinaka sulok na pala siya ng silid at wala ng pwedeng puntahan.
"Anong kailangan ko? Eto!" gigil na sinakal siya ng lalaki na ikinabigla at ikinalaki ng mga mata ng dalaga. Sa tangkad nito na halos hanggang balikat lang s’ya ay walang nagawa si Irish kundi ang tumingala rito at patingkayad na napatayo ng tuwid para lamang makahinga ng kaunti.
Inabot ni Irish ang mga braso ng lalaki at pilit na tinatanggal ang pagkaka-sakal nito sa leeg niya. Unti-unting nawawalan na rin siya ng hangin at lakas. Bago tuluyang mawalan ng malay ang dalaga ay inihagis siya ng binata sa sahig dahilan upang tumama ng balakang niya at pasalampak na bumagsak.
Napa-igik sa sakit si Irish. Halos nagdilim ang paningin niya. Gusto n’yang gumapang papuntang pintuan ngunit hindi s’ya makagalaw.
"Simula ngayon, alipin na kita. Ano man ang ipagagawa ko sa’yo ay gagawin mo. Kaya kapag sinabi kong gawin mo, gawin mo!" Bulyaw ng lalaki habang nag-iigting sa galit ang mga matang nakakatakot na nakatingin sa dalaga.
Lumapit muli kay Irish ang lalaki at hinawakan siya sa buhok kaya napatayo siya sa lakas ng pwersa nito.
"Akala mo ba makakatakas ka? Akala mo ba matatakasan mo ang ginawa mo?!" bulyaw pa nito habang naglalakad hawak ang buhok niya at pakaladkad siyang sumusunod.
Pumasok sila sa isang kwarto at nagulat s’ya ng may taong nadatnan na nakaratay doon. Maraming aparato ang nakakabit sa buong katawan nito.
"Tingnan mo! Tingnan mong maigi ang ginawa mo!" gigil na gigil paring hawak siya sa buhok at pilit na hinihila palapit ang mukha sa taong nakaratay.
"H-hindi ko po alam, wala po akong alam na may nagawa ako sa kan’ya," umiiyak at nanginginig sa takot na sagot ng dalaga. "P-pakiusap po, p-pakawalan n’yo na ako," pagmamakaawa niya sa lalaki ngunit walang nakuhang sagot si Irish mula rito. Hinila lang ulit s'ya ng binata palabas ng kwartong iyon at ibinalik sa kwarto na unang pinag dal’han sa kan’ya.
Hinawakan sa braso ng ubod higpit ng lalaki si Irish at pabalyang binuksan ang pintuan saka s'ya hinatak at tinulak sa kama.
"Hindi ka makakaalis dito. Hindi mo matatakasan ang kaparusahang inilaan ko para sa'yo’" nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kan'ya.
Nakakatakot ang awra ng lalaki na parang bang anumang oras ay papatayin nito ang dalaga. Hinila nito ang kaliwang kamay ni Irish at may inilabas mula sa drawer ng side table.
"Posas!" gulat na sabi n'ya. "Ano’ng gagawin mo?" natatakot na tanong n'ya sa lalaking basta na lang siya kinidnap pagbaba n'ya mula sa bus station.
Lalo siyang natakot sa mga ginagawa nito at lihim na nananalangin na sana masamang panaginip lang ang lahat ng ito.
Napasigaw si Irish sa higpit ng pagkaka posas nito kan'ya. Namamanhid ang mga braso n'ya sa lakas ng pagkakahawak nito ng mahigpit.
"Now, it's settled," nakangising sabi na nito matapos ikabit ang tali sa gilid ng kama.
Mukhang aliw na aliw ang lalaki na makita ang paghihirap ni Irish.
"Wala pa 'yan sa katiting ng parusang dadanasin mo mula sa akin!" Inilapit ng lalaki ang mukha sa tenga n'ya at bumulong, "Welcome to your hell, slut." Saka ito tumayo ng tuwid at naka-ngising iniwan siya na nakasalampak.
Ilang ulit na pumikit si Irish habang walang humpay na umaagos ang mga luha. Taimtim na nananalangin na sana hindi ito totoo.
Ngunit ang nakagapos na mga kamay ang siyang nagpapatunay sa kan’ya ng katotohanan na nakatali siya sa loob ng madilim at mainit na kwartong ito.
Mag hating gabi na ngunit hindi pa bumabalik ang lalaki kanina. Matindi na rin ang gutom at pagod na nararamdaman n'ya. Namamanhid na ang buong braso ng dalaga at ngalay na ngalay na rin ang balikat at leeg n'ya dahil sa limited na galaw mula sa pagkakatali.
Gustuhin man niyang gumamit ng banyo ay hindi magawa. Naiihi na siya at kanina pa nagpipigil. Napaiyak na naman si Irish sa takot at awa sa sarili.
"Panginoon ko, gabayan n'yo po ako. Huwag n'yo po akong pabayaan. Parang awa n'yo na po sana magliwanag ang isip ng lalaking 'yon at pakawalan na ako." Taimtim na panalangin ni Irish. Batid ng dalaga na ang Diyos na lang ang taging lakas n'ya ngayon. Alam niyang walang nakakaalam na nandito s'ya maliban sa mga nakaitim na armadong mga kalalakihang kasama ng taong dumukot sa kan’ya.
Hindi alam ni Irish kung paano siya napunta sa situation na ganito. Batid n'ya sa sarili na naging mabuti siyang tao. Palagi niyang iniisip ang damdamin ng kapwa. Wala siyang naging kaaway kaya hindi n'ya naisip na pagdaraanan n'ya ngayon ang lahat ng ito.
Tumayo siya at naghanap ng maaaring gamitin para matanggal ang pagkakatali ngunit wala siyang napala. Napaka-dilim ng kwarto na kinalalagyan n'ya at halos wala s'yang makita.
Namimilipit na rin s'ya dahil hindi na niya mapigilang maihi. Naalala n'ya ang plastic na nasa loob ng drawer, dali-dali n'ya itong inabot at pilit binaba ang jeans na suot niya.
Finally nakaraos din si Irish, tinali niya ng mahigpit at saka itinabi sa sulok ang plastic. Bukas n'ya na lang ito lilinisin, kapag pinakawalan na s'ya ng lalaki.
Nakatulugan ni Irish ang ganitong sitwasyon. Nakatulog siyang walang laman ang tiyan walang linis man lang ng katawan. Para siyang batang naulila na walang kahit sinong pwedeng tumulong sa kalagayan niya ngayon.
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Irish. Uhaw na uhaw at basang-basa ng pawis ang puting pang itaas niyang damit. Napakainit ng kwarto na kinalalagyan n'ya dahil hindi man lang nag-abala ang lalaki para buksan ang electric fan bago s'ya iniwan nito.
“Mabuti pa sa probinsya kahit walang air-con at electric fan malamig pa rin ang panahon,” bulong ng dalaga.
Naisip ni Irish ang pamilyang iniwan sa probinsya. "Kumusta kaya sila? Siguro nag-aalala na ang mga magulang ko dahil hindi ako nakatawag man lang simula ng makarating ako rito kahapon."
Sa isiping iyon napaluha na naman si Irish. Natatakot s'ya sa maaaring mangyari. Hindi siya safe dito pero hindi s'ya makaalis. Heto nga at nakatali pa siya at hindi man lang nag-abala ang lalaki na pakainin siya.
"Nakakatakot ang lalaking 'yon wala siyang awa. Nakakatakot ang ugaling ipinakita niya sa akin kagabi. Lumaki akong puno ng pagmamahal mula sa pamilya ko kaya wala sa hinagap ko na makakaranas ako ng ganito. Sana pala hindi na lang ako umalis ng Bicol. Sana walang banta sa buhay ko. Sana kasama ko ang pamilya ko. Sana..." Puno ng pagsisising kinausap ni Irish sa sarili.
"Mama, please pray for me." Nami-miss na kaagad ni Irish ang pamilya. Lalo pa s'yang na-homesick dahil sa kalagayan n'ya.
"Sino kaya siya? Bakit niya ginawa sa akin ito? Ano'ng kasalanang nagawa ko ang tinutukoy niya?" Hindi napigilang tanungin ni Irish ang sarili.
Kahit anong pilit n'ya sa sarili ay hindi n'ya maiisip na may nagawa nga siya rito o kinalaman sa mga sinabi nito. Maging ang lalaking nakita n'yang nakaratay ay hindi niya kilala. Ngayon n'ya lang din ito nakita.
Napapitlag s'ya mula sa kinauupuan ng bumukas ng marahas ang pintuan. Hinatak s'ya ng lalaki sa braso kaya napa-ngiwing nakatingin s'ya rito.
"It seems you were enjoying your stay, huh?" naka-ngising sabi nito ng makitang namumula ang mga braso ni Irish. "Nagustuhan mo ba ang parusa mo magdamag?" tanong pa nito.
Hindi s'ya umimik dahil nagsisimula na namang tumulo ang mga luha n'ya. Hinawakan siya nito sa baba at pinisil iyon ng mahigpit.
"Wow tears of joy huh, bagay sa'yo," pang-uuyam ng lalaki.
"Masanay ka ng ganyan dahil 'yan ang magiging karanasan mo sa kamay ko araw-araw." Saka nito binitawan ang baba ni Irish at kinuha ang susi saka binuksan ang posas na nakakabit sa gilid ng kama.
"Labas!" pasigaw na utos ng lalaki. Kahit na nanginginig ay mabilis na sumunod si Irish sa takot na baka mas magalit pa ito. Narinig pa n'ya itong nagmura at pabagsak na isinara ang pinto.
Pinapasok siya ng lalaki sa isa pang silid bago inutusan na maligo doon at sinabing nasa ibabaw ng kama ang isusuot n'ya. Bago s'ya iniwan ng lalaki ay sinabi nitong may susundo sa kan’ya after five minutes at pag hindi s'ya sumunod ay makatikim umano siya ng panibagong parusa mula rito.
Sa takot ay mabilis siyang naligo at nag-toothbrush. Nagmamadali na lumabas at tiningnan ang damit na nasa kama. Nanayo ang lahat ng balahibo n'ya ng makita kung anong klase ng damit ang ipapasuot pala nito sa kanya.
Kulay pulang mini dress ito. Mini talaga sa sobrang ikli at lalim ng tabas sa dibdib. Kitang-kita na ang mga pisngi ng mga dibdib niya at halos lagpas lang sa puwetan ng ilang pulgada na kapag tumuwad s'ya ay maaaring makita na ang lahat sa kan’ya.
Mabilis niyang sinuot ang sapatos na may mataas na takong. Hindi s'ya sanay magsuot ng ganito. Sa tanang buhay n'ya ay hindi pa niya naranasan manlang na magsuot ng ganitong klaseng damit at sapatos.
Pakiramdam tuloy ng dalaga ay para siyang babaeng for sale sa bangketa. Napa-sign of the cross si Irish ng makita ang kaniyang itsura sa salamin.
"My god, ano kayang binabalak n'ya sa akin?" nag-aalala na tanong n'ya sa sarili.
Iginala ni Irish ang paningin sa paligid. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makatakas sa lalong madaling panahon. Wala pa ngang isang buong araw abot-abot na ang takot na nararamdaman n'ya sa pamamalagi sa lugar na ito.
"Baka pag tumagal pa ako dito eh magka-heart attack ako dahil sa kabang nararamdaman ko sa bawat minuto," sabi ng dalaga.
May kumatok sa pintuan at pumasok ang isang babae na sa tingin n'ya ay kasambahay dito. Nakaputi itong uniform at maayos na nakatali ang buhok paitaas.
"Tinatawag ka na ni Master. Bilisan mo kasi baka maparusahan tayo pareho." Maikling sabi ng babae saka tumalikod bago sinabing sumunod siya rito.
"Bakit niya kaya ako pinatawag? Anong gagawin niya sa akin? My god, 'wag naman po sana," natatakot si Irish sa mga pumapasok sa isipan.
"Sana lang talaga ay wala siyang gawing hindi maganda sa akin," bulong n'ya sa sarili habang papalabas ng pintuan.