Wala akong magawa sa araw na iyon kun'di ang tumanganga sa harapan niya. Pinoproseso pa ng utak ko ang lahat, mahirap para sa akin ang desisyong ito. Gayong, wala pa akung kasiguradohan sa mangyayari sa akin.
Oo nga't follow all his order lang ang sinabi niya at bayad na ako, bayad na ang magulang ko sa kasalanang nagawa nila. Paano kung mahirap ang iuutos niya? Makakaya ko bang sundin. Paano kung ginagago lang niya ako.
Malaki ang naging kasalanan ng pamilya ko sa kanya. Una isang billion ang ninakaw sa kanya. And I'm sure. Si kuya ang maygawa nun, dahil siya ang secretary nito. pangalawa ni rape, ang kanyang girlfriend sa ama ko, pangatlo pinatay pa ito .
Doble-doble na ang kasalanan ng pamilya ko sa kanya. At ang kapalit ng lahat ay ipapatay niya ang magulang ko sa kulongan. Mahirap para sa akin kung mawala ang ama ko at ina, kaya kahit labag sa loob ang desisyon kong ito, wala akong magawa kundi ang tumango ng ilang ulit.
"P-payag ako, itigil mo na, please Vann mahal na mahal ko ang ama ko. Pabayaan mo na sila. Kaya kung bayaran 'yon lahat, basta huwag mo lang silang ipahamak."
'Yan ang huling pagmamakaawa ko sa kanya sa mga oras na iyon bago ako tumayo sa pagkakaluhod at sa mga oras na iyon. Isang tawag niya lang sa kung sinong tao, nahinto ang kamatayan ng magulang ko sa kulongan.
"Stop the plan. Huwag niyong galawin ang mag-asawa riyan. Huwag niyo ng ituloy kung ayaw niyong malintikan sa akin."
'Yan ang narinig ko sa kanya habang kausap ang kabilang linya. I don't know, whose connection that he had, but all I know , kaya niyang magpabagsak ng tao sa iisang utos niya lang.
Hindi ko alam kung paano napatigil ni Vann ang lahat saka paano niya napapayag ang mga tauhan niya. Basta huling sabi niya...
"Stop thier death, ayaw ko ng maraming tanong. Do what I say." Parang kulog ang boses niya habang kausap ang nasa kabilang linya.
Sa araw rin na iyon, mabilis pa sa kidlat akong nakalabas ng kulungan. Isang sabi niya lang sa mga pulis na ang lawyer na niya ang makakaharap nila at tanging tango lang ang naging sagot ng mga pulis.
Ganyan ang nagagawa ng isang Giovann Mercedez, kaya niyang mapasunod ang tao. Na kahit ako, kaya niyang manipulahin at takotin ng todo.
"V-Vann saan kana, 'di ko alam papuntang bahay mo."
'Di ko na talaga napigilang tawagan siya. Halos gumabi na at tatlong oras na akong naghihintay sa kanya sa labas ng campus.
Inip na inip na ako kakahintay sa kanya. Gusto ko siyang sigawan dahil pinaghintay niya ako ng tatlong oras pero natigilan ako ng may narinig akong ungol sa kabilang linya.
Pumikit ako ng mariin.
"M-may ka s*x, ka ba?"
Rinig sa boses ko ang pait, kaya pala hanggang ngayon wala pa siya dahil abala siya, abala siyang makipag talik sa babae niya. Naiisip ko palang kung paano niya magawang paungolin ang mga babae niya kinikilabutan na ako.
Minsan naisip ko nga kung womanizer ba talaga siya noon pa kahit girlfriend niya si Ella Torres? Cheater ba siya sa babae? Pero isa rin sa naisip kong dahilan, ay dahil sa mahal niya si Ella at nasaktan siya ng todo sa pagkamatay ng girlfriend niya. Kaya nagka ganyan siya. Sa iba, naghahanap ng kaligayahan. Sobrang unfair sa part ni Ella 'yon kung ganon.
"None of your business. Hintayin mo ako riyan susunduin na kita."
Napailing-iling ako ng ulo. Hindi alam kung anong ere-react, mahirap ang ganito, kahit isang linggo na ang naka lipas mula nung nakalabas ako ng bilangguan, wala pa siyang pinapagawa sa akin. Wala pa nga akong natatanggap na, paghihirap galing sa kanya. Tanging sa Aunte Michelle lang ako naghirap.
"O-okay," utal na sagot ko na ramdam kong natigilan siya.
"Siguardo kana ba sa plano mong tumira sa bahay ko?"
Ako naman ngayon ang natigilan. Nagisip sa tamang desisyon kung ito. Hindi ako mapipilitang tumira sa bahay niya kundi dahil kay tita Michelle. Pagkalabas ko kasi sa bilangguan kay tita Michelle na ako nakatira.
Kinuha kasi ni Vann ang bahay niyang para sa amin sana. Sa kanya naman talaga ang bahay na 'yon, bawat workers ni Mr. mercedez na naka abot ng 1year ay bibigyan niya ng bahay. Ang pamilyang Morales lang nga ang naiba dahil one month palang sina mama at papa sa pagtatrabaho binigyan agad sila ng bahay nito.
"O-oo," sagot ko.
Narinig ko sa kabilang linya ang sinabi ni Vann sa babae niya.
"Move nawalan na ako ng gana,"
at ang sigaw ng babae,
"What the hell Giovann!"
Kinagat ko ang pang ibabang labi. Hindi ko akalaing makakasagupa ako ng ganitong eksena, natulala tuloy ako sa kawalan.
"Nandyan ka pa ba?"
Nabalik ako sa ulirat ko pagka rinig ko ulit sa boses niya.
"Iniwan mo ang babae mo?"
Para akong tangang tinatanong 'yon sa kanya.
"You already paid, Ms. Morales. Make sure magampanan mo ng maayos ang trabaho mo"
Isinawalang bahala niya ang tanong ko sa pamamagitan non.
"Kaya kong tumupad sa usapan, Mr. Mercedez"
Napapikit ako ng mariin, naalala ko ang kaganapan kahapon.
Hindi ko inasahang pupuntahan niya ako sa bahay ni tita Michelle, at di ko inasahang sa harap pa talaga niya akong napahiya ng husto.
"Lumayas ka rito, wala kang kwenta! Bakit hindi mo nilabhan ang damit ng asawa ko! Putangina ka! Sumama ka roon sa ama at ina mong walang kwenta sa kulungan! Doon ka nababagay, hindi rito,punyeta ka!"
Grabenghiya ang naramdaman ko nun dahil sa labas ng bahay talaga ako sinigawan ni tita, at nandon pala si Vann sa labas, naka-abang. Nakatingin lang sa akin habang prenteng naka sandal sa sasakyan niya.
Hindi niya ininda ang mga kapitbahay ni tita na pinapalibutan siya at halos tumulo na ang laway dahil sa nag uumapaw niyang karangyaan at sa nag uumapaw niyang gwapong mukha. Agaw pansin din ang kanyang mamahaling sasakyan na nakaparada.
Imbis na sa akin makikiusyoso ang mga tao nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Gusto ko na ngang lamunin ng lupa sa araw na yon...
"Umalis kana rito! Alis na! Bwesit kalang sa buhay namin! Alis,pwe!" Dinuraan niya pa ako sa mukha, na ika-pikit ko nalang.
"Tita, hindi na mauulit. Dito na lang po ako."
"Hindi pwede! Dagdag palamunin ka lang.Hala! Alis! "
Panay ang tulo ng luha ko habang minamasdan ang mga damit ko na hinahagis ni tita papunta sa akin.
Gusto kong sabihin kay tita na nakalimutan ko lang sa paglaba ang damit ni tito kasi sa dami na ng ginagawa ko para lang maayos ang bahay niya kahit papano.Samantalang siya buong araw sa sugalan.
Bakit may mga taong mapang api, bakit may mga taong walang puso, sila ang nag papahirap ng sitwasyon ng isang tao.
"Leave her."
Natigil sa pagkaladkad sa akin si tita Michelle nang hinawakan ako ni Giovann at tinakpan niya ako sa kanyang likuran. Na para bang pinoprotektahan niya ako.
"Sino ka namang bata ka-----"
"Just leave the girl alone. Here take this!"
Hindi magkmuwang-muwang ang saya ni tita ng inabutan siya ng pera ni Giovann. Agad niya itong kinuha.
"Aba'y para sa'n ito?"
"Bayad sa babaeng ito. I will take here right now."
Kumurap-kurap ako. Pilit pinoproseso ang sinabi niya.
"Wala rin naman 'yang silbi. Sege kunin mo na 'yan. Akin na itong pera." Tiningnan ako ni tita sa likuran ni Vann "Hoy, babae! Sumama kana sa mayamang lalaking ito. Swerte mo, may kukopkop sa'yong mayamam."
Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako kay tita na humahalakhak pabalik sa loob ng kanilang bahay. Susundan ko sana ngunit pinigilan ako ni Giovann.
"I'll already own you, Miss. Don't you dare beg again to that old woman or else..." nagbabanta niyang saad.
Napahilamos ako ng mukha. Hindi alam kung ano pang sasabihin ko sa katawagan ngayon, pagkatapos maalala ang kaganapan kahapon.
"Mabuti ng magkaliwanagan babe."
B-babe? kumunot ang noo ko sa huling banggit niya.
" 'Wag mo 'kong tawaging babe dahil katulong mo lang ako, Vann. Hindi isa sa mga babaeng parausan mo."
Kaya pala siya pumunta sa bahay ni tita, para mapag-usapan namin ang tungkol sa gagawin kong pag bayad sa kanya. Oo, natigil ang kamatayan sa magulang ko pero hindi sila pwedeng makalabas ng kulungan. Hindi ganon kadali, gayong mas malaking kaso ang nakapatong sa dalawa. Mas mabuti na ang ganon kesa naman mawala ang ama at ina ko sa mundo. At isa sa napag usapan namin ay ang pagiging katulong ko sa loob ng bahay niya.
"Mahirap ka lang, kaya kitang bilhin bilang labasan ng libog ko, Andrea. Tandaan mo, malaki ang dapat mong bayaran bago ka makalabas sa puder ko"
'Yan, yang mga salita niyang 'yan ang nagpatigil sa mundo ko. Ito ba ang papel ko sa mundo? Ang puro pasakit na lang. Sana tama ang desisyon kong tumira sa bahay niya at sana bilang katulong niya lang ang ipapagawa niya, wala ng iba pa. Sana nga, sana wala ng dagdag pa.
"Sakay..."
Galing sa pagkakayuko ko, umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Magulo ang kanyang buhok, maluwag ang necktie, igting ang panga at higit sa lahat malamig ang kanyang matang nakatitig sa akin.
Nandito na si Giovann Mercedez ang lalaking katawagan ko kanina lang, ang bilis niya naman yatang naka punta sa paaralan ko.
"Sakay, Morales. Don't stare at me too much."
Napaamaang ako. Ganito niya ako niyaya kahapon, Kahapon kong saan hiyang-hiya ako sa harapan niya. Kahapon kong saan nagmumukha akong pulubi kakapulot sa mga damit ko.
"O-okay, Mr. Mercedez."
"Tss. Bilisan mo!"
He's cold as an ice.