ANDREA's POV
"That's all for today. See you on monday."
Inunahan ko na sa paglabas ang last subject teacher ko. Patakbo akong lumabas ng campus dahil akala ko naghihintay ang lalaking ubod ng sama sa akin sa labas ng gate pero ni-anino niya wala akong makita.
"Andrea, sinong hinihintay mo?"
Napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses ng isa sa kaklase ko sa isang subject. Naka ngiti ang kanyang labi.
"Uy Aaron, ikaw pala, hinihintay ko ang sundo ko."
"Sino, boyfriend mo?" kunot noong tanong niya.
Nanlaki ang mata ko.Sabay iling.
"H-ha! H-hindi. Ano, ang kapatid ko. Oo, ang kapatid ko ang sundo ko," hindi komportable kong saad.
Humagalpak naman siya nang tawa. Tinapik niya ang balikat ko bago siiya nagpaalam.
"Akala ko may boyfriend kana. Sege, una na ako sayo. Mag iingat ka rito."
Tinanguan ko lang siya. Umalis na rin siya kalaunan, sakay ng motor niya. Nginitian niya pa ako bago lumayo ang magara niyang motor.
Bumuntong hininga ako saka umupo sa waiting sheed. Marami pang estudyante sa labas ng campus, hinihintay ang kanilang sundo. Samantalang hinintay ko naman ang amo ko, na kukunin raw ako rito sa labas ng gate.
Lumipas ang isang oras. Wala paring lalaking sumulpot sa harapan ko. Halos ubos na ang studyante na nandito sa labas ng campus at halos gumabi na. Bagot na bagot na ako kakahintay sa kanya.
"Saan na ba ang lalaking 'yon?" sambit ko.
Ang usapan namin susunduin niya ako pagka-uwian pero anong oras na. Kung pu-pwede lang takasan ang problemang haharapin ko sa kanya, baka kanina pa ako tumakas. Kaso may pumipigil sa akin. Natatakot akong babalik nanaman ako sa kulongan. Naalala ko no'ng pumunta siya sa bahay namin panay ang tago ko para hindi ko lang siya makaharap.
Sobrang takot na takot ako sa panahon na 'yon. Hindi ko alam, kung sa'n ako pupunta o magtatago para lang matakasan siya.
"Alam kong nasa loob ka lang, Andrea. Lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong bahay niyo. Huwag mong ubosin ang natitira kung pasensiya. Get the hell out! Now!" gigil na sigaw ni Giovann sa labas ng bahay namin.
Limang araw ng hindi nagpapakita ang mga magulang ko, pati si kuya. I don't have an idea, what's going on. Nabalitaan ko nalang na may nagawa silang kasalanan.
Nagnakaw sila sa company ng kanilang boss. And their boss, is no other than, the man who's shouting in the outside. Hinahanap ang mga magulang ko. Ang hindi ko makuha, bakit pati ako, hinahanap niya?.
Panay tulo na ang luha ko dahil sa sobrang kaba.
Kahit kinabahan, nag tago parin ako sa loob ng bahay. Balak ko pa sanang tumalon sa bintana para lang talaga matakasan siya. Kaso huli na ang lahat, nakapasok na siya sa bahay, kasama ang mga pulis at NBI. May dala silang search warrant na ika-lugmok ko.
Hinalughog nila ang buong bahay. Iyong mga gamit namin itinumba nila iyon. Maraming kabinet silang binuksan. Pinasok din nila ang kwarto ko, kwarto ni kuya at kay mama at papa.
"Wala kayong makukuha rito. Umalis na kayo" Pigil ko pa.
"Sir, may nakuha kaming shabu at baril sa kwarto," Biglang labas ng isang pulis galing sa kwarto ni kuya, sabay nilang pinasok 'yon. Sumunod din ako.
Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Sa pagkakaalam ko hindi nagbibisyo ang kapatid ko. Bakit may ganyan siya. Sobrang bait ng kapatid kung 'yon, siya ang nagsasabi sa akin palagi na hindi ako dapat magpadala sa mga ilegal na bisyo. Pero bakit...
Nagulat nalang ako ng may tumapik sa aking likuran. Dahil sa pagkatulala hindi ko na alam kung anong nangyari sa paligid. Ang tanging narinig ko...
"May shabu rin ang babaeng ito. Nasa bulsa ng pantalon niya"
Nanghina agad ang mga buto ko ng may nabunot silang naka balot sa plastic na shabu. I am sure, I didn't use those. Paano nagkaroon ng ganoong bagay sa bulsa ko?
"H-Hindi akin 'yan," hinang-hina kung sabi.
"Sa presinto kana magpaliwanag." pinosasan ako ng isang pulis. Nagpupumiglas agad ako at pilit kumuwala.
"Please hindi ako gumagamit ng ganon, maawa kayo. Hindi po talaga," iyak kung sabi.
"Bitawan niyo ako!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng mga pulis sa akin.
Nilapitan ako ni Vann, seryoso ang kanyang mukha. Nakita ko pa ang madilim niyang ngisi.
" So, you're a drug adik?" madilim niyang sabi.
"Hindi ako gumagamit ng droga----"
"Ganyan ba ang pamilyang Morales? Sa sobrang pagka-adik sa bisyo nagnakaw nalang ng pera? Tapos mahilig pang tumakas. Hindi pa talaga kayo nakuntento sa binigay kong bahay sa inyo. Nagawa niyo pang magnakaw sa companya ko? I'll make sure, your parents will be root in that f*****g jail!"
Napapikit ako sa inis. Hindi na alam kong ano ng nangyari sa buhay ko. Napapahamak ako sa kabulastugan ng pamilya ko. Bakit may pamilya akong mag nanakaw? And I thought sobrang bait nila, iyon pala may tinatago silang hindi ko nalalaman.
"Saan ang magulang mo, dapat mabilanggo rin sila katulad mo. Malaking pera ang ninakaw nila sa companya ko. One billion, Andrea."
Napatunganga nalang ako sa laki ng perang nakuha ng magulang ko. Nagtatrabaho ang si mama at papa sa pagiging janitor. Samantalang si kuya, ang pinagkakatiwalaan niyang sekretary sa kanyang kompanya. Tapos iyon pala, tinatrydor siya.
Yumuko na lang ako. Hindi na kayang makipagsagotan. Akala ko mababait sila, hindi nila kayang gawin ang pagnanakawo,oras na pumasok sila sa company ni Vann. Iyon pala mas grabeng kagagohan ang nagawa nila. Lagi nalang akong napapahamak. And this is worst.
Hindi ko nga alam kong bakit alam ng lalaking ito ang pangalan ko. Siguro pinapaimbestigahan niya ang pamilyang Morales. Siya naman, kilala ko lang siya dahil sikat siyang business tycon. Sa news man o sa magazine napapalabas siya. Pumupunta rin ako sa Kompanya niya upang tulongan ang magulang ko sakanilang trabaho. At isang beses ko palang siyang nakita, at galit p siya sa panahong iyon. Sa pagkaka-alam ko pangalawang beses na itong nagkasagupa kami.
"Ikulong niyo ang babaeng 'yan!"
Para na akong robot habang kaladkad ako ng mga pulis papalabas ng bahay. Lahat nang kahihiyan, dala-dala ko na yata, pati dignidad ko natapakan na habang nasa loob ako ng kulungan.
Kahit anong deny ko, sa presinto, na hindi ako gumagamit ng droga, ngunit nagulat nalang ako ng lumabas sa test na positive ako. Grabeng iyak ang nangyari. Hindi ko akalain na ganon lang kadali ang lahat. I am so sure, I didn't use drugs. Alam kung set-up lang itong pagkakulong ko. Isang tao lang ang alam kung nagset up nito. Walang iba kundi si Giovann. Siya lang naman itong gusto rin akung makulong.
Sobrang dilim ng kulongan, ang pighati at pagka poot naghalo-halo na lahat. Para akung nanaginip, guato kung isipin na panaginip lang itong nangyari sa buhay ko. Pero hindi, nangyari talaga ang 'di dapat mangyari.
Ako nalang mag-isa. Saan nga ba ang magulang ko at kapatid? Ayon tumakas na pagkatapos makuha ang isang billion na pera ni Giovann Mercedez.
"Ms. Morales may dalaw ka."
Agad akong napatayo sa sinabi ng pulis. Nakahinga pa ako ng maluwag dahil akala ko ang pamilya ko ang bumisita sa akin pero nagkakamali ako. Oo nga pala, pinapahanap sila sa pulisiya, hindi sila makakadalaw sakin.
Pagkalabas ko ng rehas si Giovann Mercedez ang bumungad sa akin. Siya lang ang ka una-unahang taong dumalaw sa akin. Nagdidilim sa galit ang mukha niya. Igting ang kanyang panga pero kahit na ganon, agaw pansin parin ang kanyang mukha.
Halos mabali na ang leeg ng mga babaeng dumadalaw at iyong mga preso kakatitig sa kanya. Yes! I admit, Vann, is deadly hot and handsome. He is a top notcher bachelor. And a successful business man at a young age.
Siya lang yata ang pinaka batang business man na nakilala ko.
"Vann," sambit ko. Hindi alam kung saan ako magsisimula.
" Is it nice seeing you here, Miss" Humalukipkip siya sa kanyang upuan. Tiim ang bagang, tila nagpipigil na magalit ng husto.
"Bakit mo ginawa sa akin ito? I didn't do anything. Wala akong alam sa mga binibintang sa akin. I didn't use drugs, why you do this to me." Todo pigil ako sa luhang ko upang hindi maglandasan.
"I know," walang gatol niyang pag amin. " I set up you. That's why, you're f*****g here," mariin niyang sabi.
Umawang ang labi ko. So siya nga talaga ang nagset-up sa lahat kaya ako nakakulong ngayon. Those drugs are not mine. What about doonsa kwarto ni kuya? Set up rin ba ang baril at drugs na nakita ng mga pulis nun?
"P-Pero bakit? Wala akung kasalanan. Hindi ako ang nagnakaw sayo? Bakit pati ako sinali mo?"hindi makapaniwala kung sabi.
"Simple. Because you're one of the Morales. Gusto kung lahat kayo magdusa. You didn't get my point,Miss?"
"Per-----"
"Sucks family of yours, Andrea. Dapat ikaw ang mag bayad sa lahat ng ginawa nila." Sa puntong ito, medyo tumaas ng bahagya ang kanyang boses.
"Anong nangyari? Bakit ako ang magbabayad sa kasalanang hindi ko nagawa!" Gusto kung sabunotan ang sarili dahil sa frustration.
"Akala mo ba, 'yang pagnanakaw lang ng pera ang nagawang kasalanan ng walanghiya mong pamilya? Do you think, ipapakulong kita dahil lang doon. No! Your family made a big mistake. A damn big mistake that can ruin your life. You should pay all thier debt."
Napatanga ako sa sinabi niya. What's my family do this time?
"A-anong ibig mong sabihin?"
May nilagay siyang brown envelope sa lamesa. Nagtagis bagang parin ang kanyang panga at matalim na tingin parin ang ipinukol niya sa akin.
Para bang sumpa ako sa buhay niya. 'Di ko tuloy maiwasang hindi kabahan, para kasing may ginawa nanaman ang pamilya kong ikinagalit niya ngayon. I'm frustrated and exhausted at same time.
Para akong maubusan ng dugo sa tingin niya sa akin. Hindi ako mapakali sa upuan ko.
"Open the envelope para malaman mo kong ano ang kasalanan ng mga magulang mo. Open it!"
Ka muntikan na akung mapatayo sa sindak niyang boses. Nanginig na inabot ko ang envelope. Bawat galaw ko nakamasid lamang siya, para bang ene-examine bawat galaw ko.
Pagka bukas ko sa envelope, may nakita agad akong mga litratong nakakasukang pagmasdan.
"A-ano ang mga 'to?"
Hindi siya nagsalita, hinayaan niya lang akong, pinoproseso ng utak ko ang mga litratong hawak ko ngayon.
Bawat litratong nakikita ko 'di ko maiwasang pandirihan. Wala akong ibang nakita sa picture kundi ang isang taong naka handusay, walang saplot, duguan ang buong katawan at nakatakip ang kanyang buhok sa buong mukha. Isang babaeng mukhang ginahasa.
Sa huling litrato nabitawan ko ito. Doon na nawindag ang mundo ko. Ang babaeng duguan ang katawan at walang damit ay...
"T-teka si---"
Inangat ko ang tingin kay Vann. Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil kilala ko ang babaeng nasa picture. Siya ang sikat na artista sa larangan ng industriya at halos lahat ng tao ay kilala siya dahil sa angkin niyang kabaitan. At magaling umarte sa harapan ng camera.
"Haven't the news about her, ay di pa ba kumalat dito Ms.Morales." Nag- smirk siya pero madilim parin ang aura niya. Blangko ang tingin at makapanindig balahibo.
May nagbabara yata sa lalamunan ko. Kumurap-kurap ako para pigilan ang luha kong babagsak na.
"Sino ang pumatay sa kanya? S-sino, Mr. Mercedez?" tanong ko. Kahit may pumasok na sa isip ko kung sino 'yon.
Hindi siya pupunta rito kong walang nagawang masama ang magulang ko. Two weeks na ako sa kulungan pero ni-isa walang dumalaw sa akin. Siya palang ang dumalaw sa akin dito at may masamang balita pa siyang dala-dala. Na mas guguho pa sa akin.
"Your dumbass, fathe, raped my girlfriend. The day she visited me in my company and he's not contented, pinatay niya pa ito. Gusto kong patayin ang ama mo dahil sa kahayopan niya, pero 'di pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyon."
Napatakip ako sa bibig ko. Ang girlfriend niyang si Ella Torres, ni-rape ng ama ko at pinatay pa ito.
"H-h-hindi gagawin ng a-a-ama ko ang g-ganon."
"Bullshit, Andrea! Bobo ka ba o sadyang tanga ka lang! Your father is a drug addict. Pati 'yong kuya mo. They are some wild animal. f**k them! Come too think of it. Sinong matinong tao ang susulpot sa company ko? Kahit na pinapahanap ko ito. He kidnap my girlfriend base in the investigation. And he raped my..."
Nagbabagsakan ang mga luha kong nakatingin sa kanya. Sumisikip ang dibdib ko. Ang ama ko, ang lagi kong nakakasundo at kakampi. Siya ang nag a-advice sa akin sa mabuting gawain. Bakit nagka ganito na. Kinain lang niya ang mga pinapayo niya sa'kin. Napaka hayop niyang ama, upang gawin ito sa girlfriend ni Giovann. Kaya ba, lakijg galit niya lang sa akin noong pumunta siya sa bahay namin, kasama ang mga pulis? Bakit wala akung alam sa lahat. Nabulag ako sa bali-balita.
"S-saan ang ama ko? Ang kapatid kong lalaki? Ang ina ko? Nahanap na ba?" di magkamuwang-muwang kung tanong.
"Your father is in jail together with your mother. And your asshole brother? Patuloy ko pang pinapahanap. At ikaw? tutunganga ka lang ba habang hinihintay ang kamatayan ng ama mo?"
Pakiramdam ko lahat ng mabibigat na bagay sa mundo ay pasan ko. Paano ko sila madadalaw sa kulungan, gayong nakakulong rin ako. Pero anong sabi ni Vann?
"K-kamatayan? p-papatayin ang ama ko?" wala sa sariling banggit ko.
"Exactly, kapalit ng kademonyo ni Rafael Morales hahatulan siya ng kamatayan. It's easy to do that, ang ipapatay ang ama mo. Also your mother. I can pay a hired killer in that jail para patayin ang magulang mo. How cool, right? Is it exciting? "
"You're an evil monster!" sigaw ko pa. Hindi makapaniwala sa narinig. Nanubig ang mga mata ko sa ka demonyohan niya. Kaya niyang pumatay ng tao para maghiganti? Kahit pa, hindi siya ang gagawa ng krimen pero dahil utos niya, para siya pa rin ang gumagawa ng pagpatay, kung mangyayari man 'yon.
"It's payback time, Andrea. Mali ang kalabanin ako. Maling-mali ang binangga niying tao. Kaya kong gawin lahat sa paghihiganti ko sa kababuyan at katarantadohan ng pamilya mo. Buhay ang nawala, buhay rin ang kapalit."
"Giovann, huwag mong gawin 'yan. Nagmamaka-awa ako" nilayo niya ang nakapatong na kamay sa lamesa nang akmang hahawakan ko ito.
Iniling niya ang ulo "I'm not done. Baka sa oras na ito, pinapatay na sila ng kasamahan nila sa kulongan-----"
Natigil siya sa pag sasalita nang lumuhod ako sa harapan niya. Wala akong paki-alam kong pinag titingan ako ng mga taong nakapalibot ngayon sa aming dalawa. Wala akong paki alam kong nagmumukha akong kaawa-awa sa harapan niya. Wala akong paki alam, kong wala na akong natirang pride sa sarili ko. Wala na akong paki-alam.
"Please. I beg you. Huwag mong gawin ito, maawa ka. Gagawin ko ang lahat, gagawin ko, itigil mo lang ang binabalak mong p******************g ko. Please, Vann, maawa ka, nag mamakaawa ako sayo. Hayaan mo na sila."
Panay na ang tulo ng luha ko at panay bulungan na rin ang mga tao sa paligid naming dalawa.
Sabihin na nating wala akong kasalanang nagawa para ikulong ako. Hindi rin ako sumali sa pagnakaw ng pera, pero pamilyang Morales ako. Dapat rin akong mag bayad sa kasalanan ng pamilya ko dahil ang perang ninakaw ng pamilya ko ay nagamit ko para sa pangangailangan ko, binayad ko sa paaralan para makapag aral ako. I didn't know everything. But I want them safe. Ayaw kong may mangyari sakanila.
Kung alam ko lang na nakaw ang perang binigay nila sa akin, hindi ko tatanggapin. I don't know kung kailan naganap ang pagkuha ng pera, ang pagnakaw nila but all I know. Nagamit ko ito sa pangangailangan ko. Akala ko sahod nila 'yon bilang janitor 'yon pala, ninakaw nila ito.
"Stand up,Miss!"
"N-nag mamakaawa ako, itigil mo ang p******************g ko, itigil mo, Mr. mercedez. Gagawin ko laha--"
"Tayo!"
Natigilan ako sa maowtoridad niyang boses. Pinahid ko lang ang luha ko saka umiling. Hindi ako tumayo, naka luhod parin ako sa harapan niya habang naka yuko. Pumapatak sa semento ang luha ko.
"Tayo sabi!"
Hindi ko sinunod ang utos niya bagkos mas lumapit pa ako lalo sa kanya para mahawakan ko ang paa niya.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumayag na itigil ang kamatayan ng ama ko"
"I am not a saint para lumuhod ka sa harapan ko. Nagmumukha ka lang tanga, Andrea."
Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Isang napakaitim na mata ang nasagupa ko, tiim ang kanyang bagang at malamig na titig ang ipinukol niya sa akin. Wala paring ipinagbago mula pa kanina.
"Pinatay ng ama mo ang girlfriend ko and worse he raped her. Do you think because of what you are doing right now is enough?"
Napamaang ako sa sinabi niya, bagsak ang balikat ko. Yumuko ako para itago ang luha kong namumuo muli. Nang nahulog ang dalawang butil ng luha ko. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.
Pagod ko siyang tiningnan. I close my eyes so tight. Nag-iisip sa tamang sasabihin.
"Ilabas mo ako rito. You're right, ako na ang mag babay---"
" 'Wag mo akong utosan, Morales. I know what, I'm doing."
Nagmulat ako ng mata at isang galit na Giovann Mercedez ang nakita ko. He was furious mad, any moment he can grab me and hurt me using his punch.
"Then what's your point?" nanghihinang tanong ko.
"Kahit hindi ka pa magma-makaawa, buo na ang desisyon ko, na ikaw ang pag babayarin sa lahat ng kasalanan ng pamilya mo. I will stop your father's death and you'll be working with me."
Kumunot ang noo ko.
"Working with you? In what way?"
He breath deeply.
"Follow all my orders and you'll be paid"