Tahimik kaming dalawa sa kotse niya. Walang umimik o magtangkang magsalita man lang.
Nakahilig ako sa bintana habang tinatanaw ang labas. Sinulyapan ko si Giovann sa tabi ko. Seryoso ang kanyang mukha. Nakatukod ang siko niya sa bintana habang hinimas-himas ang kanyang mapupulang labi saka ang isang kamay naman niya ginamit niya sa pagmamaneho.
Hindi ko mapigilang suminghap sa simpleng postura niya ngayon. Gumalaw-galaw ang ugat at muscles niya sa braso at kamay sa konting pag-galaw niya lang, ang kanyang maitim na mata sa tuwing natatamaan ng ilaw ay kumikislap. Ang magulo niyang buhok ay nakapag dagdag lang sa appeal niya ngayon.
Umiwas ako ng tingin nang mapagtanto kong nasobrahan na ako sa pagsusuri sa kanya. Masyado siyang nakaka-attract sa paningin ko habang nagmamaneho. Sa tuwing iniikot niya ang manobela at ang kambyo ng kotse. 'Di ko maiwasang hindi humanga sa bawat galaw niya.
Para sa akin maswerte si Ella Torres dahil may boyfriend siyang ganito ka kisig, ka attractive at ka gwapo saka sobrang yaman pa. Ngunit sabi nga nila, nobody's perfect. Kung sa panlabas na anyo maganda ang pagkaka-describe sa kanya. Samantalang sa loob naman, napakasama ng pagka -describe ko sa kanya. Kung sa ugali naman mahirap sabihin kong asal demonyo ba siya dahil hindi ko pa siya masyadong kilala. But all I know, he is dangerous.
"Give me your schedule, para malaman ko kung kailan kita kailangan at anong oras kita ipakuha galing University sa pinasukan mo, baka maligaw ka pauwi at takasan mo ang responsibilidad mo bilang katulong.So lend me your sched."
Napaigtad ako sa biglaan niyang pag sasalita. Sinulyapan niya ako sandali dahil sa reaksyon ko. Kumunot ang kanyang noo, bago niya tinuon pabalik ang kanyang mga mata sa kalsada.
"Okay,' tanging sagot ko.
"You're fourth year in college and your age is twenty-five? What happened? You're old enough para magtrabaho. Kawalan ba ng pera kaya matanda ka ng nakapag simula sa pag-aaral?"
Kinunotan ko siya ng noo. Napatunganga sa tanong niya.
Bakit alam niya ang mga 'yan? Bakit alam niyang bente singko na ako? And still, nasa fourth year pa?
Nawala ang mga tanong sa isip kong 'yon nang mapagtanto ko, na pinapaimbestigahan niya pala ang pamilyang Morales. Pati rin siguro background ko kaya alam niya.
"Mahirap lang kami kaya natagalan ako sa pagtatapos," parang bulong lang 'yon.
"At naisipan niyong sa pamamagitan ng pagnakaw, yayaman kayo? Is that it? " sarcastic niyang saad.
Pumikit ako ng mariin. Bakit pinapamukha niya sa akin ngayon, na kahit anong gawing namin para yumaman hindi namin makamit at hanggang nakaw lang ang magagawa namin.
"Hindi ako kasali sa pagnanaka---"
"Exactly Andrea! Hindi ka nga kasali, pero anong mapapala ko sa ina at ama mo kung nasa kulungan sila at matatanda na ang mga ito. So, I don't have a fuckin' choice but you, you're only my choice."
Hindi na ako nakapag salita, dahil nagtutubig ang mga mata ko habang sinasambit niya ang mga iyon. Pakiramdam ko nag-iisa nalang ako sa mundo. Wala akong kakampi, walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang.
Tahimik na kaming dalawa, hindi na siya tumangkang magsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Nasa village ang kanyang bahay
. Halos magkapareho na ng disenyo ang bawat kabahayan na madaanan namin. Ang gaganda ng mga ito, para lang siyang doll house kung titingnan.
Napaka tahimik rin at sobrang peaceful ng village, para bang ghost town. Kokonti lang ang nakikita kong tao sa labas ng bawat bahay at panay ngiti pa sila, habang nakatingin sa sasakyan ni Vann na dumaraan.
May nakita pa nga akong matandang babae na nasa terrace at panay kaway sa kotse ni Mr. Mercedez.
Kumunot ang noo ko, nakikita ba kami sa loob ng sasakyan? Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tinted ng sasakyan niya, saka bakit ang sasaya ng mga tao? Para bang ka respe-respeto talaga ang lalaking kasama ko ngayon kung makangiti sila. Bawat madadaanan namin, para silang kinikilig na ewan kapag dumaan na ang kotse ni Vann?
Gusto ko sanang magtanong sa kanya kung bakit sila ganyan. Ngunit sa lagay at aura ni Giovann Mercedez, parang ayaw niya ng ingay at matanong na tao. Baka konting kibo ko lang mairita na agad siya. He looks not in the mood at this moment.
Pa simple ko nalang na minasid ang kanyang galaw sa tabi ko. Sinusulyapan niya ang mga taong nadaanan ng kanyang sasakyan, naka kunot lang din ang noo, tila wala talaga sa huwisyo para sumaya kahit konti. Hanggang marating na talaga namin ang makalaglag panga niyang bahay. Kunot noo parin siya.
Ang laki ng bahay niya, mas malaki pa sa kabahayan na nasa village na ito. Para na itong mansion sa sobrang ganda ng desinyo at laki. Kahit nasa labas palang ang kanyang sasakyan. Tapos naka tanaw palang ako. Klarong-klaro ko na ang kagandahan nito.
Itong bahay niya yata ang pinakamalaking nakikita ko rito sa village at hindi basta-bastang gate lang ang nasaksihan ko nang bumukas. Napaka taas ng bakal at hindi mo masyadong makikita ang loob. Kalahati lang ang nakikita sa bahay niya.Pag nasa labas ka lang.
Nang bumukas lang ng kusa ang gate kahit walang nagbukas nito. Sobra akong na amaze. Hindi akalain na ganon, kagandang bahay ang bumungad sa akin pagka pasok ng sasakyan sa garage.
Nasilayan agad ng mga mata ko ang malaking garahe na may naka parking na limang sasakyan na sa tingin ko sobrang mamahalin saka tatlong malalaking motor. May garden rin akong nakikita bago ka makatapak sa garage. Halos malula na talaga ako sa lahat nang nakikita ko. I didn't expect na ganito siya ka yaman.
Kulang ang salitang napaka ganda para e-discribe ang bahay or should I say, ang kanyang mansion. Sa pelikula ko lang nakikita ang ganito ka rangyang bahay. And the reality suddenly hit me. I will be staying here. Hindi ko akalaing dito na ako titira. Sa malaking bahay na ito, magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko.
"Morales!"
Galing sa pagkakatingala sa napakalaking bahay, natuon ang atensyon ko kay Vann, na ngayon nasa malaking pinto naka abang. Akala mo isa siyang hari roon na tinatanaw ang kanyang katulong gamit ang kanyang mabagsik na mata.Malalim pa rin ang kulay na nakatingin sa akin. Naka igting ang panga at magulo ang kanyang buhok kagaya kanina. Mas lalo lang bumagay sa kanya ang ganoong hair style.
"Matutulala ka na lang ba riyan? 'Wag kang magalala. Because from now on. You can touch anything in these house. Mahahawakan mo bawat parte ng bahay ko dahil ikaw ang katulong ko rito. Ikaw ang tagasilbi, 'yon lang," sambit niyang nagdala sa akin sa pagka insulto.
Bakit nga ba ako nainsulto? Dahil minamaliit niya ang pagkatao ko? Ganon ba? Bakit nga ba naiinis ako kahit sa simpleng sasabihin niya lang? Kahit para sa kanya balewala lang ito, para sa akin, ang lakas ng impact nun.
Pakiramdam ko, lahat ng sasabihin niya, may sumpa sa pandinig ko kasi ang sakit pakinggan. Naninikip ang dibdib ko sa diko malamang dahilan.
"Pasok na, ang ayaw ko sa lahat 'yong mga tanga-tangang tao. Do you get me? So, stop being stupid and ignorant."
Gusto ko siyang pagsalitaan ng masasakit na salita pero wala akong lakas ng loob para sigawan siya. Ang tanging ginawa ko lang ay ang yumuko habang papasok ng bahay niya. Tila hindi na kayang makipaglaban.
"Ihahatid na muna kita sa kwarto mo para makapag pahinga na ako. Follow me."
Sinundan ko siya sa pag lalakad papuntang dalawang palapag. Bawat hakbang niya ay nagsusumigaw iyon, na wala talagang pwedeng tumapak sa kanya,bawal ang maliitin siya. Hindi pwedeng, hindi siya sundin. Iyan ang nakikita ko sa aura niya ngayon. Para siyang hari sa malaking mansion na ito.
Di ko tuloy maiwasang 'di mangliit sa sarili ko. Gaya nga ng sabi niya, katulong lang ako rito, wala ng iba.
Naglalakihang chandelier at malinis na tiles at mga kagamitang mamahalin ang agad kung nasilayan pagkapasok. May mga paintings rin ang nakikita ko sa second floor.
Kung tinatanong niyo kong ano ang
itsura sa first floor?. May napaka lawak na kusina roon, na kompleto sa kagamitan, may dinning table, visitors table, at sala na may malaking flatscreen t.v at malaking sofa. Marmol ang sahig pati ang staircase paakyat.
"May katulong ako rito pero matanda na kaya pinatigil ko sa pagtatrabaho. And now you're here, be responsible."
Huminto siya sa isang stainless na pinto bago ako hinarap. Walang emosyon ang kanyang mga mata, tila tamad akong kausapin. I can still see his irritated look towards me. Napakagat labi ako. Biglang kinabahan.
"This is your room, and that room." Tinuro niya ang pinto sa may 'di kalayuan ng kwarto ko. Pareho lang kami ng pinto at 20 steps pa ang lalakarin mo bago ka makarating sa kwarto niya "That's my room, you can't enter my room, unless, I said so."
"Okay sir Vann, "tinanguan ko siya.
"Kung na gugutom ka, eat all you want downstairs, but don't you dare steal anything from here, Morales. Baka ibalik kita sa bilangguan"
Napanganga ako sa tabas ng dila niya, tial walang preno sa mga sinasabi.
"Hindi ako gano'ng tao. Hindi ako magnanak------"
"Shut up, will you? I'm tired. We will talk tomorrow."
Naglakad na siya papuntang kwarto niya pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang tumagos hanggang buto ko, masakit ang sinabi niya pero kakayanin ko. I need to fight. Bukas na ang simula ng lahat, warning palang ito sa kasamaan ng isang Giovann Mercedez.
Giovann's POV
I turned off my alarm, dahil panay ang tunog nito. Saturday morning, it is good to jog around my village. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama para maligo.
Agad kong ini-on sa napakalamig na tubig ang shower. Just to wake up my tired body.
All of my senses are lost while walking inside the shower, earlier. Inaantok pa ako pero dahil sa napakalamig na shower na dumampi sa mainit kong balat, nagising ang kaluluwa ko.
"Honey, I love you so much. 'Wag kang magloko oras na mawala ako. I will surely kill you" She giggled. It's sound so good in my ears.
"Don't say that, I won't let anything happen to you. You can't leave me. I love you more, Ella"
Pumikit ako ng mariin. Bumabalik sa isipan ko ang malambing na boses ni Ella. Kahit anong pilit kong kalimutan ang mahal ko, hindi ko kaya. Fvck this!
"I miss you so damn much," I whispered.
Isinandal ko ang noo sa marmol na dingding at hinayaan ang tubig na dumaloy sa buong katawan.
Before my girlfriend died, ang got rape by that bastard old man. Mayroong awayan pang naganap sa aming dalawa. We're not in a good term before she past away. Nakakainis, hindi ko man lang nalaman ang totoo. Ang totoo, kung sino 'yong kasama ni Ella bago siya nawala ng ilang araw non. Basta ko nalang siyang pinagsalitaan ng masama. Basta-basta nalang akong nagalit ng makita kong may kausap siyang lalaki. Hindi ko man lang inatubling inalam ang eksplenasyon niya. Hindi ko inasahang sa araw na iyon. Sa araw kong kailan nalaman ko ang lahat. Katapusan na pala ng buhay niya. Dapat nakinig ako. What if? Nagsisinungaling lang siya nun?
But the investigation was confirming it, that she's...
Sinuntok ko ang marmol wall nang paulit-ulit hanggang sa dumugo ang kamay ko. I can't say it on mind. I'm stuck my thoughts that, it is not true. Na 'yong lahat ng inamin niya sa akin bago siya mawala ay hindi 'yon totoo. That she's lying on me. Na may dahilan siya kaya niya 'yon sinabi sa akin.
"Tangina!"
Umupo ako sa tiles habang sapong-sapo ang buong mukha. May likidong tumulo sa mata ko kasabay ng pag tulo ng dugo sa kamay kong nagkanda sugat-sugat.
Hindi ko alam kung paano ko ipaghigante ang pumatay sa girlfriend ko. Basta tanging nakalap ng mga tauhan ko noong pinapa-imbestIgahan ko ang pamilyang Morales, mapahanggang ngayon. Nakuha agad ang atensyon ko sa anak nilang babae. Si Andrea.
That woman, who is victim or maybe she knows everything. Nagde-deny lang. Wala akong paki-alam kung nakakaawa pa siya, para sa akin salot ang pamilya niya. Also her, she's going to be here forever.
At sa kanya ko ilabas ang lahat ng galit ko. Siya ang maghirap kahit wala pa siyang kasalanan. That girl should be suffer, ang laki niyang tangang tumira sa pamamahay ko. Hindi niya makamtan ang kaligayahang nais niya. She deserves my punishment.
Right. Hindi na pala ako nag-iisa sa pamamahay ko. May kasama na pala akong basura. Ang basurang bibilangguin ko sa bahay na ito. Ang basurang aalilain ko ng husto. Galing siya sa putik gagawin ko ring putik ang buhay niya. Ipaparamdam ko sa babaeng 'yon na mali ang napasukan niyang gulo.
Pagkatapos kong mahimasmasan sa pagiging lugmok ko sa banyo, Mabilis akong naligo. Iniisip pa rin kung anong mga hakbang ang gagawin ko kay Andrea.
Pagka labas ko ng banyo. Nagbihis agad ako ng jogging pants at isang white sleeveless together with my nike shoes. Pinaresan ko ito ng hoody jacket before getting my headseat and ipod to complete my jogging routine every weekends.
Pagkalabas ko palang sa kwarto, 'di ko maiwasang hindi tingnan ang pinto ng kwarto ni Andrea. I look at my wrist watch. It's 4:50 in the morning. Masyado pang maaga para paglulutuin siya ng breakfast.
Nagkibit balikat muna ako saka lumabas ng bahay para simulan na ang ehersisyo. I inserted one headseat in my ears and play a rock music in my ipod.
I look around and greeted to those people, I pass by. Maraming nakatira sa village , may kumukuway sa akin at ngingitian ako sa tuwing na dadaanan ko sila and I'll do the same. This villa is my family. They treat me like a greek god. Nirerespeto nila ako dito. Not because this is my land but because I respect them also. Gigising lang ang iba para bantayan kung kailan dadaan ako sa harapan ng bahay nila para batiin ako sa umaga.
"Kuya, Giovann! Hihihi ang gwapo mo po talaga!"
I stop running when a cute little girl approach infront of me. May dala siyang mineral water at ang laki ng ngiti niya habang nakatingala sa akin.
I pat her head and squat, leveling her height. I smiled before pinching her reddish cheeks.
"Hi little girl."She pouted.
"I told you, I am not a littlte girl kuya Giovann. I am big na."
"Alright." I shrug.
Lumaki ang ngisi niya " I prepared this water for you. I know it, you will come here at these hour. Alam ko kasi magjo-jogging ka ngayon. So I wake up early so that, I can see you kuya. Here take this."
Nilahad niya ang mineral water na dala niya sa akin.Tinaggap ko ito and say my 'Thank you' to her before, drinking it. She always give me some water kapag naka abot na ako sa bahay ng batang ito sa pag jogging. Laging nag-aabang ang batang cute na ito kapag weekends para lang...
"I'll give you water na kuya. Can I kiss your cheeks? Pretty please?" Pinagtiklop niya ang dalawang kamay, dinadaan ako sa pagpapa-cute niya.
I laugh and nod.
Ang bata pa marunong ng kiligin pero nakakagigil ang batang ganito. She's fat at namumula-mula pa ang pisngi.
"Really? Can I ?" excited niyang tanong.
Nginitian ko siya saka tumango
"Go on"
Tumagilid ako para maharap niya ang pisngi ko. Hindi siya nagdalawang isip na halikan ang pisngi ko nang paulit-ulit.
"Satisfied, little girl?"
"Yup, yup kuya handsom! But, stop calling me little girl. I'm big na, eh. Hmmp!"Nag-cross arm siya at tinalikuran ako. Parang nagtampo bigla. Napahawak nalang ako sa batok, hinimas. Hindi alam kong anong dapat sabihin.
"But you're five years old kaya bata ka pa." Tinawanan ko siya, dahilan para mas lalong lumubo ang pisngi niya.
" I'm big na nga, 'di tayo bati, ah!"
Nagtatakbo na ang bata sa loob ng bahay niya. Napailing-iling nalang ako pagkatapos tumayo para mag patuloy na sa pag jogging. I'm just saying the truth. She's too child to felt attraction towards me, damn.
"Good morning handsome," bati ng babaeng naka cycling na itim at naka racer back tube na suot. Maganda ang babae, but she's not my type.
"Morning," I simply said.
"Ang ganda pala mag-jogging nang ganitong oras noh, Giovann? Lalo pa't ikaw ang maabotan ko."
Tumabi sa akin ang babaeng may malaking ngiti sa labi, pasimple niya pang hinawakan ang braso ko. Sinundan ko ang kamay niya saka binalewala.
"Yeah" I noded, nilahad niya ang kamay sa harapan lo, tinibgnan ko lang ito at nagtaas ng kilay.
" Valerie," pakilala niya. Malaki ang ngisi niya. Tanging tango ang ginawa ko bago siya nilagpasan.
Ayaw kong pumatol sa kapitbahay. I know her intention, sinadya niya talagang abangan ako ngayon. I'm not cheap, she's hot but the hell I care. Halatang may gusto ang babaeng 'yon sa akin. I'll always see her, every time I jog. Ngayon lang yata siya naglakas loob na lapitan ako. Girls are easy to read when they like a guy.
Pagkatapos kong libutin ang buong village at hintayin ang pag labas ng araw. Umuwi na ako sa bahay ko. It's already, 8 oclock in the morning when I enter in my house.
Pagka bukas ko palang ng malaking pinto bumungad agad sa ilong ko ang amoy ng kaldereta sa ilong ko. Kumalam ang tiyan ko ng nanuot 'yon sa ilong. I usually don't eat in the morning but I think I need to eat right now.
That food that I had smell, is my favorite.
Dali-dali akong pumasok ng bahay at bumungad agad sa mata ko ang babaeng nagluluto sa kusina. Nakatalikod siya sa akin kaya malaya kong natingnan ang kabuuan niya.
She's wearing a cottony shorts and a white sleeveless na hapit sa katawan niyang may shape rin kahit papaano. Nakatali ang kanyang buhok na hanggang balikat ang haba. I heard her humming while cooking. She looks like...
I shifted my gaze. Bothered by the image in front of me.
"Luto na ba 'yan, gutom na ako" sambit kong nagpapaso sa dila niya. Sinubukan niya kasing tikman ka- onti ang luto niya pero dahil parang clumsy ang babaeng ito, naigtad siya pagka rinig sa boses ko.
"Aray!"
"Tanga, 'wag mag-iinarte. Bilisan mo, nagugutom ako. Prepare everything."
Umupo ako sa upuan, narinig ko mabilis niyang pagkuhang plato at nilagay sa lamesa. Mukha pa siyang nataranta nang matitigan ko bawat galaw niya nang mataimtim.
Bawat galaw niya pinagmasdan ko. I'd make sure that she's scared. Nanginginig ang kamay niya habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ko.
"Paano maayos ang trabaho mo kong pasmado 'yang kamay mo, 'di ba uso sayo ang kumain?" naiinis na sambit ko. "Kaya pala ang payat mo," pagalit kong wika.
Napatingin siya sa akin, kagat niya ang pang ibabang labi niya at medyo pula ang mata niya. She's obviously hurt by my words. Dapat lang, kasi nagmumukha siyang tangang babae sa harapan ko kapag ipinagpatuloy niya pa ang panginginig sa tuwing lumalapit siya sa'kin.
"Hindi ako payat. At kumakain ako sa wastong oras."
"Walang silbi. Masiyado kang mahinhin sa paningin ko at ayoko ng ganon. Lalo na pag tatanga-tanga. Naintindihan mo ba!"
"O-Oo," she's stuttering. Almost break down while hearing me.
Binalik niya ang sarili sa pag aasikaso sa pagkain ko. Tumikhim ako bago itinuon ang atensyon sa mapula niyang labi, patungo sa matangos niyang ilong, hanggang sa medyo chinita niyang mata. I admit, her features and angle face looks good. She had an angelic face. But still, my blood are boiling when I saw that face. She's part of family Morales, too bad.
Galing sa mata niya, dumako naman ang tingin ko sa bandang leegan , pababa sa kanyang dibdib. I saw her cleavege dahil naka sleeveless lang naman siya. Normal lang ang laki nito. At naramdaman kong nabuhay ang alaga ko habang tinatanaw ang bandang dibdib niya.
Umiwas ako ng tingin at kinuyom ang kamao ko, nagpipigil sa kung ano man itong biglang ika-galit ko ngayon. Nagtagis rin ang bagang ko. Bakit ang sarap niyang ihiga sa lamesa para parusahan. f**k hormones!
"Titimplahan kita ng kape. Sandali lang."
Bago siya bumalik sa counter ng kusina, hinila ko ang strap ng sleevesless niya na ika-gulat niya ng husto. Nalantad pa ang bra niyang kulay blue. Dahilan para mas lalong namuo ang kakaibang naramdaman ko sa sarili, which is not familiar to me kapag nasa mga babae ako. This is my first time to felt so horny because of her fitted shirt. God dammit!
"Vann!" gulat niyang sigaw.
"Kung ayaw mong rapin kita, 'wag na 'wag kang magsuot ng ganitong damit. Baka pag 'di ko mapigilan ang sarili ko,sa kama ang bagsak mo," mariin na sabi ko sabay bitaw sa strap ng sleeveles niya na mukhang mapuputol na sa lakas nang pagkahila ko.