Andrea POV
Gulat na gulat ako sa pag biglaang hila ni Giovann Mercedez sa strap ng sleeveless ko. Hindi nga ako makagalaw habang titig na titig siya sa mata ko.
Todo pigil ako sa sarili para lang hindi ko siya masampal. Nakalantad sa kanyang harapan ang dibdib. Gusto kong maiyak, gusto kong sumigaw sa sobrang pagkagalit. Ngunit sa mga titig palang niya sa akin. Parang mas nag-aalab pa siya sa galit kaysa sa akin, at may isa pang tingin niya na, hindi ko mawari kung ano. Kakaiba kasi ito, kinikilabutan ako.
"Mag bihis ka, 'yong natatakpan ang balat mo. Wala ka sa club para magsuot ng ganyan!" pagalit niyang sindak.
Kinagat ko muna ang pang ibabang labi ko bago tumango. Nawalan na ako ng kibo. Labis na 'yong panginginig ko sa takot sa kanya.
Mabilis akong nagtatakbo papasok sa loob ng kwarto para mag bihis.
Habang nag bibihis hindi ko maiwasang suminghot ng suminghot para pigilan ang luha kong 'wag tumulo.
Kamuntikan niyang makita ang dibdib ko buti nalang mayroon pa akong bra. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang inis kay Giovann. Gusto ko siyang sampalin sa kabastosan niya pero natood na ako. Nagmumukha nalang akong robot kanina.
Huminga ako ng malalim bago ko napag pasyahang lumabas ng kwartong, may malambot na kama, marmol na semento. Mapuputing kagamitan, katulad ng kabinet na nasa sulok, puting bedside table at puting kurtina. Maganda ang pagtutulogan ko, hindi rin ako nilalamok dahi may aircon.
Pagbaba ko sa hagdanan nasagupa ko si Vann na papaakyat. May katawagan siya. Agarang kumabog ang dibdib ko. Gusto ko nalang bumalik sa kwarto para hindi siya masagupa ngayon. Pero nakita na niya akong pababa. Huli na para bumalik.
Sinenyasan niya akong huminto sa paglalakad. Sinunod ko naman ito at tiningnan nalang siyang may katawagan sa kanyang mamahaling cell phone. Tatlong hakbang lang ng hagdan ang namamagitan sa aming dalawa. Maabot niya lang ako.
"I'll be there. Huwag mong paalisin"
Sinuyod ako ng tingin ni Vann mula ulo hanggang paa habang sinabi niya iyon sa katawagan niya. Bumuntuong hininga ako, siguro naman okay na itong suot ko. Naka jeans na ako at v-neck shirt.
"I'll call you later, Tess." Binaba niya ang cell phone, pagkatapos nagdalawang hakbang siya upang lapitan ako.
"Linisin mo ang pinagkainan ko, Andrea. And then go to my room."
"Masusunod sir, Vann." I nod in respond.
Sa huling pagkakataon sinuyod niya ulit ako ng tingin mula ulo hanggang paa, bago ako nilagpasan.
Bumuga ako ng hininga pagkawala niya sa harapan ko. Kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko. Akala ko may problema nanaman siya sa akin at sa suot ko. Mabuti nalang wala na siyang komento. Pero yong katawagan niya, babae niya kaya iyon?
Kung sino man a ng Tess na 'yon. Wala na ako don.
Mabilis kong nilinis ang pinagkakainan ni Giovann, napapaisip tuloy ako kung nagugustuhan niya ba ang kalderetang luto ko. Hindi pa kasi ako kumakain kaya 'di ko pa natikman ang sariling luto.
Hinugasan ko muna ang platong pinagkainan niya bago ako pumunta sa kwarto ni Vann.
Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang nagbukas. Pinihit ko ang seradura at bumukas naman agad ito.
'Hindi naka lock?'
Bumilis ang takbo ng puso ko habang papasok sa loob. Bakit nga ba ako kinakabahan? Siguro dahil ito kanina. Takot na tuloy ako ngayong lapitan siya dahil sa strap ng sleeveless kong hinila nalang niya bigla, dahilan para lumantad ang bra ko. Nakakahiya 'yon.
Para talaga akong maubusan ng hininga kanina. Siya ang kauna-unahang lalaking nakakita sa bra ko at dibdib, pero kung umasta siya parang wala lang. Hindi man literal ang pagkakita niya sa dibdib ko, malaking kabastosan parin iyon.
"Vann?"
Nakapasok ako ng tuluyan sa kwarto niya pero wala akong Giovann Mercedez na nadatnan sa loob.
Hinimas ko ang braso ko dahil sa lamig. Naka full yata ang aircon niya sa kwarto.
Naglakad ako papunta sa sofa na nasa sulok. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa malaking kwarto nito. Mas malaki ang kwarto ni Vann kesa sa kwarto ko sa kabila.
Mayroon siyang king size bed sa pinaka gitna. May mini ref siya at sofa na inuupuan ko ngayon. Malayo-layo ang sofa na'to sa king size bed. May maliit na lamesa namam sa harapan ko. Wala siyang masiyadong desinyo o kahit paintings, maski picture wala. Plain lang pero sobrang ganda na.
Sa bed side naman, may lamesa rin doon. Naka lagay ang lamp shade at ang mamahaling relo ni Vann. May malaki ring flat screen t.v sa paanan ng bed niya.
Mayroon pang dalawang pinto. Ang isa, kulay white at 'yong isa, kulay brown. Tingin ko, banyo ang puting pinto dahil rinig ko ang lumalagasgas na tubig galing sa loob. Naligo yata ang amo ko. Ang brown na pinto naman ewan ko kung ano 'yon. Siguro closet niya.
Habang nakatunganga sa bawat parte ng kwarto na mapahanggang ngayon humanga parin ako sa sobrang ganda. Bigla na lang bumukas ang pinto ang kulay puti at lumabas ang lalaking makapanindig balahibo sa kakisigan. Parang nasalo na yata ang lahat ng ganda. Gandang katawan, gandang mukha.
Naka topless siya. May puting tuwalya sa kanyang bewang na tinatakpan ang ibabang parte. Tumutulo ang tubig sa eight packs abs niya. Lumunok ako, hindi makapaniwala sa rebultong nakita ngayon. May abs si Vann at otso pa talaga ito. Nakikita ko ang muscles niyang gumagalaw sa konting kilos ng braso niya.
Napa-angat ang tingin ko sa seryoso niyang mukha. Salubong ang kanyang kilay habang deretso ang tingin sa akin nang maabotan ko. Nalaglag ang panga ko. Bakit nasobrahan yata ang kagwapuhan niya? May tumutulo pang tubig sa kanyang buhok pababa sa abs at masyadong pula ang labi niya ngayon. Tila ba may kahalikan sa loob ng banyo.
"Morales!" gamit ang malamig niyang boses tinawag niya ang apelyido ko. Ngunit nakatunganga lang ako sa kanya.
Napalunok ako ng ilang beses, biglang natuyuan ang lalamunan. Lalo na nung mapatingin ako sa kanyang leegan.
May naka sabit na maliit na towel doon, ginamit niya pang pahid sa ulo.
Kinagat ko ang pang ibabang labi habang nakatunganga parin sa kanya. Parang nagkaroon ng magnet ang mata ko, dahil kahit anong sabi ko sa sarili na umiwas nang tingin, hindi ko magawa.
"Alam kong na-attract kana riyan. Ang mabuti pa, 'yan ang atupagin mong tingnan hindi ang katawan at mukha ko. Your stare is annoying. It pissed me big time, you stupid rag!"
Nabalik ako sa ulirat dahil sa sindak niyang boses. Lalo na nu'ng marinig ko ang 'stupid rag'. Huminga ako ng malalim, pinakalma ang sarili.
Nang nasa harapan ko na si Vann, tinapon niya sa mukha ko ang isang bondpaper. Para bang nagtatapon lang ng basura at ako ang ginawa niyang taponan.
Kumurap-kurap ako sa ginawa niya. Para akong nasampal sa katotohanang, wala akong karapatang tumitig sa katawan niyang halos perpekto.
Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Igting ang kanyang panga at malalim na mata ang nasagupa ko. Napatingin nanaman ako sa katawan niyang may abs tsaka nagiwas ng tingin para pulutin ang bondpaper na nasa marmol na sahig.
Nahulog kasi ito nung tinapon niya ito sa pag mumukha ko. Napaka walanghiya talaga ng ugali niya.
"Hindi ako na-attract sa'yo," banggit ko.
I lied. Humanga na talaga ako sa angkin niyang anyo. Iba kasi ito, para bang isang titig mo lang sa kanya ma-attract kana. Ang lakas ng karisma niya sa katawan. No wonder, palaging kwento sa akin ni papa noon, na marami siyang babae sa opisina niya. Minsan kliyente raw pero pinapatos niya, pero 'di ko aaminin na na aattract ako sa kanya, lalo na sa imahe niya ngayon. Attraction lang naman 'yan walang masama do'n.
Matakot na ako kung mas malalim pa ang attraction ko sa kanya pero sa gaspang ng ugali niya. Mukhang malabong lumalim pa ito.
"Talaga lang ba, Andrea? You're not attracted to me? "
Nanlaki ang mata ko nang pag-angat ko ng tingin galing sa pagkakapulot ng bondpaper. Mukha niya agad ang bumungad sa akin.
Nakayuko siya para magka-level ang mukha namin. Gusto kong mapapikit sa bango ng hininga niya pero 'di ko na magawa dahil natuliro ako sa mga titig niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Mga one inch ang agwat. Konti na lang magkasangka na ang ilong naming dalawa. Pigil hininga ako.
"Talaga lang Andrea? Ano 'yang titig mo sa'kin kanina? Na parang inaakit mo ako?" Tinagilid niya ang ulo niya kaunti. Ramdam pa tuloy ng pisngi ko ang mabango niyang hininga.
"H-hindi lang ako sanay na makakita ng topless at hindi ako nang aakit sayo, Vann."
Buong tapang kong tiningnan ang mata niya kahit ang totoo, nanginginig na ang tuhod ko at parang lalabas ang puso ko sa lakas ng pintig nito.
Matagal siyang umimik. Titig na titig lang siya sa mukha ko pababa sa leeg. Naasiwa parin ako sa katawan niya at sa titig niyang makapanghina.
"Good to hear that. Mabuti nang magka liwanagan dahil wala kang karapatang ma-attract o magkagusto sa akin, dahil isa ka lang basurang katulong sa pamamahay na ito"
Ngumisi siya nang nakakainsulto bago siya umayos sa pagkakatayo.
Walang salitang lumabas sa bibig ko dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga salitang binibitawan niya. Ang lakas ng impact sakin, parang nayanig ang mundo ko sa bawat bigkas niya sa mga salitang tumagos sa puso hanggang kaluluwa.
Ako ay isang basurang katulong sa paningin niya?
Pero hindi pa nga ako nakamove-on sa sinabi niya mayroon pa siyang dinugtong na nagdala sa pag iinit ng mata at ulo ko.
"I'll give you my credit card, para makapag groceries ka man lang. Bumili ka na rin ng damit mo para hindi ka magmukhang basahan sa paningin ko. Nagmumukha kang dugyot kahit anong ayos mo."
pumikit ako ng mariin. Natapakan na talaga ako ng lalaking 'to. Sumusobra na talaga siya. Sobra-sobra na ang pang-iinsulto niya.
Hindi ko namalayan nagusot ko na pala ang bondpaper na hawak ko sa sobrang inis.
Tumayo ako sa pagkakaupo at galit siyang tinignan. Tanging pang iinsultong titig ang ginawad niya sa akin.
"Mukha man akong basahan at basura sa paningin mo, pero ano, Vann? Gusto mo akong rapin. Ang katulad kong basura ay gusto mong rapin diba?"
Umiigting ang panga niya sa sumbat ko. Tinalikuran ko siya para makalabas sa kwarto niya. Ngunit naka isang hakbang palang ako, hinigit niya ang braso ko ng mariin at matalim niya akong tinitigan. Nagaapoy sa galit ang kanyang mga mata.
"Tangina, Andrea! Oo gusto kitang rapin dahil iyon ang ginawa ng ama mo kay Ella!" Humigpit ang kapit niya sa braso ko atsaka nilapit niya ang bibig sa may punong tenga ko mismo "Pero naisip ko na ang isang, Giovann Mercedez hindi na kailangan gawin iyon dahil ikaw mismo. Ikaw, Andrea! Luluhod ka ng kusa sa harapan ko. Once you'll beg...I will not hesittate to fvck you. I will fvck you, Morales hanggang malaspag ka!"
Nasampal ko siya ng malakas. Pumula ang pisngi niya sa ginawa ko. Nabaling pa ang mukha niya sa lakas ng sampal na iyon.
Nanginginig ako sa galit. Para akong na bastos kahit sa salitang lang niya. Sa bawat bigkas niya ng salita mas lalo lang akong natatapakan.
"Hinding-hindi ako mag mamakaawa sa'yo. Hinding-hindi," mariin kong
sambit.
"Labas!" Baling pa rin ang mukha niya "This is your warning. Slap me again and I will torture you. Baka pagsisihan mo kong bakit nabuhay ka sa mundo, oras na inubos mo ang kakaonting pasensiya ko. Try me."
Sa napaka lamig niyang boses at sa nagbabanta niyang pananalita hindi ko maiwasang kabahan.