Lumabas ako ng kwarto ni Vann na nanghihina ang mga tuhod. Para akong mauubusan ng lakas habang naglalakad papunta sa kwarto ko.
Gustong bumuhos ng luha kong kanina ko pa pinigilang umagos subali't parang namanhid na ang aking mata sa sobrang bigat ng naramdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing pumapasok sa isipan ko na para lang akong basahan sa paningin niya. Ganyan siya kasama. Para siyang walang puso kong iinsultuhin niya ako.
Sa umaga na ito, ilang beses na akong nasaktan sa bawat katagang lumabas sa kanyang bibig. Feeling ko kailangan ko lamang ng dobleng tatag. Upang malampasan ito. Kung tutuusin mas grabe pa ang mga natatanggap kong salita, panunukso at paninisi ni tita Michelle at kay mama Lourdes noon sa akin kesa kay Giovann.
Ang pagkakaiba lang, kay Vann madali akong masaktan sa simpleng pang-iinsulto niya. Hindi ko mawari kong bakit ganon na lang ka lakas ang impact sa damdamin ko bawat katagang sinasabi niya. Samantalang kay auntie Michelle at mama Lourdes, parang wala lang sa akin. Siguro dahil sa sobrang immune ko na sa kanila kaya bagohan pa rin sa akin ang trato ni Vann. Bagohan sa pandinig ko ang pang-iinsulto niya.
Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.
Ang sarap sa pakiramdam, parang gumaan ang bigat sa dibdib ko pagkahiga ko sa malambot na higaan. Napaka-plain ng kwarto ko, walang designs maski isa. Plano ko sana kapag nagkapera, bibili ako ng magandang decorations. Para kahit papaano gumaan ang loob ko sa tuwing na de-depress ako sa mga taong nakapalibot sa akin. Lalo na sa lalaking kasa-kasama ko sa iisang bubong.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung hangg't saan magtatapos itong kalbaryo ko sa bahay na ito. I don't have any idea, on how to handle everything without crying in pain.
Huminga ako ng malalim bago tinaas ang kamay. Dahil may naramdaman akong hinawakan kong bagay, kanina pa. Pagtingin ko sa hawak, iyon palang bondpaper na hinagis ni Vann sa pagmumukha ko.
Nalamukos ko na ito ng todo gawa nang pagkakahawak ko nito ng sobrang higpit kanina mapahanggang ngayon.
"Ano ito?"
Inayos ko ang bondpaper para mabasa ko ang nakasulat doon.
RULES & REGULATIONS OF THIS HOUSE
1: You should do all the household chores.
2. You're not allowed to go out, unless I ordered you.
3. Don't enter strangers in my house.
4. Follow all my orders.
5. Don't tell lies.
6. Don't you dare try to escape.
7. You will be my servant until your family's debt are paid.
8. You have allowance, that's free.
9. I hate noisy.
10. I don't like a crying baby.
11. You're not allowed to hurt me physically.
12: You can't go out in the village without your body guard.
13: Your curfew time, 8:00pm, if you have a class. No more, extension or else...
14: I'm the one who make all the rules, then, I am the one who allowed to stop this.
15. YOU CAN'T BACK OUT! Because you're my property. I own you. All in you is my property, also your soul.
Maker and your saints: Giovann P. Mercedez
The one who must do all the followings above: ANDREA MORALES
Napamaang ako sa nababasa. Para pala akong kinulong sa bahay niya. It means bahay, skwelahan lang ang pupuntahan ko at wala ng iba?
Binasa ko ulit ang pinaka ibaba...
Maker and your Saints: Giovann P. Mercedez
The one who must do all the followings above: ANDREA MORALES
May nakapirmang pulang ballpen sa ibabaw ng pangalan ni Vann. Malamang pinirmahan niya muna ito. Infairness ang ganda ng pirma niya halatang pang-professional, business man talaga.
Pero 'yong 'saints' ewan ko kung matatawa o maiinis ako ro'n. Mukha bang saints ang pag-uugali niya? Pang-demonyo yata.
Iniling ko ang ulo ko.
Natigilan ako nang makarinig ako ng makina ng sasakyan sa garahe.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama para lumapit sa nakabukas kong bintana. Dinungaw ko ang ulo ko para masilip ang garahe na may umiilaw na sasakyan.
Nakita kong papalabas ang kotse ni Giovann sa gate. Sinundan ko ng tingin ang kotse niyang humarorot ng mabilis papalayo sa bahay niya.
Nagbuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto.
Kaya pala naligo siya kanina dahil may lakad siya. Kahit papaano napanatag ako dahil wala siya sa bahay.
Pagkababa ko ng hagdan, dumiretso agad ako sa kusina para kainin ang niluto kong kaldereta.
Hindi pa ako nakalapit sa lamesa nang may naaninaw na akong sticky note na nakadikit doon at isang credit card.
Kinuha ko ang sticky note at binasa.
'Use my ATM card to buy some groceries and buy some clothes na babagay sa iyo. Ayaw kong halos pinakita mo ang kaluluwa mo sa'kin, bumili ka ng disenteng damit.'
Kahit sa pagbabasa lang ng sulat niya halos rinig sa utak ko ang paraan ng pagsasalita niya.
Kinuha ko ang credit card sa lamesa para sundin ang utos ng amo kong ubod ng sama. Oo, mag go-grocery ako pero 'yong gusto niyang bumili ako ng damit galing sa pera niya, hindi ko gagawin.
Para saan pa? Para madagdagan ang utang namin sa kanya? Kung tutuusin nga, hindi naman talaga nakakabastos ang suot ko kanina. We normally girls wear shorts and sleveless, pag nasa bahay lang kami. Sadyang madumi lang ang nasa utak niya.
Naglinis muna ako ng bahay. Bago ko napagpasyahang mag-grocery sa mall. Ang kaso...
"Hello, Vann."
Kahit labag sa loob ko, napilitan akong tawagan siya para magtanong.
"Who's this? I'm working."
Ang lamig ng boses niya. Mukhang naistorbo ko pa yata.
"Si Andrea ito, meron lang sana akong itatanong."
Matagal siyang hindi nakasagot. Mukhang pinakiramdaman pa ako.
Narinig ko pa ang malalim niyang tikhim sa kabilang linya.
"Ano 'yon? Magtatanong ka ba kong anong klaseng parusa ang ibigay ko sa iyo dahil sa pagsampal mo sa'kin?"
Pumikit ako ng mariin. Calm down, Andrea.
"Mag go-groceries ako, itatanong ko lang sana kong ano ang sasakyan ko papuntang mall?" mahinahong saad ko.
Narinig ko ang paglagatak sa isang bagay sa kabilang linya bago siya sumagot.
"My service will fetch you, any minute."
"Okay... Ibaba ko na."
Bago ko pa ma-off 'yong tawag may pahabol pa siyang sinabi.
"Buy your own clothes don't forget that."
Hindi ko na sinagot ang sinabi niya, binaba ko na ang hawak na cell phone.
Ayaw ko munang makarinig nang kahit anong lait galing sa bibig niya. Pag pinatulan ko ang kanyang mga sinasabi baka hahaba pa at kong anong sumbat nanaman galing sa kanya ang maririnig ko.
Wala nga akong magawa kun'di ang maghintay sa sinasabi ni Giovann na service niya. Hindi naman nagtagal mayroon akong narinig na busina sa labas ng malaking gate.
Agaran akong lumabas ng bahay na naka-jeans at simple shirt, pinaresan ko ito ng doll shoes at dala ko ang small strap bag ko sa balikat.
"Good afternoon, Miss," nakangising bati ng lalaki pagkalabas ko ng main gate.
"Kung batiin mo ako, parang importanteng tao ako sa bahay ni Vann, katulong lang naman ako," Tinawanan ko siya ng pagak.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan habang
tumatawa rin dahil sa sinabi ko.
"Para ka kasing hindi katulong. Sa ganda mong 'yan, mapagkamalan ka talagang asawa ni, Mr. Mercedez."
Humagalpak pa lalo siya sa tawa. Hindi ko na magawang tumawa pabalik dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tumaas rin ang balahibo ko sa katawan.
Lumunok ako ng maraming beses, pilit winaglit sa isipan ang sinabi niya.
"Asus! Bolero." Tumawa ako ng pilit bago pumasok sa dala niyang kotse na may nakatatak na Ford.
Ganito ka yaman si Giovann para gawing service ang Ford na ito? Isa lang ang ibig sabihin niyan. Ang isa kong kagaya na mahirap lang ay hindi papatolan ng kagaya niyang mayaman, dahil takot silang tapakan.
At hindi rin ako nangarap ng mayamang mapapakasalan. Mas lalong hindi ko pinangarap na maging parte sa buhay ni Vann. Pinapangako ko ngayon palang, hindi ako magkakagusto sa kanya. Hinding-hindi. At hindi mangyayaring luluhod ako sa harapan niya, gaya ng sabi niya.
"Konting make up lang sayo malamangan mo na sa kagandahan si, Maam Ella," sabi ng driver habang nagmamaneho.
Napatingin ako sa kanya sa rear mirror. Nakangisi parin siya habang pataghoy-taghoy, tila walang problema dahil sa masayahin niyang mukha.
Sa tingin ko magka-edad lang silang dalawa ni Giovann. Bata pa kasi ang mukha niya. Masiyadong baby face pero si Vann matured na masiyado.
"Mas maganda pa rin si, Ella," sabi ko. Bumubulong.
Si Ella Torres, ang girlfriend ni Giovann, hindi ko maiwasang maiinsecure ng husto. Sobrang ganda kasi niya, napakabait pa. Maraming humanga sa kanya dahil na rin model na nga, actress pa sa sikat na telebisiyon. Mayaman pa siya at bunos pa na boyfriend niya si Vann, hindi ko ipagkakailang bagay nga ang dalawa.
Hindi ko pa nakikita sa personal si Ella Torres, sa t.v ko lang siya nakita pero sobrang makapangliit na. Kaya maraming humahanga sa kanya dahil alam kong may mabuting puso siya ngunit sa kasamaang palad, namatay ito. I felt pity on her.
"Hindi, maganda ka rin naman, Miss---teka ano nga pala ang pangalan mo?"
"Andrea," sagot ko.
"Maganda ka rin, Andrea, kasing ganda ng pangalan mo. Kung nandito lang 'yong girlfriend ni, Mr. Mercedez sasabihin nun, na mas maganda ka kesa sa kanya kaso wala na si, Maam, Ella. Galit na galit nga ako sa pumatay sa kanya. Napakasalbahe, putangina!"
Nakita kong humigpit ang kapit niya sa manobela. Halatang galit na galit siya.
Tumungo ako at itinikom na lang ang bibig. Mabuti na lang nasa likod ako, hindi niya makikita ang pamumutla ko.
Hindi niya pala alam na ang kausap niya ngayon ay anak sa pumatay kay Ella... I didn't know, bakit ako lang ang hindi isinapubliko ang pangalan ko, bakit walang may alam na may anak na babae pa si Rafael Morales. Basta tanging alam ko, no one knows everything. Tanging si mama Lourdes si papa Rafael at si kuya ang alam nilang salarin sa pagkamatay ni Ella. Walang may nakilala sa akin bukod kay Vann. or maybe meron pang iba?
Hanggang sa nakarating kami ng mall na lutang ang utak ko. Tanging tawa ng pilit at tango ang ginawad ko sa tuwing magsasalita siya. Nagpakilala pa siya sa sarili niya.
Siya si Toffer, tatlong taon na siyang naninilbihan bilang driver ni Vann.
"Maghihintay lang ako sa'yo dito, Miss, Andrea o baka gusto mong sumama ako sa loob," nagtaas ibaba ang kilay niya.
"Naku, 'Wag na, mabilis lang naman ako."
Tumango-tango siya. Lumabas na ako ng kotse. Narinig ko pang nagpatogtog siya ng maingay na music sa loob ng kotse, para tuloy siyang nagpa-party sa loob.
Pumunta na ako sa groceries store at kumuha ng mga kakailanganin. Katulad ng mga karne, itlog, mga de lata. Milk, coffee at marami pa.
Na-occupied ko na ang dalawang basket at nahihilo na ako kakaikot sa groceries store. Kaya napagdesisyonan kong magpa-counter.
"The total bill is 20,500.50," sabi ng cashier.
Nanlaki ang mata ko at paulit-ulit na tinignan ang pinamili at ang total bill sa counter.
Seriously? Naparami yata ang bili ko ng groceries. Baka magagalit si Vann pag nalaman niyang masyado kung ginastos ang pera niya. Baka pagsalitaan pa ako non ng masama.
"A-ah..Eh.. A-ahm...pwede ibalik ang iba?" tanong ko na may pag-alinlangan pang ngiti.
Tumaas ang kilay ng kausap ko.
"Naka-record na lahat ng pinamili niyo, kailangan mabayaran lahat 'yan. Bakit? Wala ka bang pambayad? Anong gusto mo ako pababayarin mo!?" Mataray na sabi niya.
Umiling ako at bumuntong hininga. Ano pa ba ang magagawa, mapipilitan akong bumayad nito.
Sumatotal, kinakain naman ni Vann 'yan.
Para sa kanya rin naman iyan.
Binigay ko na sa cashier ang credit card. Pagkatapos ko sa groceries store pumunta ako sa ibang floor para maghanap ng inomin.
Nakakita naman ako ng Mcfloat kaya 'di na ako nagalinlangang bumili gamit ang sarili kong pera.
Habang naglalakad sa kalawakan ng mall, napadaan ako sa isang mamahaling restaurant at nakuha ang pansin ko sa dalawang tao sa loob.
Nakikita ko lang sila dahil glass wall lang naman ang pagitan sa amin.
Naka-upo silang dalawa sa upuan na nagmumukhang sofa. Nasa likod ng babae ang braso ni Giovann at nakahilig ang magandang babae sa dibdib ng lalaking kasama niya. Sobrang sweet nilang dalawa kong titignan mula rito sa kinatatayuan ko.
May binulong 'yong babae sa tenga niya na ikatawa nila ng sabay.
That laugh of him. s**t, Mercedez!
Hindi na talaga ako magtataka kong bakit marami siyang nabihag na babae. Kasi tawa niya pa lang, kakaiba na ang dating.
Suminghap ako ng hinaplos ng babae ang dibdib ni Vann at tinanggal ang dalawang batones ng kanyang polo, dahilan para malantad kaonti ang matigas na dibdib ni Vann na tanaw ko lang.
Hindi ko alam, pero nanlamig ako sa nakikita ko ngayong imahe ng dalawa. Sabayan pa nung sinubuan ng babae si Vann ng mamahaling pagkain.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa 'yong babae. Ang iksi ng damit niya, masiyado siyang maputi. Ang tangos din ng ilong. Mapula ang labi at medyo kulot ang kanyang buhok. Ito ang tipo ni Vann na maikama.
Nag-iwas ako ng tingin nang bumulong si Giovann doon sa babae na may nakakalokong ngiti pang ginawad sa kanyang kausap.
Sinuyod ko ng tingin ang loob at doon ko napagtantong, iilan pala ang nakatingin sakanila. Ewan ko kung naiingit ba sila sa babaeng kasama ni Vann o naglalaway sila kay Giovann Mercedez. Mababakas sakanila ang panghihinayang.
Bago pa ako matulala roon at makita ni Giovann itong pigura kong nakamasid sa bawat galaw nya nag.adali na akong lumisan.
Iyon ba ang sinasabi niya na 'working?' Nag tatrabaho siya sa babae niya? Ano pa bang bago roon? Nung tumawag nga ako kahapon para magpakuha sa kanya sa University, may babae ngang umungol nun. Malamang katalik niya 'yon. At ngayon meron nanamang iba.
Iba talaga pagmakamandag na ang kagwapohan. Konting galaw lang nahuhumaling na ang mga kababaihan. Kung alam niyo lang ugali ng Giovann Mercedez na 'yan. Mas masahol pa sa demonyo.
Hinatid ulit ako ni Toffer papauwi. Mabuti na lang ramdam niyang namumutla ako. Hindi na lang siya dumaldal pa at nagpatogtog nal ang ng sounds sa ipod niya.
Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. 'Yong paghaplos ng babae sa dibdib ni Vann, yong pagbulong ni Mr.Mercedez do'n sa babae at ang tawa niya. Mas lalo lang niyang hinatak ang mga babae sa loob dahil sa tawa niya. Bakit parang nilukot ang tiyan ko? What is this feeling? Bakit pakiramdam ko naiinis ako kay Giovann.
Nang mag-gabi, saktong alas otso, natapos ako sa pagluluto. Nagluto lang ako ng adobo atsaka ng kanin. Nauna na akong kumain dahil parang masyado pa yatang nag-enjoy ang amo ko sa babae niya.
Aakyat na sana ako sa kwarto ko dahil tapos na rin akong kumain. Nang may narinig akong makina ng sasakyan na kadarating lang. Mukhang siya na 'yon, ang lalaking kanina ko pa hinihintay, si Giovann.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa pagdating niya. Basta namalayan ko na lang nagtatakbo ako papunta sa kwarto ko para kuhanin ang credit card. Ibabalik ko na sa kanya iyon.
Kinuha ko ang card sa maliit na bag habang kaharap ang nakabukas na bintana.
Aalis na sana ako sa kwarto ngunit nahagip ng tingin ko ang nasa pinaka ibaba.
Klarong-klaro sa paningin ko. Kitang-kita ko mula sa nakabukas kong bintana ang dalawang pigura ng tao na naghahalikan.
Nakasandal si Giovann sa labas ng kotse niya habang hinahalikan niya ang isang babae ng mariin...
...Or should i say... Ibang babae na naman niya.