"Paasa ka."
Napatingin ako kay Florence ng sabihin nya yun. Kenwento ko kasi lahat. Ang dahilan kung bakit pumayag akong ligawan ako ni Emerson. Sa hinaba haba ng kwento ko, 'yon lang ang sinabi ni Florence.
"What do you mean?" Sabi ko at nilagok ang laman ng shot glass.
"Hello? alam mo namang wala kang gusto kay Emerson tapos hinayaan mo syang ligawan ka! Nag eeffort 'yong tao tapos wala ka namang balak sagutin sya! Ano sa tingin mo ang tawag dun? Edi paasa 'di ba?"
"Kuya, pito pa nga," sabi ko doon sa bartender. Bumaling ulit ang tingin ko kay Florence. "Hindi ako paasa."
"Sige, kung 'di ka paasa ano ang tawag sa'yo? User?"
Sinamaan ko sya ng tingin. Minsan napapa isip ako, talaga bang kaibigan ko 'to? Parang wala kasi syang balak na intindihin ako.
Nang nilapag na ng bartender ang pitong shots ng tequila ay nilagok ko agad ang tatlo ng sunod sunod. "Okay, user na kung user. Sabi mo, e."
Binatukan ako ni Florence nang akmang iinom ulit ako. "Umayos ka nga! 'Di ka pwedeng umuwi ng lasing baka mapatay ako ni Xander, nako!"
"'Di pa naman ako lasing e. 'Tsaka wala si Xander sa bahay nag cecelebrate sila ngayon dahil sa pagkapanalo sa basket ball."
Speaking of basket ball. Don't expect na nasali si Emerson no'ng try out. Hindi sya nasali dahil hinila ko sya paalis do'n 'di ba? At kahit na hindi ko gawin 'yon, pustahan 'di parin sya makakapasa kasi may topak si Xander. 60 push ups, sinong matinong tao ang papagawa no'n sa isang try out?!
Bumuntong hininga si Florence at hinarap ako ng maayos. "'Yong sinasabi mo kanina."
"Alin do'n?" Ang dami ng sinabi ko kanina kaya 'di ko alam kung ano ang tinutukoy nya.
"Yong sinasabi mong nararamdaman mo tuwing may ibang babaeng lumalapit kay Xander..." hinawakan nya ang balikat ko. "Selos ang tawag do'n, Ches. Nahuhulog ka na sa kanya!"
I scoffed and almost spill the drink from my mouth.
Tinignan naman ako ni Florence na naka kunot ang noo at nagtataka sa biglaan kong pag tawa. May ilan pa nga'ng napatingin sa 'min e. I don't give a damn.
"I know," sabi ko na biglang seryoso sabay lagok ulit ng alak. I shook my head nang makaramdam ng hilo. Daman, nararamdaman ko na ang epekto ng alak. "Hindi ako bobo. Kaya nga ginagawa ko 'to diba? Para agapan hangga't maaga palang."
Dahil hindi kami pwede. Malaking kahihiyan 'yon sa pamilya namin. Baka magalit si mommy at tito Ken sa 'kin pag hinayaan ko lang 'to.
"Pero paano si Emerson? Kaibigan ko din si Emerson Ches, nakakaawa sya kung wala ka namang balak na-"
"Sasagutin ko sya in the right time. Okay na? Happy?" I rolled my eyes. Naiirita na ako. Paulit ulit nalang kasi. Mas lalo akong na-pe-pressure at na-gui-guilty.
"Hay nako! Halika na nga at ihahatid na kita mukhang lasing kana."
"Yeah, yeah... mabuti pa nga." I grabbed my purse and stood up. Gano'n din si Florence. Inalalayan pa nya ako dahil gumigewang ako ng kaunti.
Binuksan nya ang pinto ng kotse nya at tinulungan akong pumasok. Pagkatapos ay pumasok na din sya at do'n pumwesto sa driver's seat syempre.
Buti pa sya may kotse. May kotse na rin sana ako ngayon kung 'di lang engot 'tong si Xander. Ayaw nya magkakotse ako. Okay lang naman daw sa kanya na sumabay nalang ako sa kanya lagi pag pupunta ng school at pauwi sa bahay. Tsaka gastos lang daw 'yon sabi nya kay mommy at tito Ken.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay nakipag beso ako kay Florence para mag-paalam. Sinara ko ang pinto ng kotse nya ng makalabas ako.
'Di pa man nakakalayo ng tuluyan ang kotse ni Florence ay may kotse ulit na pumara sa tapat ng bahay namin. Kilala ko ang kotse na 'to. Kay Clark 'to kung 'di ako nag kakamali.
Bumukas ang pinto no'n, lumabas si Xander.
Nagkatinginan kami. Pero katulad ng laging nangyayari ay ako ang laging umiiwas ng tingin.
"Tss..." I whispered. What a timing.
"Hi Cheska!" Kumaway sa 'kin si Clark mula sa loob ng kotse niya. Nasa tabi nya si Justin at kinawayan din ako.
"Hi," tipid na bati ko. "Congrats nga pala sa panalo nyo."
"Salamat! Si Xander nga ang MVP e!"
Napatango-tango nalang ako. Ano ba naman kasi ang dapat kong sabihin? Matapos kasi no'ng eksena sa gym na pinahirapan nya si Emerson ay 'di ko na sya pinapansin. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nya kahit pa sabihin na parte lang yun ng try out o obligasyon nya yun bilang captain.
Nag-excuse ako sa kanila para pumasok na sa loob ng bahay. Pinaalis na ni Xander ang mga kaibigan nya.
Ramdam kong nakasunod na sya sa 'kin habang naglalakad ako papasok. Naiilang ako kasi nasa likod ko lang sya at pakiramdam ko ay nakatingin sya sa likod ko at sa bawat pag hakbang ko.
Huminga ako ng malalim at pinihit ang doornob ng kwarto ko. Dinig kong ganun din ang ginawa nya dahil magkatapat lang naman ang kwarto namin.
Pumasok ako agad sa loob ng kwarto ko at nilock ang pinto. Napasandal ako habang hawak ko parin ang doornob. Para akong galing sa pagtakbo dahil ang bilis ng pintig ng puso ko at bigla akong pinagpawisan kahit na nakabukas naman ang aircon. Ganito na ba talaga ang epekto nya sa 'kin?
Natauhan lang ako ng nag-vibrate ang phone ko na nasa loob ng purse ko. Nagtungo ako sa kama at umupo. Kinuha ko ang phone ko at binuksan 'yon. 3 new messages received.
Binuksan ko ang dalawang mensahe na galing kay Emerson.
From: Emerson Collins
Hi.
From: Emerson Collins
I miss you :(
Napangiti ako sa message nyang 'yon pero napawi agad ang ngiting 'yon nang biglang pumasok ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Florence kanina sa bar.
Paasa ba ako?
Hindi ko alam.
User ba ako?
Okay fine, user na ako. Pero malay mo pasalamatan ko pa ang sarili ko 'pag nahulog na nang tuluyan ang loob ko kay Emerson. Sasaya ako, sasaya si Emerson, sasaya ang mga kaibigan namin. Oh, edi everybody happy!
Binuksan ko ang pangatlong mensahe. Napakunot noo ako. Nasa iisang bahay lang naman kami ba't kailangan nya pa akong itext? Mahirap bang katukin ang room ko?
From: Xander
Why are you avoiding me?
To: Xander
Kasi tarantado ka! Iniiwasan kita kasi mas nagiging delikado ako pag magkalapit tayo. Naiinis ako sa nararamdaman ko sa 'yo kasi bawal! Bawal kang gustuhin! Ayaw naman kasi talaga kitang gustuhin pero tangna kusa nalang nangyari at wala akong balak na ipagpatuloy 'to kaya utang na loob dumestansya ka rin para di ako mahirapan kung sakali!
'Yon ang ini-imagine kung sasabihin sana kay Xander pero ang bobo ko naman pag ginawa ko 'yon. I bet he's going to laugh at me for falling for him. He's all about playing games and has no time for comitments.
Hindi ko nalang 'yon ni-replyan baka kung ano pa ang matype ko.
Bumangon ako't nagbihis. Naghilamos din ako ng mukha para matanggal ang makeup ko. Bumalik ako sa kama pagkatapos.
Umilaw ang screen ng phone ko. Alam kong may nagtext nanaman. Pinulot ko 'yon at sinwipe para ma-unlock. 'Di na ako nagtaka nang si Xander ulit ang nakita ko sa secreen.
From: Xander
Is it that hard to reply?
From: Xander
Is it because of that bastard?
From: Xander
Don't ignore my texts Cheska.
Humugot ako ng hininga bago magtipa para replyan sya. Ang kulit nya!
To: Xander
I told you Emerson is his name. Not bastard!
Naghintay ako ng ilang sandali bago mag vibrate ulit ang phone ko. Nagreply sya.
From: Xander
Wala akong pakialam kong ano'ng pangalan niya. He's an asshole. Hinayaan mo namang ligawan ka? Nakalimutan mo na ba'ng akin ka? Pagmamay-ari kita.
To: Xander
I am nobody's possession. Hindi mo ako pag-aari, Xander. 'Wag kang nangingialam sa buhay ko.
From: Xander
At sino na ang nag mamayari sa 'yo ngayon? 'Yang lalaking 'yan? Masyadong presko. How dare he court my little sister.
Little sister? Ano ba 'to, concern ba 'to sa akin bilang kapatid? Napaka imposible! Mas sigurado pa ako kung nagdadamot kasi baka hindi na niya ako mapakinabangan. This asshole, his words describes him.
To: Xander
Unang-una, hindi mo ako pag-aari. Wag mo akong aangkinin. You're too bothered I'm no longer be useful to you, huh? Can you just find somebody to f**k? I'm so sick of this set up, let's fix what's need to be fixed. We can't be like this forever. Let's end this.
The moment I sent the message. I know there's mo turning back. I'maware there's still a part me that will regret it but I have to stick to what I think is the right thing to do.
From: Xander
You're f*****g kidding, right?
Kinakabahan siguro ang gago dahil mawawalan na sya ng f**k buddy. Mawawalan na sya ng laruan. I bitterly smiled. There, nasabi ko na. F*ck buddy nya ako. Parausan, bed warmer, bed spacer, makati, malandi, imoral. Ano pa ba ang tamang salita para idescribe ako?
To: Xander
I'm serious. Before we face serious consequences, let's stop this. We both knew this isn't right even from the start. I admit I liked it but alam mo na, nakakasawa rin. I think I needed to have a relationship with someone. A normal one. Nothing close to this. I want something that's enjoyable, free and non-scandalous. You know, a boufriend and girlfriend. Something we can't be.
I frustratedly brushed my fingers through my hair. Makakabuti 'to sa amin 'di ba? So there's nothing I should worry about. Kahit na sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mawawala sa akin kahit pa sabihin ko na hindi naman ito kawalan. It feels like it's a part of me. Ridiculous, right? That's why I'm doing this because I'm getting ridiculous.
Lumipas ang trenta minutos 'di na muling nagreply si Xander. Nakarinig nalang ako bigla ng nagbabasagang bagay. Di ako pwedeng magkamali. Galing 'yon sa kwarto ni Xander.
Tatayo na sana ako para kumpirmahin 'yon pero napaupo ulit ako sa kama ko nang narinig ko ang pag kalabog ng pinto ng kwarto ko at bumukas 'yon. Niluwa ng pinto ang galit na si Xander.
Tuloy-tuloy itong naglakad sa 'kin at hinawakan ng mahigpit ang magkabila kong balikat.
"Ano ba'ng pinakain sa'yo ng lalaking 'yon at nagkaka ganyan ka? Inutusan ka ba nyang layuan ako ha?"
"Wala syang inuutos sa'kin. Desisyon ko 'to dahil gusto ko 'to." matapang na sabi ko sa kanya. Pero ang totoo ay kinakabahan ako.
Tumawa sya ng sarkastiko. "You're not satisfied with me, huh? Gusto mo ng ibang putahe?"
Napangiwi ako sa sinabi nya. "Nakakadiri ka! Hindi 'yon ang intensyon ko! Gusto ko lang na layuan mo ako dahil habang tumatagal na ginagawa natin 'to ay nandidiri ako sa sarili ko! Napakalaki kong tanga para ibigay sa'yo ang puri ko. Dapat ibibigay ko 'yon sa taong papakasalan at mamahalin ko, e! Hindi naman ikaw ang papakasalan ko at lalong hindi kita mahal! Pero ba't ko binigay ang lahat sa'yo?!"
Natigilan sya. Para syang nanigas at tumigil sa paghinga.
Lumuwag ang kapit ng mga kamay nyang nasa balikat ko. Dumaosdos 'yon hanggang sa tuluyan nya na akong mabitawan.
Gusto ko syang pigilan nang tumalikod ito at nagtungo sa pinto. Binuksan nya 'yon at tuluyan nang umalis. Nanikip ang dibdib ko. 'Di man lang sya lumingon. Di man lang sya nag alangan.
Parang uminit ang gilid ng mga mata ko. Agad akong tumingala para pigilan ang pagtulo ng mainit na likido. Ang hirap, lahat nalang ng tungkol sa kanya kailangang pigilan ko.