Mag-isa akong kumakain ngayon sa dining table. Tahimik ang buong bahay pagkagising ko. Matapos mag-ayos para sa skwela ay diretso agad ako rito sa baba. Walang tao. 'Di ako sanay. Paggigising kasi ako ng ganitong oras ay boses ni Xander agad ang naririnig ko. 'Yong lagi siyang nag-aalburoto kasi malalate na kami dahil sa'kin sabay babantaang iiwan ako. Napabuntong hininga na lang ako. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at nilagay 'yon sa sink. Sinukbit ko ang bag ko pagkatapos. To: Emerson Pwede mo ba akong sunduin dito sa bahay? Sent! Lokong Alexander kasi 'yon! Iniwan ako! Sabagay, 'di kami bati kaya s'yempre mauna na 'yong aalis. May magkaaway ba'ng nag sasabay pa rin kahit magkagalit pa sila?! 'Tsaka hello, Cheska? Reminder: pinapalayo mo sya sa'yo kaya 'di malayong ito na ang fir