Ilang araw matapos ang gabing iyon ay ganon pa din naman si Xander. 'Yong normal na sya. Masungit, moody, manyak. Ako lang naman ang 'di normal these days e. Naweweirduhan ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin. Tuwing nakikita ko na may ibang babaeng umaaligid kay Xander lalo na 'yong bruhang si Arrianne ay heto nanaman 'yong pesteng parang may kumakagat na langgam sa puso ko.
Dati wala naman akong pake kahit na halos idikit na ni Arrianne ang katawan niya kay Xander. Pero ngayon iba na, gusto ko na syang sabunutan.
Fuck! Di 'to maganda!
Kaya habang maaga palang ay kailangan ko na 'tong agapan bago pa man ito lumalim. Baka malunod na ako ng tuluyan at walang may sumagip sa'kin.
"Flowers for you," napa angat ako ng tingin.
"Thank you," Sambit ko na sinabayan ko pa ng matamis na ngiti. Tinanggap ko ang bulaklak na binigay nya. Kulay puti na rosas 'yon kaya nagustuhan ko talaga.
"Nag search ako sa internet. Sabi daw doon, 'yong white na rose daw means purity. Kaya 'yan ang binili ko. Nagustuhan mo ba?" nahihiyang sabi nya.
Napa ngiti ako. Ang cute nya talaga lalo na pag nakakamot sa batok nya.
"Oo naman! This will be my new favorite flower. Ito nalang lagi ang dalhin mo ah?"
Ngumiti sya ng malawak. Tumango tango sya. "Sure!"
"Thank you, Emerson."
Emerson is courting me. Kailan lang ay umamin siyang gusto niya ako mula sa simula palang noong magkakilala kami. Nagulat pa nga ako no'n kasi akala ko may iba siyang nililigawan kasi 'yon ang sabi niya no'ng una kaming magkausap sa mall. Noong tanungin ko sya tungkol doon ay tumawa sya at sinabing ako daw talaga 'yon. Gusto kong matuwa kasi ako pala 'yon. Pero 'di ko magawa.
And yes, this is my way of prevention.
I may seemed using him. Either yes or no. Malay mo matutunan ko rin siyang gustuhin? Baka mahalin pa nga, eh! Ang gusto ko lang ay maibaling ko ang atensyon ko sa kanya. Gusto kong siya nalang. Alam kong 'di nya ako sasaktan kung sya nalang. Aalagaan nya naman ako tulad ng lagi nyang sinasabi sa 'kin.
"Gusto mong manood ng try out ko?" Alok nya.
Walang pag dadalawang isip na tumango ako.Tinotoo nga nya ang pangako nya na gusto nyang mas mapalapit sa 'kin. Napaka literal naman kasi kaya 'di ko inaasahan na dito talaga sya mag aaral para lang sa 'kin.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad kami ni Emerson sa hall way. Nakaakbay kasi siya sa 'kin. Hindi naman ako umaangal kasi ito naman ang pinasok ko, e.
'Di ba, kapatid 'yan ni Xander? Boyfriend nya 'yong transferee?'
'Hindi. Nag liligawan palang daw, eh. Pero ang cute nila 'no?'
'Oo. Sana sagutin sya 'no?'
Dinig kong usapan ng dalawang estudyante na ka-year level lang namin base sa kulay ng uniform nila.
Nakita kong napangiti si Emerson. Lumapit siya sa 'kin at bumulong.
"Dinig mo 'yon? Sagutin mo raw ako."
Nag-init bigla ang pisnge ko at paniguradong namumula ito ngayon.
"Tumigil ka nga!" Angal ko sakanya. He just chuckled at pinisil ang ilong ko. Impit na tili ang narinig namin sa ibang estudyante na nakakita.
Nagsimula na ang try out. Nakaupo lang ako sa bleachers na 'di naman kalayuan para daw makita niya ako agad. Ako daw ang mag sisilbing lucky charm nya. Ang corny naman, ganoon nga siguro talaga.
Wala pa ang team captain ng basketball kaya si Justin na muna ang nagpatry-out. 'Di ko alam na player pala ng basketball itong si Justin. Akala ko kasi puro pambababae lang ang alam nila ni Clark e.
Pinagbreak muna sila saglit matapos ang round one ng try out out nila. Akala ko nga 'di na sila pag papahingain ni Justin eh! Grabe pala talaga ang taong 'to magseryoso.
Hingal na hingal si Emerson nang makalapit sa 'kin. Tagaktak din ang pawis nito kaya kinuha ko agad ang bimpo sa bag ko at pinunasan ang pawis nya. Pinainom ko din sya ng hawak kong bottled water. Napangiti naman sya sa ginawa ko.
"Tapos na ang break!"
Nagulat ako sa boses na 'yon na umalingawngaw sa buong gym. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon.
Shit! Hanggang dito ba naman?!
Napatingin kami pareho ni Emerson sa direksyon nya. Napaawang ang bibig ko ng tawagin siyang captain ni Justin at ng iba pang player ng basketball. He was with Clark na naka basketball attire din.
I didn't know he's playing basketball! Malay ko ba? 'Di ko naman siya tinatanong tungkol doon at lalong 'di niya ako fan o stalker para malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya.
"Ten reps run around the gym. Now!" Sigaw nya.
10 repetition? Seryoso ba siya?! Kung ako 'yon ay baka ikamatay ko pa ng 'di oras! Mas grabe pala si Xander kumpara kay Justin!
Tumayo agad si Emerson at tumakbo kagaya ng ibang nagt-try out. Bago 'yon ay hinalikan niya muna ako sa pisnge na ikinabigla ko. 'Di ko inaasahan 'yon ah.
Tumingin sa gawi ko si Xander. It was a cold stare. Di ko kayang titigan ang ganyang tingin na 'yan kaya ako na ang unanag umiwas at binaling nalang ang atensyon kay Emerson na tumatakbo parin.
"So... the rumors are right." s**t! Aswang talaga 'to! Di ko man lang naramdaman na nakalapit na pala siya sa kinauupuan ko. Napahigpit ako ng hawak sa bottled water na hawak ko parin hanggang ngayon. "Someone is courting you. And that someone is that bastard, right?"
Nakatingin siya kay Emerson. I glared at Xander, inis sa term na ginamit niya kay Emerson. "Emerson is his name not bastard."
Tumawa lang siya, it was a sarcastic laugh. Tuluyan na siyang umalis sa pwesto ko. Nakahalukipkip siyang tumayo kasama ang mga ka-team mates niya habang pinapanood ang pag takbo ng mga nagt-tryout. Kitang-kita mong pagod na ang mga ito kakatakbo.
Pumito si Xander dahilan para mapatigil ang mga ito sa pag takbo. Napaluhod pa nga ang iba dahil sa pagod. At kahit parang naligo sa pawis ay nagawa pa rin akong ngitian ni Emerson at kawayan.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong mahigpit na paghawak niya sa pito nya.
"You!" Napaturo si Emerson sa sarili. Parang 'di sya sigurado kung sya ba ang tinatawag ni Xander o hindi. Kahit ako ay 'di ko rin sigurado kung si Emerson ba talaga ang tinutukoy nya. "Yes, you! Sixty push-ups, now!"
Napasinghap ang lahat nang marinig 'yon kay Xander. Umawang naman ang bibig ko. He can't be serious!
Tiningnan ko ng mabuti ang mukha nya. Naghihintay ako na sabihin nyang joke lang 'yon pero hindi! Blanko ang mukha nya. Para syang libro na walang pahina, di ko sya mabasa!
Hindi ko alam kung anong trip nya! Ba't si Emerson lang? Wala naman syang maling nagawa! Tumabo sya ng maayos at walang reklamo!
Nag-aalalang tinignan ko si Emerson. Naaawa ako sa kanya. Nginitian nya lang ako and mouthed, "Okay lang." Pagkatapos ay dahan-dahan syang dumapa at nag simulang mag push up.
No, i can't bare this.
Nakakatatlong push up palang si Emerson ay hinila ko na siya paalis. "Let's go."
"No, I need to do this Ches," nagpatuloy sya sa pag push up.
"No. This is terrible! 'Di na tama 'to!"
"But-"
"I said let's go!" hindi ko alam kung pa'no ko nahila patayo si Emerson sa laki at bigat ng katawan nito kumpara sa 'kin. Basta ko nalang syang kinaladkad para makalabas ng gym. But before we steped outside,
I heard the jerk frustratedly cussed.
"Bullshit!"