chapter 19

1427 Words
"What the hell is the meaning of this?" Hindi akma ang salitang gulat para ilarawan ang nakikita ko sa mukha ni Laureen habang nanlaki ang mga mata at namumutla itong nakatingin sa aming dalawa ni Franz. Nagtangka akong kumawala mula sa pagkakahawak ni Franz sa baywang ko pero hindi siya nagpanitag, sa halip ay mas kinabig pa ako palapit sa kanyang katawan. "Oh, no! This is imposible! You're already getting married," nanunumbat sa sikmat ni Laureen kay Franz. Namomroblema itong napahilot sa sariling sentido na para bang ayaw tanggapin ang eksenang nasaksihan sa pagitan namin ng kanyang Kuya. "S-she's too young!" Tumaas ang tono ng boses nito habang nakatutok sa kapatid. "The Ramirez will surely kill you!" "Stay out from this, Laureen," walang emosyong sagot ni Franz. "Kuya!" galit nitong sigaw. "You're going crazy! You have a fiancee and your engagement is all over the news! You think playing fire with your... student, especially a f*cking Ramirez can do you any good?" nanggagalaiting pagpapatuloy nito. Namumula na ito sa galit at iniiwasan nitong magsalubong ang mga tingin namin. Parang gusto ko tuloy magtampo dahil kakasabi niya lang kanina na okay lang sa kanya kung sa isang estudyante ma-involve ang kapatid niya pero ngayon ay parang nag-iiba ang ihip ng hangin. "This is my own problem," mariing wika ni Franz. "This is a family problem! Tingin mo ba ay 'di maaapektuhan ang pamilya natin sa kabaliwan mong ito?" "Julie..." mahinahon pero mariing tawag ni Laureen sa pangalan ko. Wala sa sarili akong napalunok nang bumaling sa'kin ang matiim nitong titig. "Please, stay away from my brother. His life is ruined enough by some f*****g woman and I don't want it to be totally destroyed by you or your family." Parang tinusok ng karayom iyong puso ko dahil sa nakikita kong pagsusumamo sa mga mata ni Laureen sa kabila nang matalim niyang mga salita. Iyan ba ang tingin niya? Na sisirain ko lang ang buhay ni Franz? "She stays with me," dumadagundong ang boses na pahayag ni Franz. Napatingala ako sa mukha ni Franz. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kapatid habang humihigpit ang pagkakayapos ng mga braso sa baywang ko. "She's mine, Laureen... and no one gonna take her away from me." "Oh, f*cking great!" hestirikal na bulalas ni Laureen na nagpabalik sa atensiyon ko rito. Humakbang ito palapit sa amin ni Franz, di alintana ang mga basag na bahagi ng pinggan at mga nagkalat na pagkain na maari nitong maapakan basta makalpit lang sa'min. "Tinalikuran mo ang responsibilidad mo sa pamilya natin na pamahalaan ang negosyo ng pamilya na mula pagkabata pa ay sinanay na tayo upang itaguyod pagdating ng araw! At lahat ng iyon ay dahil sa isang babae! Babaeng matapos mong sundan ay ngayon nakatakda mo nang pakasan, pero ano ito? Why are being possessive over another woman that is not your fiancee?" puno nang hinanakit na sumbat ni Laureen sa kapatid. "Laureen, you will not understand-" "Are you cheating on Sabrina?"putol na tanong ni Laureen sa sinasabi ni Franz. "No," maikling sagot ni Franz. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Sinasabi ba niyang hindi cheating iyong mga pinaggagawa namin sa likod ng kanyang fiancee? Minsan talaga ang sarap sapakin ni Franz at baka sakaling maliwanagan siya na simula no'ng hinalikan niya ako ay nag-che-cheat na kami sa fiancee niya. "So, what is this?" nababaghang tanong ni Laureen habang iminuwestra ang pagkakayapos sa'kin ni Franz. "Sabrina and I were over a long time ago," mariing sagot ni Franz. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatitig sa mukha niya. Hinahanap ko ang kahit na anong indikasyon na nagsisinungaling lang ito. Wala akong makitang gano'n lalo na no'ng sinalubong niya ang mga mata ko. "The engagement is just a haux... I don't know what's really going on but she asked me for that favor weeks ago claiming that she just has to get rid of a certain stalker... She didn't really elaborate the the whole story and I didn't ask her for full details-" "So you just said yes to the engagement announcement?" napapantastikohang putol ni Laureen sa pagkukwento ni Franz. Tahimik lang akong nakikinig kasi di ako magkamayaw sa pagpapakalma sa pagwawala ng puso ko. Para akong nasa trance at isang panaginip lang ang mga natuklasan ko. "By that time, I also badly needed it just to reign my losing control over my moral values," pabuntong-hiningang sagot ni Franz at makahulugang tumitig sa'kin. "I have this beautiful student who test my every reasons and self-control every single minute... and I have to save her from me." "Gaano na katagal tapos ang relasyon ni'yo ni Sabrina?"tanong ni Laureen. Bumitiw sa pakipagtitigan sa'kin si Franz upang balingan ang kapatid niya. "When I started working with her, our relationship became shaky and a year later we call it off but we didn't announced it publicly and we just allowed everyone to think that we're still an item. She's not dating anyone and I'm into someone I couldn't even afford to fantasize by that time so there's really no need to let everyone knows about the break-up," mahabang sagot ni Franz. "Okay, medyo malabo pa rin sa'kin," mahinahong pahayag ni Laureen. Nakahinga ako nang maluwang dahil tuluyan nang nawala nag galit nito. "I didn't know that you're this stupid, to keep the break-up between the two of you while letting her to publicly announced a stupid haux engagement. I really love your intelligence, brother," nang-uuyam nitong dagdag. "As a friend and someone who loved her once, I also want the best for her and I don't want any stalker or unwanted admirer around her," paliwanag ni Franz. Kota na ako sa kakaselos ko kay Ma'am Sabrina nitong mga nagdaang taon na dapat naman pala ay wala dapat akong ikaselos kaya ayoko nang bigyang kulay ang pagmamalasakit ni Franz para rito. Jusko, kung wala na sila ni Franz ay anong ibig sabihin ng madramang eksena nilang dalawa ni Felix sa parking lot? "Stalker... Unwanted admirer!" mapaklang bulalas ng nadisturbong lasing dahil sa ingay namin. "Are you talking about me?" mapupungay ang mga matang tanong ni Felix. Nagpumilit itong makaupo nang maayos sa sofa mula sa sahig na kinalugmukan nito mula pa kanina. Napasinghap ako at napatakip ng bibig nang maisip na baka nga ito ang iniiwasang tao ni Ma'am Sabrina. "No, Kuya... you're so handsome to stalk someone, especially our brother's ex," pahinamad na baling dito ni Laureen. "Yeah... but guess what. I had s*x with the said ex... Lots and lots of steamy s*x but in the end she slapped her engagement on my face," lasing man ay malinaw nitong pahayag. Naramdaman ko ang paninigas ni Franz. Namg sulyapan ko siya ay gulat lang ang tanging nakabadha sa mukha niya di tulad ni Laureen na bumuway at pabagsak na napasalampak sa pinakamalapit na sofa. Para itong hihimataying nakatitig sa mukha ng lasing kapatid. "She lied to me... she gonna regret it. The f*cking woman will be so sorry for playing with my feelings," mariing pahayag ni Felix. Halos di na nito maibuka ang inaantok na mga mata. Ilang sandali matapos ang pahayag nito ay bigla na lang itong napasandal sa sofa at nakatulog muli. "Oh, gosh! N-narinig mo iyon?" nanlaki ang mga matang bulalas ni Laureen habang nakaturo sa natutulog na kapatid. "H-hes crazy! Pareho kayong dalawa na mga baliw! Oh my God! Mauuna ako sa inyo sa mental! Bakit ba ang hilig ninyo sa teacher?" nanggagalaiting sigaw ni Laureen habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Franz. "Tapos na ako riyan," seryosong sagot ni Franz. "At sa tingin mo ay okay na ang lahat? Letse, mas kumplikado pa ngayon dahil isa kang guro at ang tanda mo na... pero pumatol ka sa bata mong estudyante! There's a rule about that in every school," namumula ang mukhang sermon ni Laureen sa nakatatandang kapatid. "Palalampasin ko muna ngayon na tinawag mo akong matanda," buntong-hininga ni Franz bago ako pinakawalan upang akbayan. "Akin ang batang ito, period. And I'm rendering my resignation letter a week ago because I have talked to Dad about filling up my position in the company," malinaw nitong pagpapatuloy. Umawang ang labi ni Laureen at napasapo sa dibdib. Medyo kinabahan ako dahil baka inaatake ito sa puso dahil di kinaya ang mga rebelasyong narinig. "Oh my God! Welcome back to the real world, Kuya!" napatayo na sigaw nito. Medyo napangiwi ako dahil muntik na ako iyong inatake sa puso dahil sa nakakagulat at pabigla-bigla nitong reaksiyon. Mukhang malalahian ang angkan namin ng medyo unstable na genes mula sa mga del Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD