Kabanata 2.0

1161 Words
Kabanata 2 Caught The time I had my badge, the operation started. Binigyan kami ng isa-isang mapa na magsisilbing guide namin para mapasok ang loob ng Clan house. Masyado itong malawak at sobrang dami ng entrance at exit dahilan para pagbutihan namin ang pagpaplano. Marami ring mga camera sa bawat paligid na medyo mahirap lusutan. Lima kaming lahat ang magmamanman muna ng bahay. Kasama ko nga si Jonas at Leo, napakaseryoso ng kanilang mga mukha habang ang lider ng grupo ay nagsasalita. Pinalahanan kami sa aming gagawin at sa kung anong posibleng mangyari. I'm aware about that. Alam ko namang papatayin nila ako kapag nagkataong mahuli ako. Hindi nila ako papakawalan ng buhay at mas lalo akong papatayin kapag malalaman nilang agent ako. "Are you ready for your first operation, Isa?" Leo asked me when the discussion was done. His voice was deep and serious before he smirked. I nodded, "I'm ready," I said before I sighed, "For my mom I will do anything." He nodded too and led our way to the van. This is exciting yet freakish, this is my first time seeing a huge clan house and my very first mission. When they handed me the exterior of the house, my eyes widened. Ang ganda ng Clan house at malaki ngunit mga demonyo naman ang nasa loob. I rolled my eyes on my thoughts. We are on our way to that house. Namamasa ang kamay ko habang papunta kami doon, ewan ko kung bakit. Excited na akong makaharap ang anak ng nakapatay sa nanay ko pero kinakabahan akong makita siya. Anger will eat my whole entire system if I see that motherfucker's face. "Ayos ka lang, Isa?" Napatingin ako kay Jonas na nasa gilid ko. Tipid akong tumango sa kanya, "Pagkarating ba natin doon makikita kaagad natin si Cole?" tanong ko. "Kaya nga magmamanman tayo diba? Hindi ko alam kung naroon siya sa Clan house nil, chat ko siya later baka sabihin sa akin." Puno ng sarkasmo niyang sabi. Umikot ang mata ko sabay siko ko sa t'yan niya. Seryoso ako! Hindi ako nagbibiro eh. Kating-kati na ang kamay kong makaganti kay Cole. Gustong-gusto ko na siyang makita at maparamdaman sa kanya ang ginawa niya sa Mommy ko! Sinimaan ko siya ng tingin, lumapit si Jonas at niyakap ako. "Kalma lang, pinapagaan ko lang ang loob mo. Masyado ka kasing seryoso, magmamanman muna tayo, pag-aralan ang buong lugar. Huwag mong madaliin ang lahat dahil doon ka mapapahamak kapag nagpadalosdalos ka sa mga desisyon mo sa buhay." Ginulo niya ang nakalugay kong buhok bago inalis ang kanyang kamay sa akin at tumingin na sa labas ng bintana. Inabala ko na lang ang pagkakabit ng ear piece namin na naka-connect sa aming lahat. Incase na may mawala sa amin at mabigyan namin ng back-up. "Papalapit na tayo, ready yourself." paalala ng lider namin. I clicked the button of my ear piece. Tanaw na namin ang Clan House, this was huge than I expected. On the blueprint it was already huge, mas malaki pa pala sa personal. May mga bahay din pero medyo malayo-layo na. Isa-isa kaming lumabas, bago ako tuluyang nakalabas, hinawakan ni Jonas ang kamay ko. "DON'T RUSH." He reminded me precisely. I nodded and go out inside the van. Ramdam kong nasa likuran ko si Jonas. Nagsimula na akong naglakad papalapit sa Clan house hawak-hawak ang baril na nasa gilid ko. Sa likod ako binigyan ng assignment, kasama ko doon si Jonas. Hindi s'ya pumayag na magkaiba kami ng gawi. Gusto n'yang magkasama kaming dalawa. Niramdaman ko muna kung may tao sa paligid bago ako lumapit sa pintuan. I looked for the CCTV, and when I found it, I walked on the other way so that they would not catch me. Papalapit na ako sa pinto ng makarinig ako ng tinig. I heard a noise from two men. They are talking. I did a hand sign to Jonas and he nodded in his response. Mas lumapit ako para marinig ang kanilang pag-uusap. Ramdam ko ang paghawak ni Jonas ng aking siko, napatingin ako sa kanya at binalaan akong mag-ingat. "Kailan ba daw babalik si Boss?" dinig kong tanong ng isa. "Sa mga susunod na linggo daw, kasama n'ya ang second head si Boss Garcia." ani pa ng isa. "Patay, sobrang higpit ng Boss na 'yon. Akala mo siya ang Head kung makaasta. Talo pa si Boss Ferrante kung makautos." "Isang bala lang siya ni Boss F, patay na 'yon." "Bakit kasi hindi pa pinatumba ni Boss F si Boss Garcia?" "Baka may kailangan pa kasi si Boss F sa kanya, madami siya—" Napahinto ang kanilang pag-uusap ng may tumawag sa isang lalaki. Nilapit ko ang aking sarili para matignan sana sila ngunit itong si Jonas ay hinihila ako papalayo. Nilakihan ko s'ya ng mata para bitawan ako, sinubukan ko ring pumalag ngunit hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makapalag. "Magbantay na kayo. Baka nagsisimula ng magmanman ang Red Bullet dito." I wasn't shocked when I heard the mafia clan name of my father. I know that they are also moving towards our actions. Sunod ay nakarinig ako nang yapak papalapit sa amin. Kaagad akong naalarma at bumulong kay Jonas. "We need to go," I whispered. Pinauna niya ako sa pag-alis naming dalawa, maingat ang bawat yapak namin. Isang maling galaw lang, hindi na kami papakawalan ng buhay dito. Nang nakarating kami sa ibang bahay at tulyang nakalayo doon na ako nakahinga ng mabuti. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito. "I'm okay, tara na baka naroon na sina Leo sa loob ng van." Nilisan namin ang lugar na 'yon at pumunta na kaming van. Pagkapasok namin ay kinausap kami kung ano ang nakalap naming balita. I tell them everything that I heard from the two personnel of Ferrante Clan. Tinulungan ako ni Jonas para masabi ko talaga ng tama, hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Parang nakikipagpatintero kami kanina. Nakakatakot baka makita ako ng dalawang tauhan na 'yon at papatayin ako bigla. Unang subok ko pa nga lang sa operasyon mamamatay kaagad ako? Huwag naman. "Sa susunod na linggo darating na si Cole Ferrante, may kasama siya tinatawag nilang Boss Garcia." Sabi ko. "Boston Garcia, isang tusong business man na walang awang pumapatay ng tao kung sino man babanga sa negosyo niya." Our leader said. Mukhang tama ang sinabi ng dalawang 'yon tungkol kay Garcia. Mukhang tuso nga talaga ang lalaking 'yon. "Tomorrow is our next day. Kailangan nating makakalap pa ng mga panibagong impormasyon tungkol sa Ferrante Clan. I want everyone to know the face of Cole Ferrante, so that everything will go smoothly. Understand?" Pagpatuloy ng lider namin. Tumango kami lahat at nilisan na ang lugar. Habang nasa daan kami pinapagalitan ako ni Jonas dahil sa ginawa ko kanina, alam ko naman na nag-aalala siya sa akin baka kung mapano kaming dalawa. Pero nag-iingat din naman ako. "Sorry na nga, hindi ko na gagawin bukas." para matahimik na siya. "Promise?" naninigurado pa talaga siya. "Promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD