Dinala nila ako sa bahay at sila naman ay nagtungong hideout ng Red Bullet. Papasok ako ng bahay nakita ko si Dad sa dining area kasama ang ibang mga boss ng Red Bullet.
"How's the operation, Isa?"
Hindi man lang ako tinanong kung ayos ba ako o hindi. Kung may nangyari sa akin, sa mga kasamahan ko. Operasyon lang talaga ang nasa isip niya.
"Good, we heard some good news. Next week babalik na si Cole Ferrante dito." I answered his question with my usual tone of voice.
"That's a great new," sabi niya at muling hinarap ang kaninang kinakausap, "Ready all of our guns and people. If everyone is well planned, we need to revenge. We lost a lot of men, dapat sila din."
Hindi ko na pinakinggan ang kanilang usapan at pumasok na sa aking silid. I sat on my vanity mirror's chair and checked my face. May mga pasa pa akong hindi pa tuluyang nawawala sa aking mukha. I check my body too and some still has a circle with color purple.
Tumayo ako at tinignan ang cabinet na kung saan naroroon ang mga bagay na galing kay Mommy. My memorable things from her. I was so young when she left me. But still, I'm thankful that in a short period of time I felt that I have my mom. I felt the love of my mom.
Kinuha ko ang kwintas na binigay niya sa akin. It's a heart shape necklace, nasa loo bang picture naming tatlo ni Daddy. Sabi niya dati palagi ko daw itong susuotin para kapag nasa malayo siya mararamdaman ko ang pagmamahal n'ya at kapag suot ko daw 'to magiging safe ako.
Naramdaman kong kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I kissed the necklace and wore it, so that in every operation I will be safe.
I looked at my Mom's picture. I placed it here because I wanted to see her face every day even if it hurts knowing the truth that she is already gone. She will never come back...
"Mommy, I did this for you. Alam kong hindi ka papayag na sumali ako sa Red Bullet, pero ginagawa ko 'to para sayo Mommy. Hanggang hindi ko pa nakakamit ang hustisya para sayo hinding-hindi ako susuko." Huminto ako at humikbi. "Mommy, kung nasaan ka man ngayon, be happy. I know you are now in paradise, just be happy and I will be happy too. I love you so much." And then I kissed her picture and hugged it very tight.
Nagtagal ako sa pagyakap sa larawan ni Mommy. Nangungulila ako, gusto ko siya muling mayakap pero alam kung impossible.
We are now heading again to Ferrante's Clan house. Ngayon tinali ko na ang kulay blonde kong buhok. It's natural, my dad also a blonde, sa kanya ko namana. Nakasuot ako ng isang itim na racer back top at black leather jacket. Black leggings at boots naman sa aking pang-ibaba.
Pinalalahanan kaming lahat na mag-ingat. Ako ang nag-iisang babae sa grupo kaya nag-aalala ang lahat para sa akin. Isa pa ako daw ang anak ng Boss nila kaya kailangan akong ingatan.
Para saan pa pala ang pag-eensayo ko kung hindi ko naman gagamitin?
Isa pa, hindi ako tatatanga-tanga para magpahuli sa kanila. Kung mahuli man ako, marami na sila, at hindi ko sila kayang kalabanin. Pero kung isa, baka pumulupot ang boto niya sa akin.
Leo tapped my shoulder and reminded me to keep safe. I just nodded and said the same so he would not find me rude.
I set up my ear piece bago lumabas muli ng van. Muli naming nilibot ni Jonas ang buong likod ng bahay. Hindi ko alam kung swerte ba kami ngayon dahil walang bantay o sadyang tamad lang silang magbantay dahil alam nilang walang aatake?
"Don't rush, Agent Red." Dinig ko sa aking earpiece, nilingon ko si Jonas at tumango ako sa kanya.
Nakapasok kami sa loob ng bahay sa tulong ng iilan pa naming kasamahan, namangha ako ngunit agad kung pinigilan dahil iba ang pakay namin dito. I stunned when I heard some footsteps. Hinigit kaagad ako ni Jonas, we hide at the bush.
"Boss Ferrante is now here, napaaga ang dating n'ya. Pumunta muna kayo sa kanya may sasabihin siya sa inyo." I heard someone said.
Papalayo na ang mga yapak at umalis kami ni Jonas sa aming pinagtataguan.
Now, Ferrante is here huh. Pagbabayaran niya talaga ang ginawa niya sa Mommy ko.
Nang makalabas kami ng bahay ay hinawakan ni Jonas ang aking kamay. "He's here, kailangan na nating mag-ingat lahat. Hindi basta-basta si Cole Ferrante." aniya sa mga kasamahan namin sa pamamagitan ng device na nasa balikat n'ya.
"You already saw him?" I ask, I'm curious about his face.
Hindi ko alam kung sino lang ang nakakakita kay Cole Ferrante. Wala akong ka-ide-ideya sa lalaking iyon.
"Yeah, last operation but I just saw his upper part face. His eyes look so dangerous, Isa. Kapag sa mga susunod na operasyon kapag may nakita kang nakakatakot, si Cole Ferrante na 'yon."
Only the upper part?
"Is he good at using a gun or what?"
Tumango siya, "Really good, nakaya niyang patumbahin ang tauhan ni Tito Isidro kahit siya lang mag-isa. Ang galing niya ring makipaglaban, basang basa niya ang galaw ng kalaban."
"Gano'n siya kagaling?"
"Oo, kaya mag-ingat ka na hindi niya tayo mahuli."
Our operation continues for the next following days. Until my dad said that this is our last day. Nakahanda na daw ang lahat, ang mga baril at kanyang mag tauhan. Alam kong hindi pa ito ang huli, nagsisimula pa lang ang laban. Hindi pa ito ang huli!
Nakarating kami sa clan house. Noong una naming punta, dalawa lang ang nagbabantay. Ngayon ay nasa lima o anim na, kaya hindi kami gano'n na nakakuha ng impormasiyon dahil masyado na silang marami. Ayaw kong mahuli kaming dalawa ni Jonas.
"Ako ang sasama sayo Isa, ayos lang ba?" napahinto ako sa pag-aayos dahil sa tanong ni Leo.
"Baka magalit si Jona—"
"Nasabi ko na sa kanya at pinayagan niya naman ako, Ito na rin naman ang panghuli kaya...kung ayos lang sayo."
Lumingon-lingon ako para hanapin si Jonas, ngumiti lang siya sa akin at tumango. Pumayag ako kay Leo na siya ang makakasama ko sa ngayong operasyon. Matapos kong ayusin lahat ay lumabas na ako ng van kasama si Leo.
Nasa likod niya ako habang nasa unahan naman siya. Tinitignan ko ang bawat galaw niya. Malapit na kaming dalawa sa pintuan ng likuran ng bahay. Nauna siyang tumakbo para makapunta sa kabilang parte.
Akmang tatakbo na sana ako ng makarinig akong nagsasalita. Kaya pinigilan kong gumalaw para hindi nila mahalata.
"Diyan ka lang muna, Isa. Pakinggan mo ang usapan nila, pupunta ako sa kabila. Titingnan ko kung may tao sa pintong iyon." Dinig kong sabi ni Leo sa earpiece ko.
"Copy," I replied.
Papalayo na si Leo hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Sinubukan kong hinakbang ang isa kung paa at dahan dahan na nilakbay ang pagitan ng pintuan.
Nagtagumpay ako at nasa kabilang pwesto na ako ng may naramdaman akong lalaki sa aking likuran. A manly scent occupied my nose with a mixture of cigarettes. This is probably not Leo!
"What are you doing here?"
I stiffened and my knees trembled in fear. Kinakabahan ako. Isa ba ito sa tauhan ng Ferrante Clan?
I ready myself to fight. I held my gun properly.
Napapikit ako at haharapin sana ang nagsalita ngunit pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang. Ang isang kamay naman n'ya ay hinuli ang baril na hawak ko.
I fight back. I tried na makawala sa kanya ngunit hindi iyon kinaya ng lakas ko sa lakas ng kanya. May panyo siyang nilagay sa aking mukha dahilan ng pagkahilo ko dahil sa nalanghap na kakaibang amoy.
Umikot ang aking paningin. Humina ang pagpupumiglas ko at hindi na kinaya pa.
"Finally, Caught." I heard him say it before I fainted.