I continue what I’m doing until the sun burns my skin. I stopped and waited until the afternoon for my training. Pumunta na akong warehouse, wala si Jonas at may binigay na assignment para sa kanya. When I entered the warehouse, sinalubong ako ni Leo.
Gusto kong magmura dahil ang gwapo-gwapo niya talaga. Ang braso niya mukhang matigas talaga, sarap kagatin. Kung hindi lang talaga siya nakakatakot baka makikita niya bubbly side ko.
Nagsimula na muling mag-ensayo. This time, serious training. Nakafucos talaga ako bawat turo niya. Days and days until pinahawak na niya ako ng baril. Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ko iyon.
Ilang beses na akong nakakita nito at sa bawat sulok ng bahay namin ay may baril ngunit ito ang pagkakataon na mahawakan ko talaga. Sa bahay hindi ko ito pinapansin dahil baka masaniban ako ng demonyo at maitutok ko kay Daddy sa pagkokontrol niya sa akin.
“Are you ready?” I heard Leo uttered behind me. He is holding my hands habang nakatutok ang baril sa isang bagay na parang tao.
I nodded and looked at my target again. Pinapasok ko sa isip ko na si Cole ang target ko, gusto ko talaga siyang mapatay. Gusto kong iparamdam sa kanya ang naramdaman ni Mommy, gusto kong malasap niya rin ang sakit na nararamdaman ko.
Cole, get ready. Pray for your soul.
Two months of training, I finally learned how to defense myself. I know how to hold the gun properly and some skills na tinuturo dito sa loob ng warehouse. Marami na rin akong napatumba na pinapalaban sa akin. Iyon nga lang marami rin akong pasa at sugat na nakukuha. Narito naman si Jonas para gamutin iyon.
“Ang galing mo na, Isa. Pero hinding hindi mo ko mapapatumba.” Binelatan pa ako ni Jonas.
Sometimes, hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Minsan sobrang seryoso minsan naman isip bata. Pero kahit gano’n siya, siya lang ang nag-iisang kaibigan ko. Tinuring ko na ring parang kapatid ko. Bawal akong makihalo sa iba dahil ayaw ni Daddy, kaya si Jonas ang kasama ko simula bata pa kami.
“Swerte mo ngayon namamaga kamay ko kung hindi baka nasa mukha mo na ‘to ngayon.” I rolled my eyes.
Tumawa lang siya at muling ginamot ang kamay ko. Sobrang sakit, hanggang ngayon hinihingal pa rin ako, dalawang lalaki ang sunod-sunod na ipinaharap sa akin at sinubukan ang aking galing. I did what Leo said every time we had a training, basahin muna ang galaw ng kalaban bago sumugod.
And yes, I won with those two men. But my body is aching like they are breaking apart. I felt like I fell from a clift.
Nakaupo kami ni Jonas dito sa damuhan, ginagamot niya ang mga sugat sa katawan ko. Nilalagyan ko naman ng ice bag ang mga pasa ko sa paa at sa aking mukha. Ramdam ko ang paglalagay niya ng gamot sa gilid ng labi ko.
“Do I still look pretty?” I ask from nowhere.
Ilang buwan ba namang duguan ang labi ko tapos ang iba mukha ko talaga ang inuuna! Mga putangina, ayaw lang nila madistract sa ganda ko e.
“Kailan ka ba naging maganda?” Jonas teased.
“Ayaw na kita maging kaibigan,” sumimangot ako at hinamapas ang kanyang dibdib.
Jonas laughed and pressed the ointment on my bruise that made me flinch. Isang hampas ulit ang iginawad ko sa kanya na ikinatawa niya.
He stopped laughing and placed the strand of my hair that covered my face on the back of my ear. “Dahil magkaibigan tayo, maganda ka.”
Umikot ang mata ko at pinaupo siya sa gilid ko. Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Buhatin mo ‘ko hanggang sa bahay please, gusto ko nang matulog. Pagod na pagod ako.” I said and pouted para buhatin niya ako.
His eyes rolled, “Don’t do cute moves please,” umiling iling siya, “Matulog ka na, dadalhin kita sa bahay niyo.”
Mas humilig ako sa kanya at nagsimula ng matulog. Nagising ako nang naramdaman kong may bumubuhat na sa akin. Minulat ko ang aking mata at nasa bahay na kami. Pumasok si Jonas sa loob ng silid ko at nilapag ako sa kama. Umalis din kaagad siya ng mailapag ako.
I stood up and change my clothes into pajamas. Bumalik ako sa pagkakahiga at tuluyan ng natulog.
Nanginginig ang kamay ko at kinakabahan, ngayon na ang araw na bibigyan nila ako ng pangalan at magiging ganap na miyembro ako ng Red Bullet. May tumawag sa akin mula sa likuran kaya napalingon ako. I saw Leo again, it’s been two days since our last meet.
“Don’t be nervous, you're soon to be an Agent.” He said and sat beside me. “Magiging kasama muna naman kami ni Jonas sa operation mo, hindi ka namin pababayaan.” He continued.
I smiled at him. I was about to thank him when the ceremony started. Nakatitig lang ako sa stage habang nagsasalita si Daddy ng tungkol sa Red Bullet. Kasama niyang nasa stage ang mga boss ng iba’t ibang lugar. They all looked scary, they didn’t have emotions.
Isa isa ng tinawag ang mga bagong miyembro at agent. May binigay na badge para makilala sila, isa-isa ring binigyan ng kani-kanilang baril. I’m the last one who been called. I took a deep breath and stood up. Binigyan ako ng daan ni Leo, ngumiti ako sa kanya. Nilingon ko din si Jonas at nginitian din siya bago ako naglakad papunta sa stage.
Binigay sa akin ni Daddy ang isang badge at ang isang lalaki naman ang baril. Pagkababa ko doon ko tinignan ang aking badge. May naka-imprentang, Agent Red.
Agent Red.
Sinalubong ako ni Jonas at kaagad kinuha sa akin ang badge. Tumawa siya at hinigit ako malayo sa iba.
“Akala ko Agent Blonde ilalagay nila, kasi blonde hair ka!” aniya at tumawa pa.
Sinapak ko siya at mabilis ang kamay niyang naharangan iyon.
“Kung mabilis ka, mas mabilis ako, Agent Red.”
Hindi ko na siya pinansin at pinalagay ko sa kanya ang badge sa akin. I was smiling while Jonas put the badge on my shirt.
This is it, this is my first way for my vengeance with Cole and he'll be ready for this. I’m ready to meet a demon like him.
The son of the man who killed my mother, ready yourself.
Agent Red is ready.