Kabanata 9 - Trabaho

2079 Words
Nakatulog din agad si X matapos iyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina pero nang magising siya, agad niya akong tinulak na parang natatakot siya sa akin. Gising na gising ako habang binabantayan siya. Ang ilang mga pasyenteng naririto pa, ay tulog na tulog na pati na rin ang kanilang mga bantay. Gabi na rin at tahimik na ang buong hospital. Hinaplos ko ang buhok ni X. Medyo kulot ito at malambot. "X," bulong ko kahit na imposible niya akong marinig, "Sana maalala mo na ang dapat mong maalala." Natatakot ako para sa kaniya. Ang reaksiyon niya kanina ang siyang nagbigay ng takot sa akin. Parang natatakot ako na palagi na niyang maramdaman iyon kapag nakikita niya ako. Natatakot ako na palagi niya akong itulak palayo. "Arizona." tawag ng isang boses sa akin. Nagising ako ng may tumapik sa aking kanang balikat. Pagmulat ko, tumambad sa akin si Ryan. Agad akong tumayo para punasan ang anumang dumi sa mukha ko. Ano ang ginagawa niya rito sa hopsital? Nananaginip ba ako? Ngumiti siya at nilapag sa lamesa ang hawak niyang pandesal at tumbler bago pinagmasdan si X na hanggang ngayon, natutulog pa rin. "Guwapo nga siya." aniya. Tiningnan ko siya. Ano raw? Ngumiti sa akin si Ryan at umupo sa medyo dulong bahagi ng kama. Nakabihis siya ng polo shirt, may nakasabit na ID sa kaniyang leeg at may nakasabit na bag sa isang balikat. "Pinakiusapan ako ng Nanay mo na dalahan ka ng almusal. Baka nagtataka ka kasi." sabi niya na parang naiintidihan kung bakit ako nakatitig sa kaniya. "Salamat, Ryan. Hehe." sabi ko. Binigyan niya ako ng isang kape. Ngumiti ako nang tipid at pasimpleng inamoy ang hininga ko. Napapikit ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Ikaw ba naman na magising na kaharap ang crush mo? Sino ang hindi matutulala hindi ba? Si Lord naman! Kung kailan naman ako pinansin ni Ryan, 'yun pang wala pa akong toothbrush at hilamos! Paano na lang kung mabaho ang hininga ko? Tumango ako at hindi pa rin makapaniwala. Ang sarap sa pakiramdam na magising ka na ang crush mo ang makikita mo. Parang napawi ang puyat at pagod ko rito sa hospital. "Oo nga pala. Hindi kasi kita nakikita ngayon kaya nagtanong ako sa Nanay mo. Narito pala sa hospital ang boyfriend mo." sabi niya. Naibuga ko ang iniinom na kape sa sinabi niya. Kumuha siya ng panyo at iniabot 'yon sa akin. Nakakahiya! Umiling agad ako at inagaw iyon para punasan ko ang bibig ko. Ang dyahe naman nito! "Uhm, h-hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang siya. Single pa ako, ano? Gusto mo apply ka?" pabiro kong sinabi. Hindi naman niya ako sinagot at nagtatakang nakatingin sa akin. Gusto ko namang sampalin agad ang sarili ko dahil mukhang nawiwirduhan siya. Ilang saglit pa ay tumawa si Ryan sa akin. Napilitan naman akong makisabay sa pagtawa niya. "Nakakatawa ka pa rin pala." aniya na may ngiti. Simula kasi ng magkolehiyo siya, hindi na niya kami nakakausap o nababati man lang. "Ang ingay naman. Tss." Natigil kami sa pagtawa ng marinig iyon mula kay X. Ngayon ay nakamulat na siya at nakatingin sa kisame. Nilapitan ko naman siya para matingnan. Ganun din ang ginawa ni Ryan. "Uy, X. Okay ka na ba? Nahihilo ka pa ba?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon. Nanatili siyang nakatingin sa kisame. Hinawakan naman ako ni Ryan sa braso. "Tatawag lang ako ng doktor, Bebang." sabi niya at agad na umalis. Tumango ako at naiwan pa rin s tabihan ni X na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Uy, ano ba? Okay ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita at nakatitig ka lang sa kisame?" tanong ko ulit. Kumunot ang noo niya na para bang naiirita siya sa akin. Umupo siya sa kama at inalalayan ko naman siya pero kinalas niya ang kamay ko. "Tubig?" tanong ko. Umiling siya at nanatiling nakaupo. Umupo na rin ako sa tabi niya at tinitigan siya. Hindi pa rin niya ako nililingon mula ng magising siya. May kung anong kaba sa akin pero agad kong nilunok iyon. "Kailan raw ako makakalabas rito?" tanong niya bigla. Napalingon naman ako sa kaniya. "Depende sa sitwasyon mo at sa pasya ng doktor. Kapag okay ka na, siguro papauwiin ka na nila." sagot ko. Tumango lang siya. Dumating naman agad si Ryan na may kasamang doktor at isang nurse. Sinuri nila agad si X at tinanong pa nila kung ayos na ba talaga ito. Sinasagot naman iyon ni X nang seryoso. "Do you dreamt of anything? Or may naalala ka ba during your long sleep?" tanong ng doktor. Umiling si X. "I don't remember anything. Kailan ako puwedeng umuwi, Doc?" He asked back. Tiningnan ng doktor ang chart na hawak. "Stay for one more day for final observation then you can be discharged tomorrow morning." sagot nito. Niresetahan siya ng doktor ng ilang pain reliever at umalis na. Dumating sina Mamsy at nagdala ng pagkain kay X. Umuwi na rin si Ryan dahil may group work raw sila sa isang subject. Napansin ko na parang normal naman si X kina Mamsy. Nakukuha pa nga niyang ngiti sa sinasabi nina Nanay kaya nagtataka ako kung bakit naging ganoon siya sa akin? Para kasi akong wala lang sa kaniya simula ng magising siya. Maging kina Ate at Kuya, nakikipagbiruan pa siya. "Bebang, sumama ka muna sa Ate mo at bilhin niyo ang gamot ni X." utos ni Mamsy. Tumango naman ako at sumama kay Ate Sydney. Nang makalabas kami ng kuwarto. Parang may kung anong nawala sa dibdib ko. Para kasing ambigat bigat sa pakiramdam kapag nasa loob ako at 'di man lang pinapansin ni X. "Nag-away ba kayo?" tanong ni Ate pagkalabas namin. Umiling ako. Napapansin din pala ni Ate na may kakaiba. Hindi ko alam pero nalulungkot ako. Hindi ba dapat masaya ako dahil nagkausap kami ni Ryan tapos nagising pa si X? Pero bakit parang lumungkot ako lalo? "H-Hindi." nauutal kong sagot. "Eh, bakit naiiyak ka?" tanong ni Ate Sydney. "Hindi niya kasi ako pinapansin simula ng magising siya Ate. Parang hangin lang ako." paliwanag ko. "Alam mo ba kahapon nung magising siya naitulak niya ako tapos parang takot na takot siya sa akin." pagpapatuloy ko. "Tinulak ka niya?" kuryosong tanong ni Ate Sydney. "Oo, Ate. Tinurukan siya ng pangpakalma at nakatulog tas paggising niya, ganito na siya." saad ko. "Baka naman, nahihiya siya sa'yo? Kaya hindi ka niya makausap kasi 'di ba nasaktan ka niya? Malay mo, hindi lang niya alam kung paano siya mag-re-react kaya hindi ka na lang niya pinansin." haka-haka ni Ate Sydney sa reaksyon ni X. Tumango na lang ako at agad na pumila sa botika para mabili ang gamot ni X. Nang makabili bumaba kami ni Ate sa canteen para bumili ng meryenda. Umuwi na rin kasi agad si Kuya kanina at siya ang tutulong ngayon kay Tatay sa laot. Bubuksan na sana namin ang pintuan ng kuwarto ng marinig si Mamsy at si X na nag-uusap. Pinigilan ako ni Ate Sydney at umiling para manatili kami roon. "Gusto ko na po sanang tanggapin 'yong offer ni Lolita, Tita." sabi ni X sa seryosong tono. "Sigurado ka na ba, hijo? Medyo malayo 'yon kung mag-uuwian ka sa bahay. Eh, mukhang hindi mo kakayanin sa sitwasyon mo?" tanong naman ni Mamsy. Naguguluhan akong tumingin kay Ate Sydney na gaya ko, ganoon din ang mukha. Lumunok ako at mas nakinig pa. "May stay-in naman pong option sa hotel na para sa mga staff. Tingin ko po, kakayanin ko dahil simple lang naman ang trabaho ko sa resort." sagot ni X. Nagtaas ako ng kilay. Nagkatinginan kami lalo ni Ate Sydney. Nagkibit balikat naman si Ate Sydney at sinenyasan akong bubuksan na niya ang pinto. Mabilis na lumipat ang mga mata ni Mamsy at X sa amin. Tumahimik naman silang dalawa. Tumingin ako kay X, pero sa bintana na siya nakatingin na parang walang nakita. Nilapag ko ang pagkain sa mesa. Tahimik pa din ako kahit na kating-kati na akong tanungin ang tungkol sa pinag-uusapan nila. Ano ang in-offer ni Lolita kay X na trabaho? "Bebang," tawag ni Mamsy. Nilingon ko naman siya. "Si Ate Sydney mo na lang muna rito." ani Mamsy. "Po?" tanong ko, naguguluhan. "Umuwi ka muna ngayong gabi para makapagpahinga." bilin ni Mamsy. Tumingin ako kay X na ngayon at tahimik na akong pinagmamasdan. "Mamsy, dito na lang po ak—" "Sumama ka na, Bebang. Si Sydney na lang muna rito." sabat ni X. Natigil naman ako at agad na tumango. Maging pati siya, ayaw niya na naririto ako. Mas lalo akong nalungkot. Tumango na lang ako kay Mamsy at sumama sa kaniya nang mapagpasiyahan niyang umuwi na. Nang makauwi ng bahay, agad akong nahiga at binuksan ang telebisyon para manood at magpalipas ng oras. Balita iyon tungkol sa isang prestihiyosong kaarawan ni Sora Luna, isa sa mga pinakasikat na artista ngayon sa industriya. Magarbo at puro bigating artista at businessman ang naroon. Maganda ang kaniyang gown, mukhang pinagkagastusan dahil sobrang haba nito at kumikinang pa. Agad akong namangha roon. "Happy birthday, Sora." bati ng reporter sa kaniya. Nasa isang hotel room ito ngayon at mukhang tapos na ang party niya. Nakasuot pa rin siya ng gown. "Thank you so much po." sagot niya sa malumanay na tinig. "Your party's really grand. You're a Luna, indeed." sabi ng isa sa mga reporter. Ngumiti siya nang may buong pag-respeto sa camera. "Hindi naman po. Actually, it is a smaller one compared to the original plan." dagdag pa niya. Mas maliit na selebrasyon pa iyon? Eh halos parang isang buong barangay na nga ang puwedeng um-attend sa dami ng inihandang iyon. "Can you tell us the reason?" tanong ng baklang reporter. "As my fans knew, our family has been through an accident months ago. My two uncles were involved in a plane crash." medyo nawala ang ngiti sa mukha ni Sora. Umupo naman si Kuya sa tabi ko at nanood na rin. Crush kasi nito si Sora eh. Rinig ko pa ang comment niya na ang sexy raw ng mukha ni Sora kahit na malungkot. "My one uncle has been found while the other's still missing. He's supposed to be one of the eighteen roses but sad to say, wala siya rito ngayon to witness my birthday." pagpapaliwanag niya. "Si King Luna iyong isa 'di ba? It's all over the news." tanong ng reporter. Tumango si Sora. "Tito Andres is still missing. But our family's still not accepting that he's gone. We are still hoping that he's alive and until now, we're still conducting a search for him." sagot niya. Nagtanong pa ang reporter ng ilang katanungan hanggang sa napadpad iyon sa kaniyang ka-loveteam at career. "Kawawa naman pala si Sora babes ko." sabi ni Kuya at inilipat ni Kuya ang tv sa ibang istasyon para manood ng basketball. Nakatitig lang ako sa kawalan. Nasaan na kaya 'yung Tito niya? Hindi kaya si X 'yun? Kaso... mukha namang bata pa si X at nasa twenties pa lang siya. Hindi pa siya mukhang Tito type lalo na at dalagita na si Sora. Siguradong matanda na 'yung tiyuhin ni Sora kaya imposible. "Bes!" Narinig ko ang boses ni Maria mula sa labas. Agad kong sinilip ang kaibigan ko sa bintana. "Anong kailangan mo?" tanong ko. Napatalon naman siya ng makita ako sa tabing bintana. Sinenyasan niya akong lumabas kaya lumabas ako roon. "Huy, hinahanap ka kahapon sa akin ni Ryan." sabi niya at tinusok niya ako sa tagiliran ko. "Nagkita kami kanina sa hospital. Pumunta ka rito para ibalita 'yan?" tanong ko. Hindi ko alam pero wala na 'yung kilig na nararamdaman ko kanina paggising ko. Umirap siya sa akin. Pinakita niya ang isang plastic bag. "Pinapadala ni Lolita rito. Kay X 'raw." sabi niya. Kinuha ko iyon at tiningnan. Isang t-shirt iyon at sapatos na suot suot ng mga empleyado ng isang kilalang resort rito. "Taray naman ni Lolita may paregalo kay X! Oh, bakit ganyan hitsura mo? Ano ang laman? Patingin." sabi ni Maria at agad na sinilip ni Maria ang laman ng plastic. "Bakit mayroon niyan si X? Magtatrabaho na ba siya sa The Anchor's Port?" tanong ni Maria, gaya ng tanong na nasa isip ko. Ito na ba ang trabahong sinsabi niya kay Mamsy kanina? Magtatrabaho siya sa The Anchor's Port? Pero sa isang isla iyon kaya paniguradong doon siya mananatili at mahihirapan siya sa pag-uwi dito. Ibig sabihin ba nito hindi na siya rito titira? Iiwan na kami ni X?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD