bc

Searching for the Lost Time

book_age18+
1.3K
FOLLOW
11.3K
READ
friends to lovers
playboy
confident
tragedy
comedy
bxg
city
self discover
virgin
seductive
like
intro-logo
Blurb

When a Luna lost his memories and found himself on the countryside with a weird nickname, living with the self proclaimed lucky woman, Arizona "Bebang" Batungbakal and her kind-hearted family... How can he search for the lost time when all he wanted is to stay at her side?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1- Who am I?
"Bebang! Gumising ka na! "  Nagising ako ng batuhin ako ni Kuya ng kaldero sa ulo. Leche namang buhay 'to oh! Hindi na nga ako maganda, balak pa ata'ng bukulan ng kapatid ko. "Aray ano ba?" sigaw ko sa kapatid ko at kinamot ang ulo ko. Pumasok naman ang tatay namin at pareho kaming binatukan. "Agang aga! Diyos miyo kayong dalawa. Sumulong kayo doon sa pampang at tulungan niyo ang nanay at ate niyo!" sigaw ng aking ama at agad na kinuha ang lambat sa gilid ng pintuan. Umirap ako sa kuya ko at tiniklop ang higaan. Matapos iyon ay kinain ko ang tirang pandesal sa mesa at agad na naligo. Alam kong hindi ako maganda, kaya sa ligo ko na lang babawiin. Ngumiti ako sa salamin habang nagsusuklay. Pumasok si Ate at binatukan ako. Nakanguso ako na naglagay ng pabango sa aking leeg. "Hoy, bebang! Ano’ng kahibangan iyan, halika na at samahan mo na ako sa palengke." sabi ni Ate sa akin.  Ngumuso ako at kinuha na ang apron kong kulay pink. Nilagay ni Ate ang isang belt bag sa kaniyang baywang. Naglakad kami ni Ate kasama si Kuya na dala-dala ang banyera ng mga isda.  Panay ang bati ng mga tindera sa palengke sa pinakamagandang dilag sa bayan. Walang iba kundi ako! Yes, ako nga! At hindi pa ako kagandahan niyan ha! Paano na lang ang mga tao rito? Na-i-imagine niyo ba? Naging busy ako sa paghahanap buhay. Mamaya lang ay papasok na ako sa mamihan sa may tabing dagat. Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko na kumita. Bente anyos na ako pero nasa sekondarya pa rin dahil kapos kami sa buhay. Buti na lamang at hind isa ganda kung hindi, pipiliin ko na lang maging uod. "Wala na bang bawas ito, bebang?" tanong sa akin ng isang matanda.  Ngumuso ako at tiningnan ang timbangan bago naglipat ng tingin sa nagpapaawang matanda. Kinindatan ko ito at ngumiti. "Kayo pa ba 'Nay? Oh, sige babawasan natin ng singkwenta!" sabi ko.  Ngumisi ang matanda pabalik habang binabalot ko ang binili niyang isda. Nang mawala na iyo’ng matanda ay agad ako’ng dinungaw ng aking kaibigan sa kabilang puwesto, si Maria. "Gaga ka! Wala ka na nga’ng tubo, nilugi mo pa ng malaki! Hoy, bebang... Hindi ka santa ha! Tindera ka ng isda!" sermon niya sa akin. "Huwag ka nga’ng maingay! Baka marinig ka nung kapatid ko at isumbong ako sa tatay namin." sabi ko sa kaniya.  Umirap na lamang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang paglilinis ng aming puwesto. Cleanliness is next to godliness nga kamo. Nagpaalam din agad ako kay ate ng siya na ang papalit sa tindahan. Dumiretso ako sa mamihan ni Aleng Hasmin para maging serbidora naman. Naglalakad ako sa tabing dagat at umiinom ng tubig ng mapalingon sa tagong parte ng dagat at nakakita ng lumulutang na katawan. Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko. May patay na lumulutang sa dagat. Agad ako’ng kumuha ng sagwan sa malapit na bangka at sinundot sundot ang bangkay. Hindi ito gumagalaw at hindi ako sigurado kung patay na nga ito kaya agad akong lumusong sa dagat para tingnan kahit na sinisigaw ng utak ko na huwag at baka akalain nila ay ako pa ang pumatay dito. Alam ko na maganda ako at nakakamatay ang kagandahan ko pero sobrang OA naman kung mamamatay si pogi sa akin. Napalunok ako at agad na hinila papunta sa buhanginan ang bangkay ng lalaki. Nakadapa ito kaya tinulak ko ito paharap. Halos malaglag ang panga ko ng makitang parang isang artista ang hitsura ng lalaking ito at napakalaki ng bulto niya. Parang isang modem! Iyong kagaya sa tv iyong lumalakad sa entablado suot ang mga usong damit. Hinawakan ko ang pulso nito at halos nakahinga ng naramdaman kong medyo tumitibok pa ito. Ano nga ba ang gagawin ko? Hahalikan ko ‘di ba? Tapos mabubuhay na siya? Kagaya nung nasa tv? Ano nga bang tawag doon? CPU? Tiningnan ko muli ang mukha nung bangkay at namula sa kaiisip na lalapat ang labi ko sa labi ng katulad niya. Para naman akong uod na nilagyan ng asin. Ano ba bebang? Hindi ito ang oras para sa ganiyan! Agad ko’ng nilagyan ng pressure ang dibdib niya hanggang sa umubo ito ng tubig. Unti-unting nagmulat ng mata si pogi at agad na lumibot ang mata niya sa paligid. Tinulungan ko siya na umupo. "Hello? Hello, stranger?" bati ko.  Nakaupo siya at tumingin sa akin habang nakatingin ako sa kaniya. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang ulo niya at tumingin ulit sa akin na parang nalilito siya. Unang beses niya ba nakakita ng ganito’ng ganda? Natakot ba siya sa hitsura ko? Sa hitsura ng reyna elena ng sitio namin? "Who are you?" Tanong niya. "Where am I?" Wow. Sosyal! English spoking si pogi! "Huy, kano ka ba? Bakit ka nag-iingles eh nasa Pilipinas tayo? No English, I'm panic!" Kumunot ang noo niya sa akin. Umubo siya at inagaw ang hawak kong tubig at agad na nilagok iyon. "Teka, pogi! Hindi mo pa ako sinasagot. Kano ka ba? At saka sino ka ba at ano’ng trip mo at nagpapakalunod ka diyan?" "I... I don't know.... Who am I?" Napanganga ako sa sinabi niya. Kagaya ito nung sa tv! Iyong mga taong hindi kilala ang sarili. Iyong ano nga 'yun? "May insomnia ka ano?" "Amnesia. Idiot." bulong niya at unti-unting tumayo.  Tumayo na rin ako naglakad na papalayo nang maramdaman ko na sumusunod sa akin si pogi. Nilingon ko siya at nandoon pa rin siya sa likuran ko. Nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na para pumunta sa mamihan ni Aling Hasmin nang nagsigawan ang mga tao kaya napalingon ako sa direksyon ni pogi. Nakita ko siyang nakahandusay sa buhanginan at pinagkakaguluhan ng mga beki at ilang mangingisda. "Hep! Hep! Huy mga bekis, layo nga kayo!" sigaw ko at agad na sumiksik sa dagat ng mga tao. "Aray! Kaloka ka bebang! Sa'yo? Sa'yo ba 'yang si pogi at pinagdadamot mo?" tanong na may halong pagtataray ng isa sa mga bakla sa akin. "Oo akin! Hindi niyo ba alam? Na boyfriend ko 'to." sagot ko.   Inirapan ko siya at hinawakan si pogi sa noo. Mukhang inaapoy ng lagnat. "Huy, 'wag ka ngang mangarap bebang! Sige nga, ano ang pangalan ni pogi kung ganoon?" tanong naman nung isa. Sino nga ba ito? Nag-isip ako ng pangalan at binalingan ang nagtanong noon. "Siya si X!" sigaw ko. Isang sandali pa ay natagpuan ko na lamang na nasa loob na kami ng bahay habang ginagamot ni Nanay si X kuno at ako naman ay nakaupo sa harap ng mesa sa kusina, katapat si Tatay na may hawak na sinturon. "Ano’ng naririnig ko kay Lolita na nobyo mo ang lalaking iyan? Kailan mo pa naisipang magnobyo, ‘Bang?" tanong sa akin ni Tatay. "At ang malaking tanong dito, 'Tay. Saan nakakuha ng ganiya ka-guwapo si Bebang para gayumahin?" natatawang tanong ni Ate na nagpahalakhak kay Kuya. "’Tay, hindi ko nobyo si pogi! Napulot ko lang 'yan sa dagat! Niligtas ko saka may insomnia 'yan! Ni hindi nga niya kilala ang sarili niya eh." paliwanag ako.  Kinamot ko ang ulo ko at sumilay sa nakahigang si pogi sa kawayang sofa ng aming bahay. "Gaga, amnesia 'yon." sabi ni ate at binatukan ako. "Ano? Hirap na nga tayo tapos kumuha ka pa ng dagdag na palamunin?" tanong ni Kuya. Umirap ako kay Kuya. Kaysa naman pabayaan ko si pogi na ma-rape ng pederasyon nina Lolita? "Kuya, puwede nating pagkakitaan 'yan kasi napakapogi niyan at pakiramdam ko mayaman iyan. Magaling mag-english, eh. Baka hanapin yan ng tatay niyang kano at bigyan tayo ng pabuya. Itago muna natin siya pansamantala okay?" suhestiyon ko sa kanila. Tumango si Kuya sa akin at mukha’ng pumayag siya sa sinabi ko. "Hayaan muna nating gumaling itong binata. Hindi natin siya puwedeng itaboy na sobrang taas ng lagnat." sabi ni Nanay.  Sinawsaw niya sa bagong tubig ang bimpo at inayos muli sa noo ni X. Inatasan ako nina Nanay na bantayan si pogi kinabukasan habang nasa laot sila. Nakaupo lamang ako sa harapan niya ng bigla siyang bumangon na sobrang pawis na pawis at niyakap ako ng mahigpit. "Do not leave me, please." bulong niya, nanghihina.  Tila nanginginig sa takot. Lumunok ako dahil sa higpit ng yakap niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lick It Harder (SSPG)

read
29.3K
bc

Kalabit (SSPG)

read
137.5K
bc

Loving the betrayed wife (Tagalog)

read
7.8K
bc

Wife For A Year

read
42.2K
bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
18.8K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
70.8K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook