Naglalakad na kami ngayon sa dalampasigan. Nakapamulsa si X habang tinatanaw ang madilim na dagat. Tanging ang lamig ng hangin lang ang humahampas sa aking mukha pero kanina pa ring mainit ang mga pisngi sa sinabi ni X.
"Bebang..." he called.
Napatigil ako sa paglalakad para lingunin siya. Tama si Maria. Napaka-guwapo ni X sa suot niyang polo shirt at khaki pants. Para siyang modelo. Lalo na at napakaamo ng mukha niya.
"Have you seen some identification cards with me when you found me?" tanong nito.
Ngumuso ako at umiling.
"Wala, X. Chineck namin ni Mamsy. Kahit brief mo baka may pangalang nakaburda." sagot ko at nagkibit balikat ko.
Kumunot ang noo ni X sa sinabi ko.
"You checked my brief for my name? Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Alam mo, dito pa lang... confirmed na mayaman ka! Uso yun dito sa amin. May pangalan ang brief para 'di magkapalit-palit sa sampayan! Tingnan mo 'tong bra ko! Gaya nito oh..." sabi ko.
Wala sa isip ko na itinaas ang aking suot na blouse. Natigilan si X habang nakatingin sa may kalakihan kong dibdib. Ang suot kong nude color na bra ay may initials na A.C.B
Dahil sa gulat ko, agad kong binaba ang aking blouse at tumikhim. Alam ko namang pinagpala ako, pero hindi ko naisipan na napakasuwerteng tao naman ni X at nasilayan niya ang dalawang bundok ko.
"See? May A.C.B ang bra ko. Arizona Callo Batungbakal ang pangalan ko." paliwanag ko na kunwari ay walang epekto iyong kagagahan ko sa akin.
Tumikhim si X at nag-iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim sa kahihiyan. At bakit ako nahihiya? Eh, nung sumali ako sa Miss Sitio, buong bayan ang nakakitang rumampa ako ng nakasuot ng bikini? Eh si X lang to bakit ako mahihiya?
Nakita na kaya niya si Miss Sitio na naka-bra din?
Oh my god.
"You're silly. Okay, next time, I will put my initials on my briefs." sagot na lang niya.
Tumawa siya at naglakad na muli.
Naiwan ako doon saglit bago sumunod sa kaniya. Kinagat ko ang labi. Grabe, ang perfect ng tawa niya! Sana, all. Pero Ryan pa din talaga!
"Kamusta ka naman sa Anchor's Port?" tanong ko.
"Oh, okay lang. Medyo masaya doon at busy. Ako ang nakikipag-usap sa mga foreigner. Kahapon, tumulong na si Blaise para naman mabawasan ang hawak ko." sabi niya.
Ngumiwi ako. Blaise na naman!
Feeling ko may relasyon na sila niyang si Miss Sitio!
"Ah. Bakit nagtatrabaho si Miss Sitio? Kanila ang Anchor's Port, ah?" tanong ko, pero ang totoo kumukuha lang ako ng impormasiyon.
Nagkibit balikat si X.
"Miss Sitio? Si Blaise?" tanong niya ulit.
Umirap ako.
"Hindi mo alam? Eh, halos iyon ang bukambibig niya palagi. Siya ang nanalong Miss Sitio last year at ako ang first runner up niya." naiinis na sinabi ko at umirap pa.
"Hindi ko alam, Bebang. At saka, mas maganda ka naman dun." balik niya sa akin at ngumiti siya.
Eto na nga! Halata na ang init ng mukha ko. Lecheng, X! Kailan pa siya naging bolero?
Saka ano? Mas maganda ako kay Blaise? Matagal ko na namang alam pero ang sarap naman pakinggan kapag galing kay X.
"Saan ka natutulog sa resort? Baka naman mamaya pinagnanasaan ka ni Lilo sa staff house?" tanong ko.
Iyon pa namang baklang 'yon! Medyo mapagsamantala sa mga lalaki lalo na kapag may mga liga. Medyo nakakakaba kasi alam ko ang laki ng agwat ng hitsura ni X sa mga kinokonsiderang guwapo dito sa Sitio.
"Binigyan ako ni Blaise ng sariling kuwarto sa resort. I get nauseos kapag maingay. Maybe because of the amnesia." He assured me.
Lumaki ang mga mata ko. Sumasakit ang ulo niya?
"Okay lang ba na mag-isa ka? Baka mahimatay ka kagaya nung dati? Dapat magpatingin ka ulit sa doktor!" sagot ko at OA na sinipat ang noo niya.
"Do not stress yourself, Bebang. I am fine, but thank you." He smiled and removed my hands on his forehead.
Tumango ako. Masyadong tahimik si X. Wala na din akong alam sa kaniya simula ng magtrabaho siya sa resort. Nag-aalala lang ako sa kaniya lalo na 'di niya pa kilala ang sarili niya. Gusto ko siyang tulungan dahil kaibigan na ang turing ko sa kaniya at hindi ko kaya na mapahamak siya dahil akoang nakakita sa kaniya.
Tama kaya ang desisyon ko na hayaan siyang mag-isa sa resort na 'yun?
"Best, ano naiisip mo?" tanong ni Maria habang bine-braid ang aking buhok.
Nakaupo kami sa malalaking bato sa dalampasigan. Sina Kuya France at Tatay ay nasa laot pa at hinihintay namin na ilapag nila ang mga huli para madala na sa palengke.
Maganda ang view ngayon. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim dahil mag alas sais y media pa lang ng umaga.
"Iniisip ko kung mag-aapply din ba ako sa Anchor's Port para masubaybayan si X." matapat na sagot ko.
"Hindi mo pa siya crush niyan, ah? Paano na lang pag crush mo na siya?" pang-aasar ni Maria.
"Siguro pinakain ka ng nanay mo ng panis, Maria. Hindi ko crush 'yon. Parang anak ko si X at nanay ako na nag-aalala." paliwanag ko.
"Kung nanay ka niya talaga, padedehin mo nga?" sabi niya at baliw na tumawa si Maria.
Pinandilatan ko siya. Napakabastos ng bunganga ng babaeng ito! Hindi ko alam paano kami naging magkaibigan. Nakiuwento ko kasi na pinakita ko kay X ang bra ko. Ngayon, inaasar niya ako.
"Alam mo, kumbinsido na ako na panis ang gatas mo nung bata. Diyan ka na nga!" Asar na sigaw ko at iniwan siya doon para salubungin ang bangka naming natatanaw ko na.
Tinulungan ko si Ate at Mamsy na paghiwalayin ang mga isda na nahuli nina Papsy.
Maghapon akong lutang sa pagtitinda. Tatlong beses akong nabatukan ni Ate Sydney dahil mali-mali ang sinusukli ko sa mga bumibili.
Ilang araw pang ganoon. Mahirap din at wala naman kaming cellphone ni X kaya 'di ko siya makamusta man lang. Kaya naman ng hindi ako makatiis, nagpasama na ako kay Maria sa Anchor's Port isang sabado.
"Ma'am, wala ngang hiring ngayon. Hindi rin kayo puwede pumasok kung 'di kayo guest." sabi ng guard.
Nagtanong kasi ako ng hiring pero wala raw. Pinakiusapan ko na lang siya na makita si X pero masiyadong feeling may-ari ng resort si Guard dahil ayaw niya akong papasukin man lang.
"Kuya, may kailangan lang akong kausapina sa loob. Kilala mo ba si X?" tanong ko.
Tumango ang guard.
Ngumiti ako.
"'Yon! Kilala mo naman pala, Kuya. Kakausapin ko lang siya saglit." pangungumbinsi ko.
"Busy si Sir Pogi sa mga guest ngayon na Amerikano. Hindi puwede abalahin dahil VIP ang mga 'yon." pagtataboy ni guard.
Dahil matigas 'tong guard at kasing tigas ng mukha niya... Lumayo ako sa gate dahil may papasok na sasakyan. Mabilisan kong tinakbo ang gate para makapasok sa loob. Sumigaw si Maria para pigilan ako.
Napamura ang guard at agad na nagsalita sa radio niya. Lumiko agad ako sa isang hallway. Sakto namang bumukas ang pintuan kaya pumasok ako doon. Tinulak ko ang kung sinuman na lalabas sana at agad na sinara ang pintuan.
Napahiga ito sa kama dahil sa gulat. Pumatak naman ako sa ibabaw nito. Nagkatinginan kami saglit nito.
"Hey, Miss." kalmadong bati nito.
Nakahawak ang kaniyang mga kamay sa tagiliran ko para suportahan ang pagbagsak namin.
"Anong ginagawa mo dito? Kilala ba kita?" tanong niya, tila naguguluhan.
Umalis ako sa ibabaw niya at tinaas ang dalawa kong kamay. Napatingin siya sa isa kong kamay na may bio-data pa.
"Kuya, pasensya na. Gusto ko sanang mag-apply kaso mahigpit yung guard. Hinahabol nila ako. Patago muna ako dito, ah?" hinihingal na sabi ko.
Lumapit ang lalaki sa akin at kinuha ang bio-data sa kanang kamay ko. Saka ko lang napansin na naka-boxer shorts lang siya at bakat na bakat ang kaniyang muscles sa binti. At wow, may ulam! Ang ganda ng mga pandesal niya.
Shet, ang guwapo!
"Arizona C. Batungbakal," binasa niya ang biodata ko. "Nickname: Bebang. Hmmm." pagpapatuloy niya at ngumisi.
Lumunok ako.
"You're applying for?" tanong niya.
"Hm, kahit ano." sabi ko at ngumiwi.
Kumunot ang noo niya at tinuon ang buong atensyon sa akin.
"You risked your life entering here and you will answer me kahit ano?" tanong nito na 'di makapaniwala.
Huminga ako ng malalim.
"May kailangan lang akong bantayan na empleyado rito kasi nag-aalala ako. Kaya kahit ano lang sana." sabi ko.
"Boyfriend?" tanong niya.
Agad naman akong umiling. Bakit ba ang dami niyang tanong?
"H-Hindi, ah! Kaibigan lang. May insomia kasi." sagot ko at sumilip pa sa bintana para tingnan kung ligtas na ba lumabas.
Kung kanina eh naguguluhan siya, mas lalo na ngayon. Kumunot ang noo niya at binaba na ang bio-data ko.
"Insomia? You will watch him at night? Isn't that creepy?" tanong nito.
Ako naman ang kumunot noo sa kaniya. Ano ang sinasabi nito?
"Ha? Pinagsasasabi mo? Insomia! 'Yong nalimutan kung sino siya. Ganun. Pogi na sana e, shunga lang." bulong ko pero sapat na para marinig niya.
Tumawa ang lalaki at umiling. Binaba nito ang tig-pi-piso kong bio-data sa table at huminga ng malalim.
"It's amnesia, you silly woman." pagtatama niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nilingon ko ang kuwarto niya. May mga maleta na nagkalat doon. May ilang mga damit din ang nasa sahig.
"Galing kang ibang bansa o naglayas?" tanong ko.
Hindi ko maiwasang hindi magtanong. Masiyado talaga akong pakialamera sa buhay ng iba. Tumingin din siya roon at umiling.
"None of the above." pagtawa niya bago tinuloy ang sinasabi.
"Galing Manila lang. Semestral break."
Naiwan akong tahimik doon.
"Miss Batungbakal, you may come back tomorrow for the job offer." pag-iiba niya ng topic.
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.
"You're hired. Okay lang sa'yo na sa housekeeping ka? You know how to clean rooms?" tanong pa nito.
Tumango ako kahit na naguguluhan.
"Ha? Ano ka ba dito? Wait lang Kuya, ah? Naguguluhan ako. Wow, mali ba 'to?" tanong ko at nilingon ang mga camera na baka tinago sa paligid.
Tumawa siya. Ngayon, kitang kita ko ang perfect smile niya at ang medyo may kalalimang dimples.
"I said, Miss... tanggap ka na. You can start immediately para mabantayan mo kung sino man ang babantayan mo. I will call the HR for your uniform." pag-uulit niya.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan. Binigay niya ang detalye ko na nasa bio-data.
Matapos ibaba iyon ay nilingon niya akong gulong-gulo doon. Ngumiti siya ulit. Pero ngayon, naglahad ng kamay sa akin.
"I am Bliss. Son of the Owner of Anchor's Port. This is your interview. Congratulations, you're in." bati niya at ngumiti siya.
Natulala ako.
"See you, Ms. Batungbakal." sabi pa niya at ginabayan ako palabas ng kuwarto niya.
Hindi naman ako makapagsalita. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng pintuan niya. Kumindat siya sa akin at pinitik ang noo ko.
"You're safe now. I informed the guards that you can roam the area." sabi niya.