Kabanata 7 - Teacher

1955 Words
Patalon talon akong naglalakad pauwi. Malapit na magdilim at himalang wala si X dito. Kadalasan kasi, naririto 'yun para raw sunduin ako kahit na ang totoo, narito siya para magpalibre ng meryenda. Siguro, nagpapahinga 'yun dahil nawala siya ng maslay kahapon. Tiningnan ko ang puting sobre sa loob ng aking sling bag. Yes, ang amoy ng pera! Naka-suweldo na ako sa mamihan kaya bukas na bukas mag-eenrol ako sa State University dito. Sa isang linggo, mag-uumpisa na ang pasok ng kolehiyo. Makikita ko na rin si Ryan. Mula kasi ng maging collage student siya noong nakaraang dalawang taon, hindi ko na siya palagi nakikita. Hindi rin siya lumalabas ng bahay nila kaya hindi ko na rin nasisilayan ang mukha niya. "Boo!" Naputol ang pag-iisip ko ng sumulpot sa harapan ko si X na may malaking ngisi. May dala siyang plastic. "Ano naman 'yan?" tanong ko. Tinaas niya 'yun para hindi ko maagaw sa kaniya. Hindi ko na naman inabot 'yon dahil matangkad siya. Hinila niya ako papunta sa direksyon ng dagat. May mga bato roon sa pampang na lagi naming tinatambayan nina Kuya. Umupo siya at agad na binuksan ang dalang plastic. Doon ay nakita ko ang mga isaw at lata ng coke. Inabot niya ang isa habang binuksan naman niya ang isa at mabilis na nilagok. "Saan ka nakakuha ng pera?" tanong ko. "Tinulungan ko sina Lolita at ang ilang taga-palengke na magtapon ng mga basura. Binayaran nila ako." aniya. Binaba ko naman ang hawak na coke at hinawakan ang ulo niya para haplusin iyon. Wow, natututo na siya. Para akong nanay na proud sa kaniya. "Sa wakas, natututo ka na." sabi ko at ngumiti ako. "Pero ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko. "Yup. Last day was rough but I'm okay now." sagot niya, walang bakas ng kahit na ano. Proud naman siyang ngumisi at kumindat pa. Inabutan niya ako ng isaw at tinapat iyon sa bibig ko. Kinagat ko iyon at pumikit. Ang sarap talaga kapag libre. "X, malapit na ako maging collage student!" balita ko. "College student, bebang." pagtatama niya. Umirap ako but at the same time, natutuwa na ayos na siya hindi kagaya kahapon. Kinuha ko ang plastic ng suka at sinipsip iyon. Tumingin naman siya sa akin. "Anong course mo?" tanong niya. Napaisip ako. Oo nga ano? Hindi ko pa pala naiisip 'yun. Sa aming magkakapatid, ako lang ang makakapasok ng kolehiyo. Kahit kasi may negosyo kami sa bayann, hindi pa rin iyon sapat sa bahay at sa pagkain. Ngayong dumagdag si X, medyo lalo kaming nahirapan. Ang matrikula ko ay isang buong taon kong inipon ngunit alam kong isang sem lang ang itatagal ng naipon ko. "Hmmm, hindi ko pa alam." sagot ko. Nakuha ko ng buo ang atensyon ni X. Humarap siya sa akin. "Ano ba 'yung nakikita mong gusto mong gawin sa future? May mga pangarap ka bang trabaho?" tanong ulit ni X. Sa future? Ano naman ang gagawin ko? Noon, pangarap ko lang maging madre de pamilya. Gusto ko na maging mabuting ina at asawa. "Uhm, housewife? Gusto ko lang magkaroon ng masayang pamilya kagaya ng sa amin." sabi ko. Ngumiti naman si X sa sagot ko. "Well, you can have a happy family and have your dream job at the same time. Now, think," aniya. "Ano ba ang hilig mong gawin bukod sa dumaldal?" "Gusto ko nang mga bata! Mahilig ako magkuwento sa mga bata. Ang sarap lang kasing makita na nakikinig sa'yo ang mga bata. Parang nakakataba ng puso." sagot ko. Nilagay naman niya ang daliri sa baba na parang nag-iisip. Pumalakpak siya ng may mapagtanto. "Teacher." sagot niya. "You can be a teacher, Bebang. That will suit you. You love to talk and you love kids. That's definitely your future." Teacher? May kung anong kumiliti sa tiyan ko. Gusto ko maging teacher. Ngumiti ako kay X at hinawakan ang balikat niya para pisilin. "Basta X, ha. Turuan mo ako ng English. Alam mo namang hindi ako hasa diyan." sabi ko. Tumango si X. "English isn't wrong as long as you can deliver the thought that would be okay." aniya. "Gusto ko kapag naging teacher na ako. Ako ang magiging teacher ng mga anak mo." I kidded. Nawala naman ang ngiti ni X sa sinabi ko. "Ayaw mo maging nanay nila?" He kidded back. Binatukan ko naman siya. "Puro ka naman kalokohan eh." sabi ko pero mainit ang pisngi. Tumawa si X at tumayo na para higitin ako. Hawak hawak niya ang isa kong kamay habang hawak hawak ang kaniyang coke. "Halika na, Bebang. Baka hanapin tayo ng Papsy mo." saad niya. Hinila niya ako pauwi ng bahay. Nadatnan naman namin si Papsy na nagsasampay ng net na ginamit nila sa pangingisda. "Pumasok ka na. Magpapagood shot lang ako kay Papsy." bulong ni X. "Ano?" tanong ko. "Lagi kasi niya akong sinusungitan 'pag wala ka. Kailangan kong magpa-good boy sa kaniya." sabi nito. Hindi na niya ako hinintay magsalita at agad akong tinalikuran para puntahan si Papsy. Kita ko ang seryosong tingin ni Papsy sa kaniya. Nag-usap sila saglit hanggang sa tumulong na si X sa ginagawa. Nakanguso akong pumasok sa loob. Nagmano ako kay Mamsy na nagpa-pa-pedicure kay Lolita. "Oh! Nasaan si X?" tanong ni Lolita sa malanding tono. Tinadyakan ko naman si Lolita kaya napasubsob siya sa paa ni Mamsy. Agad akong sinaway ni Mamsy sa ginawa ko at nakatanggap ng irap kay Lolita. Childhood friend namin si Lolita. Bata pa lang kami, madalas na niya ako i-bully. Hindi kami magkaaway hindi rin kami close. Sapat lang. Sapat ang relasyon namin na umaabot sa sakitan. "Kabogera 'yang anak mo, Mamsy ha! Gwapo ng afam... Winner!" aniya sa Mamsy ko. "Mamsy ka diyan! Bakit anak ka ba? Huy, wala silang anak na panget." iritadong sabi ko. "Eh 'di kanino ka palang anak?" natatawang sabi ni Lolita. Tumawa naman si Mamsy kaya sinimangutan ko sila. Pumasok ako sa kuwarto at hindi na pinansin si Lolita demonyita. Nakangiti kong hinugot sa bag ang sobre at nilagay iyon sa kahon ko sa ilalim ng kama. Yes! Makakapag-enrol na rin ako sa wakas sa kolehiyo! Magiging teacher ako at iraraos ko ang pamilya namin sa kahirapan. "Bebang! Imelda!" sigaw ni Papsy na nakapagpaputol ng pagluluto namin ni Mamsy. Agad kaming lumabas at nakita si X na nakahandusay sa buhanginan. "Ano'ng nangyari, Papsy?" tanong ko. Gumapang ang takot ko sa aking dibdib. Binuhat naman siya ni Papsy papasok ng bahay. "Tawagin mo ang Doktor sa shelter, Roldan." sabi ni Mamsy. Agad namang tumakbo si Papsy palabas para sundin si Mamsy. "Kumuha ka ng tuwalya at palangganang may tubig." sabi ni Mamsy sa akin. Natutuliro kong kinuha ang palanggana. Agad na nilagyan ni Mamsy ang noo niya. "Nilalagnat siya." sabi ni Mamsy at kinumutan si X. Dumating si Papsy kasama ang Doktor sa shelter. "Ano'ng nangyari?" tanong ng Doktor. "May amnesia siya, doc. Kahapon po nahimatay rin siya. May ilan siyang naaalala." sagot ko. "Nahimatay na siya kahapon at ngayon niyo lang sinabi?" sabi ng Doktor ay sinipat ang noo niya. Nilagyan niya iyon ng thermometer at sinuri niya ang ulunan ni X. "May malaki siyang bukol sa likurang bahagi ng ulo. Siguro ay nabagok siya o nagdaganan ng mabigat na bagay noong nasa dagat which caused his amnesia." sabi nito. Tiningnan ko ang tulog na hitsura ni X. Basang basa ang kaniyang noo, hudyat na sobrang inaapoy talaga siya ng lagnat. "Kailangan na po ba namin siyang dalahin sa hospital?" tanong ko. Binaba ng Doktor ang kaniyang chart at tiningnan si X. "Just observe him for days. Kapag hindi bumaba ang lagnat o kaya nagising, just bring him to hospital. Mag-re-refer ako ng specialist doon." payo nito at iniabot ni Dr. Javier ang isang calling card. "Sigurado po ba kayong ayos lang siya?" sabi ni Papsy. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa Doktor. Pinupunasan naman ni Mamsy ang katawan ni X habang inuugat naman ako sa kinatatayuan ko. Tahip tahip ang kaba ko nangyayari. "That's normal for patients with amnesia. Madalas silang mahihimatay whenever something trigger their forgotten memories." paliwanag nito. "Gusto ko sanang ipayo na dalahin niyo siya sa mga lugar na pamilyar sa kaniya pero dahil nga sabi niyo na hindi niyo siya kilala. Wala tayong magagawa kundi ang maghintay at magdasal sa recovery niya." dagdag pa ni Dok. Umupo ako sa tabihan ng hinihigaan ni X. Tinulungan ko si Mamsy na punasan siya ng katawan. Nilagyan siya ng IV ng doctor pansamantala para magkaroon ng bitamina. "Kailangan natin siyang palitan ng damit, Mamsy." sabi ni Ate kinagabihan. "Oh, kayo na ang bahala diyan." tugon ni Mamsy at tumayo naman si Mamsy na halatang pagod na. "Kaya na 'yan ni Bebang, Mamsy." saad ni Ate at ngumisi at kumindat pa. Bago pa ako makareklamo, pumasok na siya sa kuwarto. Nakatingin lang ako sa tulog ni X. Ano? Kaya ko ba 'to? Handa na ba akong makita ang mga tinatagong sikreto niya? Nilapag ni Kuya ang damit ni X sa tabihan ko. Aalis na rin sana si Kuya ng hawakan ko ang kamay niya at nagpaawa. Nilipat ko ang tingin kay X at namula. Hindi ko kaya! "Alam ko ang ibig sabihin ng tingin mong 'yan? Ayoko." pagtanggi at iling ni Kuya. "Kuya, parang awa mo na! Gagawin ko ang lahat. Hindi pa ako ready na makita 'yung ganun." sabi ko. Ngumisi si Kuya sa akin. "Kahit ano?" tanong niya. Tumango ako. Dalawang araw na simula ng mahimatay pero hindi pa rin siya nagigising. Bumaba na ang lagnat niya kaya nakakapagtaka na hindi pa rin siya nagigising. "Pa'no na 'yan? Kulang pa rin ang pera nating extra. Kakapusin na tayo sa buwang ito." Narinig ko ang usapan nina Mamsy at Papsy sa loob ng kanilang kuwarto. "Hindi natin puwedeng pabayaan ang batang 'yun, Imelda. Ipangungutang ko muna kina Pareng Jun." sabi ni Papsy. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan si X. Tama si Papsy, hindi namin puwedeng pabayaan si X ngunit kakapusin naman kami sa buwang ito. Natigil ako sa pagpupunas. May naiisip ako, ngunit hindi ako mapakali. Ito na ang tiyansa kong maabot ang pangarap ko ngunit hindi ko kayang ipagsawalang bahala ang buhay ni X. Naglakad ako sa kuwarto at kinuha sa ilalim ng kama ang kahon. Binilang ko 'yon. Sa tingin ko naman ay sasapat iyon sa pambayad. Kinatok ko ang pintuan ng kuwarto nina Mamsy. Natigil sila sa usapan at tiningnan ako. "Oh... ayusin mo na ang gamit ni X, anak. Maynpupuntahan lang ang Papsy mo tapos didiretso na tayo sa hospital." sabi ni Mamsy. Kinagat ko ang labi ko. "Mamsy, huwag na po. May pera po ako rito. Ito na lang muna ang gamitin natin." sabi ko. Nagkatinginan sila ni Papsy. "Huwag na. Ako na ang bahala, Bebang." sabi ni Papsy. Umiling din ako at pilit na nilagay iyon sa palad ni Papsy. "Hindi na po, Papsy. Ako po ang nagdala kay X rito kaya responsibilidad ko na rin po siya." pagdiin ko. Ngumiti ako. "Sigurado ka ba, anak?" tanong ni Papsy. Ngumiti ako at tumango. "Sige po. Aayusin ko lang ang gamit ni X." paalam ko. Lumabas ako sa kuwarto para ilagay sa bag ang mga damit na gagamitin ni X sa hospital. Ayos lang 'yan, Bebang. Puwede ka pa namang humabol next sem. Makakaipon ka ulit. Kaunting sakripisyo lang. Ano ba naman kung malate ka pa ng isang sem. Hindi naman aalis ang college diyan. Nandyan lang naman si Ryan sa tabi tabi. Hindi mo kailangang sa eskuwelahan pa siya sulyapan. Lumunok ako at paulit ulit na sinasabi iyon sa aking sarili. Hindi ko rin naman matiis si X, eh. Hindi ko alam pero may kung ano sa akin ang hindi siya kayang nahihirapan. Ito lang. Kaunting sakripisyo lang naman ang kailangan basta umayos ang kalagayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD