Pinagluto ko ng instant noodles si pogi at parang gutom na gutom siyang kumain. Mabilis niyang naubos iyong isa, tapos titig na titig siya sa akin.
"Ah, puwede pa bang isa pa?" tanong niya sa akin.
Napanganga naman ako sa kaniya. Siya lang ata ang may sakit na malakas kumain.
Tumayo ako at nagluto pa ulit ng isa na inubos niya ulit sa isang saglit. Nakahalumbaba ko siyang pinapanood habang sinisimot niya ang sabaw ng noodles.
"Hep! Tama na ha! Wala na kaming noodles eh." sabi ko pagkatapos niyang ubusin.
Pinangunahan ko na siya at inagaw ang mangkok.
Umiinom siya ng tubig ng umupo ako sa harapan niya. Nakapagpalit na siya ng isa sa mga damit ni Kuya at isa lang ang masasabi ko, bakit si Kuya nung suot ito ang pangit? Habang siya naman umuupo lang ay umaapaw sa sobrang ka-guwapuhan?
"Huy, teka nga! Nakadalawang noodles ka na tapos 'di mo man lang ako tinatanong? Alien ka ba?" tanong ko.
"Hmm. Ano’ng tanong naman?" tanong niya pabalik sa akin.
Gusto kong matawa sa kaniyang sinabi.
Unbelibabels! Hindi kapani-paniwala!
"Kagaya ng ano ang pangalan ko? Kung nasaan ka? Mga ganun ba?" histerikal na tanong ko.
Medyo nabigo ako dahil sa tv, mga ganun 'yung nakakalimot!
"Uh. Yeah. What's your name?" tanong niya at tumitig sa akin.
Nailang naman ako sa tingin niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Lakas kasi makababae ng tingin ni pogi.
"Bebang Batungbakal. 36-24-36. 20 years of age from Sitio Silang. Thank you!" sigaw ko at ngumiti na parang nasa pageant ako.
Natawa naman siya sa sinigaw ko. Halos maubo ubo siya sa pagtawa. Napatitig lamang ako sa kaniya habang humahalakhak siya.
Hala! Pati tawa niya ang guwapo!
"Bebang Batungbakal? Seriously? That's your name?" tanong niya, hindi na mapigilan ang tawa niya.
"Huwag ka ngang mag-english! My nose is blood! Saka ano ang masama sa Bebang Batungbakal?” tanong ko.
“Hello! Kilala kaya ang pamilya Batungbakal sa bayan namin! Sa amin nanggagaling ang pinakamalaking rasyon ng isda sa palengke!" sigaw ko pa, dahil medyo naiinsulto sa kaniya.
"Alright. Alright. I am sorry," sabi niya bilang paumanhin.
Tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"At least ako may pangalan eh ikaw? ‘Di ba wala?" tanong ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Parang may nasapul naman ako. Nawala ang saya sa mukha niya.
"Yeah." sagot niya at tumayo na.
Sinundan ko siya ng tingin habang lumabas siya sa bahay. Tumayo naman ako at hinampas ang bibig ko bago lumapit sa kaniya.
Nakaupo siya sa malaking bato at nakatanaw sa dagat. Umupo naman ako sa tabihan niya. Bakit kasi ako pinakain ng puwit ng manok ng Nanay ko? Eh ‘di sana hindi na ako dumaldal ng ganito?
"Huy X, sorry na."
Nilingon naman niya ako. May pagtataka sa kaniyang mukha.
"X?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Oo. X. Iyon ang neckname mo." sagot ko.
"Tch. It’s nickname, idiot." sabi niya at pinitik ako sa noo.
"Eh ‘di oo na! Nickname na kung ganoon. Habang hindi ka pa nakakaalala, gamitin mo muna 'yung X. Okay? Mas mahirap naman kung puro 'hoy' lamang kami ‘di ba?" sabi ko.
Ngumiti ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa akin at unti-unting tumango.
Napawi ang ngiti ko dahil hindi pa rin napuputol ang tingin niya sa akin. Maya-maya pa ay binaling niya ang tingin sa dagat.
"Looking at this-"
"Hep! Sabi ko, tagalog lang. Hindi nakapag-aral ang mga tao rito kaya hindi ka nila maiintindihan." sabi ko sa kaniya.
Tumango siya na parang bata.
"Bebang, bakit sa palagay ko, hindi ko pa nararanas na tumira sa ganito? Parang bago sa akin ang lahat ng ito." sabi niya sa akin.
"Mukha nga... Wala naman kasing mangingisda rito ang nag-iingles. Feeling ko Amerikano ka. Ang pogi mo para sa mangingisda eh!" sabi ko at tumawa siya.
Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin.
"Talaga? Sa tingin mo guwapo ako?"
Tumango ako at nag-thumbs up pa. Seryoso naman kasi ako sa sinabi ko noong una na sobrang guwapo niya.
` "Sabi ko naman sa'yo eh, mukha kang modem." puri ko sa kaniya.
"Modem?" tanong niya, nagtataka.
"Oo! Modem sa magasin." paglilinaw ko pa.
Tumawa na naman siya at napahawak sa kaniyang tiyan.
Napasimangot ako.
Ano’ng tingin niya sa akin? Nagpapatawa? Kanina pa siya tawa ng tawa. Siya na nga itong pinupuri.
"You're making me laugh! I can't breathe, Bebang!" sabi niya habang tumatawa.
Tumayo na ako at pinandilatan siya.
"Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga, X!"
Balak ko na sana na umalis at iwanan siya roon nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan.
"Hey, I'm sorry. I just need a good laugh." sabi niya bilang paumanhin.
"Bakit? Mukha ba akong clown?" tanong ko, iritable na.
Umiling siya sa akin.
"Nope. You're just the one who gave me my 'neckname'." sagot niya at ngumiti na.
"Nang-aasar ka naman eh!" sigaw ko at pumadyak na parang bata sa harapan niya.
"Hindi na. Hindi na. Dito ka muna. Samahan mo ako." sabi niya.
Hinigit niya ako paupo sa tabihan niya. Ngumuso ako at pinagmasdan ang payapang dagat sa harapan namin.
"Bebang, bakit X?" tanong niya pagkalipas ng sandaling katahimikan.
"’Yong parang sa tv, iyong hindi mo alam kung ano ang brand? Kaya brand X?” sagot ko at nilingon siya, “Parang ikaw ‘yon. ‘Di namin alam ang pangalan mo kaya X na lang." dagdag ko pa.
"Seems like you love to watch television so much, Bebang." sabi niya.
Tumango ako. Oo, fanatic ako ng mga artista eh. Gusto ko kasi 'yong palabas noong batang aktres, iyong si Sora Luna! Sobrang ganda at kinis noon eh.
"Teka nga, X! Kailangan ko nang pumasok sa trabaho ko sa mamihan. Dito ka muna at hintayin mo sina Ate." tumayo ako at pumasok na sa bahay para makapag-ayos.
"Bebang," tawag niya.
Nilingon ko siya habang inaayos ng bag ko.
"Can I come with you?"
"Trabaho ang pupuntahan ko, X. Hindi mall. Saka ano naman ang gagawin mo doon?" tanong ko kay X na parang batang nagpapaalam sa magulang.
"I'll be bored. I think I could use some walk away from here." sagot niya.
"Ano’ng walk walk ka diyan! Alam mo para ‘di ka ma-boring bakit hindi ka maglinis ng bahay namin?" tanong ko.
Nilingon niya ang bahay namin at umiling habang nagkakamot ng batok.
"I don't know how," inosenteng sagot niya.
Nabitawan ko ang hawak na bag sa sinabi niya. Tumayo ako at tinuro siya.
"Alam mo, sigurado na talaga ako!" sigaw ko.
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Sigurado na ako na mayaman ka! Pero dahil wala pang naghahanap sa'yo dapat matuto ka ng gawaing bahay." sabi ko.
Tumango siya at sumimangot.
"Pero huwag muna ngayon! Kailangan ko na umalis." sabi ko.
Tumayo na ako at agad lumabas sa bahay ng sumunod si X. Kumaway na ako at natatawa na iniwan siya.
Hay, ganito ba ang pakiramdam kung ganito kagwapo ang boyfriend mo? 'Yung tipong ang hirap iwanan? Partida ‘di ko pa boyfriend si X pero parang gusto ko na lang mag-stay sa bahay para titigan siya.
Patakbo ako’ng pumunta sa mamihan. Naabutan ko naman si Aling Hasmin na nakataas ang kilay habang pinapanood ang pagdating ko.
"Ano’ng masamang hangin ang nakain mo, Bebang at unang beses ka na tuwang tuwa na makita ako?” tanong niya.
Nakasimangot si Aling Hasmin sa akin. Napawi ang ngiti ko at sumimangot na rin.
"Eh, ikaw, Aling Hasmin? Ano ang masamang nakain mo at ang pangit ng mukha niyo?" pabulong kong sabi.
"Ano’ng sinasabi mo?" tanong niya habang nagtaas ng boses sa akin.
Iniabot niya sa akin ang sako ng basura. Mabilis na tinakpan ko ang aking ilong dahil sa masangsang na amoy noon.
"Itapon mo na nga ito at magtrabaho ka na! Puro ka satsat." utos niya at umalis na.
Napailing ako kay Aling Hasmin. Kaya tumatandang dalaga eh! Pumasok na ako matapos na itapon ang basura.
Napasimangot ako ng dumating ang pederasyon nina Lolita na mayroong matching headbands.
Ang lalaki naman ng muscle.
"Tatlong mami nga, Bebang. 'Yung mainit ha." sabi ni Lolita at pinaglaruan ang lollipop na kinakain.
"Okay. Gusto mo pa nga eh 'yung malalapnos ang lalamunan mo eh para ayos." nagdadabog ko na sagot at umirap.
"Alam mo, Bebang... Pabibo ka! Pasalamat ka't kaibigan ko ang ate mo kung hindi? Kalbo ka na." sabi naman ni Madeline.
Hindi ko sila pinansin at sinulat ang order nila para ibigay kay Aling Hasmin. Nang mailagay iyon sa tray, pinasulong ako ni Aling Hasmin sa pagbibigay noon kina Lolita.
"Oh? Bakit nakasimangot ka, Bebang?" tanong ni Lolita.
Sino ba namang gaganahan kung kayo ang makikita? Bakit kasi kakaunti ang turista ngayon? Noong isang araw puro poging kano ang nandidito at mga taga Maynila!
Saka gusto ko na umuwi. Baka mamaya may katangahang ginagawa si X sa bahay o kaya nailibing na siya ng Kuya ko.
"Ang pangit niyo kasi." sagot ko at agad na nag-walk-out.
Ilang oras pa at nagpupunas na ako ng mesa ng bumukas ang pintuan at tumunog ang wind chimes. Nag-angat ako ng tingin doon at nakita ko si X na pumapasok doon.
Bagong ligo siya at talaga namang nakakahalimuyak.
"Oh sh*t!" mura ni Lolita na halos matapunan na ng hinihigop na sabaw.
Malalagkit ang tingin ng pederasyon sa kaniya habang papalakad siya papasok.
Ngumiti sa akin si X at kumaway pa. Agad kong nilingon si Aling Hasmin. Nang wala siya ay tumungo agad ako kay X para pagalitan siya.
"Ano’ng ginagawa mo rito huh?" bulong ko.
"I told you, ma-bo-bored ako. I just came here to check on you and your workplace." sagot niya.
Nilingon niya ang paligid kaya kinurot ko siya.
Kapag nalaman ni Aling Hasmin na narito siya para bisitahin lamang ako at hindi naman bibili, tiyak na aabutin ako ng siyam siyam sa sermon niya.
"Loko ka! Ano na lang iisipin nina Nanay kung wala ka sa bahay? Baka akalain nila na nawawala ka na." sabi ko para sermunan siya.
"Nagpaalam naman ako sa Nanay mo." sagot niya at naglakad sa mesanh pinupunasan ko para siya ang matuloy noon.
"Umuwi ka na nga, X! Pinagtitinginan ka na oh." bulong ko at inagaw ang basahan.
Kahit kasi ano’ng gawin niya, ang yaman niyang tingnan. Hindi bagay ang basahan para sa kaniya. Parang hindi siya pinanganak para humawak nito.
"I don't care." sagot niya, at umupo doon, "Bebang, give me some food. I am starving." sabi niya.
Hinimas niya ang tiyan niya at ngumisi sa akin.
"May pera ka ba?" tanong ko.
Umiling siya noong ma-realize niyang wala siyang pera. Pinagdaop niya ang palad na parang nagdadasal siya sa akin. Umiling ako.
Sakto namang lumabas si Aling Hasmin mula sa kusina at agad lumapat ang tingin niya kay X.
"Bebang... Sino 'yan?" tanong ni Aling Hasmin.
"Uh. Boyfriend ko po." sagot ko at tiningnan sina Lolita na kumakain doon.
Kumunot ang noo ni X na tumingin sa akin. Umiling siya na parang natatawa kaya agad kong tinakipan ang bibig niya.
Letse! Ipapahiya niya ba ako?
Ngumiti ako nang malaki at kinurot ang pisngi niya.
"Sumakay ka na lang kung gusto mo nang pagkain." bulong ko.
Parang automatic namang hinawakan ni X ang kamay ko at pinisil iyon ng marahan.
"Babe." tawag niya at ngumiti.
Muntik nang lumambot ng aking tuhod sa ngiti niya.
Nagbulungan naman ang pederasyon at ang ilang babaeng kanina pang tumititig kay X na walang malay or should I say walang paki?
"Bebang.... oras ng trabaho. Mamaya ka na makipaglambingan sa nobyo mo at magpunas ka ng mesa at ikaw," tinuro ni Aling Hasmin si X.
"Umuwi ka na at huwag mo’ng gambalain ang nobya mong kumakayod." sermon niya at pumasok na sa loob ng kusina.
"Huy, umuwi ka na nga X! Shoo!" sigaw ko bilang pagtataboy ko sa kaniya.
Sumimangot naman siya at tumayo. Nilagay niya ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa.
"No. I'll wait outside, Bebang." sabi niya at lumabas na.
Napailing na lang ako sa kakulitan niya.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng matapos ako sa oras ng trabaho. Naglalakad ako at inayos ang bag ko ng mapansing wala namang nag-aabang na X sa paligid ko. Napasimangot ako. Akala ko maghihintay ang mokong na ‘yun?
Sinipa sipa ko ang bato at sumimangot ng may magsalita sa likuran ko.
"Treat me, Bebang. I was starved to death while waiting for you." sabi ng isang boses..
Inangat ko ang tingin at nilingon si X. Ngumisi naman siya sa akin.
"Akala mo iniwan kita 'no?" tanong niya na nakangisi.
Hindi ko alam ang nangyari pero ang tanging tumatakbo sa utak ko ay mag-uumpisa na ang pagsira niya sa normal na buhay ko.