Chapter 5- Dark Blake

1544 Words
Luxy POV* Inalala ko ang nangyari kagabi. Nakapasok na talaga ako sa mundong iyon eh sa nandun din siya eh. Di talaga ako makapaniwala na ang Emperor ng Underground ay si King pala. Hindi na talaga siya ang innocent King ko. Naalala ko ulit yung nangyari kagabi. Flashback... "Tulog ka na." Isang sabi ko nawalan na siya ng malay ang kalaban ko dito sa Underground. Ang boring naman oh. Akala ko malakas siya eh hindi naman. Puro lang siya atake at wala namang defense. Pinaglaruan ko lang siya dahil pag nilabanan ko siya ay sigurado wala pang Thirty Seconds ay bagsak na siya kagaya ngayon na tulog na agad siya. "This battle ends this night!" rinig kong sabi ng host at lumakad na ako paalis ng arena ayoko kase ng mga interview at mga tanong tanong yun muna ang nalaman nila sa akin ang Code Name na ginamit ko. May iba pa ba kaya dito na gumamit ng Code Name na yun? Sana wala kasi yun ang gagamitin mo mapalapit kay King. Alam ko na may mga taong lalapit agad sa akin dahil sa ginawa ko. Okay na ako sa nangyari ngayon at nakita ko din kanina na nakatingin ulit si King sa akin. Kinilig ako noh! Agad na akong umalis doon at agad sumakay ng taxi pauwi sa mansion. Nakakapagod ang gabing ito pero masaya ako kasi nandoon siya. Sana ganun din bukas. End Of Flashback... Tiningnan ako ni Hyz nung nakarating ako sa hapagkainan. Titig na titig siya habang ako nagbisibisihan sa paglagay ng ulam sa plato ko. Siguro itatanong niya ang nangyari kahapon sa akin. Sus sumasakit ang ulo ko mag eexplain ako sa babaeng ito. Tinatamad ako sa mga ganyang bagay. Di niya kasi alam na pumunta ako sa underground kagabi? Kakain sana ako nang napatingin ulit ako sa kanya. "Bakit ba? Kanina ka pa nakatingin sa akin?" tanong ko sabay lamon ulit. "Pagod ka atah? May nangyari ba kagabi?" Tinaasan ko siya ng kilay at titig na titig pa din siya, yung hindi nagpapatalo sa titigan. "Nothing, tigilan mo na nga yan kumain ka na nga." At umiling iling na lang siya at kumain na din. Mabuti di na naman siya nagtanong ulit sa nangyari sa akin kagabi. "So may plano ka na para sa Love life mo?" Tumingin ako sa kanya at tumango ako. Di pa pala siya tapos magtanong. "Ang gagawin ko ay magsisimula ako sa simula hanggang sa mapaibig ko ulit ang Hari ko." Mukhang masaya kasi yun parang sa mga Love story eh. At alam mo na yung mga gusto at hindi gusto niya. Yung mga kiliti niya alam mo na kung saan iyon matatagpuan. Namiss ko ulit ang mga labing iyon. "Ayan na naman yang mga nababasa mo sa mga libro eh. Ikaw bahala basta ako pass muna ako sa ganyan. Di ako interesado sa mga love love na yan." "Weee, may gusto ka nga sa lalaking sinakyan mo kahapon. As in sakay yung nasa ibabaw ka at siya ay nasa ibaba. Yun ba." Napakunot agad ang noo niya dahil sa sinabi ko. Naalala niya siguro ulit ang lalaking iyon. "No way!" Nabasa ko na din ang mga info tungkol sa kanila ang tawag sa grupo nila King ay ROYAL NOBLESS at lima sila at ang leader siyempre ang hari ko. Ang ikalima ay si Edwin Villanueva or tinatawag na Deathly g*n. Kilala siya bilang isang Childish Brat pero may something sa info niya na parang iba eh di ko mapaliwanag. Ikaapat ay si July Glenn Arcenal or Silent Blade. Sikat siya dahil isa siyang Vocalist sa banda niya sa ibang grupo at marunong siya sa lahat ng instrumento sa pagtugtog at palangiti din siya. Ikatatlo ay si Noel Kinnery Que or Code Zeth. In short of him ay Babaero sa pamamagitan din ng Smile niya napapaibig kaagad sa kanya ang mga babae. Ikalawa ang mortal na kalaban ng pinakamamahal ko na kaibigan na si Hyz ay si Jason Libres or Dark Blaze. Siya ang right hand ni King at palangiti pero ang priority niyang gawin palagi ay ang magbasa at mag aral di muna siya ng mga babae. Dahil naniniwala siya na may babaeng nakakatakda talaga sa kanya. At ang pang una ang pinakamamahal ko na si King or should I say Simon Daegan De Loughrey or Underworld Emperor/ Master. Kinatatakutan siya ng lahat kaya walang maski isa ang babangga sa kanya dahil impyerno talaga ang mapapaglagyan. Pinili siya ng lahat dahil sa alam niyang kontrolin ang lahat at kaya niyang labanan ang lahat kahit wala siyang kasama. Pero bakit nakita ko siyang nagpalutang lutang sa laot? Ano ba ang nangyari sa kanya Apat taon ang nakalipas? Wala siyang gamit noon, nawalan ng paningin at nawalan pa ng alaala. Ano ba talagang nangyari sa kanya? "Hey, girl! Snap!" "Oh? Bakit ba," sabi ko na lang. Eh sa pinitik ni niya ang noo ko eh. Ang sakit nun! "Na tulala ka atah anyare na sayo?" "Nothing kulang siguro sa tulog. Ikaw sarap siguro ng tulog mo dahil inaalala mo yung lalaking sinakyan mo." Napakunot na naman ang noo niya at siguro bubuga na naman ito ng apoy. "What the hell! Umagang umaga wag mong ipaalala sa akin ang lalaking iyon! Bilisan na nga natin baka malate pa tayo sa School. Ayokong malate." Napatingin ako sa kanya at nakangangang nakatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Kailan ka pa nagka interest sa School, Hyziethmae Espina?" Naka Evil smile pa ako sa kanya na kinalunok niya. "B-Bakit bawal bang mag ka interest? Aish tayo na!" Agad siyang tumayo at natawa na lang ako eh sa halata eh excited makita si Jason.... si Jason nga ba o yung Professor namin? Nakarating kami sa School at bumaba na kami sa Jeep at heto na naman si Hyz na di mapigilan ang inis dahil ang sikip na naman kanina sa jeep at muntik na naman makahanap ng away. Gulat na gulat si Hyz nang biglang may sasakyan sa likod. "Ay baklang palaka! P*ste sino yun!" sigaw ni Hyz grabe talaga tung babaeng toh. Dinaig ang megaphone ehh! "Hyz, OA na. Nasa likuran mo lang ang kalaban mo." Napatingin naman siya sa sasakyan na nasa likuran namin. Lumapit siya at sinipa ang gulong ng sasakyan ayan na naman po siya. Napahawak na lang ako sa noo ko. "Ano lumabas ka! You're getting into my precious nerves and my beautiful face! Dammit!" Sinipa sipa pa niya ang gulong ng sasakyan at may mga tao na nakatingin sa amin. May dalaw atah tung babaeng ito araw araw. Biglang bumukas ang salamin ng kotse at nakita namin si Jason na nakangiting nakatingin kay Hyz. "Ikaw na naman! Buhay nga naman oo! Jusko!" "Bakit palaging ang init ng ulo mo sa akin, Miss Espina? Good Morning, Miss Craig." Nginitian ko siya at tumingin ulit siya kay Hyz na pantay na ang kilay. "Good Morning ka Jan! Close ba kayo ni Luxy? Hindi naman diba? Tayo na baka mas lalong uminit ang ulo ko." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad. "Teka! Sumabay na kayo sa akin. Malayo layo pa yung Building," sabi ni Jason. "Sige ba," agad na sabi ko. Mabuti may sasakyan kasi ang layo kaya ng lalakarin namin. Agad akong bumitaw kay Hyz at bumalik sa kotse at lumabas si Jason para pagbuksan ako ng pinto. "Ano't! Lux—" "Kung ayaw mo maglakad ka ako sasakay ako," sabi ko at sumakay na sa likuran at wala siyang magawa kundi ang sumakay na din. Napangiti na lang ako. Napatingin si Jason sa amin at kinindatan ko siya at natawa na lang siya. Ako ang magiging daan sa forever ninyong dalawa ni Jason, Hyz. Nakarating kami sa isang Building dito sa School at ngayon ko lang iyon nakita dahil tago na tago siya na Building. "Teka mga classroom ba yan? Ibang iba ang disenyo kesa doon sa Building namin." "Nope! Building yan namin... Building ng Royal Nobless," sabi niya. So nandiyan si King?! "Talaga," sabay sabi namin ni Hyz. Teka kailan pa alam ni Hyz ang tungkol sa RN? "Yup. Gusto niyong pumasok?" Tanong ni Jason. "Yes!!! Teka dito din ba ang pinakaguwapong nilalang sa buong kalupaan ng earth na si Dark Blaze?! Idol ko kasi yun at certified Crush ko tapos marami akong posters niya sa kwarto ko at kahit di ko kita ang mukha niya dahil sa mask naaatract pa din ako sa kanya! Nandiyan ba siya?!" Kinikilig na sabi ni Hyz at ako ay nakatulala lang at napahawak ulit sa noo ko at si Jason natahimik din. Mukhang may marealized ako na isang bagay. Mukhang nahulog talaga si Hyz sa sariling bibig niya. Ang gulat na mukha ni Jason ay biglang napangiti heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Mukhang tinadhana talaga ang dalawang ito. Nakita ko nga ang poster ni Dark Blaze sa kwarto niya. "Really?" "Oo naman. Bakit may angal ka?" Ikalawa ang mortal na kalaban ng pinakamamahal ko na kaibigan na si Hyz ay si Jason Libres or Dark Blaze. Siya lang naman ang long time crush ni Hyz. Ang taong binagsakan, sinakyan niya, minura, sinigawan at sinapa niya ang gulong nito. "Nothing, you're really interesting, Miss Espina." Napakunot na naman ang noo ni Hyz. Mabuti kalma lang si Jason. Pag ibig nga naman. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD