Chapter 4- The Underground

1726 Words
Luxy POV* Pinauna ko si Hyz na umuwi at ang sabi ko na may pupuntahan pa ako ngayon at di na siya nagtanong dahil pagod din siya at gustong gusto na din niyang umuwi kaya ayun nag taxi siya. Napagpasyahan kong manatili muna dito dahil may narinig kasi ako kanina sa may CR na may Underground daw kung saan maglalaban ang mga gangster. Eh sa gusto ko makakita ng mga gangster kaya pupunta ako sa lugar na yun. Matagal tagal na din nung huli kong makita ang mga ganyang mga tao. Bago ako umalis sa School nagbihis muna ako at nag make up ng kaunti yung di ako makikilala. Yan na ang tinatawag nilang disguise. Nakarating ako sa lugar kung saan matatagpuan ang Underground sa pamamagitan ng GPS at nandun nga ang mga gangster with their outfits. Lumakad ako papasok at di ko pinansin ang mga tingin nila sa akin. Nakapasok ako na hindi nalalaman ng guard doon sa may Entrance. Yan ang isa sa mga alam kong gawin. Pagka pasok ko sigaw, inuman, bugbugan at make out ang nakikita ko sa paligid parang ibang iba ang mga tao na nandidito. Okay lang naman na makakita ako ng ganito dahil 21 naman ako. Tumingin ako sa taas at meron din lugar sa mga mayayaman doon. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala. "New here?" Napatingin ako sa nagsalita. Isang babae na may dalang wine glass at mabuti di pa siya lasing sa mukha niyang iyan. "Yeah," yun na lang nasabi ko. "Kasapi ka ba dito o bagong salta dito sa Underground? Ngayon lang kasi kita nakita dito at memorize ko naman ang lahat ng tao dito." Baka malaman niya na pumasok lang ako dito. "Bago lang ako dito. Paano ba maging parte ng lugar na ito?" "Bago ka tuluyan makapasok o maging parte ng Underground kailangan mo munang manalo ng isang laro doon." Sabay turo sa stage kung saan nagrarambulan ang mga tao doon. Akala ko may mas malala doon para tuluyan kang maregistared dito sa Underground. Kailangan lang palang makipaglaban doon sa gitna. "Call me Viper. You, what's your Code Name by the way?" Bakit ang daming tanong ng babaeng ito? At ano ba ang gagamitin kong Code Name? Kailangan babng ganyang code name? "Night Empress." Tiningnan ko siya habang sinasabi ko iyon. Natahimik siya saglit at napalunok siya sa sinabi ko at lumipas ang ilang segundo bago siya nagsalita. "Can you suggest another code name? That name kasi..." Naiilang na sabi niya. Bakit may nagngangalan na ba nun dito? "Yun na," sabi ko sabay alis. Nakukulitan ako sa kanya kasi parating tanong ng tanong. Wala naman akong plano pumasok dito pero may nagtutulak sa akin na sumali ako. Minsan talaga di ko makikilala ang sarili ko. Parang may author na nagpapagalaw sa akin. Di ko alam. Bigla akong nanlamig di ko alam kung bakit napatingin ako sa may pintuan ng VIP's nakatayo ang isang lalaking may itim na kapa na parang siya ang namumuno dito sa buong Underground. Teka that Eyes... "King," mahinang sabi ko. Isa siyang gangster? Di ko alam na Gangster siya! My innocent King! "Hala napabisita si Emperor! Ang swerte natin!" sigaw nung mga tao doon. "Oo nga ang gwapo niya talaga!" "Dumating ang leader natin! Emperor!" "Maswerte ang mapapangasawa niya sana ako na lang iyon. Siya ang nirerespeto ng Underworld kaya siya tinawag na Emperor." Nagulat ako sa narinig ko dahil siya ang Emperor ng Underworld?! Teka paanong nangyayari ang bagay na yun? Bakit siya naging Emperor! Ganito kasi yan pinaliwanag sa akin ni Kuya Luxciel ko na ang Underworld ay kung saan nagtitipon ang mga mayayaman kagaya ng Mafias, Gangsters, Reapers, Assassins, Ninjas, at marami ang iba. At sa Underworld may isang namumuno doon na sinusunod at nirerespeto ng lahat at yun ay ang tinatawag na Underworld Master / Emperor at di ko alam na si King ang sinasabi ni Kuya na Emperor?! Marami pa akong gustong malaman kay King kaya napagpasyahan ko na sasali ako sa mundong ginagalawan niya. Di ako makapaniwala kaya pala gustong gusto kong pumunta dito dahil ang tadhana na ang nagpapalapit sa amin. Kung babalik ako sa dating gawi ay gagawin ko basta makasama ko ulit siya at ito lang ang paraan makita ko ulit siya. "Wait, bakit mo ko iniwan?" Napatingin ako sa babae na si Viper daw. Yung babaeng kumukulit sa akin kanina. Di ko napansin na nakalapit pala siya sa akin. "Lalaban ako," sabi ko na kinagulat niya at tumango na lang. "Oh? Parang may something. Anong meron? Iba kanina eh parang bored ka pero ngayon parang excited ka. May nakita ka bang maganda?" "Kanina ka pa ha. Kanina ka pa tanong ng tanong." Umalis siya at lumipas ang isang minuto bumalik agad siya. "Ikaw na susunod niyan." Tumango na lang ako at bumalik ang tingin ko kay King na seryoso na nakatingin sa labanan. "Next fight is Night Empress!" This is it. Ito na ang simula ng lahat. Long time no fight! Jason POV* Ako nga pala si Jason Libres, ako ang isa sa mga kasama ni Emperor at ako yung nahulugan ng magandang anghel na galing sa langit at Hyz ang tawag ng kaibigan niya sa kanya. "Hey, tulala ka na naman! Babae ba yan?" natatawang sabi ni Kinner. Si Kinner Que ay isa sa mga kagrupo namin at tatlo lang kaming dumating dito ang iba busy sa mga business nila. "Basta," yun na lang nasabi ko. Nandidito kami ngayon sa Underground kung saan naglalaban ang mga Gangsters at sa loob ng ilang taon ngayon muli kami nakabisita dito dahil sa busy ang schedule at lalo na si Emperor. Natapos ang labanan nung dalawa at bored akong nakatingin sa labanan na yun. Wala bang mas gagaling dun? "Grabe, ilaban niyo naman yung hindi kami inaantok," naiinip na sabi ni Kinner. Tumatango tango naman ako. Kahit ako nga ay inaantok na din. Pero si Emperor di naman makikita kung inaantok siya o hindi dahil wala pa din namang reaksyon ang mukha niya. As usual. "Next Fight is Night Empress." Nabuhayan kami ng dugo nang marinig ang code name na yun. May gumaya sa Code name na yun. Napatingin kami sa babae na umakyat sa stage. Sabay kaming napatingin kay Emperor na nakakunot ang noo niya habang nakatingin din sa babae. Hindi pwede gamitin ang code na yun! Bakit ginamit ng babaeng yun? "Pwede ba yun? Emperor?" Di sumagot si Emperor sa tanong ko at nakatingin lamang siya sa babae. Bigla niyang kinuha ang cellohone niya at agad inilagay sa tenga niya na parang may tinatawagan. "Ibigay sa kanya ang pinakamalakas na kalaban." Nanlaki ang mata namin na nakatingin kay Emperor. Walang awa si Emperor! Lalo na yung mga rule breaker. Makikita mo talaga sa pananalita niya na galit siya pero wala pa din emosyon ang mukha niya. Pero mukhang mahina ang babaeng yun! "Emperor, mukhang newbee pa ang babaeng yan. Baka di pa niya alam ang tungkol sa rules. Mukhang bagong mukha naman siya oh." "In the rules, don't used the others code name. Walang exemption kahit bago ka o matagal na dahil once makapasok ka sa Underground you should obey the rules." Oo nga naman pero kawawa naman yung babae eh. Pero kung ano ang lumabas sa bibig ni Emperor ay yun na talaga yun! Napatingin ako sa babae na nakatayo at di alam kung anong mangyayari sa kanya. Biglang pumasok si Monster! Code name niya yun hindi siya literal na halimaw pero kung sa labanan halimaw din naman siya. Isa siya sa pinakamalakas dito sa Underground at yun ang nasa Research ko. Baka ma coma na yung babae. "Seryoso ba yan, Emperor? Ako na lang lalaban kay Monstet para sa magandang babae," sabat ni Kinner sa gilid. Kahit papaano babaero talaga ang lalaking ito. "Gusto mo bang mamatay? Kilala naman natin si Master na hindi na niya binabawi ang sinasabi niya." Sabi ko. Totoo yun pero napapansin ko kay Master na titig na titig siya sa babaeng nasa baba mukhang may something eh. Nung tingnan ko ang babae ay tiningnan lang niya si Monster at nakikita mo sa kanya na parang di man lang siya natakot. Tiningnan pa niya iyon mula ulo hanggang paa at bigla siyang napangiti na kinanindig sa balahibo ko. Interesting woman... "Let the battle Begins!" Mabilis na sumugod si Monster at todo iwas lang ang ginawa ni NE (Night Empress). Namamangha ako sa lambot ng katawan niya habang umiiwas parang pinaglalaruan lang niya ang kalaban niya. Makikita mo kay Monster na naiinis na sa ginagawa ni NE kaya kinuha niya ang b***l sa bulsa niya at pinaputukan si NE. At napanganga ako dahil naiiwasan din niya iyon nang bigla siyang nawala sa paningin naming lahat. Teka asan yun? Nagtatago siya sa paligid. "Nasaan ka! Magpakita ka!" Ramdam namin ang pagkainis ni Monster dahil sa ginagawa ng babae. "Are you looking for me?" Nagulat kami naka sakay siya sa balikat ni Monster at bigla siyang natumba at tumambling kasabay nun ay ang pagtilapon kay Monster palayo at tumama siya ng malakas sa pader. Nakatayo pa din si NE habang naka Cross arms na nakatingin sa nahihirapang tumayo na si Monster. "Masakit ba," nag aalalang sabi ni NE pero iba ang pag aalala niya dahil ang creepy niya. Ibang iba siya sa inosenteng babae na nakita ko kanina ngayon ibang babae na siya. Bigla siyang lumakad at ang tahimik naming lahat nang makalapit na siya akmang susuntukin siya ni Monster nang biglang mahawakan niya ang kamay nito na kina nganga namin ang bigat kaya ng kamay ni Monster. At susuntukin din sana siya sa isa pang kamay nang mahawakan din niya iyon at nakangiti siyang tumingin kay Monster. "Tulog ka muna." Sa isang iglap tulog na si Monster na kina nganga namin. "Sleep tight, Baby Monster," malambing na ani nito na parang nagpapatulog ng sanggol. Paano nangyari yun? "The battle ends this night! The winner is Night Empress." Naghiyawan ang mga tao sa loob ng Stadium dahil sa nasaksihan. Napatayo si Emperor at lumakad papunta sa pintuan nang bigla siyang napahinto. "Call her and tell her to go to my office." At lumakad muli siya. Hindi halata na naaamaze din siya. "That was awesome! That girl! Siya ang Female lead ngayong gabi!" Napatingin ako kay Kinner na di pa din makapaniwala. "Yeah." Kinuha ko ang cellphone ko. "Dalhin siya sa opisina ni Emperor." ******* LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD