Chapter 6- Guest Room

1719 Words
Luxy POV* Nandito kaming dalawa ni Hyz sa guest room ng Royal Noblesses kasi pinapasok kami ni Jason dito sa loob at ganito kasi nangyari kaya kami nandito ngayong dalawa ni Hyz. Flashback... Nakita ko na nakangiti si Jason habang nakatingin kay Hyz dahil sa mga sinasabi nitong magagandang bagay kay Jason na di niya alam na ang crush niyang si Dark Blazer at si Jason ay iisang tao lang. Nahulog talaga ang kaibigan ko sa sariling bitag niya. Hays... "Wait lang, Jason ha. Kausapin ko muna itong kaibigan ko." Ngumiti naman si Jason at tumango at lumakad na kami at dinala ko si Hyz sa di kalayuan at ito namang si Hyz ay nakakunot noo naman siyang nakatingin sa akin. "Bakit ba? Ano bang problema mo, Luxy?!" "Hyz, hindi ko pa nasasabi sayo ang isang bagay," mahinang sabi ko. Nakapamewang siya habang nakatingin sa akin. "Huh? Ano yun? Bakita parang di ka mapakali diyan? naiihi ka ba? May banyo naman siguro sa loob ng Royal Nobles---" "Si Jason Libres ay kasapi din sa Royal Noblesses." Napataas naman ang isang kilay niya sa sinabi ko. Waaa bakit di nag imbestiga ang isang ito? "And then? Ano naman ngayon kung siya eh si Dark Blazer ang hinahanap ko hindi siya. Dah, di ko siya kailangan at ang kailangan ko lang ay ang gwapong Dark Blaze ko." Napahawak ako sa noo ko at tumingin sa kanya. "Yan na nga ang gusto kong sabihin sayo bruhita ka si Jason Libres at si Dark Blazer ay iisa!" "Yun naman pala eh ano namang proble---- What!" Natigilan siyang tumingin sa akin at biglang nanghina ang tuhod niya na kinahawak ko agad sa kanya. "Nagbibiro ka lang diba? Diba? Luxy!?" Iling iling na sabi niya. Nagbuntong hininga ako at umiling. Napatingin siya kay Jason na naghihintay sa di kalayuan at napatingin din sa kanya si Jason at ngumiti. "No way. Walang daan!" Agad niyang tinakbo si Jason at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at malapit lapit na ang mga mukha nilang dalawa. Agad ko naman siyang sinundan baka kung ano ang gagawin niya kau Jason nako lagot na. Mahirap na kung masapak siya ni Hyz malaking grupo kaya nabibilang ang Prinsipe niya. "T-Tell me anong code name mo," nauutal na sabi niya. Yung gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niyang gawin iyon. Biglang lumapit ang mukha ni Jason sa tenga niya at ngumiti ng napakatamis. "Dark Blazer." Napaatras siya at umiling iling dahil sa nalaman. "N-No! No!!!" Bigla siyang tumakbo ng mabilis at nakatingin ako kay Jason na todo ngiti dahil sa nakita. Natutuwa pa eh. "Ang weird talaga ng kaibigan mo," naiiling na sabi niya at umagree naman ako sa sinabi niya. "Weird nga kasi mukhang araw araw atah may dalaw at sanay na ako sa bagay na yun. Sige una na ako and see ypu later, Jason," sabi ko at tumango naman siya at tumakbo na ako para hanapin si Hyz. Nasaan kaya ang bruhitang iyon? Makatakbo eh parang ano. "Hyz! Nasaan ka?" Nasaan na kaya yung babaitang yun? Pakaliwa sana ako nang biglang may bumangga sa akin at napapikit ako dahil tumama talaga ang mukha ko at napaupo pa ako sa lupa. "Aray." Napatingin ako sa nabangga ko. "King?" mahinang sabi ko at agad napatakip ng bibig. Syet sana di niya narinig iyon! Di pa ako handa! Tiningnan niya ako ng napakalamig bago ako nilampasan. Eh ganun na lang ba yun? Natumba yung tao oh! Pero nakahinga naman ako ng maluwag at akmang tatayo sana ako nang maramdaman kong sumakit ang paa ko kaya napaupo ako ulit at ang sakit ng pwet ko! "Pambihira naman timing talaga kailangan ko pang mahanap si Hyz. Nasprain pa ako ng wala sa oras." Lumuhod ako at bahala na madumihan ako basta kailangan kong makatayo at dahan dahan akong tumayo pero biglang sumakit ang paa ko at matutumba na sana ako nang may brasong umalalay saakin. "You're not okey." Bigla niya akong binuhat na kinakapit ko sa leeg niya baka bitawan pa tuloy ako. Syet ang lapit ng mukha niya sa akin! Ang puso ko! Kumalma ka dammit ayokong marinig niya ang bilis ng t***k ng puso ko! "T-teka saan mo ko dadalhin? Hahanapin ko pa ang kaibigan ko. Nakita mo ba ang kaibigan ko na tumakbo? Baka napaano na yun. My Gosh!" Nagulat ako nang bigla siyang pumikit habang naglalakad. "Hala oi. Wag kang pumikit baka mabangga ka at ikaw na naman ang matapilok niya." Pero di niya ako pinakinggan at syet ang pabango niya. Ang bango nun at ang mukha niya ay ganun pa din at ang mga nata niyang green ay ganun pa din. Waaa tumigil ka Luxy. Wag mo siyang pagpantasyahan! Hanggang makapunta kami pabalik sa Royal Nobless Building. Pumasok kami sa loob at nakita ko si Jason na nakaupo sa sofa at gulat na nakatingin sa amin. "Luxy? Teka Emperor? Teka anong nangyari at bakit mo siya binuhay, Emperor?" Tama si Jason na lang ang papahanapin ko. "Jason, Please hanapin mo si Hyz baka mapano yun. Di ko alam kung ano ang iniisip ng babaeng yun baka napano na yun." "Okay, okay, hahanapin ko siya. Ako na ang bahala sa kanya." Tumango na lang siya at lumabas na siya. Dahan dahan niya akong inilapag sa sofa at pumunta siya sa Ref at kumuha ng ice at malinis na towel. Umupo siya sa tabi ko at biglang kinuha ang paa ko na kinagulat ko at napaigik ako dahil sa sakit at tinanggal ang sapatos ko at nilagay niya ang yelo sa towel at itinapat sa paa ko kung saan ang masakit. "Sana di mo na lang iyon ginawa. Kasalanan ko naman na tumatakbo ako at nabangga pa kita." "Don't talk." Napapout naman ako. "May bibig ako kaya magsasa---" Bigla niya akong tiningnan kay agad kong zinipper ang bibig ko. Waaa nakakatakot siyang magalit! Siya nga yung Emperor nila! Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Hyz at Jason. Nakayuko si Hyz na di makatingin kay Jason at umupo siya sa sofa at nung tingnan niya ako ay nagulat siya sa nakita niya na inaasikaso ako ni King at maski si Jason gulat na gulat din. Kinuha niya ang yelo na nakadikit sa paa ko at minasahe niya ito na kinabilis ng t***k ng puso ko at biglang may tumunog na masakit kaya napakapit ako kay King sa damit niya. Damn parang mamatay na ako nun ha pero mayamaya ay nawala bigla ang sakit na naramdaman ko. Napatingin ako sa paa ko at nagagalaw ko na ng maayos na walang sakit. "Eh? Wow ang galing mo naman!" Di na siya sumagot at tumayo na at lumapit kay Jason at may sinabi bago umalis. Wala man lang sinabi sa akin. Anong nangyari dun? Napatingin ako kay Jason at ngumiti lang siya. Dinala niya kami sa guest room. "Jason, ganun ba talaga si Ki-- Emperor? Matipid magsalita? Mukhang ayaw niya atah sa akin," tanong ko sa kanya. "Yeah, ganun na siya pero may isang tao na nagpabago sa kanya pero bigla daw iyon nawala." Natigilan kami ni Hyz nang marinig ang sinabi ni Jason at ang puso ko biglang kumirot bigla. "Pero matagal na iyon pinahihinto na nga niya sa paghahanap di ko alam baka kinalimutan na nga niya talaga ang taong iyon. Sayang gusto ko pa sanang makita ang good side ni Emperor," kwento niya sa amin at napatingin si Hyz sa akin at hinawakan niya ako sa kamay niya. Napayuko na lang ako. Pinahinto na niya ang paghahanap sa akin. Malamang sino namang matinong taong maghihintay at maghahanap ng isang babaeng di man lang niya nakita at boses lang ang pamilyar sa kanya. Walang ganung tao sa mundong ito. Sigurado ako lang ang nag aassume na meron pang pag asa sa amin. Kasalanan ko din iyon dahil pumunta ako ng Japan. Naalala ko nung mga panahon na magkasama kami. Flashback... Nasa hospital pa din kami at binabalatan ko ang mansanas na binili ko habang siya ay nakayakap sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Bakit ang tahimik mo? I miss your voice, my Queen." Napatingin ako sa kanya at napangiti. Di ko alam na namimiss pala niya ang boses ko. "Grabe busy ako sa pagbabalat dito ng mansanas. Ikaw talaga. Ayan narinig mo na ang boses ko ha." Hinalikan ko ang ilong niya na kinangiti niya at mas lalo niyang inilapit ang pisngi niya sa pisngi ko. He really like cuddling like this. Nang may maalala ako. "King, paano kung mawala ako bigla. Hahanapin mo ba ako? Pero paano mo ko mahahanap kung di mo naman alam ang mukha ko." "My Queen, boses mo lang ang susi para makilala kita and also I already know your touch, your smell and everything about you kahit hindi kita nakikita. I know na gagaling ako at makikita ko na ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. At ikaw lang ang babaeng iyon. Ikaw lang ang mahal ko." "Ayie, cheezy mo ha. Pero di nga mahahanap mo talaga ako?" "Hmm, I think matalino naman ako." Biglang lumapit ang mukha niya sa leeg ko at inamoy iyon na kinakiliti ko. Napakagat ako sa labi ko at nabitawan ko ang apple na hawak ko. "My King," napaungol ako ng mahina dahil sa ginawa niya. "Your smell, your voice, your soft body and your lips. I love all of those." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Waaa my God! "I love you, my only Queen of my life." End of Flashback... Napakagat ako sa labi ko at bigla akong napatayo na kinatingin nilang dalawa sa akin. "Sige labas muna ako may nakalimutan akong gawin. May aasikasuhin muna ako." "Teka maayos na ba ang paa mo?" Ngumiti ako at tumango ako sa sinabi ni Jason. "Maayos na, salamat." Hinawakan ni Hyz ang kamay ko. "Mauna ka muna sa room ha." Kahit nag aalala siyang nakatingin sa akin ay tumango na lang siya. Nasa kagubatan ako nakaupo pa din sa sanga at di ko napansin na hapon na at sinundan naman ako ni Hyz dito para umuwi na kami. Nakarating na kami ni Hyz sa bahay ko at agad humiga ako sa kama at mukhang alam ni Hyz na ayaw ko muna ng maingay. Humiga din siya at niyakap ako at hinaplos ang buhok ko at sekretong napatulo ang luha ko dahil sa naramdaman. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD