Chapter 3- Meet my King

1728 Words
Luxy POV* Naglalakad kami at namamangha pa din kami sa pinasukan naming paaralan. Kagaya ng sinabi ni Hyz ay maganda nga ang school na ito. "Saan ba banda ang room natin?" tanong ko sa kanya dahil siya naman ang may hawak sa mapa ng school na ito. Makikita mo din sa mga estudyante na kahit ano ang mga sout nito at meron ding mga lalabas na atah ang kaluluwa nila sa sobrang iksi ng sout nila. Napabuntong hininga na lang ako. "Ayun, nakita ko na ang building ng room natin." Tinuro ni Hyz ang building sa unahan. "Tara na baka malate pa tayo." Tumango naman siya at lumakad na kami. Nakarating kami sa room namin at mabuti magkaklase kami ni Hyz. Kumatok kami bago pumasok at nakita namin ang isang lalaking guro na nakatingin din sa amin. "Transferres?" "Yes, Sir," sabay sabi namin ni Hyz. Napatingin ako kay Hyz na parang may iba sa kanya. Himala ang tahimik ni Hyz ngayon teka dahil ba na gwapo ang guro na kausap namin. "Come in." Pumasok kami at nakita ko na parang dalagang Pilipina tung kasama ko ang hinhin gumalaw. Waaa sinong Maria Clara na sumapi sa kaibigan ko! "Okey, Introduce yourselves." "Hyziethmae Espina, 21 years of age, single and ready to have a boyfriend now, Sir." Napanganga ako sa sinabi ni Hyz at napakagat pa siya sa labi niya habang nakatingin sa Guro namin, kaya kinurot ko siya na kinapout niya. "Hyz, tigilan mo yan," mahinang sabi ko. Pero natawa lang si Sir sa sinabi ng baliw ko na kaibigan. Parang gusto pa niya eh. "Next." "Luxy Craig, 21 years of age, Sir." Change Surname tayo para di malaman ng mga kalaban, pero itong si Hyz di man lang pinalitan? Pero marami din namang surname na kagaya sa kanya. "Okey, you may take your sits. Bakante diyan sa likuran malapit sa bintana." Tumango kami at lalakad sana kami nang biglang may pumasok na lalaki na may malamig na expression at tumingin siya sa guro bago siya lumakad papunta sa upuan niya pero ako nakatulala lang habang nakatingin sa kanyang mukha. That Green eyes... That looks, handsome and that cold face of him... Nandito na siya! Ang hari ko! It's been 4 years nung huling kita ko sa kanya. Nagmatured na ang mukha niya. Malamig, emotionless at cool siya ngayon. Mas lalo atah akong nahulog sa kanya. Di talaga ako nagkakamali siya talaga ang King ko. At masaya ako dahil nakakakita na siya sa wakas. Magaling na siya at--- "Pamilyar?" Napatingin ako kay Hyz na parang may inaalala. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita niya noon ang sketch pad ko at pinakilala ko din sa kanya na yung lalaki na nasa sketch pad ko ay ang Boyfriend ko. "Upo na tayo. Ano na naman yang iniisip mo. Hinila naman ako ni Hyz. Ang bilis ng t***k ng puso ko parang lalabas! Nandito na siya sa tabi ko! Magkatabi kami ng upuan. Nakatingin ako sa kanya at gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. "Any problem, Miss," malamig na sabi niya at bigla siyang tumingin sa akin. Parang kumurot ang puso ko dahil sa narinig at umiwas na lang ako ng tingin sabay kagat ng labi ko. Ganun pa din ang berde niyang mga mata at nakakita na talaga siya. Masaya ako dahil di na siya bulag. Ngumiti ako at umiling iling. Kailangan kalma lang at wag magpapanik. Tumingin ako kay Hyz na kanina pa sinusundot ang tagiliran ko. "What?" mahinang sabi ko. "Iba na yang titig mo ha. May something eh. Parang may sparkling. Anong meron?" "I'll tell you later." Simula nun di na ako naka concentrate dahil nasa kanya ang attention ko ngayon. Naka upo kami sa sanga ng puno di naman kami makikita dahil sa napakataas nito at mas okey kung dito dahil di ka maririnig ng iba kung ano ang pag uusapan namin. "So tell me what's happening?" Nakaindian sit pa siya sa sanga habang sinasabi iyon. "He's King." Nanlaki ang mata niya. "Hari siya saang lugar? Ouch! Bakit nambabatok? Nagtatanong lang ako eh sabi mo King." Binatukan ko na ang slow kasi. "Siya yung tinulungan ko noon na ang pinangalanan kong King. Yung parati kong ginuguhit yung nasa Japan pa ako sa sketchpad." Mga kaibigan at si kuya lang ang sinabihan ko about kay King di ko sinabi sa mga magulang ko baka maging issue eh. Ang alam lang nila may hinahanap lang ako sa Pinas na importanteng tao. "Ah, akala ko naman kung ano... teka siya? Yung nasa sketch book mo!" di niya mapigilang sumigaw. Loading lang? "Grabe Hyz ang layo natin noh. Grabe ang hina ng boses mo. Lumabas atah ang eardrum ko." "Mianhe." Naka peace pa siya habang nakangiti. Pero proper ba yun sa paghingi ng sorry? "Well so anong plano mo eh sa nakita mo na siya." "I don't know." Nakayukong ani ko kasi natatakot ako na baka masaktan ako sa huli. Binatukan naman niya ako na kinakunot ng noo ko. "Ano ba! Mambatok eh!" "Ginising lang kita, Luxy. Apat na taon kang naghintay para makauwi dito para hanapin siya tapos ngayon nakita mo na siya di mo pala alam ang gagawin mo ano yun trip mo lang? Apat na taon yun sus!" nakapamewang na sabi niya. "Kung mahal mo talaga siya ipakilala mo ulit ang sarili mo na ikaw yung babaeng minahal din niya noon. Mahal na mahal naman ninyo ang isa't isa diba? Gwapo ang isang yun baka may ibang babae na lalapit sa kanya. Baka magsisisi ka sa huli niyan kung di ka pa gagawa ng paraan na mapalapit ulit sa kanya. Wala namang mawawala sayo kung sasabihin mo sa kanya ang katotohanan diba?" Tama siya. Wala namang mawawala kung sasabihin ko iyon sa kanya. "Sige gagawin ko iyon." Bigla siyang tumayo at nakapamewang. "Ipaglaban ang pag ibig!" Natawa na napailing na lang ako. "So let's Go!" Tumalon siya kahit mataas ang puno na inakyatan namin kaya naming bumaba ng hindi nasasaktan. "Aray!" Napatingin agad ako sa baba nakaupo si Hyz at mukhang may na bagsakan atah siyang estudyante bakit kasi di tumitingin sa tinalunan? Tumalon din ako at agad lumapit sa kanya nagkatinginan sila nung lalaking estudyante. "A-Anghel ka ba na galing sa langit?" natutulalang sabi nung lalaki. "Napakagwapo mo namang demonyo. Teka bakit ka ba paharang harang sa tinatalunan ko," kunot noong sigaw ni Hyz. Kahit kailan talaga tung babaeng toh kaya walang jowa eh. Natawa pa ako sa position nila nakapatong kasi si Hyz sa lalaking estranghero. "Grabe Hyz gusto mo talaga ang position niyo noh!" Napatingin siya sa akin tapos sa position nila. "Syetttsss! Ewww!" Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Tumayo naman ang lalaki at nag pag pag. "Wala man lang sorry? Ikaw na nga ang bumagsak sa akin ikaw pa ang galit." "Oo nga naman, Hyz. Mag sorry ka nga." "Fine! Sorry. Tsk." Napangiti naman ang lalaki. Pero gwapo ang lalaki at mukhang bagay silang dalawa. "That's my friend," sabi ko sabay akbay sa kanya. "Teka doon kayo galing? Ang galing niyo namang umakyat at bumaba." Tinuro nung lalaki ang sanga. "Nah, dating unggoy kasi itong friend ko kaya marunong umakyat," ani ko at tinuro si Hyz. "What? Me?" "Nothing." Sinamaan niya ulit ng tingin yung lalaki. "Hmmp! Tayo na nga gutom na ako." At umuna nang lumakad ang bruha at natatawang sinundan ko na lang siya. "Miss sa susunod ulit magkita tayo," sabi nung lalaki sa likuran namin. Malaki atah ang tama nung lalaki sa kaibigan ko at napangiti na lang ako na maisip na magkaka love life na ang kaibigan ko. Nakarating kami sa canteen at ang ganda ng lugar nila at ang linis pa. Nag order na kami ni Hyz ng pagkain at mukhang naririnig ko pa ang pagkainis niya sa lalaki kanina. Napailing iling na lang ako dahil kanina pa siya nagsasalita tungkol sa lalaking nahulugan niya kanina. Naglalakad kami para humanap ng mauupuan at mabuti may nakita agad kami at agad umupo doon. "Mukhang may gusto sayo yung lalaking iyon, Hyz. Gwapo naman siya eh." Natahimik siya sa pagsasalita niya at nanlalaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Kayo na lang." "May King na ko kaya sayo na yun bagay naman kayo eh." Pinaikot niya ang mata niya. Halata naman na magiging Hate to love ang story nila. Bigla na lang natahimik ang buong tao sa canteen nang biglang may pumasok na mga lalaki sa may pintuan. Teka si King iyon at may kasama siyang apat sa likuran niya at nandun din yung na talunan ni Hyz na nakangiti at tanging si King lang ang walang emosyon sa kanilang lima. Wow magkagrupo pala sila? "Ang gwapo talaga nila!" Narinig kong sabi ng isang bubuyog sa gilid ko. Teka sinong sinabihan nilang gwapo? "Girl, time to shine ka na sa King mo." Napatingin ako kay Hyz at tama siya kailangan ko ng magpakilala sa kanya. Tatayo sana ako nang marinig ko ang usapan sa kabilang table. "Girl, maganda na ba ako? Okey na ba ang make up ko?" "Go girl, gawin mo na." Napatingin kami sa babaeng biglang tumayo na may dalang letter. "Hala, Lux, Maunahan ka na nung babae," mahinang sabi ni Hyz. Pero di ko siya sinagot at tiningnan muna ang mga pangyayari. Tumingin ang lahat sa babae na palapit kina King. "Emperor, for you." Nakayukong sabi nung babae na parang nagpapacute pa. Tiningnan ko lang ang reaksyon ni King pero walang emosyon niyang tiningnan ang babae at nilampasan niya ito. Nagdadalawang isip ako baka ganun din ba ang gagawin niya sa akin kung ako ang nasa katayuan ng babae? Pero baka di na niya ako maalala dahil kinalimutan na talaga niya ako dahil iniwan ko siya noon. Napahinto si King na kinatingin ko sa kanya pero di siya tumingin sa babae. "Stop bothering me again. And I don't ever like you." Napasinghap silang lahat sa sinabi ni King maski ako nagulat sa sinabi niya. Ganun na ba talaga ang emosyon niya? Di ko na ba makikita ang ngiti mo King? Napahawak ako sa puso ko dahil kumurot iyon. I want to see his smile again. Hindi siya yung King na kilala ko. Gusto kong lumapit pero nanigas ang binti ko at di ako makalakad. "Lux, may problema ba?" tanong ni Hyz at ako naman ay napakagat lang sa labi ko. Gusto kong lumabas dito ngayon. Gusto ko munang mapag isa. ******* LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD