Luxy POV*
Dumaan ang apat na taon gumaling na ang Lolo ko sa sakit niya at bumalik na din kami ni Kuya sa Mansion namin. Napahawak ako sa ulo ko dahil araw araw ay busy kami parati at di ko na napapansin na apat na taon na pala ang nakalipas.
Kahit nandito ako ay siya pa din ang iniisip ko at yun ay ang Hari ko. Kumusta na kaya siya? Nakakita na ba siya? Mas mabuti kung ganun ang nangyari. Sobrang namimiss ko na siya. Pati ang yakap, halik at ang sweetness niya parati sa akin. Minsan umiiyak na lang ako habang iniisip siya kung kailan ko siya makikita.
Nasa Japan kami ngayon at malayo siya sa akin at wala man lang akong komunikasyon sa kanya di ko nga alam pangalan niya eh o basic info kung sino talaga siya.
Ang tanging alam ko sa kanya ay ang itsura niya na di ko kailanman makakalimutan pati na ang berde niyang mga mata.
Ginuhit ko ang mukha niya sa sketchpad para di ko siya malimutan.
"Ginuguhit mo na naman siya."
Napatingin ako kay Kuya Ciel na nakatingin sa ginuguhit ko at tumabi sa akin. Hindi ko kasi siya na kuhaan ng litrato kasi kinuha ni Lolo ang lahat ng gamit ko noon bago ako lumayas ng mansion.
"Future husband ko siya, Kuya."
"Baby Sis, noon boyfriend lang ang tawag mo ngayon asawa na ha. Totoong tao ba yan?"
Napapout na lang ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya naniniwala na totoong tao si King.
"Tot—"
Di natapos ang sasabihin ko nang biglang may kumatok.
"Master Luxciel and Lady Luxy, handa na po ang pagkain sa baba at nandoon na din sila Masters at Lady."
Nagkatitigan kami ni Kuya at tumango naman siya.
"Tara na."
Tumango na lang ako at lumabas na kami ng kwarto.
Nakarating kami sa hapagkainan at nakita ko sila Lolo, Dad at Mom.
"Good Morning sa inyo."
Tumakbo ako at isa isang hinalikan sila sa pisngi. Napangiti sila sa ginawa ko. Araw araw ko iyong ginagawa dahil siyempre Baby nila ako dito.
Kaya ako nagalit sa kanila noon dahil gusto kong hanapin si Kuya Ciel sa ibang bansa pero di nila ako pinayagan at ayun nga pero ngayon nandito na si Kuya Ciel kaya okay na.
"Good Morning," pormal na sabi ni Kuya Ciel.
"Maupo na kayo mga apo. May napapansin ako sa Baby Princess natin parang mas lalo kang naging Cute sa paningin ko."
"Inborn na ito, Lolo," natatawang sabi ko.
"At ito naman Prince namin mas lalong naging Cold at nagmana nga naman sa Lolo at Ama niya," umiling na sabi ni Mom at ako naman ay tumango tango.
"Ganyan talaga ang mga lahi natin, Mahal. Pero kahit ganyan kami iisa lang at matindi kaming magmahal diba mga anak?"
"Yes, Dad/ Yeah," sabay sabi namin ni Kuya.
"Bolero talaga tung Daddy niyo. Kagaya ka talaga nung kabataan natin sa pagka bolero mo. Sige kumain na kayo baka lumamig na ang pagkain ninyo... Ay, ikaw talaga."
Natawa na lang kami nila Lolo dahil hinalikan ni Dad ang pisngi ni Mom at si Mom naman ay parang dalaga na kinikilig.
"By the way bago ko makalimutan nakaenrol na ang Baby Princess natin sa School sa Pilipinas at wag mong kalimutan pasukan na sa Lunes."
Gulat na napatingin ako kay Dad. Teka tama ba ang pagkarinig ko sa sinabi niya na sa Pinas na ako mag aaral? Teka panaginip ba ito?
"Am I dreaming, Kuya? Tama ba yung narinig ko na mag aaral ako sa Pilipinas?"
"No, you're not dreaming, Baby Sis."
Napatakip ako sa bibig ko at agad napatayo at niyakap si Dad at napaiyak na lang dahil pupunta na ako ng Pinas.
"Thank you, Dad, Mom at Lolo!"
"You're always welcome, our beautiful and Cute Princess."
"We know matagal mo ng pinapangarap ang bagay na iyon. At mukhang may matagal ka ng hinahanap na tao doon."
Tumango tango ako sa sinabi nila Mom at Dad.
"Thank you talaga sa inyo. Sana makita ko na ang King ko."
Nasa sasakyan na ako papuntang airport at nakatingin ako sa sketch pad ko na may mukha ni King.
"Sana makikita na kita, my King. I miss you so much."
Nasa Pilipinas na ako at ako lang ang bumyahe papunta dito. Pumikit ako at niramdaman ang hangin ng Pilipinas. Ito na nga ang lugar na naiwan ko ng Apat na taon.
Apat na taong di ko siya nahawakan, nayakap, nakausap at nahalikan.
"Lady Luxy."
Napamulat ako at nakita ko ang limang guards na nakayuko.
"Welcome back, young Lady. "
Nakangiti ako at tumango. It's good to be back. Lalakad sana ako nang may narinig akong tumawag sa akin.
"Beshy Luxy!"
Napatingin ako sa mabilis na tumatakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit na kinabitaw ko sa maleta ko at mabuti nasalo ng Bodyguard ko.
"Hyziethmae!!! Anong ginagawa mo dito? Teka kasama mo ba ang iba?"
"Nope! Pero susunod sila sa susunod."
Napahawak ako sa noo ko akala ko magiging tahimik ang buhay ko hindi pala. Hawak ng mga Bodyguards ko ang maleta niya. Di ko alam na sabay pala kaming dumating dito sa Japan.
Siya pala ang isa sa mga kaibigan ko. Pito kasi kami at ang iba ay kasama ko din sa Japan. Mukhang papunta na din ang mga iyon dito.
"So let's Go!"
Hinawakan niya ang braso ko at dumiretso na kami sa kotse namin.
Akala ko tatahimik na ang buhay ko hindi pala.
Nakatingin ako sa karagatan habang nasa terrace ng kwarto ako. Napangiti ako dahil once makakita ako ng dagat siya agad ang maalala ko at yun ay ang hari ko. Syempre siya ang pinakamagandang kayamanan na nahuli ko sa dagat pero sigurado ako galit siya sa akin dahil di ako tumupad sa usapan dahil nung nasa Japan kami nun ay matinding pagbabantay din ang ginawa nila Dad at Mom sa amin dahil may mga matitinding kaaway ang pamilya namin sa Japan dahil sa pagkakaalam ko isa sa mga nangunguna ang pamilya namin sa larangan ng negosyo at may iba't ibang kompanya din kami sa iba't ibang parte ng mundo.
Wala na din akong komunikasyon sa landlord ko nun at maski sa mga katrabaho ko sa restaurant. Ang saklap talaga ng buhay ko. Marami nang nagbabago sana di siya nagbago.
Makikita ko pa kaya siya dito sa Pilipinas? Baka nasa ibang bansa siya ngayon at wala dito.
Kinabukasan...
Pasukan na at nakabihis na ako at ganun din si Hyz.
"Let's go na tayo!"
Excited talaga siya at di naman iyon halata.
"Kain muna tayo bago tayo umalis papuntang paaralan, baka malipasan ka na naman ng gutom sa daan," natatawang sabi ko at lumakad papunta sa upuan at umupo.
"I'm on diet but mukhang masarap ang luto mo kaya kakain ako!"
Agad siyang umupo at na pailing na lang ako sa kakulitan ni Hyz.
Bakit ko ba naging kaibigan toh?
At sa pagkakarinig ko kanina na diet siya pero bakit ang sarap ng kain niya at naubos niya ang luto ko.
"Diet ka nga."
"Bukas na ako magda-diet."
Natawa na lang ako at napailing iling.
Nakarating na kami habang nakasakay ng jeep. Sanay na akong mag commute at namiss ko din ito dahil ito ang ginagawa ko noon habang nagtatrabaho pa ako pero tung kasama ko mukhang hindi sanay. Muntik pang nakakita ng away dahil masikip na pero nagpapasakay pa si Manong Driver.
At ayun hanggang sa pagbaba ay grabe ang galit niya sa mga pasahero at driver.
"Grabe talaga umagang umaga nasira na agad ang beauty ko grabe! Alam mo ang sikip na nun ha tapos magdadagdag pa ng pasahero. My Gosh!"
"Wag ka ngang OA may mas malala pa dun at yun ay ang kumabit ka na sa likod. Naninibago ka pa ngayon pero sa suno—"
"Wait! Don't tell me uulitin pa natin iyon?! No way! Walang daan!"
Binatukan ko siya dahil sa sobrang ka over acting niya.
"Aray naman. Bakit mo naman ako binatukan."
"Edi bumalik ka sa Japan—"
Napapout naman siya at yumuko.
"Di na po gomenasai, Hime-sama."
Nag bow pa siya na para siyang Prinsesa. Hindi siya Japanese at sa totoo lang ay korean siya pero dahil sa akin Japanese din daw siya.
Ewan ko na lang sa kanya. Since birth ganyan ang ugali niya kaya wag na kayong magtaka.
"Hajima."
Pagpatigil ko sa kanya at tumatawa lang siya dahil pinapahinto ko siya sa ginagawa niya para siyang timang na nagbow at pinagtitinginan na kaya kami dito.
Walang uniform sa pinasukan namin ngayon at free kang soutin ang lahat ng nauuso ngayon.
Pero kami ni Hyz poor ladies muna kami di namin pwede ipagsabi tungkol sa buhay namin dahil marami ang papatay sa amin pero di naman ako takot sa mga ganun sila Dad at Mom lang talaga ang protektado kaya ayaw kong mag aalala sila sa akin kaya sunod sunod lang tayo.
"Okey, maganda naman ang School natin at malaki. Okey na din siya sa taste ko."
Napailing iling na lang ako sabay ngiti. Tanong ko ulit kung paano ko naging kaibigan ang isang ito.
"Tara na pasok na tayo," sabi ko sabay hila sa kanya baka kung ano na naman ang masasabi niya.
So here. This is the start of my days here in the Philippines!
I hope makita ko na siya ulit. Pero paano kung makita ko nga siya pero kinalimutan na niya ako. At baka may bago na siyang makita na babae at hindi na ako ang nasa puso niya. Pakiramdam ko kinikirot ang puso ko pagnagkataon.
Naalala ko na naman ang nakaraan namin.
Magkatabi kami nun sa hospital bed niya at yakap niya ako at nakatingin ako sa kanyang mga mata at napapikit siya nung hinawakan ko ang pilik mata niya.
"Ang ganda ng mga mata mo."
"You really like my eyes."
"Yeah, ang ganda ng mga mata mo at kulay Berde pa ang mga iyon."
"I don't think na special ang mga mata ko."
"Hey, special kaya. Di nga kagaya sa akin na Almond Brown ang kulay ng mga mata ko."
"Almond Brown... I think it's like light brown, right?"
"Woah, alam mo na ang mga colors?"
"I don't think so... bigla lang pumasok sa isipan ko."
"Woah, baka unti unti ng bumabalik ang memories mo. I'm so happy for you."
Hinalikan ko ang labi niya sabay ngiti at ngumiti naman siya at hinalikan din ang noo ko at sa labi ko.
"I'll do everything maging masaya tayo. Babalik ako na maayos na at aalahanin ko ang lahat sa akin para di ako mahirapan at papakadalan kita sa harap ng altar."
"What if pangit ako? Papakasalan mo pa din ba ako?"
Napangiti siya at niyakap ako.
"I don't care kung pangit ka o maganda ka. All I need is the true you. Wala ng hihigit pa doon."
Napangiti ako at tumango.
"I love you."
"I love you too. Di ko hahayaang makawala ka at hahanapin kita once babalik ako. You're mine only, my Queen."
*******
LMCD22