Luxy POV*
Nakatingin ako sa lalaking sinagip ko sa laot kanina. Naawa ako kaya ko siya iniligtas at may tama pa siya sa tyan niya kaya ko siya dinala agad sa malapit na hospital. Ito na atah ang pinakagwapong isda na nakuha ko.
Ang gwapo naman kasi nang nahuli ko sa dagat at isang napakagandang isda. Gwapo talaga siya foreigner atah toh eh. May pagkakoreano siya na may pagka amerikano ang lahi. Ang tangos ng ilong at ang taas ng pilik mata at ang kinis at ang lambot ng mukha.
Pero ang problema wala man lang kahit anong info tungkol sa kanya eh sa wala siyang cellphone o pitaka sa bulsa niya. Mamaya na lang tatanungin ko siya pag magising na siya baka malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya.
Hinawakan ko ito at nagulat ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko na hahawak sana sa kanya.
"Who are you at bakit wala akong makita," sigaw na niya sa akin na kinaigik ko dahil mas lalong hinigpitan niya ang hawak sa pulso ko na kinapikit ko.
Pero infairness marunong pala siyang magtagalog. Akala ko papahirapan pa ako nito eh.
"Easy lang. Ako na nga ang nagligtas sa buhay mo dahil nakita kita na nasa dalampasigan at nakita kita sa dagat na walang malay."
Biglang nanghina ang paghawak niya sa pulsuhan ko na kinabawi ko agad ang kamay ko pero nahuli niya ulit iyon. Panigurado ang pula na ng kamay ko dahil sa pagkakahawak niya. Kahit wala siyang makita ay mabilis niya pa ding nahuli ang kamay ko.
Makikita mo naman talaga na wala siyang makita.
"Namumula na ang pulsuhan ko dahil sa pagkakahigpit mo ng hawak sa akin."
At dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko nang marealized niya ang sinabi ko.
"I'm sorry and thank you for saving me."
Napayuko siya at hinawakan ang ulo niya.
"Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo tawagin ko ang Doctor?"
Teka nagpapanik na ako di ko alam kung ano ang gagawin dahil mukhang masakita ang ulo niya dahil nakapikit siya. Ah nandito pala kami sa Hospital di ko ba nasabi kanina?
"Who am I?"
Nahinto ako sa pagpapanik dahil sa sinabi niya.
"Teka, di mo alam kung sino ka at kung saan ka man nakatira?" napalunok ako habang tinanong sa kanya ang bagay na yun.
Sana mali ang pagkarinig ko. Sana wala siyang amnesia!
Di siya sumagot sa tanong ko at pinakalma ko ang sarili ko at kailangan ko siyang intindihin dahil ang hirap ng sitwasyon niya nabulag pa siya at nagka amnesia.
Wala man akong makita na pitaka o cellphone sa bulsa niya parang kinuha ito mula sa kanya. At may mga pasa pa sa katawan niya na parang sinaktan siya bago itinapon sa dagat.
"Pasensya na di ko din alam ang pagkatao mo. Pero wag kang mag aalala dahil ako ang bahala sayo. Alangan naman na iiwan kita."
Di ko alam pero yun ang pakiramdam ko ang tulungan siya. Kung ako ang malagay sa sitwasyon niya ay parang susuko na din ako sa buhay ko.
"You don't want to, di mo ko kaano ano..."
Mabilis kong inilagay ang hintuturo ko sa mapupula niyang labi. You don't want to daw. Bulag na nga siya tapos walang maalala tapos ganito pa siya. Baka kung may ibang makakita sa kanya na mga babae baka gahasain pa siya.
Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya.
"Gusto ko na tulungan ka kaya wag ka ng magreklamo okey. Naramdaman ko din yan noon yung walang tumulong nung umalis ako sa amin. Ayokong maranasan mo ang paghihirap ko noon."
Nakangiting ano ko pero sumakit pa din ang puso ko dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin noon.
Lalayo sana ako sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo sa binti niya. Hala baka di pa siya okay!
Tatayo sana ako pero hinawakan niya ako ng mahigpit at hinawakan niya ang kamay ko pero di naman yun masakit.
"Don't worry babayaran ko ang lahat ng tulong mo sa akin hanggang sa tuluyan na akong gumaling."
Biglang may kuryente ang kamay niya at ang bilis ng puso ko dahil ang lapit niya sa akin.
"O-okey," sabi ko na lang at agad umalis sa binti niya.
Napahawak ako sa puso ko dahil ang bilis ng puso ko tapos ang init din ng mukha ko at pinagpapawisan ako.
Mukhang delikado ang response ko ngayon ha.
Isang araw sinabi ng doctor na wala ng pag asa ang mga mata niya na di na makakita. Pero naniniwala ako na makakakita pa siya. Ang berde niyang mata na ang gandang pagmasdan.
"Ang ganda ng mata mo noh, King."
Yun na lang ang ipapangalan ko. Di ko naman alam ang pangalan niya at wala nga siyang identification. Kaya yun na lang.
"King?"
"Para ka kasing Hari sa paningin ko. Kaya King ang pinangalan ko sayo."
"So you're Queen too. Ayaw mo kasing sabihin ang name mo."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang namula ako sa part na iyon parang couple kami. Pero oo nga naman di ko sinabi ang name ko di ko alam kung bakit.
"Sige yun na lang tawag mo sa akin," yun na lang ang sabi ko kasi parang tinatamad akong maghanap ng ibang pangalan.
Dumaan ang ilang araw na inaalagaan ko siya. Binibisita ko siya sa umaga at tanghali eh sa nagtatrabaho ako side line para may pera din. Kailangan mag pursige dahil nasa dating bahay ko ang lahat ng cards at pera ko eh.
"Doc, I'll do everything makakita lang siya."
Kaharap ko ang Doctor ni King at nagmamakaawa na pagalingin ang mga mata niya para makakita na siya.
"Isang solution sa sinabi mo iha at yun ay ang ipagamot siya sa America. Mga advance kasi ang mga kagamitan nila dito kesa dito sa Lugar natin."
Kaya ba ng pera ko na dalhin at ipagamot siya sa America? Napabuntong hininga ako at tumingin sa Doctor.
"S-sige, Doc. Basta gumaling lang siya. Just tell me kung magkano at babayaran ko."
Tumango ito at napatingin ulit siya sa akin.
"San ka kukuha ng pera, Iha?"
"Sa kaibigan ko po. May kaibigan po ako na mayaman," I lied.
Hindi ako nanghihiram ng pera ang gagawin ko ay kukunin ko ang advance sweldo ko sa Restau kahit kulang dahan dahanin ko sa pagbayad.
Ganito pala pag walang pera galing sa mga magulang mo. Mukhang bibili na ako ng mga delata at noodles nito para may makain ako.
Dumaan ang ilang araw. Kahit di pa kumpleto at pang downpayment lang ito ay pwede na ang pera na inadvance ko at mapapagaling na siya doon sa America.
"King, gagaling ka na at alam ko na sa susunod ay makikita mo na ang mundo," masayang sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at sa pisngi ko na parang iniisip niya kung ano ang mukha ko.
"Thank you very much, My Queen."
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. My Queen?! Kalma lang jusko heart!
"Mahilig lang talaga ako tumulong--- ay gwapo!"
Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit at ang mukha niya ang nasa leeg ko ngayon at ramdam ko ang hininga niya doon.
Nako tukso layuan mo ko! Crush ko pa naman siya baka magahasa ko siya ng wala sa oras at di ko na siya ipapadala sa America.
"I like you, My Queen."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya at rinig ko din ang bilis ng t***k ng puso ko na parang lalabas na.
"Anong pinagsasabi mo, King?"
Narinig ko na din bilis ng t***k ng puso niya at ganun din saakin na parang sabay pa sila.
Ito na ba ang sinasabi ni Dad na pag ibig? Eh sa lahi namin iisa lang ang iniibig namin at forever na daw iyon. Ibig sabihin siya yun? Siya ang other half ko. Ang swerte ko atah.
Iba ang impact niya sa akin araw araw pag nakakasama ko siya parati.
"Gusto kita kahit bulag man ako at walang maalala pero alam ng puso ko na ikaw ang hinahanap ko."
Napakagat ako sa labi ko at tinakpan ko ang bibig ko dahil aa gulat.
"Please be mine, my Queen."
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa bibig ko.
"Sa totoo nga din gusto din kita. Na love at first sight atah ako sayo eh."
Napangiti siya at hinalikan ang noo ko. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko dahil ngumiti siya!
Ilang araw na niligawan niya ako at ang sweet sweet niya sa akin at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam na sobrang saya ko hanggang sa sinagot ko na siya at nakikita ko sa kanya na ang saya niya.
"I love you."
"Mahal din kita."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at idinikit ko ang labi ko sa labi niya at napapikit kami pareho. At niramdaman ang mga dila namin na naglalaban sa loob ng bibig namin.
Bumaba ang kamay niya hanggang mapunta sa dibdib ko na kinahinto ko at sabay kagat sa labi ko dahil parang nakikiliti ako na ewan.
"King."
Di ko mapigilang mapaungol dahil bigla niyang itinaas ang damit ko at nakikita ko na ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya iyon na kinasabunot ko buhok niya dahil sa sarap na nararamdaman ko.
Mabuti di niya nakikita na parang kamatis na ang mukha ko dito.
"Delicious, my Queen."
"King!"
Para siyang bata! Dumedede sa akin at bumalik ang halik niya sa labi ko.
"I really love you so much, my Queen. I really love this feeling."
Napangiti na lang ako at niyakap ko siya. I gonna miss this man of mine.
Dumating na ang araw na aalis na siya para doon magpagaling sa America.
"Gusto ko sana na ikaw ang unang makikita ko sa pagmulat ko."
Nagulat ako sa sinabi niya. Di ako makakasama dahil di sakto ang pera ko at magtatrabaho pa ako dahil babayaran ko pa ang Hospital niya.
"Alam mo naman na..."
"I know, I know... please, wait for me. Hahanapin kita pag uwi ko dito."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan niya ang likod ng palad ko.
"Don't worry maghihintay ako sayo. May forever pa tayo."
Niyakap ko siya at tiningnan ko siya at hinawakan ang mukha niya.
"Mahal na mahal kita, my King."
"I love you too, My Queen."
Inilapit ko ang labi niya hanggang sa magtagpo ang mga labi namin at humiwalay na kami sa halikan namin at pinagdikit namin ang mga noo namin.
Alam ko babalik siya na magaling na at magiging masaya na kami.
Hanggang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at sigurado akong nakasakay na siya ng eroplano paalis dito sa Pinas.
Aalis sana ako nang biglang may pumagitna na itim na mga sasakyan na kinakaba ko. Damn! Ngayon pa!
Umatras atras ako para tumakbo pero napahinto ako dahil sa likod ko ay may Limang Bodyguards.
"Young Lady, sumama po kayo sa amin."
Alam ko kung sino sila dahil sila ang mga gwardya ng pamilya namin.
"Hindi na ako uuwi sa mansiong iyon."
Mission ko toh eh dapat makasurvive ako na walang tulong sa mga magulang namin.
"Princess."
Napatingin ako sa nagsalita. Bigla akong naluha.
"Kuya Ciel," masayang sabi ko at niyakap siya.
"Oh my, kailan ka pa nakauwi?"
Niyakap niya ako pabalik at pinat niya ang ulo ko.
"Ngayon lang. Kakababa ko lang ng eroplano at ang plano ko ay hahanapin kita dito para sabay tayo sa Japan at mukhang di ko na kailangan iyon dahil nandito ka na ngayon sa harapan ko."
Tinuro niya ang maletang pinapasok ng guwardya namin sa sasakyan. Kaya pala nandito ang mga gwardya ng pamilya namin. Ang timing naman eh!
"We need to go home, Princess. Lolo is dying."
Natigilan ako sa narinig. Lolo is dying? No way ang lakas pa ni Lolo!
"You're joking right?"
Nakita ko na umiling siya na nagsasabi na di siya nagsisinungaling.
"Kuya," umiiyak ako habang nakahawak sa damit niya.
Pero paano ang Hari ko. Paano kung bumalik siya at di niya ako makita?
Hindi! Babalik agad ako pag maayos na ang lahat. Kung di man ako makabalik agad ay hahanapin kita, my King.
"Let's go."
*****
LMCD22