Chapter 7- Save

1568 Words
Luxy POV* Nandito na ulit kami sa school at naglalakad pa ako sa mahabang hallway papunta sa kung saan man. Kung hinahanap niyo si Hyz ayun may ginagawang kababalaghan joke lang nasa Library siya mahilig yun sa libro. "Dalhin mo nga ito tsk," sabi ng isang babae at pinadala nito ang bag niya sa isang babaeng nakasalamin ng makapal. Ang bully naman ng babaeng yun. Lahat kaya ng estudyante dito ay pantay pantay eh bakit may .ga ganitong nangyayari. "Kung iisipin mong iligtas ang nerd na yun wag mo ng gawin dahil may karapatan ang nagmamayari sa kanya na utus utusan ang slave niya." Napatingin ako sa nagsalita. Teka sino tong lalaking toh? Di ko siya kilala pero nandito siya ngayon sa tabi ko nagsasalita. Tumingin naman ako sa paligid at wala naman akong nakikita na ibang tao na katabi ko. Ibig sabihin talaga nun ako ang kausap niya. "Di mo ko maalala? Grabe naman ilang araw na tayong magkaklase at nasa likod mo ako nakaupo. Magkaklase tayo sa Chemistry, by the way ako pala si Richard Pelongco." Inilahad niya ang kamay niya at napabuntong hininga naman ako at tumingin sa kanya at tinanggap ko iyon. "So..." Bigla niya akong inakbayan na kinagulat ko. Teka lang? Feeling close ang pangit na toh! "I'm be your tour guide and maybe your man." nakangiti niyang sabi at napakalapit pa ng mukha niya sa akin na kinatawa ko ng mahina at sanay na ako sa ganito tinulak ko ng hintuturo kong daliri ang noo niya para makalayo sa mukha ko na ang lapit lapit. "Maybe sa tour guide lang. And for your info may boyfriend na ako at 4 years na kami." Sabi ko na lang baka tigilan niya pa ako pag sinabi ko ang bagay na yun pero mukhang di pa atah effective. "Ohh. Nandito ba siya? Naaagaw nga yung mag asawa na, yun pa kayang magkasintahan pa." Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Naka shabu ba ang lalaking ito para kasing timang eh. "Jookeee! Pinapatawa lang kita. Dahil kaibigan kita libre ang fee ko sa pagtour sayo eh sa wala akong magawa at bored ang life ko ngayon kaya ililibot na kita dito." Natatawa ako sa kanya grabe as in ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki. "Oh sige, libre lang ha baka singilin mo ako mamaya at babatukan talaga kita." "So about sa nakita mo kanina. Legal ang ganun at magiging slave ka lang once may ginawa kang kasalanan na grabe at siyempre dapat support ang Student Council President doon." Napatango na lang ako. Ganun pala yun? "May expiration ba ang pagiging slave?" tanong ko sa kanya. "Hmmm... Well depende yun kay President Emperor. " Si Simon yun diba? Tumango na lang ako. Teka don't tell me siya ang Student Council President dito? "Paano kung ayaw mong maging slave may punishment ba yun? Kailangan ba talagang ipagpilitan?" Napatingin siya sa akin at tumango tango. "For that, yes, may punishment ka. Kung ayaw mong maging slave makikick out ka dito at ang mas malala ay babagsak ang negosyo ninyo at di ka na din makakapasok sa ibang school. Ganyan kalakas ang President natin." Napanganga ako as in?! Ang heartless nun! "Teka, may alam ka ba sa background ni Sim--" Agad niyang tinakpan ang bibig ko na kinakunot ng noo ko. "Hephep! Never mo siyang tawagin sa pangalan niya. Matindi ang kaparusahan kung sino man ang gagawa nun." Napalunok ako sa sinabi niya. As in? Inilayo ko ang kamay niya sa bibig ko at pinunasan ko ang bibig ko. Baka galing siya sa banyo o ano. "Ay sorry." Iniisip ko kung paano ako makakalapit kay King. Mukhang mahihirapan ako nito ha. Akala ko madali lang pero hindi pala. Forward... "Ooppss, sarrey, " natatawang sabi ng isang babae at sadyang binuhos sa akin ang malagkit na juice na hawak niya. Napatingin ako sa kanya. Teka lang bakit ako binuhusan ng babaeng yun ng Juice ng babaeng yun! "Bakit mo binuhos sa akin ang juice na toh?" ani ko sa kanya. "Trip ko lang?" nakangiting sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Trip? What the hell! Trip niyang buhusan ako ng juice! Biglang may pinakita siyang litrato sa akin. At nagulat ako dahil ako iyon at si King na buhat na buhat ako nung natapilok ako. "Malandi kang babae ka! Anong karapatan mong hawakan si Emperor! Dammit! s**t ka!" Binuhusan ulit ako ng tubig, juice at kape at tinapunan din ng spaghetti at kung ano ano pang pagkain. Kalma wag mo silang patulan, Luxy. Napakamao ako at iniinda ang mga kung ano ang tinapon sa akin. Ayokong makasakit ng mga tao. "Walang kahit sino ang hahawak sa Emperor namin!" Sisipain sana ako nung babae pero biglang bumukas ang pinto at nakatingin silang lahat sa pumasok at ako nakayuko lang narinig ko naman ang mga gulat na boses nila at tanging mga yapak ng mga sapatos ang naririnig ko ngayon. Di ko na iyon pinansin. Gusto kong makaalis sa pwestong ito. Gusto kong maligo, magbihis ng bago at natulog. "Luxy!" Natigilan ako at agad napatingin sa tumawag sa akin at nakita ko sina Hyz, Jason, Glenn, Edwin at Kinner at agad na lumapit sa akin. Hinubad ni Jason ang polo niya at pinatong niya sa balikat ko. "Teka sinong may gawa sa kanya nito," sigaw ni Kinner. Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ni Kenner at yung mga babae ay nanginginig ang mga binti nito. "Oh my Luxy! Ang lagkit mo teka sinong mga bwisit na gumawa nito sayo!" sigaw ni Hyz. Nginitian ko siya at umiling. Pinapakalma ko siya baka atakehin niya ang mga estudyante dito. High blood pa naman ang kaibigan ko. "Tayo na nga kayo kailangan ko ng shower ngayon dahil ang lagkit ko na," nakangiting sabi ko at tinulungan naman nila akong tumayo. Lalakad sana ako nang magulat ako dahil nasa harapan ko si Simon na seryosong nakatingin sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo niya bigla na kinalunok ko. Anong iniisip niya? "Take them all to the deciplinary office," walang emosyon na sinabi ni Simon na kinanginig nilang lahat. Di nila alam kung ano ang sasabihin nila pero di ko sila pinansin at bumalik ang tingin ko sa Hari ko. "You, follow me," sabi nito sabay tingin sa akin. Tumango na lang ako at napatingin ako kay Hyz na nag aalalang nakatingin sa akin. "Kita tayo mamaya," mahinang sabi ko. Tumango naman siya st sumunod na ako kay Simon. Ramdam ko atah ang lahat ng flavors ng drinks at pati nga coffee ay tinapon sa akin at mabuti di iyon masyadong mainit. Nakarating kami sa Royal Nobless building at bigla siyang pumasok sa guest room. "Dito ka na maligo at may mga extrang damit sa loob ng kabinet," sabi nito at aalis sana siya nang magsalita ako. "Teka lang." Napahinto naman siya. "Salamat sa tulong mo," sabi ko at tumango na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ko na may puso pa din ang Hari ko. Nakabihis na ako at mabuti sakto na sakto sa akin ang mga damit dito teka bakit may damit sa mga babae dito? May babae ba silang dinadala dito except sa amin ni Hyz? Di ko kakayanin kung meron man si King, baka meron nang ibang babae sa puso niya at hindi na niya ako kailangan. Ayan na naman yang pagka nega mo Luxy eh! Wala siyang ganun! Sus! Lumabas ako at hinanap ko kung nasaan si King pero di ko siya makita. "Uhmm, Emperor?" mahinang tawag ko sa kanya pero wala pa din eh. Nakarating ako sa isang kwarto may naririnig kasi akong boses eh. "Find her. Bantayan niyo gabi gabi baka babalik siya. At ituloy niyo ang new ranking sa top 10, Okey." Teka sino kaya ang hinahanap nila king? Di kaya ako? Ranking daw... it means sa Underground iyon. Bigla muling tumunog ang cellphone niya. "Hello? Yes.... I will.... I love you too... Bye." Biglang kumurot ang puso ko sa narinig. Tama ba ang narinig ko na sinabi niya talaga ang word na iyon. May iba na talaga sa buhay niya. Noon ako lang ang sinasabihan niya ng word na yun pero ngayon may iba na. Hindi na ako. Hindi na ako ang nasa puso niya at mukhang tuluyan na niya akong kinalimutan. Siguro magmomove on na ako simula ngayon hindi na ako ang priority niya at iba na. Parang no need na din i-explain ang side ko kung di na ako ang nasa puso niya. Pinunasan ko ang luha ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Gustong manghina ng tuhod ko pero kinayanan kong tumayo at napahawak ako sa dingding. Aalis na nga ako mukhang busy siya sa love life niya. Tumalikod na ako at umalis na sa lugar na yun. Ito na ang huling iyak ko sa Hari ko. Kasalanan ko ang lahat dahil inuna ko pa ang pagmamakaawa ng mga magulang ko at kung di pa ako sumama kay Kuya noon ay baka may pag asa pang magkabalikan kami ng Hari ko. "Luxy." "Ay King!!!" Agad akong napatakip ng bibig. Bakit ko yun nasabi? At nasigaw ko pa! Ano namang pake niya. That face... kakalimutan na kita. Magmomove on na ako sayo. Magpanggap ka na lang na di mo ako kilala kagaya nung unang kita natin dito sa school. Wasak na wasak na ako ngayon. Di ko na kaya, my King... ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD