CHAPTER 17 “Ate Sabel! Hintayin mo ako! Huwag mo akong iwan!” Napahagulhol ako dahil nakita ko si Ate Sabel na naglalakad palayo sa akin. Gusto ko siyang yakapin ngunit tila hindi niya ako naririnig. Mabilis ang aking naging takbo para maabutan ko siya ngunit pakiramdam ko hindi man lang ako umaalis sa aking kinatatayuan. “Ate Sabel, pakiusap hintayin mo ako!” Napaluhod ako sa lupa dahil sa tindi ng damdamin na aking nararamdaman. Bakit mo ako iniwan at Sabel? Ngunit kaagad akong napaangat ng ulo nang biglang may humawak sa aking balikat. “Ate, bumalik ka?!” Nakangiting mukha ni Ate Sabel ang aking nakikita. Inabot ko siya ngunit hindi ko man lang nagawang hawakan ang kanyang kamay. “Ate, hindi! Huwag! Dito ka lang!” Muli akong napahagulhol ng iyak nang unti-unting nawawala ang kat