CHAPTER 15 “Jared! Huwag mong gawin sa akin ‘to, please!” Napahagulhol na ako ng iyak. Natatakot ako! Ano ‘ng laban ko sa kanyang lakas? Isa lang akong mahinang babae! Tila wala man lang siyang narinig at patuloy pa rin sa paglapit sa akin. May kakaibang kislap ng kanyang mga mata na aking nakikita ngunit hindi ko nababatid kung ano iyon. Buong pagmamakaawa akong tumingin sa kanya nang hinawakan nito ang aking mukha para nagpantay ang aming paningin. Napatingala ako sa kanya. Nasasaktan ako sa kanyang ginawa pero kahit kailan hindi ko nakitaan ng awa ang mukha ni Jared bagkus mas lalo lamang itong ngumisi na tila ba tuwang-tuwa na nasasaktan ako. “Don’t be sacred. . . Stella. Sinisingil ko lang naman ang iyong kabayaran sa mga kasalanan mo sa akin!” Nakangising saad nito malapait sa