(STELLA's POV) Maayos ko munang tinupi at inilagay sa isang sulok ng kama ang polo na aking pinaghubaran na damit. Pagtapos ay agad kong isinuot muli ang aking damit na hinubad ni Jared. Hanggang ngayon hindi ko mapigilan ang pag-init ng aking magkabilang pisngi nang naalala ko na nakita na ni Jared ang aking buong katawan. Aaminin ko na nagkaroon ako ng crush sa kanya noon. Pero mas gusto ko pa rin siya maging Kuya ko. Dahil puro kami babae ni Ate Sabel. Mas masarap magkaroon ng kuya. At ngayon ay naging baliktad na ang mga pangyayari. Hindi ko lubos naisip na dumating kami sa ganitong punto. Ang dating kuya Jared na hinahangaan ko noo ay ngayon siya ang aking pakakasalan. Ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil tapos na nakita na niya ang lahat-lahat sa akin. Hindi na maib