Dahil stress ako nitong nakaraang mga araw ay naisipan kong magpa-spa. Pwede naman akong magpa-home service pero sinadya kong pumunta sa paboritong spa ni Summer. Trip kong mang-inis ngayong araw. Nagkasalubong pa kami sa hallway ng spa kaya nagkunwari akong nagulat. "Summer, you're here!" Pang-best actress ang acting ko at may patakip-takip pa ng bibig. Kapansin-pansin naman ang gulat niya at mukhang hindi niya talaga inaasahan na magkikita kami ngayon. May iilang mga tao na nasa paligid kaya agad siyang ngumiti at nagkunwaring masaya sa pagkikita namin. "My gosh! It's so nice to see you here!" Soul-sister nga yata kami sa pagiging plastic sa bawat isa. Agad siyang lumapit sa'kin at nagbeso kami for appearances. "This can be our own kind of bonding!" excited kong pahayag. "Pa