Matapos ang ilang oras sa loob ng spa kasama si Yuzef ay sa wakas naalis na lahat ng stress ko sa katawan. Magaan ang pakiramdam na lumabas ako ng spa na may ngiti sa mukha. Walang kamalay-malay ang mga nandito na ibang masahe ang na-avail kong serbisyo. Papasakay na ako sa kotse ko nang may tumawag sa pangalan ko. Bigla akong nanlamig nang makita si Kuya Grein ilang hakbang mula sa'kin. "Kuya, anong ginagawa mo rito?" medyo kinakabahan kong tanong. Hindi naman siya mahilig magpa-spa kaya nakapagatataka kung bakit siya nandito. Sunusundan niya ba ako? "Napapadaan lang ako nang matanaw kitang nanggaling diyan sa loob," nakangiti niyang sagot. "Paalis na rin ako, may kailangan ka?" Gusto ko nang umalis na rin siya bago pa sila magpang-abot ni Yuzef. Nauna lang akong lumabas sa isan