Nang magpasya akong pumasok sa loob ng bahay ay nakisabay na rin sina Kuya Grein at Britney. Inaasahan ko nang mapapagsabihan ako kaya medyo naihanda ko na ang sarili ko. Naabutan namin sina Lolo Rafael at Lolo Grace sa malawak naming sala. "Magandang gabi po" bati ko sa dalawa bago lumapit sa mga ito upang magmano. "Ikaw ang umayos sa kinasasangkutang gulo ni Venom sa mga Revira?" mahinahon pero may katigasang tanong ni Lolo Rafael pagkatapos kong magmano rito. Pasimple ko munang sinulyapan sina Venom at Blast na nakaupo sa kinauupuan ng dalawang matanda. Hindi na nakapagtataka kung bakit tahimik silang dalawa, gano'n talaga kapag si Lolo Rafael ang kaharap, biglang umaamo ang mga apong matitigas ang ulo. "Opo, Lo," magalang kong sagot sa tanong nito. "Next time na may gano'ng mga p