Hindi na rin ako nagtagal sa party at nagpaalam na akong umalis. Mabuti na lang at hindi na nag-usisa pa si Lawrence kaya hindi ko na kailangang magbigay ng dahilan
Ayoko namang sabihin na naaalibadbaran na ako sa pagmumukha ng mga tao roon. Konti na lang at tuluyan nang bibigay ang pagpipigil ko.
Nag-alok pa si Lawrence na ihatid ako pero agad akong tumanggi dahil may dala naman akong kotse, at baka hindi ko siya matantiya at tuluyan ko siyang masumbatan.
Ayoko munang gawin iyon dahil gaganti muna ako! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko upang lokohin ng ibang tao nang hindi man lang nakaganti!
May kasama akong driver kaya buong durasyon ng byahe ay nasa gagawin kong pagganti ang nasa isip ko. Gusto ko ay sabay-sabay na pagsisihan nina Lawrence, Stella, at Summer ang ginawa nilang ito. Malinaw naman kanina na may alam si Summer tungkol sa namagitan sa kapatid niya at sa pinsan ko!
Ang lalakas ng loob nilang tatlo! Siguro ay pinagtatawanan nila ako kapag nakatalikod! Pinag-uusapan siguro nila kung gaano ako ka-guillable.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang makitang papasok na ang sinasakyan ko sa Revira's Compound.
Isa itong private subdivision kung saan naninirahan ang mga kamag-anak ng Daddy ko. Pawang mga Revira lang ang nagmamay-ari ng mga naglalaking bahay na makikita sa paligid.
Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng malaki naming bahay ay hinintay ko munang pagbuksan ako ng pinto ng driver bago ako bumaba.
Mabilis akong sinalubong ng isang katulong upang bitbitin ang bag ko para sa'kin.
"Nandiyan ba si Britney?" tanong ko sa katulong at ang tinutukoy ko ay ang nakababata kong kapatid.
"Nasa kwarto niya po, Ma'am."
Hindi na ako tumugon pa at dumiretso na sa silid ng kapatid ko. Dalawa kaming babae sa limang magkakapatid at tinuturing naming best friend ang isa't isa. Hindi ako madaling magtiwala sa ibang tao kaya ang kapatid ko ang ginawa kong best friend.
Walang katok-katok akong pumasok sa silid ni Britney. Kahit maghahating-gabi na ay sigurado akong hindi pa siya tulog sa mga oras na ito. At tulad nga nang inaasahan ko ay nakaharap pa rin ito sa computer nito at busy sa paglalaro.
Ni hindi nga nito napansin ang pagpasok ko dahil nakasuot ito ng headset habang maykinakausap sa mga kalaro niya yata.
Pabagsak akong naupo sa katabi niyang upuan kaya nakuha ko ang atensiyon niya.
Saglit na pumasada sa'kin ang tingin niya bago sumenyas na tatapusin niya lang ang ginagawa niya.
Tinanguan ko lang siya bago nangalumbabang tumingin sa nilalaro niya. Hindi ko ito maintindihan dahil hindi naman ako mahilig sa kinahihiligang laro ng mga kaedaran niya.
Halos anim na taon ang agwat ng edad naming dalawa at hindi rin kami magkasunod dahil may dalawa pa akong nakababatang kapatid na lalaki bago siya isinilang. Nineteen pa lang siya habang twenty -five naman ako at twenty-nine ang panganay naming kapatid na lalaki.
Kaya ko nagagawa lahat ng gusto at hindi ko kailangang magtrabaho sa kompanya ng pamilya namin dahil nakaatang kay Kuya Grein.
"So, what's the problem?" bigla ay tanong ni Britney.
Napakurap-kurap pa ako habang nakatingin sa monitor ng computer niya. Hindi ko namalayang tapos na pala ang nilalaro niya dahil naka-on pa rin ito.
"Love life? Pera? Druga—"
Nakatikim siya nang mahinang sapok mula sa'kin kaya nabitin ang idudugtong niya pa sana.
"Nagtatanong lang," nakatawa niyang reklamo. "Masyado kasing seryoso ang mukha mo."
"Because I'm serious and very mad right now," mariin kong tugon.
"As in?" curious niyang tanong. "Bakit? May problema ba sa negosyo mo?" seryoso niyang tanong.
"Bakit tungkol agad sa negosyo ang tanong mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Dahil alam kong iyon ang pinakaimportante para sa'yo?" patanong din niyang sagot. "Alangan namang sa love life, eh boring naman iyong boyfriend mo."
"How can you say that?" kunot-noo kung tanong.
"Say what? Na iyong business ang importante sa'yo o iyong tungkol sa boring mong boyfriend?" hindi tumitinag niyang tanong.
Inabot niya ang katabing tumbler ng keyboard niya at uminom doon habang hinihintay ang sagot ko.
"The latter," tugon ko.
"Kasi nga hindi ko siya gusto para sa'yo," prangka niyang sagot. "I don't know what came into you no'ng sinagot mo iyon."
"Sana pala nakinig na lang ako sa'yo," himutok ko.
"I'm just sixteen that time, paano mo ako pakikinggan— wait! You mean ay tungkol sa boring mong boyfriend ang problema mo ngayon?" Gulantang ang mukha nitong nakatingin sa'kin.
"He's cheating on me," tiim-bagang kong pagtatapat sa kanya.
"What?" gilalas niyang usal. "T-that good for nothing bastard is cheating on you? A Revira? What the f*ck is wrong with him?"
"Language," saway ko sa pagmumura niya.
"Sorry, pero deserve niyang mamura talaga!" nangagagalaiti niyang sagot. "Imagine, nagawa ka niyang lokohin! Sino ba siya? Ang kapal ng mukha! Tell me who's the girl!"
Tiyak na madadagdagan ang panggagalaiti ni Britney kapag malaman niya. Not in good terms kasi sila ni Stella. Ewan ko ba sa kapatid kung ito kung bakit mainit ang dugo nito sa pinsan naming iyon.
Mabait naman si Britney sa mga pinsan namin sa father side at mga piling pinsan sa mother side, sadyang mainit lang ang dugo nito kay Stella.
Napapansin ko, ayaw niya kay Stella at Lawrence. Siguro ay wala siyang ideya na nase-sense niya na hindi dapat pagkatiwalaan ang mga ito at iyon ang dahilan kung bakit kahit wala namang pinapakitang masama ang dalawa ay lantaran ang pag-ayaw niya sa mga ito.
"Sabihin mo sa'kin kung sino iyong babae para sabay nating apihin," muli niyang untag sa'kin.
This is why, she's my best friend. Sa aming dalawa ay siya ang matapang at handang manugod kapag naagrabyado ako. Ako iyong ate pero siya ang protector ko laban sa kahit na sino. Maging kay Kuya Grein ay pinagtatanggol niya ako. She's the sweetest sister ever, and also my confidant.
"Kilala ko ba?" patuloy niyang tanong. "Sa totoo lang ay pabor sa'kin iyon dahil naging rason siya upang itapon mo na iyong Lawrence na iyon pero igaganti muna kita! Sana hiningi niya na lang iyong boyfriend mo, ikakarton sana natin na may kasamang bulaklak at ribbon."
"It's Stella," malumanay kong sagot.
"W-who?" natigilan niyang tanong.
"Stella, our cousin," paglilinaw ko.
Muli ay isang malutong na mura ang namutawi sa mga labi niya.
Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa mga lumalabas na mura sa bibig niya . Kapag marinig siya ni Mommy ay tiyak sasabunin siya nang sermon.
"Seryoso?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Baka nagkamali ka lang. Ayaw ko kay Ate Stella ha, pero hindi ko talaga ma-imagine na gano'n siya."
"Sana nga ay nagkamali na lang ako," nayayamot kong wika. "Pero hindi eh! Matagal na siguro nila akong niloloko!"
Huminga ako nang malalim upang pigilin ang pagkawala ng composure ko.
"But you don't look broken hearted," nagtatakang komento ni Britney.
"Why would I?" paasik kong tanong. "Mas nasira iyong tiwala ko kaysa puso ko!"
"You don't really love that loser, do you?"
Natigilan ako sa tanong, hindi sa dahil nahulaan niya ang totoo kong nararamdaman para kay Lawrence kundi dahil naalala ko si Yusef Fuentez dahil sa pagtawag niyang loser sa boyfriend ko.
"Kawawa naman pala si Lawrence sa'yo kaya naghanap nang ibang magmamahal sa kanya," nakataas ang kilay na dagdag niya.
"Kanino ka ba kumakampi? Sa akin na kapatid mo o sa manlolokong iyon?" pasinghal kong tanong sa kanya.
"Chill..." natatawa niyang sabi sa'kin. "Syempre sa'yo ako kakampi. Sisters... and best friends, right?" Tinuro niya pa ang ako at ang sarili niya habang matamis na nakangiti sa'kin.
"Kahit may pagkukulang ka kaya nagawa iyon ni Kuya Lawrence ay sa'yo pa rin ako kakampi," seryoso niyang pahayag.
Hindi nagbabago ang masama kong tingin na nakapukol sa kanya kaya napakamot siya ng ulo.
"Kahit gano'n naman ay hindi pa rin dahilan iyon para lokohin ka niya," dagdag niya. Tumango-tango pa siya na para bang kinukumbinsi akong sa akin siya kumakampi. "Walang excuse sa pagiging cheater," pinal niyang pahayag.
"Kaya dapat ay makaganti ako sa kanya," matigas kong bulalas.
"Hiwalayan mo na agad," suhestiyon niya sa'kin. "Kahit naman masyadong cold iyong pakikitungo mo sa isang iyon ay halata namang malaki ang gusto ni'yon sa'yo. Iyon nga lang naghanap ng magpapainit sa kanya kasi cold iyong girlfriend — pero kasalanan niya talaga iyon! Tama, manloloko talaga iyong loser na iyon!"
Kailangan ko pa talaga siya tingnan nang masama upang tumigil na siya sa pasimple niyang pagbunyag sa mga pagkukulang ko sa relasyon namin ni Lawrence.
"Gusto ko muna silang gantihan bago ko siya hihiwalayan," paingos kong wika.
"Kung gusto mo ako na ang bahalang sasabunot sa buhok ni Ate Stella," presenta niya. "Nag-masteral ako sa sabunutan no'ng elementary at high-school ako," pagyayabang pa nito.
Sa aming magkakapatid ay ito ang palaging nasasangkot sa gulo sa paaralan at kahit nga ngayong nasa kolehiyo na ito ay pasaway pa rin ito.
"Bilang nakatatanda mong kapatid ay tuturuan sana kitang gumalang sa nakakatanda mong pinsan pero may atraso sa'kin iyon kaya wala na akong pakialam. Iyon nga lang, ayoko silang saktan physically, gusto kong maramdaman nila ay iyong emotional na sakit na tiyak na magtatagal!"
Gusto ko iyong hinding-hindi nila makakalimutan at pagsisisihan talaga nila ang panloloko sa'kin.
"Isumbong mo si Ate Stella sa mommy niya," suhestiyon niya. "At pasimple mong siraan si Kuya Lawrence sa mga investor niya. Kaya lang naman dumarami ang nagtitiwala sa kanya dahil sa koneksiyon niya sa pamilya natin. Tapos nagawa ka pa niyang lokohin? Ang kapal!"
"Pero tiyak na tutulungan siya ni Summer lalo na at ikakasal na iyon sa isa sa mga Fuentez," napasimangot kong sabi.
"Paano kaya nabingwit ni Summer iyong si Yusef Fuentez?" bigla ay interesadong tanong ni Britney.
"Kilala mo iyong Yusef?" nagtataka kong tanong.
"Oo namam," maagap niyang sagot. "Bukambibig iyon ng mga kaklase kong babae. Ang daming naghahabol doon pero bumagsak lang sa isang Summer Javier na suki sa mga beauty clinic."
Mabuti pa itong kapatid ko at updated sa buhay ni Yusef Fuentez. Pero ako ay kanina lang talaga ito nakilala.
"Alam mo, Ate, mas maganda talaga kapag agawin mo iyong Yusef kay Summer, tiyak iyak ang babaeng iyon at makaganti ka pa kay Kuya Lawrence tapos hiwalayan mo rin agad kapag in love na sa'yo para marami silang miserable!" nangingislap ang mga matang suhestiyon ulit sa'kin ni Britney.
"A-ako?" maang kong tinuro ang sarili. "Aagawin iyong Yusef Fuentez na fiancee ni Summer?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo, niloko ka 'di ba? Eh, 'di manloko ka rin, mang-agaw ka at sabay-sabay mo silang paiyakin!" parang kontrabida niyang udyok sa'kin.
"Fuentez iyon, Britney, baka nakalimutan mo," paalala ko sa kanya.
"Revira ka, Ate, baka ikaw ang nakalimot? Kayang-kaya mong paikutin ang Fuentez na iyon," sabi niya sa'kin na may kasama pang kumpas ng kamay niya.
Napaisip ako sa gusto niyang mangyari. Kung iyon ang gagawin ko ay tiyak na mawawala lahat ng yabang ni Summer. Ewan ko na lang kung hindi ito magbibigti kapag iniwanan ng fiance niya. At si Lawrence naman ay siguradong sampal sa mukha niya ang ipagpalit ko siya sa pakakasalan ng kapatid niya at kaaaway pa mismo ng pamilya namin.
Hindi nga lang ako sure sa magiging reaksiyon ng pamilya ko sa bagay na iyon pero wala naman sigurong mawawala dahil sa bandang huli ay iiwanan ko rin naman si Yusef at balik na naman kami sa pagiging magkaaway.
"Ano? Gagawin mo na?" untag ni Britney sa pananahimik ko.
"Paano kung papalpak tayo?" bigla kong naisip itanong.
"Paanong papalpak?" nagtataka niyang balik-tanong. "Papalpak lang ang plano kung hindi ka magtatagumpay sa pag-agaw roon sa Yusef sa kapatid ni Kuya Lawrence. Kayang-kaya mo naman iyon, mas maganda ka pa kaysa kay Summer 'no! Tsaka mga katulad mo ang type ni Yusef Fuentez."
"Paano mo nalaman ang type niya?" kunot-noo kong tanong.
"Syempre galing sa mga kaibigan ko," natatawa niyang sagot. "Mestiza beauty, pang-beauty queen ang tangkad, sexy, malaki ang boobs, at... kailangan mo lang sigurong ngumiti minsan, para hindi ka magmumukhang istriktang principal." Sinundan niya iyon nang bahagyang pagngiwi habang hinawakan ang magkabilang gilid ng labi ko upang banatin para ngumiti.
Naiinis kong winaksi ang kamay niya at siniringan siya ng mga mata.
"Kaya mo bang mang-akit sa lagay na iyan?" tila ay problemado niyang bulalas habang nagtaas-baba ang paningin sa'kin. "Mas pwede ka pang manakot! Kaya siguro walang gaanong naglakas-loob na manligaw sa'yo kahit maganda ka naman dahil nai-intimidate sa'yo."
"Britney!" nagbabanta kong sambit sa pangalan niya.
"Sorry na, nagsasabi lang ako ng totoo," nakanguso niyang sagot. "At tsaka para lang din sa'yo iyang mga sinabi ko. Para sure ball na maisasakatuparan natin ang pagganti mo! Ang galing ko noh?"
Parang gusto ko tuloy pagsisihan kung bakit nag-open-up pa ako sa kanya. Heto tuloy at mukhang mapapasubo ako sa kalokohan niyang suhestiyon.
Pero hindi ko maitatangging maganda ang suhestiyon niya at kung magagawa ko nang maayos ay tiyak na tagumpay ang plano kong pagganti.